FIL 8 q3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 140

Filipino

Ikatlong Kwarter

BAITANG 8
TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT 3 – Kontemporaryong Panitikan Tungo sa


Kultura at Panitikang Popular

ARALIN 1 – MGA POPULAR NA BABASAHIN


1.1. Ating Alamin . . . . . . . . . . Social Media sa Pilipinas 2
1.2. Akda . . . . . . . . . . . . . . . . . Ang Wikang Filipino sa Edukas-
yong Panteknolohiya: Isang
Teknolingguwal na Pagtalakay 5
1.3. Gramatika/Retorika . . . . . Mga Salitang Ginagamit sa
Komunikasyon 22
1.4. Ating Palawakin . . . . . . . .Paggamit ng Iba’t Ibang Estrate-
hiya sa Pangangalap ng mga
Ideya sa Pagsulat ng Balita o
Komentaryo 26

ARALIN 2 – KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO


2.1. Ating Alamin . . .. . . . . . . .Panitikang Popular 30
2.2. Akda . . . . . . . . . . . . . . . . . Komentaryong Panradyo Kaugnay
ng Freedom of Information Bill 32
2.3. Gramatika/Retorika . . . . . Ekspresyon sa Pagpapahayag
ng Konsepto o Pananaw 37
2.4. Ating Palawakin . .. . . . . . Pagsulat ng Isang Dokumentar-
yong Panradyo at Paglalahad ng
Maayos at Wasto ang Pansariling
Pananaw, Opinyon at Saloobin
Tungkol sa Isang Paksa 41

i
ARALIN 3 – KONTEMPORARYONG PROGRAMANG
PANTELEBISYON
3.1. Ating Alamin . . . . . . . . . . Telebisyon: Medium sa
Broadcast Media 43
3.2. Akda . . . . . . . . . . . . . . . . . Pagpag For Sale 45
3.3. Gramatika/Retorika . . . . . Ekspresyong Hudyat ng
Kaugnayang Lohikal 52
3.4. Ating Palawakin . . . . . . . Pagsulat ng Isang
Dokumentaryong Pantelebisyon
Gamit ang mga Ekspresyong
Nagpapakita ng Kaugnayang
Lohikal 55

ARALIN 4 – SURING-PELIKULA
4.1. Ating Alamin . . .. . . . .. . . Ang Pelikulang Magnifico 58
4.2. Akda . . . . . . . . . . . . . . . . . Magnifico (Isang Rebyu o
Pagsusuri 59
4.3. Gramatika/Retorika. . . . . . Mga Bantas 66
4.4. Ating Palawakin . . . . . . . . Paggamit ng Kahusayang
Gramatikal sa Pagsulat ng
Isang Suring-Pelikula Batay sa
mga Itinakdang Pamantayan 75

ARALIN 5 – MGA KOMPOSISYONG POPULAR


5.1. Ating Alamin . . . . . . . . . . . Komposisyong Popular 77
5.2. Akda . . . . . . . . . . . . . . . . . Masdan Mo ang Kapaligiran 81
5.3. Gramatika/Retorika . . . . . Mga Tuntunin sa Pagbabaybay 87
5.4. Ating Palawakin . . . . . . . . Pagsasagawa ng Isang
Pananaliksik Ukol sa Napiling
Paksa 90

ii
ARALIN 6 – KONTEMPORARYONG ISYU: GLOBAL WARMING
6.1. Ating Alamin . . . . . Global Warming: Senyales na
nga ba? 94
6.2. Akda . . . . . . . . . . . . . . . . . Global Warming at Climate
Change 97
6.3. Ating Unawain . . . .. . . . . .Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Social Awareness Campaign 109
6.4. Ating Paunlarin . . . . . . . . .Pagbuo ng Isang Social
Awareness Campaign tungkol
sa Isang Paksa sa Tulong ng
Multimedia 111

ii
Aralin
MGA POPULAR NA BABASAHIN
1

Ang Pilipinas ay tahanan ng mga manunulat. Kaalinsabay nito ay hitik ang bansa sa
mga babasahing masining na naisulat ng bawat may-akda. Iyo bang napansin ang mga popular
na babasahin sa ating panahon? Ilan lamang ito sa patunay ng pagiging malikhain ng mga
Pilipino pagdating sa paggamit ng mga salitang pangkomunikasyon upang maipahayag ang
saloobin at pananaw sa maraming bagay. Ilang taon ka na ba ngayon? Sa kabila ng malagong
pag-unlad ng makabagong teknolohiya, iyo pa bang napagtutuunang kilalanin at basahin ang
mga nilalaman ng mga babasahing ito? Kilalanin ang mga babasahing ito at ibigay ang sariling
deskripsyon ukol sa mga ito.

Sagutin ang mga kasunod na tanong:


1. Alin sa mga ito ang malimit mong basahin? Bakit?
2. Ano ang kaugnayan ng babasahing ito sa kulturang Pilipino?
3. Ang may akda ba ay gumamit ng pormal o impormal na mga salita? Patunayan?

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 1


Sadyang napakabilis ng buhay ngayon sa mundo. Tila ba ang bawat tao ay
nagmamadali. Sa isang kurap ng mata, maaaring magbago ang lahat. Sa ganitong
pagkakataon, kailangan ang mga makabagong kagamitan at teknolohiya upang
makipagsabayan ang isang tao sa mabilis at sopistikadong paggalaw na ito ng
sangkatauhan. Isa sa pangunahing paraang ginagamit ngayon ng napakaraming
tao upang mapabilis ang komunikasyon at iba pang transaksyon ay ang Internet.
Tunghayan ang mga datos patungkol sa mabilis na paglago ng mga gumagamit
nito sa ating panahon.

Estadistika ng Bilang ng mga Gumagamit ng Internet at Social Media sa Pilipinas


Bilang ng Aktibong Aktibong Mobile Aktibong
Populasyon Gumagamit ng Gumagamit ng Koneksyon Gumagamit ng
internet Social Media Social Moblie

101.1 milyon 44.2 milyon 42.0 milyon 114.6 milyon 36.0 milyon

Oras na Naigugugol sa Media


Mga Gumagamit ng Mga Gumagamit ng Mga Gumagamit ng Gumagamit ng
Internet Cellphone Social Media Internet habang
Nanonood ng
Telebisyon

6 oras 17 minuto 3 oras 19 minuto 4 oras 15 minuto 2 oras 47 minuto

Pangunahing Aktibong Social Platforms

Facebook 21%
Facebook Messenger 20%
Skype 17%
Google 17%
Twitter 13%
13
Viber 12%
12% 13
Instagram 8%
Linkedin 7%
7%
Kakao Talk 6%
6%

2 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mabilis na nakakasabay sa mga
pagbabagong panteknolohiya. Iyong alamin ang ilan sa mga tala kung paano
naiimpluwensyahan ang mga Pilipino ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya
at social media networks.
Ang Pilipinas ay tinaguriang Texting Capital of the World. Tinatayang 2
bilyong text messages ang ipinapadala bawat araw. Ayon sa nakaraang balita, ang
siyudad ng Makati at Pasig ang tinaguriang Selfie Capital of the World. Tinatayang
30 milyon ang bilang ng mga Pilipinong miyembro ng Facebook ayon sa tala ng
Internet World Statistics taong 2012.

A. Nabibigyan-kahulugan ang mga salita na ginagamit sa mundo ng multimedia.


Bigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa multimedia. Piliin ang kahulugan sa
hanay B.
A
____ 1. dalubhasa ang mga techie
____ 2. Internet na gamit ng marami
____ 3. patok sa multimedia
____ 4. kinagawian ng mga cybernetics
____ 5. e-learning ang gamit ng mga paaralan
____ 6. tungo sa hypermedia
____ 7. kasapi sa global village
____ 8. kawangis nito sa world wide web
B
a. taong eksperto sa teknolohiya
b. uri ng komunidad na nasasaklawan ng buong mundo
c. paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon
d. isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan
e. ang pagsasama-sama ng iba‘t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio,
video, graphics, plain text, at hyperlinks.
f. isang sistema na magkakakabit na mga dokumento na makukuha sa internet.
g. internasyonal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga indibidwal na
nasa iba‘t ibang panig ng mundo.
h. agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa sa
makina at buhay na nilalang.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 3


B. Natutukoy ang kahulugan ng salita.
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan

1. Ang mga eksperto ang nakakaunawa sa mga bagay ng multimedia.

buladahas

2. Kinagawian na nating gamitin ang mga banyagang wika sa ating


pakikipagtalastasan.
hayunad

3. Namamalas natin ang pagsulong ng ating social media

gopagal

4. Adhikain kong matuto ng paggamit ng iba‘t ibang wika.

nulayin

5. Ang mga kabataan ngayon ay nagpapakita ng kani-kanilang pekulyaridad sa


paraan ng pagkatuto.

bikanaha

4 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


AKDANG PAMPANITIKAN

ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG PANTEKNOLOHIYA:


ISANG TEKNOLINGGUWAL NA PAGTALAKAY
Christian George C. Francisco

Isandaan at walumpu (180) sa humigit-kumulang na anim na libong buhay na


wika sa daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong sitwasyon ay maituturing na
isang penomenong pangwika na nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawat
wika sa mundo ay maikakategorya batay sa uri nito. May mga wikang intelektuwalisado
at malawakang ginagamit sa iba‘t ibang antas ng komunikasyong pasalita at pasulat,
halimbawa nito ay ang English, French, Spanish at German. Samantala, may mga wika
rin na masasabing intelektuwalisado subalit limitado ang gamit sa mga bansang
mauunlad gaya ng wikang Korean at Niponggo (tonal languages kung ituring ang mga
ito). Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika sa mundo na karaniwang
matatagpuan sa Asya gaya ng Filipino, Malay at iba pa. Tinawag itong papaunlad dahil
patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mga lingguwistikong pag-aaral hinggil sa
mga kalagayang pangwika sa ating bansa. Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay
may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa tinatawag nating pangkat-wika o speech
community. Kung kaya, sa larangan ng lingguwistiks, walang tinatawag na superyor at/o
inferyor na wika. Nangangahulugan lamang na ang isang wika ay nararapat na
mabisang tugunan ang pangangailangan ng mga gumagamit nito. Halimbawa, ang
paggamit ng Filipino ay nakatutugon sa mga personal na pangangailangan ng mga
Pilipino. Ang mga pangangailangang ito ay tumutukoy sa kanyang emosyon, paniniwala
at mga adhikaing nais niyang personal na maipaabot sa kanyang kapwa. Sa kabilang
banda, ginagamit naman natin ang English (American English ang tinutukoy ko rito at
hindi ang ibang varayti ng English sa mundo) para sa ating instrumental na

