Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Science 3

Science – Ikatlong Baitang


Unang Markahan – Modyul 12: Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter
Unang Edisyon, 2020 – Liquid to Gas –

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Nemia S. Sadicon at Marites R. Borras
Editor: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez
Tagaguhit:
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Science 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto - 12
Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter – Liquid to Gas
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Science - III ng Modyul para sa
araling Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter – Liquid na Nagiging Gas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Science - III Modyul ukol sa Mga Pagbabagong


Nagaganap sa Matter – Liquid na Nagiging Gas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa araling ito, mauunawaan natin ang pagbabagong


magaganap sa mga bagay sa kapaligiran partikular ang anyong
matter na liquid na nagiging gas. Kaugnay ng mga nagdaang
aralin, tutuklasin natin ang mga pagbabagong nagaganap sa
liquid na nagiging gas. Sa modyul na ito, aalamin natin ang mga
pagbabagong ito.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan
ka nang:

1. matukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa liquid


bago at pagkatapos mainitan;
2. matukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa liquid
bago at pagkatapos iwan sa isang silid;
3. mailarawan ang mga pagbabagong nagaganap sa liquid
na nagiging gas; at
4. magpahalaga sa mga pagbabagong nagaganap sa mga
bagay sa paraan ng pamumuhay at sa kapaligiran.

PAUNANG PAGSUBOK
Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito, sagutin
muna ang sumusunod na pagsubok upang malaman kung
gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol sa paksa ng modyul
na ito.
Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa paraan ng pagbabagong naganap
sa anyo ng matter mula sa liquid papuntang gas?
A. freezing C. melting
B. evaporation D. solidification
2. Matapos mailagay ang tubig sa takuri at isalang sa apoy
hanggang kumulo, ano ang maoobserbahan mo?
A. matutunaw ang takuri C. mabubuo ang tubig
B. may maputing vapor D. may usok na maitim

3. Ang buong pamilya mo ay maingat sa kalusugan at


palaging naglalagay ng alkohol sa mga kamay sa tuwing
may mga bagay na nahahawakan na maaaring may
mikrobyo. Ano ang napapansin mo sa iyong kamay na
inalkoholan makalipas ng ilang segundo?
A. namumuo B. natutuyo C. namumuti D. nag-iinit
4. Tumulong ka kay nanay sa pagluluto. Ikaw ang nagsaing
ng bigas, ano ang karaniwang kapansin-pansin sa iyong
isinaing?
A. Kumulo ang sinaing na bigas, dumami ang tubig at
naging lugaw na ito.
B. Kumulo ang sinaing na bigas, dumami ang tubig at
naging kanin na ito.
C. Kumulo ang sinaing na bigas, nawala ang bigas at
naging tubig na ito.
D. Kumulo ang sinaing na bigas, nawala ang tubig at
naging kanin na ito.

5. Paano mo ilalarawan ang pagbabagong magaganap kung


iniwan mo sa mesa ng walang takip ang isang bote ng
mantika at isang bote ng acetone ng isang araw na may
parehong dami?
A. Mabubuo ang mantika at sisingaw ang asetona.
B. Mananatili ang dami ng mantika samantalang
sisingaw at matutuyo ang asetona.
C. Mabubuo ang mantika at ang asetona.
D. Parehong sisingaw at matutuyo ang acetone at
mantika.
BALIK-ARAL

Matapos nating matalakay ang aralin tungkol


pagbabagong nagaganap sa anyo ng matter. Gawin natin ang
sumusunod. Basahing mabuti ang panuto.
Panuto: Kulayan ng dilaw ang araw kung ang materyal ay
nagiging liquid kapag nainitan at kulayan ng bughaw ang snow
flakes kung ang liquid na materyal ay naging solid kapag
nalamigan.

1. 2.

3. 4.

5. 6.

7. 8.

9. 10.

ARALIN

Naranasan mo na bang makaiwan ng platitong patis o toyo


sa mesa sa buong magdamag? Ano ang napansin mo ano ang
napansin mo kinabukasan?

Figure 1. Patis sa platitong nasa mesa buong magdamag.


Nabawasan ang dami ng patis at may maliliit na butil na
parang kystal na namuo. Bakit kaya? Ang obserbasyon na iyan ay
dahil sa evaporation.

