Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Name: Grade&Section:_10 Score:


School: Teacher: Subject:Araling Panlipunan
LAS Writers: Rolly P. Plaga / Marvie Grace G. Asuncion Content Editor: _Roselie C. Cajara
Lesson Topic: Mga Karapatan ng Bata Quarter 4 Wk.4 LAS 2 _
Learning Targets:
Nauunawaan ang karapatang taglay ng isang bata.
Napahahalagahan at malayang naipapahayag ang mga karapatang ito.(AP10KP-IIIa-1)
Reference(s): Dimaunahan, A.,2021. Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan.[online] academia.educ.
Available at: <https://www.academia.educ/35618747/ARALING-PANLIPUNAN-10-ISYU-AT- HAMONG-
PANLIPUNAN-Panimula-at-Gabay-na-Tanong/> [Accessed 12 April 2021]

MGA KARAPATAN NG BATA


Binibigyang-pansin din ng pamahalaan kasama ang mga non-government organization ang tungkol sa kapakanan
ng mga kabataan. Masusing pinag-aralan at ipinatupad ang karapatan ng mga kabataan upang mapangalagaan at maitupad
ang kanilang malayang pakikilahok sa lipunan.

Ipinahayag ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC), ang children’s rights o mga
karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal na may gulang na 17 at pababa, maliban sa mga
bansang may sariling batas sa pagtukoy ng “legal age” ng mamamayan nito. Ito ang karapatang kailangan ng isang bata
upang matamo niya ang ligtas at matiwasay na buhay. Ito rin ang simula ng paghubog ng kaniyang kakayahan upang
maging matagumpay sa mga minimithi sa buhay at maging responsableng mamamayan ng bansa sa lahat ng
pagkakataon. Gayunpaman, ang bawat bata ay nararapat lamang na taglay ang karapatang ito, hindi batayan ang estado
sa buhay at kasarian sa pagbigay ng pantay- pantay na karapatan.
Pagmasdan ang talahanayan ng mga karapatan ng mga bata batay sa UNCRC.

Paglalahad sa kahulugan ng bata


Artikulo 1

Pagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay ng bawat bata anuman ang kaniyang lahi, kultura,


Artikulo 2 relihiyon, kakayahan, o kalagayan sa buhay

Pangunahing pagbibigay ng pansin sa nararapat na kalagayan at kapakanan ng mga bata sa


Artikulo 3 pagtakda ng mga batas at polisiyang makaaapekto sa kanila

Pagtatakda sa pamahalaan ng tungkulin nito na tiyakin ang paggalang, pangangalaga, at


Artikulo 4 pagpapatupad ng mga karapatan ng mga bata

Paggalang ng pamahalaan sa mga karapatan at tungkulin ng mga pamilya na turuan at


Artikulo 5 gabayan ang kanilang mga anak na matutuhan ang wastong pagganap sa kanilang mga
karapatan

Ang sumusunod na mga karapatan ng mga bata ay inilahad sa Artikulo 6 hanggang 40:

Magkaroon ng ligtas at malusog na buhay, at legal at rehistradong pangalan, nasyonalidad, manirahan at maalagaan
ng kanilang magulang.

Magkaroon ng karapatang magpahayag ng kanilang saloobin at magkaroon ng tinig sa mga pagpapasyang makaaapekto
sa kanilang buhay.

Magkaroon ng karapatan sa pag-alam ng impormasyong makabubuti sa kanilang kalusugan at pagkatao, kalayaan sa


pag-iisip, pananampalataya, pribadong pamumuhay, at paglahok sa mga organisasyon.

Magkaroon ng proteksiyon laban sa lahat ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, at mental. Gayundin ang child labor, drug
abuse, kidnapping, sale, at trafficking.

Magkaroon ng espesyal na karapatan sa pangangalaga sa mga ampon, refugee, biktima ng digmaan o kaguluhan,
may mga kapansanan, at naakusahan ng paglabag sa batas.

Magkaroon ng mabuting pangangalagang pangkalusugan, standard of living, edukasyon, libangan at paglalaro.

Sanggunian: UNICEF (United Nations International Children's Emergency Fund). (2014). UNICEF. Retrieved March 26, 2014, from
Rights Overview: http://www.unicef.org/crc/files/Rights_overview.pdf
Gawain 1: Malayang Paglalahad!

Bilang isang mamamayan, magtala ng mga karapatang tinatamasa mula sa Bill of Rights at Children’s Rights mula
pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Ilagay ang sagot sa loob ng kahon.

Bill of Rights Children’s Rights

1. Malaya ang pagpapahayag ng saloobin at malayang 1. Ang karapatan na ipanganak nang maayos.

2. Malayang pananampalataya at karapatan sa relihiyon 2. Ang karapatan sa isang malusog na pamilyang buhay.

3. Malayang pananampalataya at karapatan sa relihiyon 3. Ang karapatan sa malawakang pag-unlad ng kanyang


pagkatao.
4. Malayang pananampalataya at karapatan sa relihiyon
4. Ang karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
5. Proteksyon sa pag-aari at hindi mapang-abusuhang para sa malusog na buhay.
pagkumpiska
5. Ang karapatan sa moral na pagpapalaki.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong karapatan ang mas malaya mong tinatamasa? Pangatwiranan.


Ang karapatan na mas malaya kong tinatamasa bilang isang senior high school student ay ang karapatan sa malayang
pagpapahayag ng saloobin. Bilang isang mag-aaral, mayroon akong karapatan na ipahayag ang aking mga opinyon at ideya
nang hindi kinakatakutan ang pag-uusig o represyon mula sa mga kapwa estudyante o kahit na mula sa mga awtoridad ng
paaralan. Ito ay isang mahalagang aspeto ng demokrasya at personal na pagpapahayag na nagbibigay sa akin ng kakayahan na
maipahayag ang aking mga pananaw at maging bahagi ng mga diskusyon at adhikain sa paaralan.

2. Gaano kahalaga ang pagtamo sa karapatang pantao?


Ang pagtamo sa karapatang pantao ay napakahalaga sa ating lipunan at sa bawat indibidwal. Ito ay nagbibigay ng proteksyon,
dignidad, at respeto sa lahat ng tao nang patas at pantay.

3. Ano ang masasabi mo sa mga batang nakararanas ng diskriminasyon? Paano mo maipakita sa kanila ang pagtaguyod
sa karapatang pantao?
Ang mga batang nakararanas ng diskriminasyon ay dapat bigyan ng suporta at ipakita ang pagtaguyod sa kanilang
mga karapatan. Mahalaga na makinig at maunawaan ang kanilang mga karanasan, at maglaan ng suporta sa
kanila sa pamamagitan ng pagtulong na maunawaan ang kanilang mga karapatan at magbigay ng impormasyon sa
mga organisasyon na maaaring tumulong sa kanila. Edukasyon at kamalayan tungkol sa karapatang pantao ay
mahalaga upang magkaroon sila ng kaalaman at kakayahan sa pagprotektang ng kanilang mga sarili. Sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay, pagsasagawa ng mga programa at
aktibidad, at pagiging huwaran sa tamang pag-uugali, maaari nating ipakita ang halaga ng mga karapatang pantao
sa mga batang ito. Sa pakikipagtulungan ng mga guro, magulang, at komunidad, maaaring mabigyan sila ng
kinakailangang suporta at proteksyon. Ang pagtaguyod sa karapatang pantao ay naglalayong itatag ang isang
lipunan na malaya mula sa diskriminasyon, kung saan ang lahat ng mga bata ay mabibigyan ng paggalang,
pagkakapantay-pantay, at pagkakataong umunlad nang may dangal.

You might also like