Pananaliksik: QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

1.

Ito ay isang gawaing pang-akademiko na tinutulungan ng mga taong sangkot sa isang akademikong komunidad
at ang ilan sa mga ito ay ang mga propesor at mga mag-aaral.
*Pananaliksik
Pag-aaral
Pagsulat
Lahat ay tama.
2. Ayon kina E. Trece at JW. Trece, ang pananaliksik ay isang _______________ upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin at pangangalap ng mga datos sa isang __________________ sitwasyon para sa
layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
Imbestigasyon, layuning masagot
*Pagtatangka, kontroladong
Disiplinadong inquiry, iba't ibang teknik
Interpretasyon ng mga datos, paglutas sa suliranin
3. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng kwantiteytib na
pamamaraan upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Katangian ito ng pananaliksik na
____________.
Mapanuri
Obhetibo
*Istatistikal
Orihinal na Akda
4. Hinahasa ang mga mag-aaral na humaharap sa pag-aaral at __________________ ng suliranin na bahagi ng
gawaing pananaliksik at kung anuman ang matutunan niya rito ay __________________ niya sa
kinabibilangang lipunan gayundin sa kanyang pagtatrabaho.
Humanap, magamit
Magamit, lumutas
*Lumutas, magamit
Lumunas, gamitin
5. Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin.
Good
*Aquino
Parel
Trece
6. Ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal at disipinadong inquiry.
*Good
Aquino
Parel
Trece
7. Mapapaniwalaan ng lubusan ang isang pananaliksik kung ito ay na obserbahan at naisagawa.
Sistematik
*Empirikal
Kontrolado
May statistical treatment

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


8. Karaniwang binibigyan ng mga gawaing pananaliksik ang mga mag-aaral sa dahilang ang pananaliksik ay
_______________.
*Nagdudulot ng bagong karanasasan
Nagdudulot ng stress
Nagpapahirap sa mga mag-aaral
Nagdudulot ng mataas na marka
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kaya isinasagawa ng mga mag-aaral ang isang pananaliksik?
Nagdudulot ng bagong karanasasan
Nagpapalawak ng mga kaalaman
Pinapalawak ang isipan
*Hinuhubog ang pangangatawan
10. Sa pananaliksik ay may sinusunod na proseso o may pagkakasunod-sunod na hakbang tungo sa pagtuklas ng
problema ng paksang sinasaliksik. Katangian ito ng pananaliksik na ______________.
*Sistematik
Kontrolado
Empirikal
Obhetibo
11. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling constant, sa madaling salita hindi dapat baguhin ang
pagsasagawa nito upang huwag nang lumawak ang pag-aaral.
Sistematik
Empirikal
*Kontrolado
Lahat ay tama
12. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, ang mananaliksik ay
kritikal sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Katangian ito ng pananaliksik na
________________.
*Mapanuri
Obhektibo
Istatistikal na metodo
Orihinal na Akda
13. Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o tiyak nang ang tuklas ay
humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong paglalahat. Katangian ito ng pananaliksik na
_____________.
*Batay sa akyureyt na imbestigasyon
Matiyaga at hindi minadali
Pinagsisikapan
Nangangailangan ng Tapang
14. Lahat ng mga tuklas at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at
walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Katangian ito ng pananaliksik na
______________.
Mapanuri
*Obhektibo
Istatistikal na metodo
Orihinal na Akda

