Professional Documents
Culture Documents
Message For Moving Up Ceremony Kindergarten
Message For Moving Up Ceremony Kindergarten
Message For Moving Up Ceremony Kindergarten
Department of Education
REGION VIII - EASTERN VISAYAS
MESSAGE
Ang inyong pagtatapos ay hindi lamang isang ordinaryong selebrasyon, kundI sagisag
din ng determinasyon at tapang ng mga Pilipinong Mag-aaral na hinubog ng matatag na
sistema ng edukasyon na tumutugon sa mga pagbabago ng panahon.
Ang ating mga mag-aaral ay nagpakita ng pagsisikap, dedikasyon, at pagpupunyagi
upang makamit ang kanilang mga pangarap. Sa kabila ng mga pagsubok at mga balakid, sila ay
nagpatuloy sa kanilang pag-aaral at naging modelo ng katatagan at determinasyon.
Sa pagkakaroon natin ng komprehensibong K to 12 Program, natitiyak natin na ang bawat
mag-aaral ay nabibigyan ng sapat at dekalidad na kaalaman at kakayahan upang harapin ang
mga hamon ng mundong kanilang tatahakin.
Sa araw na ito, ating ipinagmamalaki ang bawat tagumpay ng ating mga mag-aaral sa
Kindergarten. Ang kanilang mga adhikain, kahusayan, at potensyal ay naglalarawan ng matatag
na pundasyon ng edukasyon na nagpupunyagi sa gitna ng mga hamon.
Sa mga mag-aaral, patuloy ninyong ipamalas ang inyong galing at husay sa susunod na
mga yugto ng inyong pag-aaral. Mahalagang gamitin ang mga natutunan ninyo upang makamit
ang inyong mga pangarap at maging kapaki-pakinabang sa ating lipunan.
Sa mga guro, saludo ako sa inyong dedikasyon at sakripisyo upang mabigyan ng tamang
gabay at edukasyon ang ating mga mag-aaral. Patuloy ninyong linangin ang inyong kagalingan
sa pagtuturo at itaguyod ang matatag na edukasyon.
Sa ating mga magulang at mga kapwa opisyales ng paaralan, tayo ay patuloy na
magsisilbing mga tagasuporta at gabay sa ating mga mag-aaral. Ang ating pagkakaisa at
kooperasyon ang susi sa patuloy na pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Muli, malugod ko kayong binabati sa inyong pagtatapos sa Kindergarten. Mabuhay ang
mga Pilipinong mag-aaral na hinubog ng matatag na edukasyon!