Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO

Learning Area
School Grade Level SIX
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area FILIPINO
Teaching Date Quarter FOURTH/M4
LESSON
EXEMPLAR Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;


A. nakapagpapahayag ng sariling opinyon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan.
B. nakasasagot nang wasto ang mga nakalaang mga tanong o
pagsasanay upang mas lalong maging ganap ang pag-aaral sa aralin.
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas,


Pagganap reader’s theatre o dula-dulaan

C. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang


Pinakamahalagang napakinggang balita isyu o usapan
Kasanayan sa
Pagkatuto F6PS-IVc-1
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagpapahayag ng Sariling Opinyon sa
Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 168
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK


(Panimula)

Ngayong handa ka na sa ating pag-aaral, basahin mo at unawain


ang nilalaman ng balita.
K-12 Graduates Gawing COVID Contact Tracers
Iginiit ni Sen. Win Gatchalian sa gobyerno na sanayin at kunin na
contact tracers ang mga K to 12 graduates para sa paglaban sa
COVID-19.
Iginiit ni Gatchalian, na mas mapapabilis ang pag-isolate sa mga
carrier ng virus lalo na ngayong lumuwag ang lockdown kung
kukunin ang mga bagong graduates ng K to 12. Bukod dito,
magiging oportunidad din umano ito para magkaroon na sila ng mga
trabaho. Matatandaan na noong Mayo, inanunsiyo ng Department of
Health ( DOH ) na nangangailangan sila ng 94,000 contact tracers
para matugunan ang ideal ratio na isa kada 800 katao.
Bagama`t nire-require ng DOH na ang contact tracer ay dapat
graduate ng isang katulad na medical course, umapela naman si
Gatchalian na maging flexible para i-accommodate ang K12
graduates at tularan ang Estados Unidos na ang mga contact tracers
ay hindi naman college degree holders.
Sa ganitong paraan umano ay mabibigyan na ng trabaho ang mga
kabataan na vulnerable ngayon at mapipigilan na rin ang pagkalat ng
virus sa bansa.

Mga Tanong:
1. Ano ang iginiit ni Sen. Win Gatchalian sa gobyerno?

_______________________________________________________
_____________
2. Bakit magiging oportunidad ng K12 graduates ang layuning ito ni
Sen. Gatchalian?

_______________________________________________________
_____________
3. Ano ang inianunsyo ng Department of Health (DOH) noong
nakaraang Mayo para sa problemang ito ng bansa?

_______________________________________________________
_____________
4. Sa iyong palagay, tama ba ang hakbang na iginiit ni Sen.
Gatchalian upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa?

_______________________________________________________
_____________
BALIK-ARAL

Ngayon, bibigyan kita ng pagkakataon na sagutan ang pagsasanay at


alamin kung may natutunan kayo sa nakaraang aralin. Basahing
mabuti ang panuto.
Panuto: Basahin mo ang lipon ng mga salita. Bilugan ang
salitang hindi kaugnay ng ibang salita sa pangkat.

1. ama ina ate kapitbahay


2. awit tula adhikain talumpati
3. madilim umaga maulan maaraw
4. guro mag-aaral kwaderno punongguro
5. pagsulat pagbigkas pagbabago pagsasalita

ARALIN

HEALTH INTEGRATION
Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang sagutin
ninyo ang mga sumusunod na katanungan.
- Mahalaga ba sa iyo ang pagkakaroon ng malusog na
pangangatawan?
- Ano ang dapat nating gawin upang makaiwas sa paglaganap ng
covid19 na ating kalaban sa kasalukuyan?