Pagmasdan ang larawan. Pag- isipang mabuti ang


mangyayari sa asetona at alkohol.

Figure 2. Ang asetona at alkohol ay iniwang nakabukas

Masdan ang Figure 2, batay sa inyong karanasanan, ano


ang nangyayari sa asetona at alkohol kapag naiwan ang mga
itong nakabukas o walang takip? Kapag naiwan ang asetona at
alkohol na nakabukas sa loob ng maghapon at magdamag, ito
ay sisingaw at matutuyo. Ang pagbabagong naganap sa anyo
ng matter na liquid na naging gas ay tinatawag na evaporation.
Ang evaporation ay ang paraan kung saan ang mga liquid ay
nagiging gas dahil sa pagbabago ng temperatura. Iba-iba ang
bilis ng pagkatuyo ng mga liquid para maging gas.

Figure 3. Bahagi ng Ilog Pasig


Napansin ba ninyo ang Ilog Pasig tuwing tag-init? Ano ang
naobserbahan ninyo? Tuwing tag-init, ang Ilog Pasig ay
bumababaw, nababawasan ang tubig at natutuyo ang mga
water lily. Ang unti-unting pagkatuyo ng ilog ay dahil sa tindi ng
sikat ng araw tuwing tag-init at ito ang nagiging dahilan para
magkaroon ng evaporation. Ang tubig ay nagiging gas o water
vapor dahil sa init ng araw. Madalas, hindi natin ito nakikita dahil
ang water vapor ay ang anyo ng matter na gas.
Ang tubig, suka, toyo, patis, at gatas ay maaring maging
gas kapag isinalang ito sa apoy at kumulo. Ang init ang dahilan
para magkaroon ang mga ito ng evaporation. Ang init ng apoy
ang dahilan ng nakikita nating mala-usok na vapor kapag
kumukulo ang ating mga niluluto. Ang init ng araw naman ang
dahilan nang pagkatuyo ng mga katubigan sa ating paligid.
Ang ilan pa sa mga halimbawa ng evaporation ay kapag
kumulo ang tubig sa takuri o sa kaldero, ito ay nagkakaroon ng
usok na tinatawag na vapor. Ang pagsasampay ng mga
nilabhang damit sa ilalim ng araw, habang natutuyo ang mga ito,
ang tubig sa damit ay nagiging vapor. Tumingin-tingin ka lang sa
iyong kapaligiran at marami ka pang makikitang halimbawa ng
evaporation.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Tukuyin kung ang naganap na pagbabago sa mga


bagay o materyal ay EVAPORATION. Kulayan ng pula ang
thermometer kung ang gawain o pangyayari ay nagpapakita ng
evaporation.
1. pag-blower ng basang 2. paglalaba ng damit
buhok

3. pagliligpit ng higaan 4. pagpapatuyo ng


kamay sa hand dryer

5. paggawa ng asin 6. pagdidilig ng


mula sa tubig dagat halaman

7. pagkatuyo ng mga 8. paglalampaso ng


anyong tubig sahig

9. panonood ng balita 10. pagplantsa ng


sa telebisyon basang damit

Gawain2: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng halimbawa ng


Evaporation sa inyong tahanan at paligid. Kulayan ito at ilarawan
ang naganap na pagbabago sa liquid na naging gas sa loob ng
3-5 pangungusap.

OBRA # 3 NI JUAN/JUANA
(Palitan ng iyong pangalan)
Gawain 3: Tumingin-tingin sa iyong paligid. Maglista ng mga
halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng evaporation o na
ang liquid ay naging gas.
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto: Kumpletuhin natin ang mga pangungusap upang


maibuod ang konsepto ng aralin para sa araw na ito.

evaporation vapor init liquid lamig gas

Sa araw na ito, natutunan ko na ang pagbabagong nagaganap


sa __________ na nagiging __________ ay tinatawag na __________.
Ang temperatura partikular ang __________ ay ang sanhi upang
magkaroon ng __________. Ang liquid ay sumisingaw at natutuyo
at nagiging gas.