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 5


pangangailangan. Sa pamamagitan nito, malayang nagagawa ng mga Pilipino na
makipagtalastasan tungo sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Nagsisilbi itong
instrumento sa pang-empleyong perspektiba gayundin naman sa aspektong
pangsosyalisasyon. Bunsod ng ganitong sitwasyon ang pagpapakita ng halaga sa
pagkakaroon ng sarili o pampersonal na wika, pambansang wika at mga wikang global.
Marami man ang wika sa buong daigdig gayundin sa Pilipinas, hindi maaaring
pagkumparahin ang bawat isa. Dahil ang WIKA MO, ang tumutulong sa iyo upang lubos
mong maiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang paraan. Bukod pa, hatid din nito
ang kristalisado at awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay ng kahit na anong
banyagang wika. Ang WIKANG FILIPINO naman ang nagsisilbing wika ng
nagkakaisang bansa. Ito rin ang wikang nagiging daluyan ng mga mahahalagang
impormasyong politikal at sosyal na kayang-kayang maipaabot anumang antas ng
kabuhayan ang iyong kinabibilangan. Ang pagsulong at pagtangkilik sa wikang ito ang
tutulong sa bawat Pilipino na maunawaan ang mga pinakamahihirap na konsepto ng
mundo. Higit sa lahat, ang WIKA NG MUNDO ang siyang nagiging tagapag-ugnay sa
mas malawak na impormasyon. Nagagawa nitong maging kongkreto ang global village
kung saan bawat tao ay malayang nauunawaan ang wika, kultura gayundin ang mga
paniniwala ng iba‘t ibang nasyon.
Gayumpaman, bahagi ng global na kalakaran ang dimensyong teknolohikal na
ang bawat kultura sa mundo ay nagpapakita ng kani-kanilang pekulyaridad sa aspekto
ng popular na paniniwala kung saan bahagi ang pag-aaral ng wika. Sa bahaging ito,
malawakang nakikisangkot ang akademiya upang matugunan ang mga kakailanganing
pedagohikal. Kung kaya, minsan na ring naipahayag ni Tony Blair na, ―Ang ginawang
pagbabago ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng tao ay hindi matatawaran lalo na sa
larangan ng edukasyon. Sadyang mawawalang-saysay ang husay at galing ng susunod
na henerasyong propesyonal gaya ng mga titser kung patuloy itong sasandig sa mga
tradisyonal na kaparaanan.‖ Sa katunayan, halos lahat ng bansa sa buong daigdig ay
nagpapasiklaban sa tinatawag na ―battlefields of learning‖ nang sa gayon ay huwag
silang mahuli kaugnay sa mga bagong kaalamang hatid ng Information and
Communications Technology. Isang halimbawa nito ay ang world wide web (www) na
tinatayang pinakamalaking imbakan ng impormasyon sa buong mundo. Sa
pamamagitan nito, nagagawa ng tao na makaakses sa anumang uri ng datos o
kaalaman na naisin niya. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinanghahawakan
ng mga techie (eksperto sa teknolohiya) na ang modernong panahon ay mahigpit na
nakasalalay sa mga inobasyong ihahatid pa ng teknolohiya. Paliwanag nila, ito ay isang
komprehensibong paghahanda kaugnay sa iba‘t ibang oportunidad ng pagkatuto na ang
makikinabang ay ang sangkatauhan partikular na ang akademiya. Hindi na naman bago
sa atin ang mga termino gaya ng information age, e-class, multimedia, e-mail, on-
line/distance learning education, cybernetics, web page, hypermedia at marami pang
iba. Bagama‘t may mga iilan pa rin marahil na napapabalikwas at hayagang

6 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


tinatalikuran ang magandang dulot ng teknolohiya. Sa ganitong pagkakataon, binigyang
pansin nina Caroll at Witherspoon (2002) na sa loob ng klasrum ng bawat eskwela,
lahat tayo ay pawang mga estudyante, nagkataon lamang na ang iba ay baguhan at
ang iba ay eksperto na. Sa kasalukuyang panahon, kitang-kita ito sa bawat klasrum sa
Pilipinas. Kadalasan, ang mga titser ang siyang nalalagay sa alanganing posisyon
kapag usaping teknolohiya na ang nakalatag. Naniniwala naman si Reksten (2000) na
kung magkakaroon ng pagtutulungan sa paggamit ng teknolohiya, mas magiging madali
ang pagkatuto dito. Sa madaling sabi, ang pagsasanib-pwersang titser at ng mga
estudyante ay mainam tungo sa mas makabuluhang talakayang pangklasrum. May
kakayahan kasi ang teknolohiya na maiangat ang pag-iisip ng mga estudyante lalo na
kung ito ay maayos na naidisenyo sa kurikulum. Samantala, sa pag-aaral na isinagawa
nina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ng teknolohiya ay maitutumbas sa salitang
technique na ang ibig sabihin ay ang tamang paraan ng pagpili at pagkilala kaugnay sa
mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain. Ang angkop at tamang
pagpili ng teknolohiya na ating gagamitin sa ating mga klase ay nararapat ding
isaalang-alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa bawat aralin.
Nagagawa kasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng edukasyon ng isang
lipunan. Bukod dito, mas napapabilis din nito ang akses ng bawat estudyante at titser
sa impormasyon saan mang dako ng daigdig. Ayon nga kay Villacorta (2003), ang
edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral ng mga kaalaman, kakayahan at
kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging produktibo at
makabayang mamamayang makapag-aambag sa kaunlaran ng kanilang lipunan. Ibig
sabihin, ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng karunungan bilang
produkto o end result ng kaakuhan ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang ito
na sinumang tao na sumailalim o sasailalim sa gawaing ito ay hindi matatakasan ang
mga pagbabago sa kanyang paniniwala at mga ideolohiya sa buhay na makakaapekto
hindi lamang sa kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa
katunayan, marami ng mga pananalig pampagtuturo ang nabago ng modernong
panahon na nagdulot ng malaking impak sa edukasyon. Ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

1. Linyar tungo sa Hypermedia na Pagkatuto. Pagpapakita ito ng


kumbensyonal na pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga libro at iba pang
tradisyonal na parapernalya bilang mga pangunahing instrumento ng pagtuturo.
Samantala, ang hypermedia na paraan ng pagkatuto ay tumutukoy naman sa
gamit ng telebisyon, iba‘t ibang larong panteknolohiya gayundin ang gamit ng
Internet sa loob ng klasrum.
2. Simpleng Instruksyon tungo sa Pagtuklas ng Kaalaman. Ipinapakita
naman dito ang magkatuwang na debelopment ng pagtuturo at pagkatuto. Sa
kasalukuyang mga pananalig ng pagtuturo, mas ninanais na ngayon ng mga

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 7


estudyante na matuto sila mula sa sarili nilang mga karanasan at mga pagtuklas.
Dahil dito, mas nagiging mabisa at episyente ang kanilang pagkatuto sapagkat
awtentiko ang bawat karanasan nila.
3. Pagtuturong Nakapokus sa Titser tungo Pagkatutong Nakasentro sa
Estudyante. Gamit ang mga makabagong teknolohiya, magaganap ang
pagtuturong nakasentro sa estudyante dahil sa kanila nagmumula ang aksyon o
inisyatibo. Subalit, hindi nangangahulugang kaunti na lamang ang papel ng titser
sa loob ng klasrum, bagkus, mas magiging malawak pa ito dahil siya ang
magsisilbing gabay ng kabuoang talakayang ilalahad ng mga estudyante.
4. Mula Paaralan tungo sa Panghabambuhay na Pagkatuto. Dito ay
binubuwag ang paniniwalang sa paaralan lamang magsisimula at magtatapos
ang pagkatuto, bagkus, gamit ang mga makabagong teknolohiya, dulot ang
panghabambuhay na pagkatamo ng mga kaalaman sa mundo. Nagsisilbi rin
itong hamon sa mga estudyante gayundin naman sa mga titser upang patuloy na
tumuklas ng mga bagong kaalaman sa kanilang paligid.
5. Tortyur na Paraan ng Pagkatuto tungo sa Pangkasiyahang Pagkatuto. Isa
sa mga makabagong inobasyon na isinasagawa ng mga paaralan sa
kasalukuyang panahon ay kung paano matututo ang mga estudyante sa paraang
napahahalagahan nila ang bawat sandaling pananatili nila sa loob o labas man
ng klasrum. Sabi nga, ―teachers are also entertainers.‖ Ang entertainment ay
malaki ang naitutulong upang ma-motivate sa pag-aaral ang mga estudyante.
6. Ang Paniniwalang Titser bilang Tagapaghatid ng Impormasyon tungo sa
Pagiging Facilitator. Sa panahon ng impormasyon, nararapat na malinaw ang
papel ng titser na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon
sa mga estudyante. Nararapat niyang panghawakan na siya ay facilitator na
gagabay at magsisilbing consultant ng kaalaman sa klasrum. Tinatayang ang
mga nabanggit na pagbabago ay ang mga modernisadong perspektibo ng
edukasyon sa modernong panahon. Bagama‘t ang ilan sa mga ito ay lantaran na
rin naming nagagamit ng maraming titser sa kasalukuyan. Gayumpaman, hindi
rito nagtatapos ang ating gawain, bagkus, nararapat pa ring maglaan ng
pagtataya o ebalwasyon kung mahusay bang nagamit ang teknolohiya sa isang
partikular na aralin.
.
Sa puntong ito, makikita ang kahalagahan ng integrasyon ng teknolohiya sa wika
partikular sa aspektong pansarili, panlokal at pangglobal. Higit pa, sa kalakarang global
kung saan lubos ang kontribusyong inihahatid ng Information and Communications
Technology. Ito ang mga bumubuo sa isang lipunang lubos na pinahahalagahan ang
konseptong teknolingguwal. Kung saan, pinalalakas ang ugnayan ng mga wikang
ginagamit katuwang ang lantarang pakikilahok sa global village. Sa huli, isang
katotohanan na kung ang isang lipunan ay marunong magpahalaga sa kung anumang

8 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


wikang mayroon sila ay isang lipunang naniniwala sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan
at kaakuhan.
Maraming salamat!