Pakinggang mabuti at unawain ang isang napapanahong isyu tungkol


sa mga dapat gawin dahil sa kasalukuyang krisis na ating
kinakaharap ngayon. Handa ka na ba?
Pagpabor ni Duterte sa 1 Meter Distancing, Ibinatay sa Pag-
aaral - DOH
Ibinatay umano sa resulta ng mga scientific studies ang pasya
ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang isang metrong
distansiya sa mga pasahero sa pampublikong mga sasakyan.
Ito ang binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario
Vergeire na sinabing batay sa local nap ag-aaral, nasa 67 percent ang
tsansang makaiwas sa sakit kung gagamit ng face mask.
Kung gagamit pa ang tao ng face shield at susunod sa physical
distancing na isang metro ay aakyat ang proteksyon nito sa 99
percent.
Iginiit ni Vergeire na kailangan ay samasamang sundin ang lahat ng
protocols na ito kasama ang paghuhugas ng kamay para maiwasan
ang sakit.
Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na
kasabay ng pagpapatupad ng isang metrong physical distancing sa
mga pampublikong sasakyan, kailangan ay naka-face mask at face
shield ang pasahero at bawal kumain at magsalita sa loob ng
sasakyan.
Naunawaan mo ba ang balita? Sagutin mo ang inihanda kong gawain
upang malaman kung gaano mo naunawaan ang mga kaalamang
aking inilahad.
1. Ano ang nais panatilihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na
gagawin ng mga pasahero?
2. Ilang porsiyento ang tsansang makaiiwas sa sakit kung gagamit ng
face mask ang mga pasahero?

3. Kung ang lahat ng tao ay gagamit at susundin ang lahat ng mga


ipinapatupad ng mga eksperto, ano sa palagay mo ang magiging
resulta nito?
4. Sa iyong palagay, malaki ba ang pag-asang makaiiwas tayo sa
paglaganap ng covid 19 sa bansa kung ang pagpabor ni Pangulong
Duterte sa 1 meter distancing ay susundin? Magbigay ka ng sariling
opinyon mo tungkol sa isyung ito?
Ngayon, ating suriin ang inyong napakinggan, ano ang masasabi mo
tungkol dito?
Ano ang opinyon? Ito ba ay mula sa personal na pahayag lamang?
Kung ang pahayag ay mula sa personal na kuro-kuro o palagay,
naiuugnay sa sariling karanasan o nalalaman na maaaring hindi
katulad ng sa ibang tao , walang basehan at hindi napatunayang
totoo, ito ay isang opinyon.
Sa pagpapahayag ng opinyon, makabubuti kung tayo ay may sapat na
kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-
timbang ang mga bagay. Ang bawat tao ay may sari-sariling palagay
kaya dapat nating igalang sapagkat para sa kanya, ito ang tama.
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay o pagpapahayag ng
opinyon?
Sa pagpapahayag ng opinyon, dapat nating tandaan ang mga
sumusunod:
• • Pagiging makatotohanan
• • Paggamit ng magagalang na salita
• • Pagtanggap sa opinyon ng iba, sapagkat lahat ng opinyon ay
tama
• • Paggalang sa opinyon ng iba upang igalang ka rin ng iba
• • Paggamit ng mga salitang sa aking palagay/opinyon, sa
nakikita ko, kung ako ang tatanungin at iba pang mga kauring
salita.

