Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Yamang Tao sa Asya

Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig. Ito ay isa sa mga suliraning kinakaharap
ng ilang mga bansa sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Ayon sa ulat ng United States
Census Bureau tinatayang ang kabuuang bilang ng populasyon ng daigdig ay umaabot
sa 7.005 bilyon. Sinasabi sa ulat na 60 bahagdan ng kabuuang populasyon sa daigdig
ay nanggaling sa Asya. Patunay dito ay ang dalawang bansa na may pinakamalaking
populasyon na matatagpuan sa Asya-
Kaya mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga bansa
sa Asya. Sa pag-aaral na gagawin kinakailangang mabigyang kahulugan ang
pangunahing salita na karaniwang ginagamit sa pagtataya ng implikasyon ng
populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar gaya ng sumusunod:

 Populasyon – tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa;


 Population Growth Rate- bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat
taon;
 Life Expectancy- inaasahang haba ng buhay ng isang tao;
 Gross Domestic Product (GDP)- ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa
loob ng isang taon;
 GDP per capital- kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang
kaniyang panahanan. Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang GDP
ng bansa sa dami ng mamamayang naninirahan dito;
 Unemployment Rate- tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay
o pinagkakakitaan;
 Literacy Rate- tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at
sumulat;
 Migrasyon- pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
 Philippine Statistics Authority- Ang ahensya na nagtatala ng mga information sa
isang tao pagkapanganak nito. Ang PSA ay itinatag sa bisa ng Batas Republika Bilang
10625 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong Setyembre 12, 2013
bilang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na nagkokoordina ng mga patakaran sa
larangan ng estadistika sa Pilipinas.
 Komposisyon ng Populasyon- ay tumutukoy sa takdang bilang o bahagdan ng mga
tao sa loob ng isang bansa batay sa gulang, kasarian, literasiya, at iba pang elemento
ng populasyon.
 Demographic Map- ang mapang demograpik ay nagpapakita ng populasyon sa bawat
rehiyon.
 Census- ang census ay isang pagbibilang na isinasagawa ng pamahalaan sa bawat
taong nakatira sa isang lugar.
 Migration o Migrasyon- ay ang paglipat ng isang tao o mga tao mula sa isang bansa,
lokalidad, o bansa., o tirahan patungo sa ibang lugar upang doon manirahan o
mamalagi. Ito ay karaniwang tumutukoy sa paglipat sa malayong dako gaya ng ibang
probinsiya, rehiyon. 
 Population Density- Ang densidad ng populasyon, na ipinahayag sa bilang ng mga
permanenteng residente sa bawat kilometrong kilometro ng teritoryo, ay tinatawag na
densidad ng populasyon. Mayroong iba't ibang mga tagapagpahiwatig ng nayon,
lungsod, rehiyon, bansa.

You might also like