Epp X

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAMANTAYAN SA PAGKAKATUTO:

Naipapamalas nang mag-aaral ang pangunahing kaalaman, kasanayan, at


pagpapahalaga sa agrikultura, entrepreneurship at ICT, ekonomikong pantahanan, at
sining pang-industriya na maaaring makatulong na mapabuti ang buhay ng sarili at
pamilya.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ang pag- unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

PAMANTAYANG PANGGANAP:
Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental
sa masistemang pamamaraan.

DUNONG TUDLAAN:
Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain
Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanamin ng halamang ornamental, para sa
pamilya at pamayanan
Naipapakita ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo/ pagtatanim ng halamang
ornamental

MGA GABAY NA TANONG:

 Ano-ano ang mga halamang ornamental?


 Bakit mahalagang magtanim ng mga halamang ornamental?
 Bakit kailangang matutunan ang wastong paraan ng pagtatanim ng halamang
ornamental?
 Ano-ano ang dulot na kabutihan ng pagtatanim ng halamang ornamental?

Aralin 1: Pagtatanim ng Halamang Ornamental

1|EPP 4
Kahali-halinang pagmasdan ang pook na napapaligiran ng mga halamang ornamental.
Sari-saring uri at at kulay ang nagbibigay sigla sa pook at sa mga naninirahan dito.
Maraming biyaya ang naidudulot ng paghahalaman sa pamilya. Ito ay nakatutulong sa
ating kalusugan. Ano-ano ba ang halamang ornamental na mainam alagaan?

Ang mga halaman bukod sa


mapagkukunan ng masustansiyang pagkain, ay marami pang dulot na kabutihan sa mga
tao. May mga halaman na nagagamit bilang gamit sa pagpapagaling ng mga
karamdaman. Napakahalaga rin ng mga halaman sa pagpapanatili ng malinis na
kapaligiran dahil napananatili nitong sariwa ang hangin sa paligid.
Bukod dito, napapaganda at napananatiling maaliwalas ang kapaligiran. May
mga halamang sadyang itinatanim, pinalalago, at ipinagbibili bilang pang dekorasiyon,
at pagpapaganda ng isang lugar. Ang tawag sa mga ito ay halamang ornamental.
Sa araling ito, tutukuyin ang mga uri ng halamang
ornamental. Tatalakayin din ang mga salik sa pagtatanim at
pagpapatubo ng mga ito at kung paano mapakikinabang dito
ang pamilya at pamayanan.

Maraming pamayanan sa Pilipinas ang naging


matagumpay at nakikinabang sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental. Tulad ng ibang uri ng halaman, nakatutulong ito sa
pag-iwas sa polusiyon dahil sinisipsip nito ang mga
nakalalasong kemikal sa hangin. Maliban dito, mainam na
pagkakitaang gawin ang pag-aalaga at pagtitinda ng
halamang ornamental.

Narito ang ilan sa mga pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.

Cut flowers Landscaping

Halamang bakod

2|EPP 4
Ang halamang ornamental ay maaaring magsilbing hanapbuhay ng mag-
anak sa paraang “cut flowers”. Madali itong matutunan kaya’t maaaring pagtulungan ng
mga miyembro ng pamilya. Sa ganitong paraan, mapagbubuklod-buklod ang bawat
miyembro ng pamilya sa paggawa ng mapagkakakitaan. Nagagamit din ang halamang
ornamental sa paglalandscaping at nagagamit na pang-bakod sa paligid ng tahanan
lalo na yaong may matitibay na tangkay.

MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL


May dalawang uri ng halamang ornamental na makikita sa iba’t- ibang
pamayanan: ang halamang namumulaklak at ang halamang di-namumulaklak.

MGA HALAMANG NAMUMULAKLAK

Nangangailangan ng masusing pangangalaga ang ganitong uri ng halaman. Maaaring


gawing corsage, bouquet, centerpiece, spray, o wreath ang mga bulaklak nito.

 H
a
l
a
m
a
ng baging
Gumagapang ang mga halamang ito sa bakod o balag. Halimbawa ng mga halamang
baging ang yellow bell, cadena de amor, at niyog-niyogan.

Halamang Anyong Palumpong


Maliliit kaysa punongkahoy ang palumpong at karaniwang may mga sangang nagmumula
malapit sa lupa. Halimbawa ng mga ito ay rosal, santan, sampaguita, rose,jasmine,
dama de noche, at bougainvillea.