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Naniniwala ka ba sa binabanggit ng may akda na sa larangan ng


lingguwistiks, walang maituturing na inferyor o superyor na wika?
Patunayan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Paano nakakatulong ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa


pagpapabuti ng edukasyon?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Mayroon ka bang kilalang gurong gumagamit ng makabagong teknolohiya sa


pagtuturo? Paano nakakaapekto ang estilo ng kanyang pagtuturo sa iyong
pagkatuto?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 9


4. Bilang mag-aaral sa ika-21 siglo, alin para sa iyo ang higit na epektibong
paraan sa paglinang ng galing at talino ng mga mag-aaral, pagtuturong
tradisyonal o pagtuturong ginagamitan ng Information and Communication
Technology? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________

5. Kailan at paano nagiging negatibo ang epekto ng paggamit ng makabagong


teknolohiya sa buhay ng tao?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________

A. Nabibigyang–reaksiyon ang opinyon ng may-akda tungkol sa isyung


tinalakay.

Bigyang reaksiyon ang ilan sa mga isyung tinalakay ng may akda. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat ang opinyon o reaksiyon sa mga napiling
sagot.

1. Ang edukasyon ay ang pagpapaabot ng mga mag-aaral ng mga kaalaman at


kakayanan, at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging
produktibo at makabayang mamamayang makapag-aambag sa kaunlaran ng
kanilang lipunan. Ibig sabihin, ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-
aaral ng karunungan bilang isang produkto o end result ng kaakuhan ng isang
indibidwal.
a. Ang karunungan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagkakamit ng
maayos na edukasyon.
b. Makakamit ang kaunlaran kung ang bawat indibidwal ay magkakamit ng
maayos na edukasyon.

10 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


c. Ang gampanin ng edukasyon sa paghubog sa pagkatao ng isang indibidwal.
Paliwanag: _____________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ang pagbabagong ginawa ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng tao ay hindi


matatawaran lalo na sa larangan ng edukasyon. Sadyang mawawalang saysay
ang husay at galing ng susunod na henerasyong propesyonal gaya ng mga titser
kung patuloy itong sasandig sa tradisyonal na kaparaanan.
a. Daig ng teknolohiya ang galing ng utak ng isang indibidwal.
b. Patuloy na umuunlad ang sistema ng edukasyon dahil sa pagbabagong hatid
ng teknolohiya.
c. Ang mga titser ay kailangang sumabay sa pagsulong ng teknolohiya upang
hindi siya maiwan ng mga pagbabagong hatid nito.
Paliwanag: ____________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ang tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitin sa ating klase ay


nararapat isaalang-alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa
bawat aralin. Nagagawa kasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng
edukasyon ng isang lipunan. Bukod dito, mas napabibilis din nito ang access ng
bawat estudyante at titser sa impormasyon saan mang dako ng mundo.
a. Ang positibong dulot ng teknolohiya sa pagpapabuti ng edukasyon.
b. Ang guro at titser sa mundo ng teknolohiya.
c. Pagpili ng wastong teknolohiya na gagamitin sa pagpapaunlad ng edukasyon.
Paliwanag: ____________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 11


Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik.

Sa ating panahon, hindi maitatatwa ang katotohanang hindi na mapigilan ang


paglago ng teknolohiya at kasabay nito ang mabilis na pagkatuto ng tao lalo na ng mga
kabataan sa paggamit ng iba‘t ibang uri nito gaya ng computer, multimedia gadgets,
internet at iba pa. Dahilan sa mabilis na access nito ay naging madali ang pagkalap ng
mga impormasyong kailangan. Subalit sa matinding pagkahilig sa paggamit ng
teknolohiya ay napipinto ang mga negatibong epekto nito sa buhay ng mga kabataan
lalo na kung mali ang paggamit nila nito. Sa pamamagitan ng pagkalap ng mga datos
sa internet o aklat ay iyong alamin ang mga negatibo at positibong epekto ng paggamit
ng media o teknolohiya. Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer sa ibaba.

Pagkatapos mong punan ang graphic organizer, sagutin ang mga kaugnay na
tanong sa susunod na pahina.

MGA POSITIBONG MGA NEGATIBONG


EPEKTO EPEKTO

TEKNOLOHIYA

____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
_ _

12 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


1. Mabuti ang teknolohiya kung gagamitin lamang ng tama. Bilang
kabataan, paano mo mapaglalabanan ang masamang epekto ng maling
paggamit ng makabagong teknolohiya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Paano mo gagamitin ang teknolohiya sa pagkamit ng iyong mithiin at


pangarap sa buhay?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_______________________________________________________

MGA POPULAR NA BABASAHIN

PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita
sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang
bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa ang
pahayagan bilang isang uri ng print media na kailanma‘y hindi mamamatay at bahagi na
ng ating kultura.
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya
lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at
naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil hindi naman lahat
ay naibabalita sa radio at telebisyon. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may
epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 13


Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay
pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi
katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B.
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang
laganap sa bansa.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks
ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na
makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat
ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na
babasahin na nagbibigay-aliw sa mambabasa, nagtuturo ng iba't ibang kaalaman at
nagsusulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga
manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpapagalaw maging sa mga
bagay na walang buhay. Ipinakikita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit
ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa
kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa
palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila
ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Sa Pilipinas, sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino
na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa
Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa
isang popular na pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa
mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula
dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946,
Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng
komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng

14 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang
pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa
parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex
Niño at iba pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa
panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang
hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba‘t ibang anyo ng
paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya
sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007
tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba‘t ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks
kundi maging sa ibang bansa.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing
pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip
Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon
nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. ―Hindi mamamatay ang
komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang
hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga
mata para makakita at bibig para makabasa, magpapatuloy ang eksistensiya ng
komiks.‖

MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito,
naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang
panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang
Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng
mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa
lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba‘t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto
ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 15


upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-
ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan - Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu
sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye
tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
7. Men’s Health - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay
naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur - Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.

KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling-maikling
kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring
nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan.
Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento.
Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may bansag
na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric A. Clarin), Patricio
Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot
ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay E.
Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging

16 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas.
Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang
ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang
itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at
nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling
nasa ilalim ng sagisag-panulat. Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga
dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang ―Ang Dagling Tagalog: 1903-
1936‖ ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga
damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap
na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita
(headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, ―na-transform na ang dagli, hindi na ito
tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan gaya ng:
anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong
uri ng kwento sa media).‖

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN


Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa
Ingles ang dagli. Ngunit ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang
nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar
ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang ―Mga Kwentong Paspasan‖ na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang
―Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)‖ ni
Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang ―samu‘t
saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika.‖ Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni
Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay
Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking
daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon
ito sa panitikan ng bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din
sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 17


A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino


tungo sa panitikang popular?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa
broadsheet?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang paglaganap ng Internet, bakit


marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa‘t isa?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

6. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng


iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

18 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


B. Naihahambing ang Tekstong Binasa sa Iba pang Teksto
Magbasa ng isang panitikang popular na natalakay sa Ating Suriin at ihambing
ito sa teksto ng araling ito ang ―Ang Wikang Pilipino sa Edukasyong Panteknolohiya‖
batay sa katangiang nakatala sa graphic organizer.

Ang
Wikang Pantikang
Pilipino sa Popular na
Edukasyong Binasa
Panteknolohiya

Batay sa Paksa

Batay sa Layon

Batay sa Tono

Batay sa Pananaw

Batay sa
Pagkakasulat

Batay sa Pagbuo ng
Salita

Batay sa Pagbuo ng
Talata

Batay sa Pagbuo ng
Pangungusap

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 19


Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon.

Manood ng isang programa sa telebisyon o video clip na tumatalakay sa isyu ng


paggamit ng e-learning at mga epekto ng labis na paggamit ng media sa buhay ng
kabataan. Pagkatapos, iugnay ito sa panitikang popular na inyong tinalakay sa
pamamagitan ng iyong paglalahad ng iyong pagsang-ayon o pagtutol. Lagyan ng tsek
( / ) ang napili mong sagot hinggil sa mga isyung nakatala. Ibigay mo rin ang iyong
sariling opinyon o paliwanag hinggil sa mga bagay na ito.

Sang-ayon Tutol Ako Hindi ko Alam Bakit

Pagsasagawa
ng cyber
bullying

Paggamit ng
teknolohiya
sa pagtuturo
ng asignatura
Paggawa ng
aralin gaya ng
pananaliksik
gamit ang
internet
Labis na
paggamit ng
facebook,
twitter at iba
pa.

20 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA
Basahin at suriin ang balita sa ibaba na iniulat ni Arnold Clavio at Vicky Morales.
(https://www.youtube.com/watch?v=tzz4SOLnN8E)

WORD OF THE YEAR


SELFIE. Iyan po ang idineklarang salita ng taon sa Pilipinas. Matapos iyan ng
isang araw na diskusyon sa Pambansang Kumperensya sa Wika 2014. Kabilang din sa
mga pinagpilian ang mga salitang hashtag, PDAF, bossing, Filipinas, whistleblower,
storm surge, riding-in-tandem, CCTV, peg, endo, kalakal at imba. Kabilang sa mga
namili ang mga hurado mula sa Filipinas Institute of Translation at mga eksperto din sa
wikang Filipino. Sina Direk Jose Javier Reyes at Noel Ferrer ng Ateneo ang nag-
nominate ng salitang SELFIE. Sa nakalipas na mga taon, kabilang sa mga napiling
salita ng taon ang wangwang, jejemon at miscall. Ayon kay Noel Ferrer, ―…kailangang
unawain at angkinin ang salita, upang magkaroon ng kritikal na pagkamalay o critical
awareness ang mga Pilipino sa hatid na panganib at pangako, pinsala at posibilidad ng
salitang ito‖.