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


15. Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kaniyang kuryosidad sa
bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng tinatawag na incubator.
Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang phenomena.
Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo
at impormasyon.
*Masatisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
Lahat ay tama.
16. Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng
ibang mananaliksik. Katangian ito ng pananaliksik na ____________.
Mapanuri
Obhetibo
Istatistikal na metodo
*Orihinal na Akda
17. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito
at ginagawa ng may pag-iingat. Katangian ito ng pananaliksik na ______________.
*Matiyaga at hindi minadali
Pinagsisikapan
Nangangailangan ng tapang
Nangangailangan ng malaking salapi
18. Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino
at oras upang maging matagumpay. Katangian ito ng pananaliksik na ______________.
Batay sa akyureyt na imbestigasyon
Matiyaga at hindi minadali
*Pinagsisikapan
Hindi birong gawain
19. Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring
makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Katangian ito ng pananaliksik na _____________.
Batay sa akyureyt na imbestigasyon
Matiyaga at hindi minadali
Pinagsisikapan
*Maingat na Pagtatala
20. Ito ay pangongopya ng gawa ng iba o ng orihinal na may akda.
*Plagiarism
Wire tapping
Panunuhol
Pandarambong
21. Dahil sa kuryosidad ni Thomas Edison ay naka imbento siya ng ____________.
Subtances at elements
Cellphone
Kompyuter
*Incubator
22. Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaring maverifay ng mga mananaliksik ang mga
kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik.
Mapagbuti ang mga umiiral na Teknik at makadevelop ng mga bagong instrument o produkto.
*Mapalawak o maverifay ang mga umiiral na kaalaman.
Masatisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
23. Uri ng pananaliksik na ang layunin ay solusyunan ang suliranin ng mga tao.
Basic research
*Applied research
Action research
Evaluation research

24. Uri ng pananaliksik na ang layunin ay ipaliwanag ang isang penomenon.


*Basic research
Applied research
Action Research
Evaluation research
25. Ang lahat ay uri ng Applied Research o Pagtugong Pananaliksik, maliban sa isa.
Ang pag-aaral kung paano madedebelop ang kahinaan sa pagbabasa ng mga Grade 1 student.
*Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng sobrang pag-inom ng alak sa pag-iisip ng tao.
Ang pag-aaral kung paano magagamot ang isang pasyente na may insomnia.
Ang pag-aaral tungkol sa mga metodo o pamamaraan kung paano makikilala ang mga pasyenteng may
schizophrenia.
26. Kailangan ang lahat ng personal na impormasyong nakalap mula sa mga kalahok ay ___________________.
Maisapubliko
*Kompidensyal
Ipamahagi
Ipaalam sa madla
27. Ang mga sumusunod ay tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik na mag-aaral. Alin ang hindi kasali?
Matapat
Maingat
*Nagtatangi ng mga kasamahan
Bukas ang isipan
28. Ang mga nabanggit sa ibaba ay isinasagawa sa depensa ng saliksik maliban sa isa upang
___________________.
Masukat ang kakayahan ng isang mananaliksik
*Upang makasunod sa hinihingi ng kurikulum
Upang masuri ang kawastuhan ng saliksik
Upang magabayan ang mananaliksik sa pagpapabuti ng saliksik papel
29. Ang lahat ay uri ng Basic Research o Panimulang Pananaliksik, maliban sa isa.
Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng labis na exposure sa social media.
*Ang pag-aaral kung paano maiiwasan ang pagkagat ng mga lamok sa balat ng tao.
Ang pag-aaral tungkol sa iba't ibang uri ng na tumutubo sa probinsya ng Mindoro.
Ang pag-aaral kung ang gender stereotypes ay nagdudulot ng depression.
30. Ang alcohol ay isa nang batid na penomenon at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng isang
fuel mula sa alcohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina. Ito ay layunin ng pananaliksik nina Calderon at
Gonzales.
Masatisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
*Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang phenomena.
Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo
at impormasyon.
Lahat ay tama.
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
31. Ang mga mag-aaral ay pinagsasaliksik upang mapalawak ang isipan. Ito ay nagtutulak sa mag-aaral na mag-
isip, magtanoong, magsuri, bumuo ng kongklusyon mula sa nakolektang mga _____________ at ibahagi ang
nakalap na impormasyon sa kanyang komunidad.
Sarbey kwestyuner
Karanasan
Bagay
*Datos
32. Nagsabing ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Good
Aquino
*Parel
Trece
33. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
*Manuel at Medel
Aquino
Parel
Trece
34. Ayon kina Calderon at Gonzales ang pananaliksik ay isang komprehensibong gawain upang masolusyunan ang
isang problema, para sa prediksyon ng inbensyon, malaman ang katotohanan at magverify para sa isang
preserbasyon at ________________.
Pagpapabuti ng sarili
*Pagbababuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao
Pag-aayos ng komunidad
Lahat ay nabanggit
35. Seryosong gawain ito na may magandang atityud at mayroong talino.
Batay sa akyureyt na imbestigasyon
Matiyaga at minadali
Pinagsisikapan
*Hindi birong gawain
36. Maalas ang mga nahangong impormasyon sa elektroniko ay walang __________ ng mga awtor.
*Kredensyal o kwalipikasyon
Walang katiyakan ng natapos na kurso
Pangalan ng awtor
Walang taon kung kalian naisulat
37. Ito ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang
lipunang ginagalawan.
Karanasan
Pagpapaunlad
Komunikasyon
*Pananaliksik