3|EPP 4
 Halamang namumulaklak na may malalambot na dahon
Kabilang ang mga halamang herbs dito. Mga halimbawa nito ay daisy, kamya,
sunflower, anthurium, lily, orchid, chrysanthemum, at birds of paradise.

  Punong Ornamental
Ito ay mga punongkahoy na nagpapaganda sa kapaligiran. Halimbawa ng mga ito ay
banaba, golden shower, fire tree, at kalachuci.

MGA HALAMANG DI-NAMUMULAKLAK

Napakaraming mga
halaman sa paligid na
kahit mga walang
bulaklak ay
napagaganda pa rin
ang lugar. Ang iba’t-
ibang kulay, hugis, at laki ng mga dahon ay
nagbibigay buhay at ganda sa isang lugar. Ginagamit ang mga halamang di-
namumulaklak bilang pampalamuti sa loob ng bahay o sa mga gusali.
Ilan sa mga halamang di-namumulaklak ngunit itinuturing na halamang ornamental
ay San Francisco, La suerte, Chinese bamboo, Five Fingers, Balete, Pako, Fortune
Plant, Red Palm at Palmera. Kadalasang ginagamit ang mga ito ng mga nagdidisenyo
ng landscape at hardin ng mga malalaking tahanan at gusali.

Pagpapatubo ng Halamang Ornamental


 Ang palumpong ay pinapatubo sa pamamagitan ng pagputol ng sanga o tangkay.
Maaari ring itanim kaagad ang sangang pinutol sa permanenteng taniman.
 Ang lupang pagtatanim o pagpapatubuan ay kailangang mataba at buhaghag.
 Karamihan ng mga halaman ay pinapatubo sa pamamagitan ng buto.

May mga ilang bagay na dapat malaman at tandaan sa pagpaplanong magtanim

4|EPP 4
ng mga halamang ornamental. Ito ang mga sumusunod:

 Uri ng Lupa
Mahalagang alamin at pag-aralan ang uri ng lupa at kung mainam ito sa
pagtatanim at pagpapalago ng halamang ornamental.
 Uri ng Halaman
Mahalaga ang may paunang kaalaman tungkol sa iba’t- ibang uri ng halaman.
May mga halamang madaling tumubo at hindi nangangailangan ng espesyal na
pangangalaga. Mayroon namang maselan at kailangang pagtuunan ng atensiyon.
Makabubuti ang pagtatanim ng iba’t- ibang uri- mga punong kahoy, palumpong, baging,
mga namumulaklak, at yung mayabong nang buong taon.
 Kapaligiran at Klima
Pumili ng mga halaman na nababagay sa kapaligiran at klima ng lugar.
Mababalewala ang trabaho at magiging lubos na magastos kung hindi rin tutubo nang
maganda ang mga tinanim na halaman.
 Disenyo
I-planong mabuti ang pagpupuwestuhan ng mga halaman, at siguraduhing may tamang
distansiya sa pagitan ng bawat isa upang maging maayos ang pagkakatubo ng mga ito.

TANDAAN:

 Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakadaragdag ganda sa


pamayanan at loob at labas ng tahanan.
 Maaaring maging hanapbuhay o mapagkakakitaan ang pag-aalaga ng
halamang ornamental.
 Ang pagpili ng halamang itatanim ay kailangang nababagay sa uri ng lupa at
klima ng lugar sa pagtataniman.

Aralin 2: Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental

Mahalagang Ideya:
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman kung kalian ang tamang panahon na
maaari nang ipagbili ang mga halamang ornamental tulad ng halamang baging,
palumpong, at punong namumulaklak.

Mahalaga ang pagkakaroon ng kalaaman kung kalian ang tamang panahon na maaari
nang ipagbili ang mga halamang ornamental. Sa mahusay na pangangalaga,
magkakaroon ng malulusog at kaakit-akit na mga halaman. Dapat mapanatili ang
mataas na kalidad ng mga halaman, lalo na pagdating sa laki at kalusugan nito dahil ito
ang hinahanap ng mga mamimili. Sa panahon ngayon, mapanuri na ang mga mamimili at
nagtitiyagang maghanap ng may pinakamaayos na produkto para sa halagang ibinabayad.
5|EPP 4
Ito ang mga tatalakayin sa
arling ito. Inaasahang matututunan ng
mag-aaral ang wastong panahon ng
pagsasapamilihan ng mga
halaman. Bukod dito, matututunan din ang wastong pagtutuos ng gastos at kita.