September 26, 2014


Saksi, GMA News TV

Pag-isipan at Pag-usapan
1. Sang-ayon ka ba sa napiling salita ng taon? Ano-ano ba ang batayan ng pagpili
ng salita ng taon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang dapat na salita ng taon sa kasalukuyan? Bigyang


katwiran ang iyong kasagutan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 21


3. Sa iyong pananaw, ano ang maidudulot ng pagpili ng salita ng taon sa bansa
partikular sa wikang Filipino?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

MGA SALITANG GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON


1. PORMAL - mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika. Ito ay gumagamit ng
bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan. Ito
rin ay kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may
pangkapaligirang intelekwal.

URI NG PORMAL NA SALITA


a. Pambansa - mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinalalabas
sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito ang wikang ginagamit ng
pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral.
Halimbawa: kapatid, malaki, katulong

b. Pampanitikan - mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang


matataas ang uri. Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat at
dalubwika.
Halimbawa: Pambansa Pampanitikan
kapatid - kapusod
malaki - ga-higante
katulong - katuwang

2. DI-PORMAL o IMPORMAL - mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-


araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan.

22 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


URI NG DI-PORMAL NA SALITA
a. Lalawiganin (Provincialism) – mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook
na pinaggagamitan nito. May kakaibang bigkas at tono
Halimbawa:
Pambansa/ Pampanitikan Bikol Bisaya Ilokano
malaki dakula dako dakil
ina mamay iloy nanang
ama papay amay tatang
habag/awa habag luoy piman
kapatid tugang utod/utol kabsat

b. Balbal (Slang) - noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga


may pinag-aralan dahil hindi raw maganda pakinggan. Kilala rin bilang
salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
PORMAL BALBAL
tatay/ama erpat
nanay/ina ermat
security guard sikyo
sigarilyo yosi
kotse tsikot
pulis lispu
baliw praning
gutom tom-guts

c. Kolokyal (Colloquial) - mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama‘t may
anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi
Halimbawa:
PORMAL KOLOKYAL
aywan ewan
piyesta pista
nasaan nasan
saan ba? san ba?

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 23


PALABUOAN NG MGA SALITANG BALBAL
1. Paghango sa mga salitang katutubo
gurang matanda
utol kapatid
buwang luko-luko
hawot tuyo (pagkain)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga


tisoy mestizo
tisay mestiza
tsimay muchacha
tsimoy muchacho
toma tomar
sikyo security guard
3. Pagbabaliktad (buong salita)
etnieb beinte
nasnip pinsan
yatap patay
abat taba
ayuk kuya
Pagbabaliktad (Papantig)
todits dito
ngetpa panget
tsikot kotse
lispu pulis
4. Nilikha (Coined Words)
paeklat maeklat overacting
espi esposo husband
hanep papuri praise
bonzai maliit very small
5. Pinaghalo-halo (Mixed Category)
obedient masunurin bow lang nang bow
following the trends naaayon/uso in-na-in
crush paghanga kilig to the bones
dislike pag-ayaw/pagtanggi kadiri
6. Iningles (Englisized Category)
approved totoo yes, yes, yo
hopeless/ frustrated kawalang pag-asa bad trip
rare/unusual pambihira weird
bad luck malas jinx

24 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


7. Dinaglat (Abbreviated Category)
Laughing-Out-Loud LOL
Got-to-go GTG
Holding Hands While Walking HHWW
Style Mo Bulok SMB
Kulang Sa Pansin KSP
8. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay
lagay tong
boga baril
durog/bangag nakadroga

Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa


impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

Tukuyin kung lalawiganin, kolokyal, balbal o banyaga ang mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

___________ 1. Tinawag ni Joyce ang kanyang Manang Selya sa hardin.

___________ 2. Nasan ang mamahaling relo ni Samantha?

___________ 3. Nagagamit ni Nathaniel ang internet sa pangangalap ng datos.

___________ 4. Magalang ngunit mapanuri ang sikyo sa Newman Goldliner.

___________ 5. Mahal ni James ang kanyang erpat.

___________ 6. Ang tsikot na ginamit ni Dr. Rodel Aquino ay bagong modelo.

___________ 7. High–tech na ang pagtuturo sa Maranatha Christian Academy.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 25


Bumuo ng apat (4) na grupo at magsagawa ng isang maikling dula gamit ang
mga impormal na salita batay sa mga sitwasyong nakalahad.

1. Nais mong kumustahin at makakwentuhan ang iyong lola na mula sa


probinsya. (lalawiganin)

2. Isang Amerikano ang naliligaw at siya ay nagpatulong sa iyo upang matunton


ang tamang daan patungo sa lugar na kanyang pupuntahan (banyaga)

3. May bago kang mga kaibigan, gusto mong mas lalong maging palagay ang
loob nila sa‘yo at ganun ka rin sa kanila. (balbal)

4. Nag-aanyaya ka ng mga magiging mga bisita mo sa nalalapit mong


kaarawan. Paano mo sila kakausapin? (kolokyal)

Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa


pagsulat ng balita o komentaryo.

Ikaw ay isang manunulat sa inyong school paper, nahilingan kang sumulat ng


isang komentaryo o balita tungkol sa kalagayan ng information technology sa inyong
lugar sa napapanahong isyu tungkol sa epekto ng social media network sa buhay ng
isang kabataan.
Gamit ang balangkas na makikita sa ibaba, itala ang pamagat, magtala ng mga
kinakailangang impormasyon upang mabuo ang paksang susulatin. Itala rin ang mga
pamamaraan o estratehiyang iyong gagamitin upang epektibong makalap ang mga
datos na iyong inilahad.

26 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Mga Estratehiya ng Pangangalap ng mga Datos o
Impormasyon sa Pagsusulat

1. Pagbabasa at Pananaliksik
2. Obserbasyon
3. Pagtatanong
4. Brainstorming
5. Pagsasarbey
6. Sounding-out Friends
7. Imersyon
8. Pag-eeksperimento

Pamagat

Mga Kakailanganing Datos o Impormasyon

Paraang Ginamit sa Pangangalap ng Impormasyon

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 27


Ang iyong susulatin ay dapat makasunod sa rubrik sa ibaba.
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Ang nabuong komentaryo, balita, dagli ay 5 puntos
nakasunod sa paksa
Nakagamit ng iba‘t ibang estratehiya sa 5 puntos
pangangalap ng impormasyon
Nailalahad ng maayos at mabisa ang nalikom na 5 puntos
datos o ideya sa pagsulat
Malinaw, makatotohanan at kahika-hikayat ang 5 puntos
naisulat
Kabuoang Puntos 20 puntos
5 – Napakahusay 2 – Di mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di mahusay
3 – Katamtaman

28 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Aralin KONTEMPORARYONG
2 PROGRAMANG PANRADYO

Tayo ba‘y pamilyar sa mga pambungad na pagbating, ―Magandang umaga,


Pilipinas!‖, ―Magandang tanghali, bayan!‖. Ito‘y karaniwang naririnig natin sa radyo o
telebisyon na kung tawagin ay BROADCAST MEDIA na kung saan ay di-matatawaran
ang tungkuling ginagampanan nito sa lipunan lalo‘t higit sa paghahatid ng mga
mahahalagang impormasyong kailangang malaman ng sambayanang Pilipino. Bukod
dito‘y naghahatid din ng mga awitin at mga telenobela o radyonobelang
isinasahimpapawid, pantanggal pagod at lungkot sa bawat nakakapakinig o
nakakapanood nito.

Alamin ang mga pahayag na mapapakinggan sa programang panradyo sa link


na ito, (http://www.clipconverter.cc/download/hPYpYFkr/45850726/). Isulat sa parihaba
ang mga sagot.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 29


Sagutin ang mahahalagang tanong kaugnay sa napakinggan.

1. Paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng


kulturang popular?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano nagagamit ang radyo at telebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang


panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na


ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe,
diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang
kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa
mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast
media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang
papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin–Levy, Koordineytor,
ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa
isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit
na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang
upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay
ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na
naglalahad ng opinyon o pananaw.

30 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Tandaan: Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba‘t ibang
detalye tungkol sa:
1. Pamagat ng paksang tinalakay;
2. Mga batayan ng mga salaysay, at
3. Mga aral na natutuhan

Bago makasulat ng isang dokumentaryong panradyo, narito ang mga dapat


tandaan
1. Magsaliksik ng mga impormasyon.
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga
detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat.
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting.

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang
mga sagot.

1. bulwagan 2. nagkukumahog 3. ahensya


kahulugan:___________ kahulugan:___________ kahulugan:___________
____________________ ____________________ ____________________

4. panukala 5.delikado
kahulugan:___________ kahulugan:___________
____________________ ____________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 31


AKDANG PAMPANITIKAN

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG


FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito
ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill
na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income,
eh malamang nagkukumahog pa ang mga pulitiko na ipasa iyan kahit pa
nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‗yan partner?
Roel: Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito, eh bibigyan ng kalayaan
ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga
ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‗yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito,
demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba‘t dapat naman
talaga na walang itinatago ‗yang mga pulitikong ‗yan dahil sila ay ibinoto at
nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging ―threat‖ daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

32 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Roel: Sa tingin ko partner eh, makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat
sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III,
‗pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko, eh mukhang tuluyan na itong
maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Tungkol saan ang iyong napakinggan o nabasang balita?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga


komentarista?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 33


Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.
Basahing muli ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang
nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa tapat ng bilog na may ngiti
ang positibong pananaw at sa tapat ng bilog na nakasimangot ang negatibo.