38. SA mga sumusunod na katangian ng pananaliksik, alin ang hindi kabilang?


Lohikal
Obhektibo
Walang kinikilingan
*Maganda
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
39. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na pahayag ukol sa pananaliksik.
Orihinal na akda ang pananaliksik
May sistema ang pagsulat ng pananaliksik
*Madaling gawin ang pananaliksik
Makatotohan ang pananaliksik
40. Ito ang mga etika sa pananaliksik alin sa mga ito ang hindi kabilang?
kailangang maging obhektibo at walang kinikilingan
Isaalang-alang ang intelectual property rights
Maging matapat sa bawat pahayag
*Gumastos ng malaki upang masiguradong maganda ang pananaliksik.
41. Ang pananaliksik na tumutulong sa mga guro upang magsilbing gabay ang natuklasan upang higit na mging
epektibo ang pagtuturo.
Benepisyong personal
Benepisyong propesyunal
Benepisyong pambansa
*Benepisyong pang edukasyunal
42. Dahil sa pananaliksik nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal.
*Benepisyong pangkaisipan
Benepisyong personal
Benepisyong panlipunan
Benepisyong edukasyunal
43. Ang pananaliksik ay nahahasa ang kagalingan ng isang mag – aaral tungkol sa pakikipag ugnayan sa ibang
tao.
Benepisyong edukasyunal
*Benepisyong pangkatauhan
Benepisyong pangsarili
Benepisyong pambansa
44. Kung gagamitin ng mananaliksik bilang respondente ang pangkat ng mga tao ay dapat na may kaukulang
paggalang sa kanilang karapatan dahil ito ay may _______________.
*Etika ng pananaliksik
Lohikal ang pananaliksik
Obhetibo ang pananaliksik
Matapat ang pananaliksik
45. Sa pananaliksik ay hindi katanggap tanggap ang ____________.
May istatistikal na presentasyon
*Opinyon ng mananaliksik
May mga pigura
May batayan
46. Ang pananaliksik ay dapat na may ___________ upang maipakita ang katotohanan ng resulta.
*Ebidensya
Layunin
Konklusyon
Rekomendasyon
47. Ang hindi pagdodoktor at pagpapakita ng totoong resulta ay katangian ng pananaliksik na pagiging
___________.
Lohikal na pag – iisip
*Katapatan ng pananaliksik
Sistematiko
Organisado
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
48. Ang lahat ay uri ng Basic Research o Panimulang Pananaliksik, maliban sa isa.
Ang pag-aaral kung mas nagaging agresibo ang tao kapag mataas ang stress.
*Ang pag-aaral kung paano masusulosyunan ang maling pagtatapon ng basura.
Ang pag-aaral kung epektibo ang online class setting sa mga college students
Ang pag-aaral tungkol sa iba't ibang uri ng prutas na nabubuhay sa isang malamig na lugar.
49. Ang R.A. 8293 ay tumutukoy sa ___________ na may kaparusahang pagkakakulong at/ o pagmumulta ng
halaga ang sinumang lumabag dito.
*Intellectual Propperty Code of the Philippines
Right o the Students in School
Special Rights
Bill of Rights
50. Bakit patuloy ang paghahanap ng kasagutan sa iba’t ibang penomena sa pamamagitan ng paggawa ng
pananaliksik.
Dahil sa pangangailangan ng tao.
Dahil naghahanap ng panibagong dagdag kaalaman.
*Dahil nais ng tao na makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan na patuloy na makapagpapabuti ng
pamumuhay ng tao.
Maaaring may iba pang dahilan.

