Epp 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAMANTAYAN SA PAGKAKATUTO:

Sa araling ito, tatalakayin ang pamamaraan ng pagbebenta ng mga produktong nais


na pagkakitaan sa pag-e-entrepreneur. Ito ay upang maunawaan ng mga mag- aaral na
mahalaga itong alamin ng bawat isa upang ang negosyong pinasok ay kumita at
kapakipakinabang.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ang kalaman at kakayahan sa paggamit ng computer, internet, at
email sa ligtas at responsableng pamamaraan.

PAMANTAYANG PANGGANAP:
Nakagagamit ng computer, internet, at email sa ligtas at responsableng pamamaraan.

MGA GABAY NA TANONG:

 Ano ang word processing?


 Sa paanong paraan natin ginagamit ito upang mangalap ng mga impormasyon?
 Ano ang iba’t ibang uri ng graphic elements?
 Ano ang electronic spreadsheet software?
 Paano magkaroon ng E-mail account para sa mga wala pa nito?
 Paano mag-attach o maglakip ng mga dokumento o iba pang media file sa e-mail?

DUNONG TUDLAAN:
 Nakagagawa ng table at tsart gamit ang word processing
 Nakagagawa ng table at tsart gamit ang electronic spreadsheet
 Nakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool
 Nakakasagot sa E-mail
 Nakakapagpadala ng E-mail na may kalakip na dokumento o iba pang media file

Pagsusuri ng Impormasyon Gamit ang ICT

Word Processing
Ang word processing ay software na maaaring gamitin sa paggawa ng mga
report o ulat tungkol sa iba’t ibang bahagi ng negosyo. May kilalang word processing
software na kumpleto sa features tulad ng mga template para sa paggawa ng iba’t ibang
sulat, tsart, table, graph, at pati paglagay ng mga clip art o mga drawing ng sari-saring
bagay, tao, o lugar. Maaari mong gamitin ang word processing upang lumikha ng sari-

1|EPP 4
saring dokumento na may kasamang mga graphic elements tulad ng tsart at table.
Bagamat may kamahalan ang sikat na word processing software, mayroong kasingtulad
na software ito na maaaring i-download ng libre o walang bayad. Ang tawag dito ay
OpenOffice Writer.
Anumang word processing software ang gamitin, may mga bahagi na dapat nating
alamin para magamit natin ito nang maaayos at mabilis.

 GROUP NAME - Makikita ang pangalan ng mga grupo ng mga kaugnay na mga
utos sa mga ipinapakita na tab.
 DIALOG BOX LAUNCHER - Ito ay isang maliit na icon na ipinapakita sa kanan
ng ilang mga pangalan ng grupo sa Ribbon; Ilulunsad ito sa isang dialog box na
naglalaman ng iba pang mga commands.

 INSERT POINT - Ito ay isang kumikislap na patayong linya, kung saan ang
teksto o graphics ay nakapasok at ipinahihiwatig na pwede na magsulat sa isang
dokumento.
 WORD DOCUMENT WINDOW - Ipinapakita ang aktibong dokumento.
 STATUS BAR - Ito ay makikita sa kaliwang bahagi na nakasaad ang pahina at
line number, bilang ng salita, at ang button ng isang dokumento. Sa kanang bahagi,
ay nagpapakita ng mga pindutan upang kontrolin ang itsura ng window.
 PRINT LAYOUT BUTTON - Ito ay ang default na view kung saan ipinapakita
ang mga hangganan ng ipinapakita ang mga hangganan ng pahina at ang
dokumento na lalabas kapag nai-print na.
 VIEW OPTIONS – Naglalaman ito ng mga pindutan para sa pagtingin ng mga
dokumento Print Layout, Full Screen View, Web Layout, Balangkas o Draft.
Nagpapakita rin ito ng mga control upang mag-zoom out at mag-zoom in ang
2|EPP 4
aktibong dokumento.
 ZOOM SLIDER – Ang zoom slider ang nagtataas o nagbababa ng pagtingin sa
ginagawang dokumento upang mapaliit at mapalaki ang nakasulat sa isang
dokumento.
 SCROLL BAR – Pinapagana mo upang kumilos pataas at pababa, pakanan at
pakaliwa ang isang dokumento upang ipakita ang teksto sa isang dokumento na
hindi nakikita.
 TITLE BAR – Ipinapakita ang pangalan ng dokumento at ang pangalan ng
program.

Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng word processing tool at ang gamit ng
mga ito.

 Quick Access Toolbar – Ang button na ito ay pinapakita ang mga madalas na
ginagamit na mga commands na may isang solong pag-click. Madalas na
ginagamit ng mga commands para i-save, i-undo, redo, at print ang isang
dokumento.
 Ribbon – isinasaayos ang mga commands sa mga tab, at pagkatapos, i-group ang
mga ito sa pamamagitan ng paksa para sa gumaganap kaugnay na mga gawain na
dokumento.
 File Tab – nagpapakita ng backstage view, na kung saan ay isang sentralisadong
puwang para sa lahat ng iyong mga file sa pamamahala ng mga gawain tulad ng
pagbubukas, pag-save, pag-print, paglilimbag, o pagbabahagi ng file.
 Tab – makikita ito sa itaas ng Ribbon, at may kaugnayan.

Ang Iba’t Ibang Uri ng Graphic Elements


Diagram
Ang diagram ay isang makahulugan na representasyon ng impormasyon sa
isang ulat na ginagamitan ng ilang mga visualization technique.
Graph o Chart
Ang graph o chart ay isang uri ng diagram na nagpapakita ng ugnayan sa
pagitan ng mga variable na dami, kadalasan ng dalawang variable para makita
ang tamang anggulo. Sa negosyo, ito ay nagagamit upang madaling makagawa ng
pagpapasiya ang mga taong tagapangasiwa para sa ikabubuti at ikauunlad ng
negosyo. Naipapakita kasi ang naging buwanan o taunang sales performance ng
kumpanya sa pamamagitan ng mga chart.
Table
Ang isang talahanayan ay makatutulong sa pag-align sa iyong mga haligi at
halera ng mga text na may kadalian. Ito ay maaari ring gamitin upang
paghambingin ang mga datos sa isang dokumento upang mas lalo itong
maintindihan.

Electronic Spreadsheet Software

3|EPP 4
Maliban sa word processing, may isa pang magagamit na software para sa
maayos at madaling pagsusuri ng mga datos. Ang tawag dito ay electronic spreadsheet
at ginagamit ito upang makita ang mga datos nang maayos. Nakatutulong din ito para
mas madaling maintindihan at masuri ang mga impormasyon sa pamamagitan ng
isang talahanayan. Maaari rin itong gamitin sa pamamagitan ng mga formula para sa
pagtutuos, pagtatala ng mga datos, at pag-aayos ng mga impormasyon.
Kung nais subukin ang paggamit ng electronic spreadsheet, maaaring i-download
nang walang bayad ang OpenOffice Calc. Halos kapareho ito ng sikat ngunit may
kamahalang software na ginagamit ng malalaking kumpanya. Ang mga sumusunod ay
ilan sa mga kasingtulad na bahagi ng anumang electronics spreadsheet software.

MGA BAHAGI NG ELECTRONIC SPREADSHEET

 Cell – dito inilalagay ang impormasyon na tekstuwal o numero.

 Cell Address o Name Box – ang titik at numero na nagbibigay ng eksaktong


lokasyon ng hilera at hanay ng cell sa isang spreadsheet

 Column – ang hilera na may titik sa itaas

4|EPP 4
 Exponentiation – isang operasyon sa matematika ( halimbawa, 8N)

 Formating Toolbar – karaniwang makikita sa itaas ng workbook, nakatutulong ito


sa pagsasaayos ng mga text tulad ng pagpili ng font, pagpapalaki sa mga titik,
gawing bold ang salita o gawing italic, paglalagay ng linya sa ilalim ng salita,
paggamit ng justification, pagdagdag ng indent, paglalagay ng border pagpapalit
ng kulay ng mga titik, at iba pa.

 Formula – nagpapakita ng relasyon ng iba’t ibang variable sa isang mathematical


equation (halimbawa, ang V= l x wx h ay may variable na V =volume, l= length,
w= width, h= height)

 Formula Bar – mababasa rin dito ang impormasyon na inilalagay sa isang cell
kung naka-highlight ang cell

 Menu Bar – kadalasan ay may drop down menu kung saan maaaring pumili ng
file o application

 Merge cell – pagsasama ng dalawa o higit pang cell (kadalasan magkakatabi) para
maging isang cell.