Basahin ang akda sa ibaba:

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon
ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung
tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang

34 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng
mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina


Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris ―Jun‖ Icban; Butch Raquel, GMA vice president for
communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak
(chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani
Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel
Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating
reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa


tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang
opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na
personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at
Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito


tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang
dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay
Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa
ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag
ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang
ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-


hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o
masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o
sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na
ookupa at manduduro sa atin.

Mga Gabay na Tanong

1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga


pahayag na iyong napakinggan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 35


2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging
susi sa paglalahad ng mga detalye?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik
ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at


personal na interpretasyon ng kausap.

Ang katotohanan ay mga pahayag na may kongkretong ebidensya. Ang


opinyon ay kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao. Samantalang ang
hinuha ay pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o kundisyon at
ang personal ng interpretasyon ay batay sa sariling kaisipan o pananaw lamang.

Sa pamamagitan ng star map organizer ay suriin ang pahayag ng iyong kamag-


aaral batay sa mga impormasyon at mahahahlagang kaisipang kanilang nakuha mula
sa binasang akda. Suriin kung alin sa kanilang pahayag ang katotohanan, hinuha,
opinyon o personal na interpretasyon.

36 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Katotohanan

Personal na Interpretasyon
Nakalap na
impormasyon

Opinyon
mula sa aking
kamag-aral na
aking
nakausap.

Hinuha

KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA

EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG
KONSEPTO O PANANAW
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito
ang ayon, batay, para, sang-ayon sa, kay, ganoon din sa paniniwala, pananaw,
akala ko, ni, ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip,
sinasabi o paniniwala ng isang tao.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 37


Halimbawa:
a. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema
ng edukasyon.
b. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong
Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng
mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga
dayuhan.
c. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang
kanilang plano.
d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar
na ito.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o
pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad
ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng
pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod
na halimbawa:
a. Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon
upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
b. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka
nang husto.

Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng


pananaw.

Ibigay ang iyong konsepto o pananaw batay sa naging paksa ng isang


programang panranyo ng DZAS batay sa paksang ―8 Habits of a Happy Family”
(Kawikaan 15). Isulat ang iyong sagot sa kahon sa kabilang pahina.
(https://www.youtube.com/watch?v=3rguC0ql78c)

1. Ang mga miyembro ay magalang at tapat sa isa‘t isa.


2. Ang mga anak ay marunong sumunod at tumanggap ng pagdidisiplina mula
sa kanilang mga magulang.
3. Ang mga anak ay maalalahanin at binibigyang kaaliwan ang kanilang mga
magulang.

38 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


4. Ang mga magulang ay laging nagkakaisa sa paggabay at pagdisiplina sa
kanilang mga anak
5. Pinapahalagahan ng bawat miyembro ang kasimplehan ng buhay kaysa sa
mga luho.
6. Pinagsisikapang maging mapayapa at mahinahon sa mga pagsubok ng
buhay.
7. Walang tamad. Lahat ay gumagawa.
8. May kahandaang magbigay at tumanggap ng mga payo.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 39


Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay
ang sariling opinyon tungkol sa mga ito.

Gamit ang website na youtube, panoorin ang mga sumusunod na link.


(https://www.youtube.com/watch?v=zy17rzf4c_U)(https://www.youtube.com/watch?v=2
7A50DEg-aw&index=51&list=PLgyY1WylJUmgbDO72ML5f8XGq3mNsjUph). Suriin ang
mga napanood at napakinggang balita at sumulat ng opinyon mula sa mga ito. Isulat
ang iyong sagot sa radyo sa ibaba.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_

40 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo at nailalahad
nang maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin tungkol sa
isang paksa.

May isang estasyon ng radyo na itatayo sa inyong siyudad. Ikaw ay may nasa na
maging isang journalist/broadcaster. Nangangailangan sila ng mga manunulat upang
maging kabahagi ng isang programang gagawa o bubuo ng mga dokumentaryong
panradyo. Ikaw ay susulat ng tungkol sa napapanahong isyu bilang paksa ng
dokumentaryong iyong gagawin. Gamitin ang lahat ng iyong natutuhan sa araling ito
upang maging matagumpay ang gawaing naiatang sa iyo.

Ang dokumentaryong panradyong susulatin mo ay dapat nakabatay sa rubriks sa


ibaba:

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Ang nabuong likha ay akma sa paksa 5 puntos
Ang mga konsepto o pananaw sa dokumentaryong 5 puntos
inilahad ay maayos at kapani-paniwala.
Nakagamit ng wastong ekspresyon sa 5 puntos
pagpapahayag ng konsepto o pananaw.
Makatotohanan, malinaw at kahika-hikayat ang 5 puntos
naisulat.
Kabuoang Puntos 20 puntos
5 – Napakahusay 2 – Di mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di mahusay
3 – Katamtaman

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 41


Aralin KONTEMPORARYONG
3 PROGRAMANG PANTELEBISYON

Iyo bang nakikita ang nasa larawan? Ano ang pumapasok sa isip mo kapag
nakakakita ka ng ganitong senaryo sa mga tambakan ng basura? Ano ang maaaring
maging damdamin mo sa ganitong kalagayan ng buhay ng bawat Pilipinong umaasa na
lamang sa mga tira-tirang pagkaing itinatapon mula sa mga fastfood chain o mga
restawrant? Ang tanawing ito ay sumasalungat sa mga survey na bumaba na ang
bilang ng mahihirap sa ating bansa, ngunit kung iyong lilimiing mabuti ang pagbaba ng
bilang ng nagugutom ay dahilan sa ganitong paraan ng ika nga nila‘y PANTAWID
GUTOM.
Kung iyong makakapanayam ang isang may ganitong uri ng pamumuhay, ano
ang iyong ipapayo sa kanya? Isulat ito sa papel sa ibaba.

42 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi
maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at
sinasabing kasama nga sa pang-araw-araw na gawain ng mga Pilipino ang
panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga
morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga
panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong
pantelebisyon.

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang


uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang
tao. Ito‘y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali,
kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng


Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa
mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala
ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa
bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang mga
dokumentaryong pantelebisyon ay mga palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay
at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner
Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David
at iba pa. Ang mga sumusunod naman ay mga tanyag na dokumentaryong
pantelebisyon sa bansa – Reporter’s Notebook, I-Witness, Reel Time, S.O.C.O.,
Krusada, Investigative Documentaries, at iba pa.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 43


Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa.

Tukuyin ang mga hinihinging salita sa pamamagitan ng pagbuo ng puzzle.


Gawing batayan ang bilang at kahulugan ng mga salitang nakatala sa ibaba. Isulat ang
mga titik ng salita sa angkop na kahon.

Pababa
1. Pagkaing kinikuha sa basura
3. Bacteria na nakukuha sa maruruming pagkain
5. Mabaho

Pahalang
2. isinusuot kapag nagluluto
4. sanhi ng sakit o karamdaman
6. taong dalubhasa sa nutrisyon
7. nakakasukang amoy
8. pagkaubos ng tubig sa katawan bunga ng diarrhea at vomiting

4 5

44 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


AKDANG PAMPANITIKAN

PAGPAG FOR SALE


GMA NEWS TV: Sine Totoo
Balitang-Ulat ni Arnold Clavio

―MAY PERA SA BASURA‖. Naniniwala ang magkapatid na Boy at Rey sa


kasabihang ito. Ito kasi ang kanilang pinagkakakitaan. Gabi-gabi sa loob ng dalawang
taon nandito ang magkapatid. Deadma sa masangsang at nakasusulasok na amoy ng
basura. Para sa kanila, ito ang amoy ng pera, ng pagkain sa lamesa at ng pang-araw-
araw nilang gastusin.
Ayon kay Boy Ignacio, ―kahit di na ako lumabas sa iba, dito sigurado kikita na
ako. Mababa lang, mga dalawang daang piso. Tapos ikakarga ko na pauwi. Doon ko na
pagpipilian sa bahay. Pinagpipilian ko lang yun, hinihiwalay ko yung cups, kutsara, mga
takip tapos styro.‖
Pagdating, itinali na ni Boy ang kayamanang nakuha niya sa gabi. Kinabukasan,
kasama na ni Boy ang asawang si Amy. Pagkakalkal sa gabundok na basura ang
kanilang pinagkakaabalahan. Sa mga pagkakataong ito, hindi mga plastic, styro at kung
ano-ano pang gamit ang kanilang misyon. Mga tira-tirang pagkain mula sa iba‘t ibang
kainan. Ang tawag daw dito: PAGPAG.
―Nandito ang mga pagpag kung tawagin, mga manok na tira-tira nang kinain,
mga tira ng tao. Tapos binebenta namin,‖ pahayag ni Amy Ignacio.
Bakas pa sa laman ng mga manok ang kagat ng mga kumain nito. Marami pang
laman. Ayon kay Amy, tip daw ang pagpag sa kanilang lugar. ―Sigurado na po ito, kasi
may permanente na siyang kinukunan. ‗Di katulad ng mangunguha ka sa labas.
Mangunguha ka ng sibak, mangunguha ka ng karton. Makikipagsapalaranan ka pa. Eto
siguradong may hawak ka na, talagang hindi ka na magugutom.‖

