Parenting Seminar, pina-igting(title) Sinimulan ng Juan P. Jalipa MNHS-Marbel Extension ang
pagpapalawak ng Strengthening Parental Engagement in education (SPEED) program base sa Regional Memorandum CLMD No. 143, s. 2022. Layunin ng programang ito na madebelop at mapalawak ang talento at husay ng bawat miyembro ng pamilya at hikayatin ang mga magulang na magkaroon ng positibong kapaligiran sa loob ng tahanan upang makamit ang edukasyong pangangailangan ng bawat anak. Oktuber 15, 2022, nilahukan ng mga magulang ang parenting seminar ng nasabing paaralan. Mayroong 130 na mga magulang ang nais na matutuha at lumawak ang kaalaman patungkol sa Parenting. Gamit ang modules mula sa Department of Education binahagi ng mga guro ang iba't iabng kaalaman. " No one can exhcange parents love", ang iniwang mga kataga ni Ma'am Maychelle Mae Sargento, Senior HS Coor. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy pa rin ng pamunuan ang pagbabahagi ng mga kaalaman, di lamang mga magulang ang natuto kundi maging ang mga guro. Dahil sa Marbel Dito una Ka. Elbern Ipili