Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

M ga Tauhan sa Noli- Metangere

1.) Juan Crisostomo Ibarra - Siya ang binatang anak


ng pinakamayaman na tao sa San Diego na si Don
Rafael Ibarra. Siya ay nag-aral sa Europa nang
pitong taon at nagtangkang ipagpatuloy ang
pangarap ng kanyang ama na makapagtayo ng
isang bahay-paaralan para sa kinabukasan ng mga
kabataan sa kanilang bayan. Siya ang naging
kasintahan ng magandang dalaga na si Maria Clara
at ang pinakamatalik niyang kaibigan ay si Elias.

2.) Maria Clara – Tinaguriang pinakamagandang


bituin at nag-iisang mutya ng San Diego. Ang
kanyang mga magulang ay si Kapitan Tiyago at
Donya Pia Alba, na kung saan ang kasintahan
naman niya ay si Crisostomo Ibarra. Siya ay may
mabuting ugali at halos lahat ng mga tao roon sa
kanyang bayan ay iniibig siya.
3.) Kapitan Tiyago – Isang mangangalakal na taga-
Binondo. Asawa siya ni Donya Pia Alba at anak niya
si Maria Clara.
4.) Donya Pia Alba Delos Santos – Siya ay isang
magandang babae na napangasawa ni Kapitan
Tiyago. Siya ay namatay pagkatapos niyang isilang
ang isang batang babae na nangangalang Maria
Clara.

5.) Tiya Isabel – Siya ang hipag ni Kapitan Tiyago.


Siya ang nag-alaga kay Maria Clara simula noong
sanggol pa lamang ito dahil ang kanyang ina ay
namatay.

6.) Don Rafael Ibarra – Siya ang anak ni Don


Saturnino Ibarra, siya rin ang ama ni Crisostomo
Ibarra. Tinawag siyang Erehe sa kadahilanang
taliwas ang kanyang ginagawa kahit siya ay
nangungumpisal. Tinawag din siya bilang Pilibustero
dahil minsan niyang pinatay ang taga-singil ng
buwis, kung saan itinago niya rin ang mga larawan
ng mga binitay na pari noon. Siya ay nakulong at
namatay dahil sa pulmonya.
7.) Don Saturnino Ibarra – Siya ang ninuno o lolo ni
Crisostomo Ibarra, siya rin ang ama ni Don Rafael
Ibarra. Tinagurian siyang bilang maalam o matalino
na tao kung saan sinasabi na naging dahilan siya sa
pagkasawi ng nuno o lolo ni Elias.

8.) Don Pedro Eibarramedia – Siya ang ninuno sa


tuhod ni Crisostomo Ibarra, kung saan siya rin ang
ama ni Don Saturnino Ibarra. Ayon kay Elias, siya
ang naging sanhi sa pagkasira ng angkan ng
kanyang lolo na dahilan upang maghirap sila.

9.) Padre Salvi – Siya ay isang kura na pumalit kay


Padre Damaso ng lumipat siya ng ibang Parokya.
Siya ay may lihim na pagtingin sa magandang
babae na si Maria Clara.

10.) Padre Sibyla – Isang kurang Dominikano na


lihim na sumusubaybay sa bawat kilos na ginagawa
ni Crisostomo Ibarra. Siya ay naging dating guro ni
Crisostomo kung saan may lihim na pagnanasa rin
siya para kay Maria Clara.
11.) Padre Damaso – Isang paring Pransikano na
dating kura sa San Diego. Siya ay may tinding galit
at inggit sa mga Ibarra kung kaya nagpautos siya
noon na hukayin ang bangkay ni Don Rafael upang
ilipat ito sa libingan ng mga Intsik.

12.) Alpares – Siya ang pinuno ng Gwardyang Sibil


at siya rin ang mahigpit na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si Donya
Consolasion, isang babae na may hindi kaakit-akit
na ugali.

13.) Donya Consolasion – Asawa ni Alpares na dating


isang labandera. Mahilig siyang mag-alipusta na
kung saan masama rin siya kung magsalita sa mga
tao. Mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, pilit
niyang maging mukhang Kastila kung kaya
nagsasalita siya gamit ang wikang Espanyol ngunit
hindi naman magandang pakinggan ang mga
sinasalita nito.
14.) Don Tiburcio de Espadana – Siya ay isang pilay
at bungal na Kastila na nakarating sa Pilipinas dahil
umaasa siyang magkaroon ng magandang
kapalaran dito. Napangasawa niya si Donya
Victorina ngunit hindi naging maayos at mapayapa
ang kanilang pagsasama.

15.) Donya Victorina de Espadana – Siya ang asawa


ni Don Tiburcio. Dati siyang tagasilbi ngunit dahil sa
lubos na pag-idolo niya sa mga kastila ay unti-unting
naapektuhan ang kanyang pamumuhay. Mahilig
siyang magsuot ng mga kolorete dahil sa tingin niya
ay magmumukha siyang isang mestisang Espanyol
rito at iba pa.

16.) Kapitan Heneral – Siya ang


pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng
hari ng Espanya sa Pilipinas. Tinulungan niya si
Crisostomo upang maalis ang kanyang parusa na
ekskomunyon.
17.) Kapitan Basilio – Isang mayaman na kapitan sa
bayan ng San Diego. Asawa siya ni Kapitana Tika
kung saan ama naman siya ni Sinang. Siya ang
karibal ng namayapang si Don Rafael Ibarra.

18.) Kapitana Tika – Asawa ni Kapitan Basilio na


kung saan ina naman siya ni Sinang.