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 45


Sa tabi mismo ng kalkalan, nakilala namin ang mag-inang Aileen pati ang
kanyang isang taong gulang na anak na pagpag ang kinakain.
―Pritong pagpag. Matagal na po siyang kumakain nito, wala naman po siyang
nararamdaman,‖ pahayag ni Aileen
Inaabot sila ng dalawang oras sa pag-iipon ng pagpag. Dadalhin na ito sa
kanyang biyenan na si Aling Rosalina para ipagbili. Ayon kay Amy ang pagpag ay di
lang lamang-tiyan nila, ito rin ang bumubusog sa kanilang gutom na bulsa. Singkwenta
pesos rin daw ang isang kahong pagpag. Matapos ang bentahan, ihahanda na ito para
lutuin. Dalawang beses binabanlawan ang mga ito sa mainit na tubig bago lutuin. Sa
isang buong araw, nakakatatlong malalaking kawali ng apritadang pagpag si Aling
Rosalina. Sa dami ng kumakain pagkatapos ng araw, simut-sarap ang mga kaserola ni
Aling Rosalina. Sampung piso ang isang order ng pagpag. Mas mahal lang ng limang
piso ang piniritong pagpag. Ayon pa kay Aling Rosalina, alam naman ng kaniyang mga
parokyano na pagpag ang kanilang ibinebenta. Pero dahil mura, kusang binubura nila
sa isipan ang pinanggalingan ng mga ulam. Ang tingin naman ni Rebecca,
masustansya naman ang pagpag kahit galing ito sa basura kaya inaaraw-araw niya ito.
Masaya man sila sa pagkain, naaalarma kami sa sitwasyon. Ligtas ba sila sa
pagkain ng pagpag? Nagdala kami ng dalawang nutritionists mula sa Makati Medical
Center upang ipaliwanag ang mga sakit na maaaring makuha sa pagkain ng mga
pinupulot sa basura. Paliwanag ng nutritionist, ang mga ganitong klaseng pagkain na
may dalang matitibay na bacteria na hindi namamatay sa init ng pagluluto. Ilan sa mga
bacteria ay ang Salmonella, Staphylococcus Aureus, at E. Coli. Nakukuha ito sa
basurahan o kahit mismo sa mga laway ng mga unang kumain ng mga pagkain.
Ayon kay Eloisa Donor, isang nutritionist, ―Salmonella in big amount
actually, wala siyang specific na sakit, salmonellosis lang pero yung symptoms nya
would be dehydration, prolong diarrhea, vomiting, on and off na lagnat.‖
At kapag hindi naagapan, maaari itong humantong sa kamatayan. Tugon naman
ng mga nutritionist sa tindera ng pagpag, maaaring malakas na ang immune system ng
mga residente kaya wala pang nababalitaang nagkakasakit nang malala. ―Kasi ang
immune system ng tao would vary doon sa environment na ginagalawan niya.‖ Gayon
man hindi nangangahulugan na ligtas na ang kalusugan ng mga kumakain nito. Dahil
ang ibang mga bacteria nananatili sa loob ng bituka at doon ito naiipon at dumarami.
Hiningi din namin ang opinyon ng Manila Health Department Sanitation Services
tungkol sa panuntunan ng maliliit na karinderya. Ipinahayag ni Romeo Halocon, District
Officer, Sanitation Department, ―Meron kaming guideline na sinusunod sa sanitation
code at saka sa implementing rules and regulation on food safety.‖ Ayon pa kay Romeo
dapat malinis ang tubig na ipanglilinis o ipanghahalo sa mga pagkain. Mahalaga rin daw
na magsuot ng hairnet at apron sa tuwing maghahanda at magluluto ng pagkain. Para
yung cross contamination from the cook doon sa food na kanyang ipini-prepare ay
mapoprotektahan. Panatilihin ding mainit ang pagkain kung galing sa init at malamig

46 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


naman kung galing sa lamig para maiwasan itong mapanis. Dapat ding magkaroon ng
kitchen counter na ginagamit sa paghahanda ng pagkain upang mapanatili ang linis ng
pagkain. Matagal nang problema ang pagpag pero ang pagbebenta nito sa mga
karinderya ngayon lang daw nila nalaman. Aminado rin sila na kulang ang
imbestigasyon pagdating sa kalinisan ng pagkain sa mga karinderya sa kanilang
nasasakupan. Pero nangako naman sila na mula ngayon, tututukan nila ang
pagpapalakad sa mga karinderya na nagbebenta ng pagpag.
Tulad ni Aling Rosalina, sa pagpag na kumukuha ng kabuhayan ang ilan sa mga
residente dito. Pero kung hindi ito mabibigyan ng pansin ng mga awtoridad sa lalong
madaling panahon, imbes na lamang-tiyan, ang pagpag ay makapagdudulot ng
kapahamakan sa kalusugan. Aantayin pa ba nating may mapahamak bago matakot at
gumawa ng aksyon.

Hulyo 7, 2008, Sine Totoo,


GMA NEWS TV, Channel 11

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang binabasa o pinanonood


ang dokumentaryo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong
lipunan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Ano ang gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 47


B. Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang binasa.

Sagutin ang sumusunod na tanong upang makabuo ng paghihinuha batay sa


akdang binasa. Kahunan ang titik ng tamang sagot at ilahad ang iyong paliwanag
kung bakit ito ang iyong napiling hinuha.

1. Ang dokumentaryong iyong nabasa o napanood sa telebisyon ay nakaaantig ng


damdamin na naglalayong…
a. Paalalahanan ang tao sa mga sakit na maaaring makuha sa pagkain ng tira-
tira.
b. Imulat ang gobyerno sa kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng
karamihan sa ating mamamayan.
c. Maipakita ng mga mahihirap na ang basura ay kapaki-pakinabang din
Paliwanag:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ang tinalakay na akda ay maaaring tumalakay ng iba‘t ibang paksa, subalit pumili
ka lang ng talagang maituturing na pinakapaksa nito...
a. ―Pagpag‖
b. ―May Pera Sa Basura‖
c. ―Mga Sakit na Nakukuha sa Tira-tirang Pagkain‖
Paliwanag:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Ano ang naramdaman mo nang mabasa o marinig mo ang dokumentaryong ito?


Anong tono ng pananalita ang ginamit sa akdang ito?
a. nagpapaalala
b. nagbibigay-kabatiran
c. nanghihikayat
Paliwanag:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

48 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


C. Nasusuri ang akda o programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang pamantayan

Ang akdang tinalakay ay isang balita o ulat na nagpapakita ng kalagayan


ng mga maralita nating mga kababayan na nabubuhay sa pamamagitan ng
pagkuha ng kanilang ikinabubuhay at kinakain sa basurahan. Lingid sa
kamalayan ng ibang mga tao lalo na sa mga nasa pamahalaan ang kanilang
mga pagtitis na ito, matugunan lamang ang pangangailangan ng kumakalam
nilang sikmura. Ang ating pamahalaan ay may pananagutan at mga batas na
naglalayong matugunan o masolusyunan ang lumalalang isyu ng kahirapan sa
ating bansa. Ang United Nations Organization ay lumikha ng talaan ng mga
karapatang pantao na tinawag na International Covenant on Economic,
Social and Cultural Rights (ICESCR).
Muling basahin o panoorin ang ulat at suriin ang nilalaman nito. Lagyan ng
tsek (/) kung ito ba ay natatamasa mo at natatamasa rin ng mga taong iniulat ni
Arnold Clavio. Ekis (x) ang ilagay kung hindi.

Ako si _______________ Mga Tao sa Ulat ni


Mga Karapatan Arnold Clavio
Natatamasa Hindi Ko Natatamasa Hindi Nila
Ko Natatamasa Nila Natatamasa
1. Karapatan sa
Pagkakaroon ng Maayos
at Disenteng
Hanapbuhay
2. Karapatan sa
Pagkakaroon ng Sapat
na Pagkain
3. Karapatan sa
Pagkakaroon ng Malinis
na Tubig
4. Karapatan sa
Pagkakaroon ng Maayos
na Tirahan
5. Karapatan sa
Pagkakaroon ng Maayos
na Pananamit
6. Karapatan sa
Pagkakaroon ng
Edukasyon

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 49


Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o
mensahe.
Mula sa iyong nabasa o napanood na ulat ni Arnold Clavio tungkol sa artikulong
―Pagpag For Sale‖, saysaying muli sa sarili mong pamamaraan ang mensaheng nais
ipaunawa nito. Maaaring gumamit ng iba‘t ibang pamamaraan gaya ng pagbuo ng
graphic organizer, islogan, poster, bukas na liham at iba pa. Gamitin ang scroll sa ibaba
para sa iyong gawain.

Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katwiran.

Ang uri ng mga mamamayan ay ang mukha ng pamahalaan. Ang


dokumentaryong tinalakay ay nagpapakita lamang na ang ating bansa ay binubuo ng
mga kapos at sagana. Sa akda ay ipinakita ang nakaaalarmang kalagayan ng ating
mga kababayan bunga ng paraan ng pinagkukunan nila ng ikabubuhay. Upang
masagip sila sa napipintong krisis ng kanilang kalusugan o maging ng kanilang buhay,
sa palagay mo, bukod sa paraang kanilang alam para mabuhay, paano kaya
matutulungan lalo na ng pamahalaan ang katulad nila?

50 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Isulat sa tatsulok na nasa ibaba ang mga posibleng solusyon. Isulat mo rin ang
iyong katwiran o paliwanag sa iyong naitalang sagot sa parihaba. Sagutin din ang
kasunod na mga tanong sa ibaba.

1. Naranasan mo na rin bang kapusin sa pagkain o anumang bagay? Ano ang


iyong naramdaman at paano mo ito nalunasan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, kung hindi agad mabigyan ng solusyon ang kanilang


kalagayan, ano kaya ang maaaring mangyari sa kanila at sa iba pa nating
kababayan na maaaring susunod sa kanila?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Bakit dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang ganitong problema ng


lipunan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Ano ang mahalagang gagampanan ng multimedia sa paglutas ng problemang


ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 51


KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA
EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at
ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang
madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong makikita
sa ibaba ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.

1. Sanhi at bunga – Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na


maliwanag na makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig
na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, dahil, bunga at iba pa
ay madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Naabot niya ang kanyang mga pangarap dahil nagsikap siya sa pag-
aaral.
 Bunga ng pagsunod at pag-ibig sa kanyang magulang, naging
maayos ang kanyang buhay.

2. Paraan at Resulta – Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pang-
ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Gumaling ang kanyang karamdaman sa tulong ng Panginoon.
 Sa laki ng pananampalataya niya, gumawa ng himala ang Dios.

