Q2 Worksheet # 1 AP 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
PARARAO HIGH SCHOOL
Pararao, Balatan, Camarines Sur
School ID: 302014
S/Y 2021-2022
ARAL ING PANLIPUNAN 7
Supplementary Activity Sheet
Kwarter 2: Modyul 1-2

PANGALAN: _____________________________ BAITANG at SEKSYON: ___________________


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,
arkitektura at sistema ng pagsulat
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
3. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng
marami nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng politikal
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
4. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang
makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura
mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang
haligi ng bansa
D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
5. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porselana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system
6. Sa anong ilog-lambak umusbong ang kabihasnang Sumer?
A. Indus at Huang Ho C. Huang Ho at Tigris
B. Nile at Tigris D. Tigris at Euphrates

7. Ang unang sibilisasyon sa India ay umusbong sa _________.


A. Ganges B. Indus C. Brahmaputra D. Salween

8. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng paring-hari?

A. tagapamagitan sa diyos at mamamayan


B. tagakolekta ng buwis
C. tagapamahalang ispiritwal at political
D. tagapamahala sa ekonomiya ng nasasakupan
9. Anong lungsod ang pinakakilala sa kabihasnang Shang?

A. Mohenjo-Daro C. Anyang
B. Uruk D.Lagash
10. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi katangian ng Harappa bilang punong-lungsod sa
kabihasnang Indus?
A. May maayos na arkitektura ng mga bahay na yari sa bato
B. May mga kalyeng mayroong paagusan ng tubig
C. May sariling kusina at karaniwang binubuo ng tatlong palapag
D. May sistema ng pagsulat na cuneiform na nababasa sa mga pampublikong lugar

B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay wasto at M kung ito ay mali.
_________1. Ang pamumuhay at panirahan sa lungsod at dilungsod ay itinuturing na sibilisasyon.

_________ 2. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat


ng tao.

_________3. Ang mga sinaunang kabihasnan ng Sumer, Shang at Indus sa Asya ay maituturing din na
sibilisasyon.

_________4. Maituturing na nasa mas mataas na antas ang pamumuhay sa lungsod kumpara sa pamumuhay
na nomadiko pastoral.

_________5. Ang sibilisasyon ay galing sa salitang Latin na “graphe” na nangangahulugang bihasa.

_________6. Ang katangiang pisikal ang humubog sa mga Sinaunang Kabihasnang Asyano.

_________7. Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan
na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino saka umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon.

_________8. Ang uri ng gawain o trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring pangkultura.

_________9. Mangangalakal ang pinakamababang uring panlipunan

_________10. Mayroong mataas na antas ng teknolohiya ang mga sinaunang kabihasnan.

C. Panuto: ENUMERASYON – Ibigay ang limang (5) salik sa pagbuo ng Kabihasnan.


1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________________

PARENT’S SIGNATURE : ____________________________

MARY KATHLENE L. LLORIN


A.P Subject Teacher

You might also like