II. ANG PAMANAHONG PAPEL


51. Ang pag-aralan ang pinaka kabuuang plano ng mga gawain sa pananaliksik.
*Konsepto
Layunin
Metodolohiya
Rationale
52. Sa anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin batay sa paksa?
Inaasahang awtput
*Layunin
Metodolohiya
Kaugnay na Literatura
53. Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan o resulta ng pananaliksik.
Metodolohiya
Rekomendasyon
*Kongklusyon
Lahat ng nabanggit
54. Ang lahat ng ibinigay na salita ay bahagi ng metodolohiya, alin ang hindi kabilang sa mga ito?
*Datos
Obserbasyon
Panayam
Sarbey
55. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin.
*Kabanata I
Kabanata III
Kabanata II
Kabanata IV
56. Ito ay nagsisilbing proposal sa gagawaing pananaliksik.
Adyenda
*Konseptong papel
Memorandum
Posisyong papel
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
57. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang mahahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik.
Instrumento
Disenyo ng pananaliksik
*Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya
Paglalahad ng datos
58. Sa bahaging ito matatagpuan ang interpretayon ng datos.
Kabanata I
Kabanata III
Kabanata II
*Kabanata IV
59. Nakasaad sa bahaging ito ng pananaliksik ang lawak at sakop ng pag-aaral.
Metodolohiya
*Saklaw at limitasyon
Paglalahad ng suliranin
Disenyo ng pananaliksk
60. Ang mga sumusunod ay mga paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakalap ng impormasyon maliban
sa:
*Debate
Interbyu
Eksperiment
Sarbey
61. Nakalagay rito ang mga nais sagutin sa buong pag-aaral sa paksang inaaral sa anyong patanong.
Interpretasyon
Pagsusuri
Kahulugan ng katawagan
*Paglalahad ng suliranin
62. Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa konseptong papel ang hindi kabilang?
Ito ay nagsisilbing proposal.
*Ito ay gawaing pang-display lamang sa exhibit.
Ito ay isang plano na nagpapakita kung saang direksyon patungo ang paksa.
Nagsisilbing gabay o direksyon lalo na sa mga baguhan sa gawaing pananaliksik.
63. Sa bahaging ito dinodokumento ang ispesyal na kagamitang ginamit at mga hakbangin sa pagkuha ng datos.
Pagsa-survey
Paraan
Pakikipanayam
*Mga kagamitan at pamamaraan
64. Sa bahaging ito inilalahad ang mga paraan na isinasagawa upang mabuo ang pananaliksik papel.
Kabanata I
*Kabanata III
Kabanata II
Kabanata IV
65. Ito ay paglalahad ng mga tuklas sa pananaliksik na kaugnay ng layunin ng pag-aaral.
Metodolohiya
Rekomendasyon
*Kongklusyon
Buod

