Professional Documents
Culture Documents
Epp 4
Epp 4
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pag-
aalaga ng hayop sa tahanan at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay
PAMANTAYANG PANGGANAP:
Naisasagawa ng makawilihan ang pag-aalaga sa hayop sa tahanan bilang
mapagkakakitaang gawain
DUNONG TUDLAAN:
Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan
Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan
Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop
a. pagsasagawa nang maayos na pag-aalaga ng hayop
b. Pagbibigay ng wastong lugar o tirahan
c. Pagpapakain at paglilinis ng tirahan
Pangkalahatang Ideya
1|EPP 4
Maraming gawaing mapagkakakitaan ang magagawa sa loob ng tahanan o
bakuran. Kailangan lamang ang kasipagan, tiyaga, at wastong kaalaman sa mga
gawaing ito. Kabilang na dito ang paghahayupan. May mga uri ng hayop na inaalagaan
sa sakahan tulad ng mga baboy, kambing, at manok. Mayroon namang maaaring
alagaan sa tahanan.
Maraming pamilya ang nagigiliw at nalilibang sa pag-aalaga ng aso, pusa,
kuneho, at iba pa. Isa itong gawain na ikinasisiyang gawin ng bawat kasapi ng pamilya
lalo na ang mga bata. Para sa karamihan, dito sila unang natuto ng pagiging responsible
at kung paano mag-alaga ng iba at magpahalaga ng ibang buhay. Bukod sa mga hayop na
nabanggit, ano pang hayop ang maaaring alagaan sa tahanan?
aso
Dalawang pusaUri ng
Pag-aalaga
kalapati ng Hayop
2|EPP 4
Narito ang dalawang uri ng pag-aalaga ng mga hayop. Ang mga ito ay
nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng tao. Kailangan lamang nito ng sipag,
tiyaga, at pagmamahal sa mga hayop na aalagaan.
3|EPP 4
Pagbibigay ng bakuna at bitamina
Maraming uri ng hayop ang nangangailangan ng bakuna upang maging ligtas ang paglaki
at hindi makapinsala sa mga taong nasa paligid.
Pagkonsulta sa manggagamot
Kapag may kakaibang napansin sa alaga tulad ng
pagkamatamlay, pagdudumi, at hindi pagkain nang wasto,
makabubuting patingnan ito sa beterinaryo.
Pag-aalaga
ng kalapati
Ang kalapati ay nabubuhay kahit saang lugar at
anong klima. Masaya sila sa lugar na may maraming puno.
Kailangang mataas ang bahay ng kalapati upang ligtas sa
daga, pusa, at ahas.
Kailangan din ng may bubong o pagsisilungan kapag
masama ang panahon lalo na kung matindi ang init ng araw o
malakas ang ulan.
Tirahan ng Kalapati:
1. Gumawa ng kulungan na may maraming bukas na pinto.
2. Lagyan ng tuyong dahon ang loob ng bahay ng kalapati.
3. Maglagay ng malaking lalagyan ng tubig na magiging inuman at paliguan kung
mainit ang panahon.
4. Dalawang pugad ang kailangan ng kalapati. Ang isa ay para sa pangingitlog at isa
naman para sa pagpipisa.
4|EPP 4
Paraan ng Pagpaparami ng Kalapati
1. Natural na pagtatalik – pinababayaan lamang silang pumili ng asawa sa kanilang
sariling panahon at kondisyon.
2. Pilit na pagtatalik – kinukulong ang dalawang pares ng kalapati sa loob ng
dalawang linggo. Ang itlog ng kalapati ay nililimliman ng labing pitong araw.
Pagkaraan ng 25 hanggang 30 araw, maaari nang ipagbili ang mga batang kalapati.
Pag-aalaga ng Kuneho
Isa sa pinakamadaling alagaang hayop ay ang
kuneho. Maaari itong alagaan sa bahay o sa
bakuran kahit hindi gaanong malaki ang lugar o
epasyo. Wala ring paghihigpit ang mga lokal na
pamahalaan kahit sa mga mabahay na lugar. Hindi
kasi ito maingay tulad ng mga baboy at manok at
hindi masama ang amoy nito. Walang amoy ang
dumi nito at mainam gamiting pataba sa lupa
nang hindi na kailangan pang iproseso. Maaari na itong direktang ihalo sa
pinagtataniman nang hindi nakasisira sa ugat ng halaman.
Sa Pilipinas, madalas inaalagaan ang kuneho bilang pet lalo na sa mga tahanang
may bata. Bagamat maselan at hindi maaaring hawakan nang tulad sa paghawak sa aso at
pusa, kinagigiliwan itong alagaan lalo na’t tahimik at
malinis. Hindi pangkaraniwan lalo na dito sa bansa,
may ilang nag-aalaga ng kuneho para sa karne nito.
Mainam kasi sa kalusugan ang karne ng kuneho, hindi
ito mataba at mababa ang cholesterol.
Pagkain ng Kuneho
5|EPP 4
May mga nabibiling pellets na pinapakain sa mga
kuneho. Mainam ito sa mga alaga dahil kumpleto sa
sustansiya at magiging maganda ang paglaki at pagtubo ng
balahibo. Mahilig din itong kumain ng damo at madahong
gulay na sariwa. Siguraduhin lamang na hindi sosobra ang
pinapakain. Iwasan din ang matatamis na prutas tulad ng
saging at mansanas.
Tandaan:
Ang pag-aalaga ng mga hayop sa tahanan ay makatutulong sa pagpaparami
ng makakain, pag unlad ng kabuhayan ng mag-anak. Hindi lamang
panghanapbuhay ito kundi isang libangan na nagbibigay kasiyahan sa tao.
Ang paghahayupan ay makatutulong sa pagkakaroon ng karagdagang kita ng
pamilya.
Ito rin ay magsisilbing hanapbuhay upang kumita ang mag-anak, umunlad
ang isang pamayanan, at gumanda rin ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
Faith Formation:
TAGAPANGASIWA NG NILIKHA
Mahalaga ang mga hayop sa ating mga tao. May pagkakataong dito tayo kumukuha
ng bagay na isinusuot, dito rin tayo kumukuha ng ilang makakain sa pang araw-araw,
6|EPP 4
nagsisilbi rin silang pampagaan ng loob sa ating mga tao lalo na kapag sila’y inaalagaan.
Katulad nating mga tao, sila rin ay nilikha ng Diyos, sila rin ay may buhay. Patuloy natin
silang alagaan at mahalin upang hindi maubos at patuloy pang makita ng mga susunod na
henerasiyon.
Bible Verse:
Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.
( Genesis 1:27 )
Sanggunian:
Peralta Gloria A. (2016) Masayang Paggawa, Maunlad na Pamumuhay Vibal Group, Inc.
Gregorio Aranet Avenue, Quezon City ISBN 978-971-07-3800-7
7|EPP 4