 Row – ang hanay na may numero sa kaliwa

 Spreadsheet – isang computer application program para sa maayos na


presentasyon ng impormasyon; nakatutulong din sa pagsusuri ng nakalap na
impormasyon

 Table – ang pagkakaroon ng mga hanay at hilera ay nakatutulong upang maging


mas madali at mabilis gawin ang pagsusuri ng impormasyon lalo na kung ito ay
puro numero (halimbawa, pagkuha ng kabuuang halaga o summation)

 Task pane – isang tila maliit na bintana sa bandang kanan ng spreadsheet; ang
mga nakadisplay ay pagpapaliit depende sa ginagawang dokumento

 Title bar – nasa gawing ibabaw, dito nakikita ang pangalan ng kasalukuyang
aktibong dokumento

 Toolbars – nasa gawing itaas ng spreadsheet kung saan nakalagay ang iba’t ibang
button, icon, menu, at iba pa

 Worksheet- isang koleksiyon ng mga cell kung saan nakalagay ang mga
impormasyon na maaaring suriin o manipulahin

 Workbook – isang grupo ng spreadsheet na nakasave sa isang file

Paggawa ng Tsart
Upang gawin ito, sundin ang mga hakbang na ito:
5|EPP 4
1. Buksan ang electronic spreadsheet software, at pagkatapos buksan ang iyong
workbook.
2. Piliin ang cell na naglalaman ng mga data na nais mong ipakita sa iyong tsart.
3. Pumunta sa Insert Tab at i-click ang tsart upang simulant ang tsart wizard.
4. Pumili ng tsart na nais mong gawin.

Alam Mo Ba?
Sinasabing pinakamaagang paggamit ng bar chart ay lumabas sa isang 14th
century production. The Latitude of Forms. Dito ginagamit ni Nicole Oresme,
isang Pranses, ang bar chart upang ipakita ang velocity ng isang patuloy na
gumagalaw at bumibilis na bagay kasabay ng pagtakbo ng oras. Subalit isang
ekonomistang Scottish na nagngangalang William Playfair, ang unang gumamit ng
numerical bar chart upang ipakita ang datos ng mga produktong pang-import at pang-
export sa Scotland noong taong 1786.
Tandaan:

 Mahalagang gumamit ng table tsart upang maipakita ang mga numerical at


tekstuwal na impormasyon gamit ang Word Processing at Electronic Spreadsheet
Software.
 Malaki ang naitutulong ng Word Processing at Electronic Spreadsheet software sa
pagnenegosyo dahil napapadali ang proseso at madaling nauunawaan at nalalaman
ang kalagayan ng negosyo.
 Ang word processor o word processing application ay isang software na ginagamit
sa paggawa ng tekstuwal na dokumento o ulat. Maari itong baguhin o i-edit at i-
save sa computer file system.
 Ang tsart naman ay biswal na modelo ng mga numerical na impormasyon.
Makikita dito ang mga larawan at simbolo para mas madaling gumawa ng
pagsusuri.
 Ang iba’t ibang uri ng tsart ay ang bar chart, column chart, line chart at pie chart.

Komunikasyon at Kolaborasyon Gamit ang ICT

Ang modernong
pamararaan ng sulat at iba pang dokumento ay tinatawag na electronic mail o e-mail.
Sino sino ang maaaring gumamit nito at anong uri ng dokumento ang maaaring
ipadala rito? Ang internet ay maaaring gamitin sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa
pamamagitan ng e-mail. Mas mabilis ang pagpapadala ng e-mail kaysa sa tradisyunal
na pagpapadala ng sulat sa “post office” o “mailing station”. Ang kagandahan pa sa
e-mail , maaaring maglakip ng mga dokumento para sa padadalhan nito. Maaari ring
magpadala ng mga larawan at video sa ibang tao.

Nakagawa ka na ba ng sarili mong e-mail


6|EPP 4
account? Kung hindi pa ay madali lamang lumikha ng e-mail account. Gamitin ang
internet at pumunta sa Yahoo, Hot mail, o Google. I- click ang button na “ Create an
Account” o “Sign Up” at sundin ang mga direksiyon. Kakailanganin mong mag-isip
ng natatanging username ( halimbawa: gian888@yahoo.com) at password.
Siguraduhin lamang na hindi madaling hulaan ng iba at matatandaan mo ang sariling
password.
Mahalaga ang username at password dahil ito ang gagamitin sa tuwing
bubuksan ang e-mail account. Ang username din ang magsisilbing iyong e-mail
address. Ito ang gagamitin ng mga tao upang
padalhan ka ng e-mail. Subukin mong
magpadala ng pagbati I pangungumusta sa iyong
mga kaibigan, kamag-aral, o kapamilya na may
email account. Ilagay o i-type ang e-mail
address ng inyong kakilala sa bahaging
nakalagay na To: ____________. Pagkatapos, i-
type ang iyong mensahe sa Message box.