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


66. Naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa at ito ay ipinakikita sa isang
presentasyon ng paradaym.
*Balangkas konseptuwal
Interpretasyon
Kahulugan ng katawagan
Respondente
67. Ang balangkas konseptuwal ay binubuo ng batayan (input), ____________ at kinalabasan (output).
Paraan
Flow
*Proseso
Tsart
68. Ang _____________ ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na
hindi pangkaraniwan o pangyayaring magaganap pa lamang.
Datos
*Haypotesis
Rationale
Tunguhin
69. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na pahayag ukol sa pananaliksik.
Orihinal na akda ang pananaliksik
May sistema ang pagsulat ng pananaliksik
*Madaling gawin ang pananaliksik
Makatotohan ang pananaliksik
70. Kabanata na naglalahad ng literatura na may kaugnayan sa paksang tinatalakay.
Kabanata I
*Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
71. Mga sumusunod na katangian ng Kabanat II. Alin ang hindi kabilang?
Komprehensibo ang paraan ng pagpapahayag
Naglalaman ng mga nakaraang pananaliksik
Nahahati sa lokal at banyagang literatura
*Naglalahad ng suliranin ng pag-aaral
72. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng Kabanata III ang hindi kabilang?
Disenyo ng pananaliksik
Instrumento ng pananaliksik
*Kahulugan ng mga katawagan
Gagamiting istatistikal na datos sa pananaliksik
73. Ito ang terminong tawag sa mga lupon ng tagahusga ng pamanahong papel.
Tagapayo
Manghuhusga
*Kritiko
Mga hurado
74. Naglalaman ito ng mga talahanayan at grap na kailangan sa paglalahad ng datos na nakuha ng mananaliksik.
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
*Kabanata IV
75. Ito ang talaan ng lahat ng maaring gamiting sanggunian.
*Bibliyograpiya
Metodolohiya
Talahanayan
Talapanahunan
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
76. Terminong tawag sa paraan ng pagpili ng mga kalahok.
*Sampling
Metodo
Approach
Dulog
77. Ang sampling na ito ay isinasagawa upang maipakita ang patas na pagpili ng posibleng kalahok
Referral sampling
Convenience sampling
* Random sampling
Purposive sampling
78. Sa kabanatang ito makikita ang mga ginamit na literatura upang rebyuhin ang paksa ng pag-aaral.
Kabanata I
*Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
79. Ang dulog na ito ay ginagamitan ng panukat upang mas obhektibo ang pananaliksik.
Kwalitatibo
*Kwantitatibo
Maaaring kwalitatibo o kwantitatibo
Parehong kwalitatibo at kwantitatibo
80. Ang dulog na ito ay maituturing na subhektibo sapagkat nakabatay lamang ang resulta sa pahayag ng mga
kalahok sa pag-aaral.
*Kwalitatibo
Kwalitatibo o kwantitatibo
Kwantitatibo
Parehong kwalitatibo at kwantitatibo
81. Dito makikita ang balidong dahilan sa pagpili ng paksa.
*Kaligiran ng pag-aaral
Suliranin ng pag - aaral
Saklaw at limitasyon
Layunin ng pag - aaral
82. Alin sa ibaba ang hindi kasama sa pamamaraan ng pangangalap ng datos?
Pakikipanayam
Pagpapasagot ng sarbey o tseklis
*Pagmemeron
Pakikihalubilo
83. Ito ay mga salitang ginamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan sa punong ideya ng pag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral
*Depinisyon ng termino
Konseptuwal
Mga nilalaman
84. Ito ang katagang tawag sa mga kasangkot sa pag-aaral na isinasagawa sa pamamagitan ng panayam.
*Respondente
Partisipante
Sangkot
Kalahok
85. Ang pag-aaral sa buhay ng mga Badjao ay isang __________ na pananaliksik.
Eksperimental
Penomonolohiya
*Etnolohiya
Case study

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


86. Ang depinisyon ng mga terminolohiya ay makikita sa ___________.
*Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
87. Alin sa ibaba ang maaaring kasuhan ng pladyarismo?
Kinuha ang buong pag-aaral at inilagay ang pangalan ng may akda sa unahan ng pahayag.
Nagparaphrase at kinilala ang may akda
*Sa pagsasalin ay hindi na dapat na ipakilala pa ang orihinal na may akda.
Binanggit ang pahayag ng may akda at ipinakilala ito.
88. Dito makikita ang ginamit na sampling sa pananaliksik.
Kaligiran ng pag-aaral
*Metodo ng pag-aaral
Saklaw at limitasyon
Layunin ng pag-aaral
89. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama na hanguan ng pananaliksik?
*Aklat pampanitikan
Dyornal
Pahayagan
Nalathalang pag-aaral
90. Ito ang katagang tawag sa mga eksperto sa pananaliksik na gumagabay sa kawastuhan at kakulangan ng
ginawang pag-aaral.
*Tagapayo
Tagahusga
Kritiko
Lupon ng tagahusga
91. Sa bahaging ito makikita kung sino at paano makikinabang sa pag-aaral.
Saklaw at limitasyon
Suliranin ng pag - aaral
*Kahalagahan ng pag-aaral
Konseptwal na balangkas
92. Ang konseptuwal na balangkas ay makikita sa _____________.
*Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata V
93. Ang kaligiran ng pag-aaral ay dapat na ____________ maliban sa isa.
Nailalahad ang balidong dahilan sa pagpili ng paksa.
May mga suportadong pahayag.
Nakapupukaw ng pansin sa tagabasa.
*Nababanggit ng mananaliksik kung paano ipoproseso ang pagbuo ng pananaliksik.
94. Sa bahaging ito makikita kung ano ang pokus ng paksa.
*Layunin ng pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Kahalagahan ng pag-aaral
Lahat ng nabanggit
95. Mahalaga na ilagay ang taon ng pagkakalatahala pagkatapos ng pangalan ng awtor dahil __________ maliban
sa isa.
Mas madaling malaman kung ang datos ay balido pa
Upang malaman kung ang datos ay nailathala
Upang maisaayos ang tamang pagkakasunod sunod.
*Mas maganda at kapansin pansin