19.) Mang/Kapitan Pablo - Siya ang pinuno ng mga


rebelde na hiningian ng tulong ni Elias. Katulad din
ni Elias, nawala lahat kay Kapitan Pablo ang mga
bagay-bagay, kabilang ang kaniyang kabuhayan at
pamilya. Tumayo siya bilang ama ni Elias.
20.) Kapitana Maria – Siya ang tanging babaeng
pinanigan ang ginawang pagtatanggol ni Crisostomo
sa alaala ng kanyang ama matapos magsalita ng
masasamang bagay si Padre Damaso kay Don
Rafael Ibarra.

21.) Kapitan Valentin – Isa siya sa mga kapitan sa


San Diego.
22.) Kapitan Tinong – Siya ay malapit na kaibigan ni
Kapitan Tiyago. Kaibigan rin siya ni Crisostomo
Ibarra na naging dahilan upang maparusahan siya.

23.) Tinchang – Siya ang matatakutin na asawa ni


Kapitan Tinong.

24.) Sisa – Siya ang mapagmahala na ina nina


Basilio at Crispin kung saan mayroon rin siyang
napakalupit at pabayang asawa na nangangalang
Pedro.
25.) Pedro – Ang masama at irresponsableng asawa
ni Sisa na walang ginawa kung hindi sumugal
lamang.

26.) Basilio – Ang nakakatandang anak nina Sisa at


Pedro. Kuya siya ni Crispin na kung saan isa rin
siyang sakristan na taga-tugtog ng kampana ng
simbahan.
27.) Crispin – Ang nakakabatang anak nina Sisa at
Pedro. Kapatid ni Basilio na kung saan isa rin siyang
sakristan at taga-tugtog ng kampana sa simbahan
sa San Diego.

28.) Alfonso Linares – Ang binata na napili ni Padre


Damaso upang mapangasawa ni Maria Clara. Siya
ay malayong kamag-anak nina Don Tiburcio at
inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso.

29,) Lucas – Siya ay kapatid ng taong madilaw na


gumawa ng kalong na magsisilbing gamit sa di-
natuloy na pagpatay kay Crisostomo Ibarra. Isa
siyang Indiyo na kung saan namatay rin ang kapatid
niya na iyon na nagresulta ng lungkot at galit sa
puso niya.

30.) Salome – Isang simpleng dalaga na naninirahan


sa isang kubong matatagpuan sa kagubatan. Siya
ang babae na iniibig ni Elias.
31.) Andeng – Siya ang kinakapatid ni Maria Clara
na marunong magluto.

32.) Neneng- Siya ang mahinhin at palaisip na


kaibigan ni Maria clara.

33.) Sinang – Anak ni Kapitan Basilio. Siya ang


masayahing kaibigan ni Maria Clara.

34.) Victoria – Tahimik na kaibigan ni Maria Clara,


na kung saan kasintahan niya si Albino.

35.) Iday - Magandang kaibigan ni Maria Clara na


marunong tumugtog ng alpa.

36.) Albino – Siya ay isang dating seminarista,


kasintahan niya ni Victoria.
37.) Leon – Siya ang kasintahan ni Iday na
nakapansing may buwaya sa baklad na pinuntahan
nila.

38.) Elias – Siya ay isang bangkero at magsasaka.


Siya ang matalik na kaibigan at tagapagligtas ni
Crisostomo dahil lagi siyang tinulungan nito kapag
nagkakaroon siya ng mabigat na mga problema.

39.) Nol Juan – Siya ang namamahala sa


pagpapatupad ng mga gawaing nauukol sa
pagpapatayo ng paaralan ni Crisostomo.

40.) Don Filipo Lino – Isang tinyenteng mayor na


kaibigan ni Pilosopo Tasyo. Mahilig siyang magbasa
ng Latin na kung saan asawa niya si Donya Teodora
Vina.

41.) Donya Teodora Vina – Asawa ni Don Filipo Dino


na may malalim na pananalig sa Simbahang
Katolika.
42.) Tenyente Guevarra – Ang matapat na pinuno ng
Gwardyang Sibil. Siya ang sundalong nagtapat kay
Crisostomo Ibarra tungkol sa nangyari sa kaniyang
ama na si Don Rafael Ibarra. Siya rin ang nagsabi
ng mga kinahinatnan at pinagdaanan nito pati na ng
pinaglibingan ng kaniyang ama.

43.) Pilosopo Tasyo – Siya ay tinatawag na “BALIW”


o “PILOSOPO” ng mga tao dahil sa kakaibang takbo
ng kaniyang pag-iisip na hindi maunawaan ng
karaniwang tao. Siya ang tagapayo ng ilang
marurunong at mayayamang tao sa San Diego,
kabilang na si Don Rafael Ibarra.

44-45.) Bruno at Tarsilo Alasigan – Sila ang


magkapatid na nahikayat sumama sa
paghihimagsikan upang maipaghiganti ang
pagkamatay ng kanilang ama sa kamay ng mga
Kastila.
46.) Balat – Siya ang tiyuhin ni Elias na naging
tulisan.

47.) Carlicos – Ang bayaw ni Padre Damaso na


tumira sa Espanya.

48.) Don Primitivo – Siya ang pinsan ni Tinchang at


tagapayo ni Kapitan Tinong. Siya ang uri ng lalaki na
mahilig mangatuwiran at palaging nagsasalita ng
Latin.

49.) Ermana Rufa – Siya ang tao na kampi kay


Padre Damaso at laban kay Crisostomo Ibarra.

50.) Andong – Siya ang tao na napagbintangan


bilang isang pilibustero.

You might also like