B. Development
(Pagpapaunlad)
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Pakinggang mabuti ang balitang babasahin ko. Sagutin
ang pagsasanay sa ibaba ng balita.
12.9 Bilyon Kailangan sa Pagbili ng COVID19 Vaccines
Nangangailangan ang pamahalaan ng P12.9 bilyon para sa pagbili ng
bakuna laban sa COVID19, ayon sa Department of Health . Sinabi ni
DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa deliberasyon ng House
Committee on Appropriations sa P203.1 bilyong panukalang pondo
ng DOH sa 2021 na target nilang mabakunahan ang 20 milyong
Pilipino na kabilang sa vulnerable sectors gaya ng medical
frontliners, Barangay Health Workers, indigent group tulad ng mga
senior citizens, maysakit at maging ang mga Person With Disabilities
(PWDs).
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga suppliers na
posibleng magbenta ng vaccines sa Pilipinas sa oras na makapasa na
ito sa regulatory standard ng Food and Drug Administration (FDA).
Nabatid na ang clinical trials ng World Health Organization sa
COVID vaccines ay isasagawa sa Pilipinas sa katapusan ng Oktubre
kung saan puwede itong tumagal ng hanggang 6 na buwan.
PANUTO: Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek
( / ) kung angkop na opinyon at ( X ) kung hindi angkop ayon sa
balitang napakinggan.
_________ 1. Ang P12.9 bilyong piso para sa pagbili ng bakuna
laban sa COVID19 ay sapat na para sa mga mamamayang Pilipino.
________ 2. Naniniwala ako na ginagawa naman ng pamahalaan ang
lahat ng makakaya upang masugpo ang pagkalat ng virus.
_________ 3. Ang hindi pagsunod sa mga tuntunin upang labanan
ang virus ay makabubuti sa mga tao.
_________ 4. Sa aking palagay, magiging matagumpay ang patuloy
na makikipag-ugnayan ng DOH sa mga suppliers na posibleng
magbenta ng bakuna sa Pilipinas.
_________ 5. Maliligtas ang mga tao kahit walang bakuna .
PAGSASANAY 2
Panuto: Makinig na mabuti sa isyung aking babasahin.
Humanda ka sa pagsagot sa mga pagsasanay pagkatapos nito.
Online Classes: Epektibo nga ba Para Matuloy ang Pasukan?
Sabi nga nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi
mananakaw ninuman kaya`t kailangang pahalagahan. Paulit-ulit man
nating naririnig ang salawikaing ito, hindi pa rin maikakaila ang
katotohanang taglay nito. Ngunit sa panahon ng pandemyang ito,
paano kung hindi na lamang edukasyon ang nagbabadyang mawala
sa atin kundi maging ang sarili nating kaligtasan laban sa virus.
Umani ng samu`t saring reaksyon at opinyon ang mga pahayag ng
Pangulong Duterte matapos niyang sabihing hindi siya pabor rito at
kailangang unahin muna raw ang bakuna bago ibalik ang klase.
Bilang bahagi ng tinatawag na “ new normal ” sa sistema ng
edukasyon sa bansa, ang online education ang nakikitang daan para
maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na pasukan. Humaba
ang usapin patungkol dito at nahahati ang mga pananaw kung ano ng
aba ang dapat gawin.
Handa na nga ba ang Pilipinas sa Sistema ng online education?
Epektibo nga ba ang paraang ito para masolusyunan ang mga
suliraning kinakaharap nito?
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang
OO kung sumasang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at HINDI
kung hindi ka sumasang-ayon.
_____ 1. Sabi nga nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na
hindi
mananakaw ninuman.
_____ 2. Sa nakikita ko, hindi na lamang edukasyon ang
nagbabadyang mawala sa atin kundi maging ang sarili nating
kaligtasan laban sa virus.
_____ 3. Kailangang unahin muna raw ang bakuna bago ibalik ang
klase, ayon sa pangulo.
_____ 4. Walang magaganap na pag-aaral sa panahon ng pandemya.
_____ 5. Makabubuting maging handa sa bagong Sistema ng
edukasyon kahit sa panahong laganap ang pandemya sa buong
mundo.
PAGSASANAY 3
Ngayon, kaya mo bang ibigay ang iyong sariling opinyon sa
mapapakinggan mong balita.
MAYNILA – Patuloy na dinedepensahan ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrobersyal
nilang proyekto sa
Manila Bay, sa kabila ng kaliwa`t kanang batikos dito mula sa mga
eksperto.
Dinurog na dolomite rock ang ginamit bilang artificial white sand na
itinatambak ngayon sa Manila Bay, na bahagi ng P389 milyon na
beach nourishment project ng DENR.
Pero sabi ng ahensiya, P28 milyon pa lang ang nagagasta nila dito.
Dagdag pa nila, “ ligtas” ang dolomite sand sa kalusugan, kahit pa
sinabi ng Department of Health na posibleng may negatibong epekto
ito sa kalusugan.
(ABS CBN TV PATROL)
Panuto: Gamit ang mga sumusunod na salita, magbigay ng
sariling opinyon tungkol sa napakinggang balita.
1. Sa aking palagay, _____________________________________ .
2. Sa nakikita ko, _______________________________________ .
3. Kung ako ang tatanungin, ____________________________ .
4. Para sa akin, _________________________________________ .
5. Sa ganang akin, ______________________________________