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


96. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay tungkol sa nakalipas ng isang bagay.
Case study
Eksperimental
*Historikal na pananaliksik
Penomonolohiya
97. Tinatawag din itong dahong-dagdag na naglalaman ng mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon
ng interbyu, sampol ng sarbey, kwestyoner, bio- data ng mananaliksik, mga larawan, at kung ano-ano pa.
Preliminari
*Apendiks
Bibliografi
a at b
98. Ang disertasyon ay katagang tawag sa pananaliksik sa __________.
Kolehiyo
*Kumukuha ng doktorado
Sekondaryang edukasyon
Isinasagawa sa Senior High School ang pananaliksik
99. Ang pananaliksik ay dapat na ____________ maliban sa isa.
Ispisipiko
*Malawak
Interesado ang mananaliksik
May nakahandang materyales
100. Ang Kaligiran ng pag-aaral ay nasa ___________.
*Bago ang layunin at suliranin ng pag-aaral
Pagkatapos ng saklaw at limitasyon
Nasa gitna ng Kabanata I
Nasa unahan ng konseptwal na balangkas ng pamanahong papel
101. Ang mananaliksik ay dapat na ____________ maliban sa isa
May sapat na panahon
May pokus
May sapat na salapi
*May kapangyarihan
102. Ang ___________ ay isang alpabetikong pagkakasunud-sunod ng mga salitang binibigyang kahulugan.
*Diksyunaryo
Ensayklopidya
Atlas
Pahayagan
103. Ito ay grapiko na binubuo ng maraming hanay at naangkop na gamitin kung maraming salik, kategorya o
datos ang ipakikita.
Bar Grap
*Talahanayan
Pie Grap
Pictograph
104. Ito naman ay grap na gumagamit ng mga bloke o hugis parisukat na kumakatawan sa datos/bilang na nais
ipakita ang pagtaas o pagbaba nito.
Line Grap
Piktograp
*Bar grap
Talahanayan
105. Ito ay gumagamit ng isang bilog para katawanin ang 100% at hinahati-hati ito upang ipakita ang pagkakabaha-
bahagi ng isang kabuuan.
Line Grap
Talahanayan
*Pie Grap
Bar graph
QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1
106. Ang ___________ ay paglalahad ng datos na maaaring magpakita ng paggalaw ng datos kung ito ay umuunlad
o bumabagsak.
*Line Grap
Pictograph
Bar grap
Pie graph
107. Ito ang pinakauna at blangkong pahina ng isang pamanahong papel upang magbigay proteksyon sa nilalaman.
*Fly leaf 1
Pahina
Dahon
Lahat ay tama
108. Lahat ay matatagpuan sa preliminari ng pamanahong papel. Alin hindi kasali?
Titulong pahina
Dahon ng pagpapatibay
*Metodo
Pagkilala/Pasasalamat

109. Naglalaman ng pinakabuod ng pamanahong papel tulad ng paglalahad ng suliranin, haypotesis, lagom ng
natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon.
*Asbtrak
Kaligiran ng pag-aaral
Kahalagahan ng pag-aaral
Interpretasyon ng mga datos
110. Nakasaad sa ______________ ng pamanong papel kung kanino iniharap ito, kung saang asignatura ito
pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon.
Fly Leaf
Pahina
*Pamagating pahina
Preliminari
111. Nakatala dito ang pamagat ng bawat talahanayan at ang pahina nito gayon din ang bilang ng talahanyan.
Talaan ng nilalaman
Dahon ng pagpapatibay
Abstrak
*Talaan ng talahanayan
112. Sinasabing sa Kabanata II ay masusukat ang husay ng mananaliksik sa kakayahang pangwika at kasanayan sa
pagsulat dahil kailangan ang husay sa paglalagom, _____________ at pagsipi.
*Paraphrasing
Pag-eedit
Pagrerevise
Lahat ay tama
113. Ang teoretikal na balangkas ay nasa ______________.
*Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
114. Makikita ang naging paraan ng pananaliksik sa _____________.
*Metodo ng pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Diskusyon at interpretasyon
Introduksyon