3. Kondisyon at Resulta – Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o


sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-
ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
 Maliligtas ang tao kung siya ay sasampalataya, magsisisi at
magpapabautismo.
 Kapag mapagpakumbaba, ang Dios ay nagbibigay ng biyaya.

52 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


4. Paraan at Layunin – Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang
layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang at iba
pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Napako ang Panginoong Jesus sa krus upang tayo ay maligtas
 Para maging matagumpay sa buhay, lagi kang humingi ng gabay sa
Dios.

5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili – Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-


aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o
pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili ay bunga
ng pag-aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka,
marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang
pang-ugnay na kaya, samakatuwid, kung gayon.
Halimbawa:
 Marahil hindi niya pinaniwalaan ang salita ng Dios kaya siya
napahamak.

6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o


kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang
duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay
na na at nang.
Halimbawa:
 Tunay na makapangyarihan ang Dios at walang duda na kaya Niyang
gawin ang lahat ng bagay.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 53


Nakikilala ang ugnayang lohikal na taglay ng pangungusap.

Isulat sa patlang ang ugnayang lohikal na mayroon sa pangungusap. Ikahon


ang ekspresyong hudyat na ginamit.

__________ 1. Maging maingat sa pagbili ng mga lutong pagkain sa mga karinderya


dahil may nagbebenta ng ulam na pagpag.

__________ 2. Kung maraming hanapbuhay ang malikha ng ating pamahalaan ay


maiiwasan ang pagkuha at pagbebenta ng mga pagpag.

__________ 3. Sa katotohanan, ang Dios ay mapagbiyaya at walang dudang kaya


niyang tugunin ang ating mga pangangailangan.

__________ 4. Sa pagiging masipag at matiyaga, nakamtan niya ang kanyang mga


pangarap.

__________ 5. Hindi ko sigurado ang gagawin kaya baka mali ang ginawa ko.

Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang


lohikal.

Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit ang mga


ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagkakaroon ng bisyo ng mga kabataan ngayon.

54 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng pagdidisiplina sa anak na gaya mo.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Magsulat ng isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-aalinlangan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Bumanggit ng isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong paunlarin upang
makapagbigay ng pag-asa sa iba na nasa pagsubok sa buhay.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang bagay na hindi
pinaghandaan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

Nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga


ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal.

Isang lokal na estasyong pantelebisyon naman ang itatayo sa inyong siyudad.


Gaya sa nakaraang aralin, sila naman ay nangangailangan ng manunulat ng isang
dokumentaryong pantelebisyon na magbibigay inspirasyon sa mga kabataang
napagtagumpayan ang iba‘t ibang pagsubok sa buhay. Maaaring ito ay sa kahirapan,

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 55


sa karamdaman o kapansanan, at iba pa. Ang iyong magiging layunin ay upang
maipakita na may tagumpay sa maraming dagok ng ating buhay.

Ang dokumentaryong pantelebisyong iyong isusulat ay dapat makasunod sa


rubriks na ito:
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Ang nabuong likha ay akma sa paksa. 5 puntos
Makikita ang kahusayang gramatika. 5 puntos
Maayos at kapani-paniwala ang inilahad na 5 puntos
konsepto o pananaw sa dokumentaryo.
Nakagamit ng wastong ekspresyong hudyat ng 5 puntos
kaugnayang lohikal.
Kabuoang Puntos 20 puntos
5 – Napakahusay 2 – Di mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di mahusay
3 – Katamtaman

56 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Aralin
SURING-PELIKULA
4

Mahabang panahon nang bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang pelikula.


Maituturing na isang libangan ng mga Pilipino ang panonood ng mga pelikula o sine. Sa
kabila ng kahirapan ng buhay ay gumagawa ng paraan para mapanood lamang ang
hinahangaang artista. May iba‘t ibang pamantayan ang tao sa pagpili ng pelikulang
panonoorin kaya naman kahit anong pelikula ay kumikita. May sarili kasi itong
panghatak sa mga manonood.
Dumarating ang mga pagkakataong hindi tayo nagandahan sa ating napanood.
Depende ito sa ating sariling pamantayan. Maaaring hindi ito nakatugon sa ating
panlasa at ang inaasahang galing sa pag-arte ng mga artistang gumanap ay di natin
nakita sa kanila. Mayroon namang simple lamang ang istorya subalit mugto ang iyong
mga mata pagkatapos mong panoorin ito. Hindi mo makalimutan ang mga eksenang
napanood kaya naman puro papuri ang ipinupukol mong salita sa tuwing may
magtatanong sa iyo tungkol sa pelikula. Maaari rin namang nasasambit mo ang mga
linyang ginamit sa pelikula na pumukaw ng iyong damdamin.
Ikaw, ano-anong pelikula ang iyong nagustuhan? Bakit? Naantig ba nito ang
iyong damdamin o nadama mo ring isa ka sa mga artistang nagsiganap sapagkat may
kaugnayan ito sa mga pangyayari sa iyong buhay? Isulat sa loob ng film negative sa
ibaba ang pamagat ng pelikula at ang linyang di mo malilimutan sa pelikulang iyon.

Paborito Mong Pelikulang Tagalog


Pamagat Linyang Ginamit sa Pelikula

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 57


Ang pelikulang Magnifico, bilang isang indie
film, ay ginawaran ng maraming mga parangal sa
pandaigdigang film festival na kinapapalooban ng
31 panalo at 11 nominasyon. Kabilang dito ang
Crystal Bear (2004 Berlin International Film Festival
Children‘s Category at Deutsches Kinderhilfswerk
Grand Prix).
Sa gayon ding taon, nagkamit din ito ng
pitong pangunahing parangal sa FAMAS Awards,
Gawad Urian Awards (7), Golden Screen Awards
(7) at FAP Awards (6). Noong 2011, itinanghal ang
pelikulang Magnifico bilang ―BEST FILM OF THE
DECADE‖ ng Gawad Urian Awards Committee.

Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa pelikula.


Magtala ng mga kaisipan o ideyang maaaring iugnay sa salitang nakasulat sa
loob ng kahon na ginamit sa pelikula at pagkatapos ay gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

TAHANAN

Pangungusap:

58 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


KAIBIGAN

Pangungusap:

AKDANG PAMPANITIKAN

MAGNIFICO
(Isang Rebyu o Pagsusuri)
Violett Film Productions
Direktor: Maryo J. Delos Reyes
Script Writer: Michiko Yamamoto

Buod ng Pelikula:
Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay
tinutulungan niya ang mga nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya
tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng
kanilang pamilya ay naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng
kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang
makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 59


ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan
kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang
tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae
na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng
iskolarship.
Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa
mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin.
Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng
isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng
kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni
Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay ginamit para sa kanyang
pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong
kanyang natulungan at nakasama.

Kuwento:
Bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan si Pikoy. Isang kahig, isang tuka
ang kanilang pamilya. Madalas niyang nakikitang nag-aaway ang kanyang magulang
nang dahil sa pera at sa gagastusin sakaling mamatay ang kanyang Lola Magda.
Pasan pa niya ang pag-aalaga sa kanyang kapatid na may-sakit at hindi makalakad.
Natanggalan pa ng scholarship ang kanyang kuya.
Sa murang edad ay nagsikap siya upang makatulong sa araw-araw na gastusin
sa abot ng makakaya niya. Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting buuin ang
kabaong ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Walang reklamong
narinig sa kanya ang kanyang magulang.
Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at siya ang
gumamit ng ginawa niyang kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon ang
butihing bata sa mga nagawa niya.

Tema/Paksang Diwa:
Hindi madalas na makapanood ng pelikulang kasingtapat at kasingpayak ng
Magnifico na may layuning magsabog ng pag-asa at kabutihan sa kabila ng
nagdadagsaang mga pelikulang kundi karahasan ay hubad na katawan ang pambenta.
Labis na ikinagagalak ng CINEMA ang pagkakaroon ng isang pelikulang bagama't hindi
nagsesermon ay malakas na kukurutin ang iyong puso na gumawa ng kabutihan sa
kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Para kay Magnifico, ang pagtulong,
pagmamahal at pagbibigay ay likas sa puso ng bawat isa. Kahanga-hanga bagama't
madalas sa minsan ay hindi nasusuklian ang kabutihan ni Magnifico, patuloy pa rin siya
sa kaniyang mabuting hangarin. Hindi siya nawalan ng loob bagama't hindi parating
umaayon ang kapalaran sa kanya. Mapagninilayan sa pelikula ang tunay na kahulugan
ng buhay at kamatayan sa mata ng isang bata. Sa bandang huli'y mapatutunayan na

60 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


nagbubunga rin ang paggawa ng kabutihan. Habang abala ang karamihan sa
paghahangad ng yaman sa mundo, at sa pagsusubok na baguhin ang masalimuot na
daigdig, narito ang isang pelikulang nagsasabing ang mundo ay magbabago kung
makikita lamang ito ng mga tao sa mata ng isang batang tulad ni Magnifico.

Pamagat ng Pelikula:
Ang pamagat ng pelikula ay hango sa pangalan ng pangunahing tauhan na
ginampanan ni Jiro Manio. Ang kanyang pangalan, ayon sa kanyang ama, ay mula sa
isang sikat na magician o salamangkero na waring lahat ng bagay ay kaya niyang
gawin. Ito ay sumasalamin sa katauhan ni Pikoy na kahit sa gitna ng maraming
problema at pagsubok sa buhay, laging may solusyon at lunas na nakikita.

Pagganap ng mga Tauhan:


Tulad ng isang karaniwang tao, ganun din ang mga tauhan dahil sa
makatotohanan nga ang nagaganap sa mga pangyayari. Bawat tauhan ay may kani-
kanilang karakter na ginagampanan gayun din ang kanilang papel sa pelikula. Tulad ng
isang karaniwang tao, ang bawat isa ay may kani-kanilang kalakasan at kahinaan.

Diyalogo:
Maayos ang pagkakalapat ng bawat salitang kanilang sinasambit. Payak at
nadadala nito ang bawat eksena sa kwento. Bawat tauhan ay may kani-kanilang paraan
upang ideliber ang mga salita at naaapektuhan nito ang kwento.