WASTONG PAG-ANI NG MGA HALAMANG


ORNAMENTAL
Ang pag-aani ng mga halamang ornamental ay kailangang gawing maaga upang
maihabol na presko sa tamang oras at panahon ng bentahan. Narito ang mga palatandaan
na ang mga halamang ornamental ay maaari nang anihin o isapamilihan na:

 Ang mga dahon ay berde at malusog


 Kung namumulaklak, ang mga bubot ay hindi pa namumukadkad
 Matigas ang kabuuang katawan
 Taglay nito ang mga bagong labas na dahon
 Sariwa ang mga dahon

MGA PARAAN NG PAGBILI NG MGA HALAMAN


 Pakyawan
Maramihan ang pagbili ng pakyawan. Malaki-laki ang tinutubo ng mga
bumibili ng pakyawan. Mabilis namang nakukuha ng namumuhunan ang kanyang
pera.

 Tingian
Ang pagbebentang ito sa mamimili ay paunti-unti. Mas Malaki ang
nakukuhang tubo ng nagtatanim o nangangalaga ng halamang ornamental subalit
matagal bago niya mahawakan ang buong pinagbilhan.

PAGTUTUOS NG HALAGA NG GINASTOS AT KITA SA


PAGBEBENTA NG MGA HALAMANG ORNAMENTAL
Ang pagtutuos ng ginastos at kinita sa pagsasapamilihan ay kailangan
pagkatapos maipagbili lahat ng mga paninda o produkto. Mahalaga na maitala lahat ng
gastusin mula sa pagkuha ng binhi, abonong ginamit, at gastos sa paghahatid sa
pamilihan ay kailangan isama sa pagtutuos.

Narito ang isang halimbawa kung paano ginagawa ang pagtutuos ng halaga ng
pinagbilhan ng halamang ornamental.

Halimbawa:
A.
Halamang Palmera ---------------------- ₱ 18.00
Paso (plastic)-------------------------------- ₱ 12.00

6|EPP 4
Lupa --------------------------------------------₱ 10.00
Bayad sa serbisiyo --------------------------₱ 15.00
Kabuuang halaga ---------------------------₱ 55.00

B. Puhunan
Patong na bahagdan 15% (55.00 x .15) = 8.25

C. ₱55.00
+ ₱ 8.25
_________
63.25 ------------------------------ halaga ng Pagbebenta

Kung 28 ang ipinagbiling halaman, kuwentahin ang kabuuang ginastos at pinagbilhan sa


dami ng naipagbili.

Halimbawa:

₱ 63.25 halaga ng pagbebenta


X 28 dami ng ibebentang halaman
___________
₱ 1,771.00 kabuuang pinagbebetahan

₱ 55.00 puhunan
X 28 bilang ng halaman
_________
₱1, 540.00 kapital

₱ 1,771.00 kabuuang pinagbentahan


+ ₱ 1,540.00 kapital
______________
₱ 231. 00 tinubo

Tandaan:
Ang pagnenegosyo ng halamang ornamental ay kailangan ng sapat na kaalaman,
kahandaan, kawilihan, at katapatan sa gawain.

Faith Formation:

TAGAPANGASIWA NG NILIKHA

Ang mga halaman ay bahagi ng ating kalikasang kaloob ng maykapal. Dapat natin
itong alagaan, pahalagahan, at pagyamanin. Ang pagtatanim ng mga halamang
7|EPP 4
ornamental ay isang kawili-wili at nakakalibang na gawain. Maraming kapakinabangan
ang nakukuha rito na makakatulong sa pamilya at pamayanan.
Bible Verse:
Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan, at tinuruang kumilala ng mabuti at
masama. ( Ecclesiastico 17 )

Sanggunian:
Peralta Gloria A. (2016) Masayang Paggawa, Maunlad na Pamumuhay Vibal Group, Inc.
Gregorio Aranet Avenue, Quezon City ISBN 978-971-07-3800-7

8|EPP 4

You might also like