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


115. Alin sa mga sumusunod na hindi dapat gawin ng isang mananaliksik.
Hinango ang datos subalit ipinakilala ang awtor
*Isinalin ang datos at hindi na kinilala ang awtor
Binuod ang datos at kinilala ang awtor
Wala sa nabanggit
116. Saan makikita ang mga pigura ng isinagawang pananaliksik?
Kabanata II
Kabanata III
*Kabanata IV
Kabanata V
117. Ito ay paraan ng paghango na kung saan isinusulat muli ang nabasa at sinisigurado na hindi lilihis ang orihinal
na konteksto ng pahayag.
Pagbubuod
Quotation
Pagsasalin
*Paraphrasing
118. Ito ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong papel.
Preliminari
*Listahan ng Sanggunian
Apendiks
Dahong-dagdag
119. Ang pananaliksik ay empirikal dahil _____________.
May hakbang na sinusunod
*May mga ebidensya na handang patunayan
Dahil kinikilala at pinipili ang baryabol
Dahil pinaplanong mabuti ang bawat hakbang
120. Ang pananaliksik ay obhektibo at walang kinikilingan dahil ____________.
*Sapagkat may sapat na batayan
Sapagkat may salig ng sariling opinyon lamang
May kakayahang mamanipula ang resulta
Dahil may haypotesis na gabay sa pananaliksik
121. Ang ____________ ay balangkas ng plano o binabalak na isagawang pananaliksik sa nakikitang potensyal na
paksa o pamagat.
Pamanahong Papel
*Konseptong Papel
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng Talahanayan at Grap
122. Ang ____________ ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga mag-aaral sa
kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.
*Pamanahong Papel
Konseptong Papel
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng Talahanayan at Grap
123. Ito ay bahagi ng konseptong papel na naglalahad ng uri ng pananaliksik na kinabibilangan nito, pamamaraan,
maging ang paglalarawan ng kalahok at instrumentong gagamitin sa pangangalap ng datos.
Rasyonal
Layunin
*Metodolohiya
Inaasahang Resulta

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


124. Ito ang huling bahagi ng konseptong papel na naglalahad ng maaaring maging kinahinatnan ng pag-aaral o
pananaliksik.
Rasyonal
Layunin
Metodolohiya
*Inaasahang Resulta
125. Ang bahaging ito naman ng konseptong papel ay naglalahad ng pangkalahatang tunguhin at mga tiyak na
tunguhing isagawa, matuklasan o masagot ng binabalak na pananaliksik.
Rasyonal
*Layunin
Metodolohiya
Inaasahang Resulta
126. Ang kabanatang ito ang naglalahad ng layunin, kahalagahan, saklaw at limitasyon
*Suliranin at Kaligiran nito
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Metodolohiya
Presentasyon ng mga Datos
127. Ang kabanatang ito ay nahahati sa: disenyo ng pananaliksik, instrumento at tritment ng datos.
Suliranin at Kaligiran nito
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
*Metodolohiya
Presentasyon ng mga Datos
128. Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos ng nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at
tabular o grapik na presentasyon.
Suliranin at Kaligiran nito
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Metodolohiya
*Presentasyon ng mga Datos
129. Naglalaman ang kabanatang ito ng lagom, kongklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.
Kabanata I
Kabanata III
Kabanata IV
*Kabanata V
130. Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
Suliranin at Kaligiran nito
*Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Metodolohiya
Presentasyon ng mga Datos
131. Ang ____________ ay talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay o pagpapakilala ng paksa ng
pananaliksik
*Panimula
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at LimitasyoN
132. Inilalahad ang pangkalahatang tunguhin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito
ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
Panimula
*Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