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang bawat patlang ng mga natutunan mo sa
C. Engagement
(Pagpapalihan)
araling ito upang mabuo ang talata.
Kung ang pahayag ay mula sa personal na kuro-kuro o palagay,
naiuugnay sa sariling karanasan o nalalaman na maaaring hindi
katulad ng sa ibang tao , walang basehan at hindi napatunayang
totoo, ito ay isang _____________.
Ang mga salitang sa ______________, sa __________,
____________ ang ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon.
Ang paggalang sa opinyon ng iba ay kailangan din upang _________
ka rin nila.

PAGPAPAHALAGA
May natutuhan ka bang mabuting aral sa araw na ito? Ano-anong
magagandang aral ang natutunan mo?
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo
ang pangungusap.
1. Panatilihin ang isang _____________ sa mga pasahero sa
pampublikong mga sasakyan.

2. Nasa 67 percent ang tsansang makaiwas sa sakit kung gagamit ng


___________.
3. Kailangan ay samasamang sundin ang lahat ng protocols na ito
kasama na ang ____________ ng kamay para makaiwas sa sakit.

4-5. Ang pasahero ay bawal ________at ____________ sa loob ng


sasakyan.
D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat)
Panuto: Pakinggan mo ang isyu tungkol sa epekto at
sintomas ng Stress at subukan mong sagutin ang pagsasanay
sa ibaba nito.
Epekto at Sintomas ng Stress
Hindi sakit ang stress. Ito ay isa lamang reaksyon ng katawan sa
mga sitwasyon na tinataya nitong harmful o delikado para sa
kapakanan ng bawat isa. Maaaring ang mga “threat” na ito ay
totoo o nasa isip lamang. Kapag naramdaman na ang ganitong
pagkabahala, nagkakaroon ng chemical reaction sa katawan na
tumutulong para kumilos sa paraang malayo sa kapahamakan.
Tinatawag itong fight-or-flight o stress response.
Ano ang nangyayari sa katawan kapag nakakaramdam ng
stress?
Kapag ang katawan ay nasa stress response, tumataas ang bilis
ng pagtibok ng puso. Kasabay din nito ang pagbilis ng
paghinga, pagtatag at paghigpit ng mga kalamnan at pagtaas ng
blood pressure.

Nakatutulong ang mga ito para magawa ng katawan ang


solusyon na nasa isip at maiiwas ang tao sa anumang uri ng
panganib.
Dahil ang mga pangyayaring ito ay hindi napapansin at internal
lamang, mahirap matukoy kung stress na nga ba ang
nararanasan ng isang tao. Maaari nitong maapektuhan ang
emosyon, pag-uugali, pag-iisip at maging kalusugang-pisikal.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat sa patlang ang TAMA kung angkop ang opinyon
batay sa isyung iyong napakinggan at MALI kung hindi
angkop. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
________ 1. Ayon sa pahayag, ang stress ay isa lamang
reaksyon ng katawan sa mga sitwasyon na tinataya nitong
harmful o delikado.
________ 2. Maaaring ang mga “threat” na ito ay totoo o nasa
isip lamang.
________ 3. Ang stress ay isang sakit.
________ 4. Kapag ang katawan ay nasa stress response,
tumataas ang bilis ng pagtibok ng puso.
_________ 5. Ayon sa balita, kapag daw nakaramdam ng
ganitong sitwasyon, huwag pansinin ito.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like