TULA - DALOY NG EKONOMIYA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAIKOT-IKOT O PAULIT ULIT

Mila O. Into

Sa unang modelo ng ekonomiya, sa simpleng pamumuhay


lahat ay masayang namumuhay
Maaari kang gumawa ng paraan upang matugunan
ang sarili mong pangangailangan

Ang lumilikha ng produkto’t serbisyo


ay siya din ang nangangailangan nito
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang, sa sitwasyong ganyan
Pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay mabagal ngunit payapa naman

Sa ikalawang modelo, si sambahayan ay may gustong produkto


na ‘di marunong gumawa nito
Tanging si bahay-kalakal lamang ang makagagawa nito
ito na ang simula ng kanilang negosyo
Si sambahayan ay nagbebenta sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon,
pera ay magkakaroon
Si bahay-kalakal naman, sa pamilihan ng tapos na produkto nagtitinda,
kapalit ay malaking kita
Ang interdepedence ng bahay-kalakal at sambahayan
ay batayan ng kanilang magandang ugnayan

Sa ikatlong modelo, uri ng pamilihan ay naging tatlo,


pag-iimpok at pamumuhunan ay totoo
Pamilihang pinansyal gaya ng bangko, si sambahayan ay ayaw gumasto
kaya ito’y idedeposito
Ang perang idiniposito, bahay-kalakal ay uutang para negosyo ay lolobo
Ang sambahayan ay makakatanggap ng tubo
kasi bahay-kalakal obligadong magbayad ng tubo
Kapalit nito ay masiglang ekonomiya dahil ang perang itinago sa bangko ay magagamit na rin ito

Sa ikaapat na modelo, aktor ng pamilihan ay naging tatlo,


pamahalaan may dalang pagbabago
Pangungulekta ng buwis mula sa bahay-kalakal at sambahayan
ay gawain ng pamahalaan
Pampublikong paglilingkod na ipinangakong ipagkakaloob
sa nalikom na pondong ipinagkaloob
Ang pamahalaan sumusweldo sa sambahayan
at bumibili ng kalakal sa bahay-kalakal naman
Malinaw na ipinapakita ang ugnayan
ng bahay-kalakal, sambahayan at ng ating pamahalaan.
Sa ikalimang modelo, ang ekonomiyang sarado ay sa wakas
nagbubukas sa kalakalang panlabas
Ang ekonomiyang bukas, pakikipagpalitan sa produkto ng mga bansa ay nagsisimula
Mga pang-ekonomikong gawain tulad ng pagluluwas at pag-aangkat
ekonomiya ng bansa aangat
Ang pangangailangan sa pinagkukunang-yaman ay basehan sa pakikipagkalakalan
Maaaring ang mayroon sa Pilipinas ay wala sila kung anong mayroon sila wala naman sa ating bansa.

You might also like