132. Sa ___________ tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng
pananaliksik dahil tinutukoy rito kung ano-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
Panimula
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
*Saklaw at Limitasyon
133.Itinatala naman sa ___________ ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at bawat isa ay
mayroong kahulugan.
Panimula
*Depinisyon ng mga Katawagan
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
134. Sa __________ ay inilalahad ang kabuluhan ng pagsasagawa ng pananaliksik
Panimula
Layunin ng Pag-aaral
*Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
135. Ang __________ ang kabuuang daloy ng plano o balak mula sa simula ng pananaliksik hanggang sa pagtatapos
nito.
Panimula
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
*Balangkas Konseptuwal
136. Sa ______________ nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang isinasagawang pag-aaral.
*Disensyo ng Pananaliksik
Respondente
Instrumento na Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
137.Mahalaga ring matukoy ang mga ____________ ng sarbey, kung ilan sila, at paano o bakit sila ang napili.
Disensyo ng Pananaliksik
*Respondente
Instrumento na Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
138. Sa ___________, inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon.
Disensyo ng Pananaliksik
Respondente
*Instrumento na Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
139. Sa ___________ ay binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong
tinalakay sa kabanata III.
*Lagom
Kongklusyon
Rekoemendasyon
Wala sa nabanggit
140. Ang ___________ ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag
batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
Lagom
*Kongklusyon
Rekomendasyon
Wala sa nabanggit

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


141. Sa _____________ inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang a.mga numerical na
datos ay mailarawan.
Disensyo ng Pananaliksik
Respondente
Instrumento na Pananaliksik
*Tritment ng mga Datos
142. Ang ____________ ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.
Lagom
Kongklusyon
*Rekomendasyon
Buod
143. Sa maingat sa anumang pagkakamali at malayo sa kapabayaan: (1) Ilayo ang personal na hangarin o intensyon
sa paksa ng pananaliksik. (2) Kinikilatis mabuti ang mga nabuong gawain at tinitingnan kung wasto ang mga nailipat na
datos. Ang dalawang pahayag na ito ay ___________.
Tama pareho
Mali pareho
Tama ang una at mali ang ikalawa
*Mali ang una at tama ang ikalawa
144. Sa pagiging obhektibo ng pananaliksik: (1) Walang pagkiling sa resulta ng kanyang pag-aaral. (2) Hindi
magkakaroon ng manipulasyon mula sa tunay na nakalap na datos. Ang dalawang pahayag na ito ay __________.
*Tama pareho
Mali pareho
Tama ang una at mali ang ikalawa
Mali ang una at tama ang ikalawa
145. Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya: (1) Ang mga mag-aaral na mananaliksik ay tumatanggap ng
mga suhestyon at puna. (2) Tinitingnan ang mga payo bilang tulong at makakapagpabuti sa pag-aaral. Ang dalawang
pahayag na ito ay ___________.
*Tama pareho
Mali pareho
Tama ang una at mali ang ikalawa
Mali ang una at tama ang ikalawa
146. Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan: (1) Sundin kung ibinibilin ng kalahok na itago ang
kanyang katauhan. (2) Panatilihin ng mananaliksik na kumpidensyal ang mga datos na nakalap. Ang dalawang pahayag
na ito ay ____________.
*Tama pareho
Mali pareho
Tama ang una at mali ang ikalawa
Mali ang una at tama ang ikalawa
147. Ito ay pangongopya ng gawa ng iba o ng orihinal na may akda.
*Plagiarism
Wire tapping
Panunuhol
Pandarambong
148. Bagamat bukas na ang lahat ng source o sanggunian dahil na rin sa teknolohiya kailangan pa rin na ipaalam
ang ____________.
*Pangalan ng may akda
Lugar ng pananaliksik
Kredensyal ng mananaliksik
Lahat ay tama

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1


149. Ginagamit ang sarbey upang ___________ ang isang umiiral na penomena sa halip na pagsubok ng
haypotesis.
*Sukatin
Ilarawan
Alamin
Ipaliwanag
150. Ang pananaliksik ay _____________ na gawain dahil nagaganap ang imbestigasyon at obserbasyon.
Lohikal
Kritikal
*Empirikal
Istatistikal

QF-ACD-032 (10.24.2019) Rev.1

You might also like