Kung walang problema at tama ang


inilagay na e-mail address ay makakarating ito
sa pinadadalhan. Kung may mali man sa isinulat
na e-mail address, maaaring bumalik ito sa iyo at sasabihin kung ano ang naging
problema o mali sa e-mail address.
Sa pamamagitan ng “e-mail” nakapagpapadala rin ng mga dokumento,
larawan, at iba pang file sa mga network ng komunikasyon. Kadalasan, ang
paggawa ng isang e-mail ay ang pag-type ng mensahe sa “keyboard” na maaaring
nakadiretso sa isang e-mail program o sa isang word processor. Karamihan ng e-mail
ay may “text editor” na nakatutulong sa paggawa at pag-check ng spelling at
grammar. May format editor din itong magagamit kapag nais gawing bold, italic, o
may kulay ang mga titik.
Sa pagpaadala ng e-mail, siguraduhin na tama ang e-mail address. Maaari ring
ipadala ang mga e-mail sa iba’t ibang tao kung kinakailangan. Kapag naipadala na ang
e-mail, ito ay mapupunta sa electronic mail box hangga’t hindi binubuksan ng
pinadalahan. Kung ikaw naman ang padadalhan ng email, tingnan kung may e-mail sa
iyong inbox o electronic mailbox. Basahin ito. Pag katapos basahin, maaaring itago ito
sa file folder. Maaari ring i-delete kung hindi na kailangan. Maaari mo rin itong i-
print. Pindutin naman ang “reply” kung nais mong sumagot sa nagpadala at i-click
naman ang Send para ipadala.
Paanon magpadala ng e-mail na may kalakip na dokumento o media file?
Kadalasan, karamihan ng e-mail program ay
maaaring maglakip o mag attach ng media file o
dokumento. Buksan at tingnan ang inyong e-
mail. Gumawa o buksan ang “Compose
Message” o anumang button na maaari kayong
makagawa ng sulat. Hanapin ang “attach file”
button. Kung minsan ay gumagamit ng icon na
paper clip. Kung minsan naman kung nais
magpadala ng larawan o ibang media file, may
icon din ang para sa mga ito. Ang para sa
larawan ay kung minsan ay icon ng isang maliit na graphics at kung video ay may
7|EPP 4
icon na video camera. Tingnan ang inyong e-mail at alamin ang iba’t ibang icon at
tools nito.

Para sa mas malawak na kaalaman i-search ang link na ito at matuto:


https://youtu.be/jlvKDj-qfYM

Tandaan:
 Sa pagsulat, lalo na sa e-mail, gumamit ng maliliit na titik. Iwasan ang
All Caps o puro malalaking titik dahil para ka na ring sumisigaw sa kausap
mo. Kung marami kang padadalhan at ayaw mong makita ng ibang tao ang
mga e-mail address ng mga pinadalhan mo, ilagay ang mga e-mail address
sa BCC (blind carbon copy) bago ito i-send. Maglagay lamang ng isang e-
mail address sa SEND TO (maaaring sa iyo) na maaaring makita ng iba.

Faith Formation:

KOMUNIDAD AT ANG KABUTIHAN NG LAHAT


(PAGBABAHAGI AT PAKIKIPAGKAPWA TAO)
Ang mga teknolohiya sa pagtuturo ay nagbabago rin, ang pagpapakilala ng mga
teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon (ICT) ay nagbubukas ng mga
makabuluhang pagkakataon para sa pagpapalawak ng balangkas ng edukasyon sa bawat
paksa sa isang pangkalahatang institusyong pang edukasyon, kabilang ang matematika.

Bible Verse:
At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa,
sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
( Hebreo 13:16)

Sanggunian:
Peralta Gloria A. (2016) Masayang Paggawa, Maunlad na Pamumuhay Vibal Group, Inc.
Gregorio Aranet Avenue, Quezon City ISBN 978-971-07-3800-7

8|EPP 4

You might also like