PAGPAPAHALAGA

Isa sa pinakamahalaga at makasaysayang bahagi ng


Lungsod ng Pasig ay ang maalamat na Ilog ng Pasig. Dito
nagsimula ang mga pamilihan at komunidad noong panahon
1573. Kasama sa ating kultura, ang ipinagdiriwang natin tuwing
ika-2 ng buwan ng Hulyo, ito ang Araw ng Pasig. Sa taong ito, ika-
447 taon na ang ating pagdiriwang. Naalala mo pa ba ang mga
kaganapan tuwing araw na ito? Magarbong pagdiriwang ito at
iba’t ibang tema ang paggunita dito. Ang Araw ng Pasig ang
nagpapatibay na isa sa mga naunang mahalagang bahagi ng
ating pamumuhay ay ang Ilog Pasig.
May mga pagkakataong kulay kayumanggi ang tubig nito
at ang mga halaman dito lalo na tuwing tag-araw. Natutuyo ang
ilog at bumababaw. Ito ay isang ay halimbawa ng evaporation.
Ngunit, kay sarap pagmasdan kapag dumating ang tag-ulan,
dumadaloy na ilog at mga halamang luntian. Bahagi rin ng Ferry
System ng Kamaynilaan, mula Pasig hanggang Maynila at pabalik
ito ay alternatibong sakayan. Makikita ang malaking
kapakinabangan sa Ilog Pasig mula noon at hanggang ngayon.
Papayag ka bang mawala ang pinagmulan ng kultura at
kabuhayan ng ating pamayanan?
Matapos mong malaman ang tungkol sa Ilog Pasig, sa sarili
mong paraan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo
dito? Kaya mo bang tuparin ang iyong mga pagpapahalaga
dito? Maari ka bang sumulat ng isang pangako upang
mapangalagaan ang ating ilog na iniirog?
Tandaan na kahit munti kang bata, may kakayahan kang
gumawa ng mabuti at kapaki-pakinabang. Munting basura mo,
ilagay sa tamang tapunan at panatilihin malinis ang iyong
kapaligiran.

Ang Aking Pangako


Ako si ______________________________ay nangangako na
pangangalagaan ko ang aking kapaligiran at ang Ilog Pasig
sa pamamagitan ng ______________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang


papel.
1. Alin ang halimbawa ng liquid na naging gas?
A. Paggugupit ng tela.
B. Paglalaro ng mga Larong Pinoy.
C. Paglalagay ng pabango sa damit at katawan
D. Pag-aaral ng mga aralin sa eskwelahan at bahay.
2. Sa mga gawaing bahay, alin ang nangangailangan ng init
para maging gas ang liquid na materyal at magamit ito nang
tama?
A. Pag-iigib ng tubig sa kapitbahay.
B. Pagtatapon ng basura sa basurahan.
C. Pagsasagawa ng waste segregation.
D. Pagsasampay ng mga basang damit.
3. Ito ang tawag sa prosesong nangyayari kapag ang alkohol at
acetone ay naging gas dahil sa epekto ng temperatura?
A. freezing C. evaporation
B. fusion D. sublimation
4. Paano mo ilalarawan ng kumpleto ang pagbabagong
magaganap sa pabango kapag ito ay inilagay sa damit at
nainitan?
A. Kapag nainitan, ang pabango ay titigas at magiging
mantsa sa damit.
B. Ang liquid na pabango kapag ini-spray sa damit ay
nagiging gas at sumasama sa hangin.
C. Ang pabango ay biglang naglalaho ng walang bakas.
D. Ang pabango ay lubhang nakaaakit ang amoy.

5. Alin sa mga paraan ng pagtulong mo sa mga gawaing bahay


ang may kaugnayan sa paraan ng evaporation?
A. pagtutupi ng mga damit
B. pagliligpit ng mga kalat at mga laruan
C. pagdidilig ng paligid
D. paghuhugas ng pinagkainan

SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Abutay, Lelani R., et al. Science Learner’s Material 4.
Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015.
Abutay, Lelani R., et al. Science Teacher’s Guide 4.
Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015.
Fallaria, Rebecca R., et al. Science Spectrum 3.
Rex Bookstore, Inc.
Pilipinas: Maynila, 2004.
ISBN: 978-971-23-3696-6
Franco, Aurora A. & Corona, Leticia R. Exploring the World of Science 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Adriana Publishing Co., Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015.
Paulino, Celia C., et al. Moving Ahead with Science 3.
Innovative Educational Materials, Inc.
Pilipinas: Maynila, 2008.
ISBN: 971-699-229-7
Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014.

You might also like