Cinematography:
Ang pawang eksperimental na pagtrato sa sinematograpiya ay nagpaantig pang
lalo sa pagiging makatotohanang kuwento. May ilang gaspang lamang sa tunog na
maaari namang palagpasin at ang ano pa mang kakulangang teknikal ay natabunan ng
maayos na editing at mahusay na direksiyon. Ang resulta'y parang hindi pelikula kundi
isang malaking bintana sa tunay na buhay na nabuksan sa mata ng isang paslit.

Iba pang Aspetong Teknikal:


Tugma sa kalikasan at paksa ng pelikula ang ginamit na tunog o musika. Ang
theme song ng pelikulang Magnifico na Munting Bituin na inawit ni Gary Valenciano ay
bagay na bagay sa pelikula na nagbibigay ng karagdagang kurot at haplos sa puso
kung pakikinggan. Maayos din ang ginawang editing ng pelikula at halos walang lapses
sa eksena.
Makatotohanan din ang daloy ng pagpapalit ng ilaw at tunog sa pelikula. Natural
lamang ang daloy ng kuwento kasama ng iba pang aspeto ng nasabing pelikula.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 61


A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pinakatema ng pelikulang Magnifico? Paano ito napalutang o binigyang-
diin sa palabas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga isyung panlipunang may kinalaman sa problemang kinaharap


ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan ang binigyang-diin sa pelikula? Laganap
pa rin ba ang mga problemang ito sa ating panahon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Paano hinarap ng pamilya ni Magnifico ang mga problemang kanilang


pinagdaanan? Paano ito hinarap ni Magnifico?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Bilang anak, masasabi mo bang isang huwaran si Magnifico? Ano-ano ang mga
bagay na kaniyang ginawa na nakapagbigay sa iyo ng inspirasyon at hamon sa
pagharap mo sa buhay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Ang buhay ni Magnifico ay isang modelo na dapat tularan sa pagmamalasakit sa


kanyang pamilya at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Maituturing mo bang
naging gaya ka rin ni Magnifico pagdating sa kaniyang pagmamalasakit at
pagmamahal? Paano mo ito ipinakita sa iyong pamilya? Sa iba pang mga taong
nakapaligid sa iyo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

62 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


B. Nailalahad ang bias o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita.

Sa ginawang pagsusuri ng pelikulang Magnifico ay kapansin-pansin ang ilang


mga isyung binigyang-pansin ng nagsagawa ng pagsusuri. Bilang pagpapatibay o
pagsang-ayon sa mga ito ay ilahad ang iyong sariling pagkiling tungkol sa interes at
pananaw ng nagsasalita. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

1. Ang magandang pelikula ay nakapupukaw ng interes ng mga manonood.

2. Ang pananalita o diyalogo ng mga karakter sa pelikula ay dapat na maging


angkop sa target na manonood.

3. Sa pagsusuri, kailangang panoorin ang pelikula simula umpisa hanggang wakas


upang mabigyang-katwiran ang lahat ng mga aspekto nito.

4. Mahalagang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manonood dahil malaki


ang impluwensiya nito sa buhay ng tao.

5. May malaking magagawa ang isang musmos na bata upang tumulong sa mga
problema ng kanyang pamilya kapag nagtaglay ng dalisay na puso na may pag-
ibig at pagmamalasakit.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 63


Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema, layon, gamit ng
mga salita at mga tauhan.

Gamit ang graphic organizer, suriin ang pelikulang Magnifico batay sa


mahahalagang impormasyong dapat tandaan sa pagrerebyu ng isang pelikula.

Tema ng Pelikula Layon ng Pelikula

MAGNIFICO

Pagganap ng mga Tauhan Cinematography

Diyalogo ng mga Tauhan Paglalapat ng Musika at


Final Edting

64 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


PAGSULAT NG REBYU NG ISANG PELIKULA
Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga
sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at
nagpapasya sa katangian nito. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan
at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa
pagpapaganda ng pelikula.

Ang mga sumusunod na mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng


pelikula:

1. Kuwento – Tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot


ang pelikula. Sa pagsusuri ng pelikula, pagtuonan ng pansin ang mga
sumusunod na mga tanong:
 Bago ba o luma ang istorya?
 Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit-ulit na rin sa ibang pelikula?
 Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
 Nakapupukaw ba ito ng interes?

2. Tema – Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng
pelikula.
 Ano ang pinapaksa ng pelikula?
 Ano ang mensaheng dala nito?
 Maliwanag ba ang tema at matagumpay na napatunayan?

3. Pamagat – Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito


ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.
 Ito ba ay angkop sa pelikula?
 Nakatatawag ba ito ng pansin?
 Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?

4. Tauhan – Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng


pelikula.
 Ang mga tauhan ba‘y kumikilos at may pag-uugaling tulad ng karaniwang
nakikita?
 Ito ba‘y pawang ikabubuti o nagpapakita rin ng kani-kanilang kahinaan?

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 65


5. Diyalogo – Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
 Maayos ba ang diyalogo?
 Ipinapakita ba sa pamamagitan ng pagsasalita ang kani-kanilang tauhan?
 Ang pag-uusap ba ay magdadala sa kwento upang patuloy na kumilos? O
ang pag-uusap ay binababa ngunit walang kinahihinatnan?

6. Cinematography – Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.


 Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?
 Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipang nais
palutangin?
 Ang lente ba ng kamera ay nai-adjust para sumunod sa galaw ng artista?

7. Iba pang Aspektong Teknikal – Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa


pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, editing.
 Maayos ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa
pelikula?
 Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala bang bahaging parang
putol?
 Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa eksena?
 Akma o makatotohanan ba ang special effects, blastings, pagkawala,
pagliit o paglaki ng bagay, animasyon, make-up ng mga artista, paggamit
ng computer graphics at iba pa.

KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA


MGA BANTAS
(Binagong Ortograpiya sa Wikang Filipino, 2013)

MGA WASTONG GAMIT NG GITLING


Sa mga bantas, isa sa maraming gamit ang gitling (-). Dahil dito, marami din ang
nalilito at nagagamit ang gitling sa mga pagkakataóng hindi ito kailangan. Naririto ang
mga wastong gamit ng naturang bantas:

66 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


1. Ginagamit ang gitling sa mga salitang inuulit:
Halimbawa: anó-anó, aráw-áraw, gabí-gabí, sirâ-sirâ, ibá-ibá
a. Kung mahigit dalawang pantig ang salita, ang unang dalawang pantig
lámang ang inuulit.
Halimbawa: pali-palíto, suntok-suntukín, balu-baluktót
b. Inuulit ang buong unang dalawang pantig kung may dalawang pantig
lámang ang salita. Ngunit hindi inuulit ang panghuling katinig ng
ikalawang pantig kapag mahigit dalawang pantig ang salita.
Halimbawa: bálik-bálik, wasák-wasák, bali-baligtád, bula-bulagsák
c. Ngunit kung may unlapi, isinasáma ito sa unang bahaging inuulit.
Halimbawa: pabálik-bálik, nagkawasák-wasák, pagbali-baligtarín
pabula-bulagsák
Tandaan din: Ginagamit ang gitling sa salitang inuulit. Hindi ito ginagamit sa
salita na may mga pantig na inuulit ngunit walang kahulugan kapag hindi
inulit.
Halimbawa: ―paruparó,‖ dahil walang ―paro,‖
―alaala‖ dahil walang ―ala,‖
―gamugamó‖ dahil walang ―gamo.‖
Ngunit may gitling ang ―sarì-sarì‖ dahil may salitang ―sarì,‖ ―sámot-sámot‖
dahil may ―sámot‖ at dapat ding gitlingan ang pinagsámang ―sámot-sarì.‖
Maling anyo ang ―samo‘t-sari.‖ Maling anyo din ang ―iba‘t-iba‖ dahil hindi
ito inuulit kundi kontraksiyon ng ―iba at iba.‖

2. Gayunman, ginagamit ang gitling sa onomatopeikong pagsulat sa mga


iisahing pantig na tunog.
Halimbawa: tik-tak, ding-dong, plip-plap, tsk-tsk, rat-ta-tat

3. Ginagamit ang gitling upang paghiwalayin ang pantig na nagtatapos sa katinig


at ang sumusunod na pantig na nagsisimula sa patinig.
Halimbawa: pag-asa, agam-agam, mag-isa, pang-umento,
pang-úlo (kasuotan para sa ulo, at iba sa ―pangúlo‖ o presidente)
tsap-istik (kahit isang salita ang orihinal na chopstick)
brawn-awt (kahit isang salita ang orihinal na brownout)
Ngunit ginagamitan ng gitling ang salita kahit nagtatapos sa patinig ang
unang pantig kapag pangngalang pantangi ang kasunod:
pa-Mandaluyong, ngunit pahilaga
taga-Itogon, ngunit tagalungsod
maka-Filipino, ngunit makalupa

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 67


at kapag salitang banyaga at nása orihinal na baybay ang kasunod:
pa-cute, ngunit pakyut
ipa-cremate, ngunit ipakrimeyt
maki-computer, ngunit makikompiyuter

4. Ginagamit din ang gitling upang bigyan ng bigat o diin ang kakaibang bigkas
sa naunang pantig, gaya sa matandang ―gáb-i‖ na kasingkahulugan lámang
din ng makabagong ―gabí.‖ Narito pa ang ilang halimbawa:
líg-in (Sinaunang Tagalog) pagiging alanganin
láng-ap (Sinaunang Tagalog) pag-inom nang mabilis
múng-ay (Hiligaynon) hitik sa bunga
mús-ing (Bikolano) dungis
láb-ong (Ilokano) isang uri ng pansilo o pambitag
húl-ab (Sebwano) ukà

5. Ginagamit ang gitling sa mga bagong tambalang salita, gaya sa sumusunod:


lipat-bahay bigyang-búhay bagong-salta
pusong-martir amoy-pawis

Walang tiyak na tuntunin kung kailan inaalisan ng gitling ang tambalang


salita. May salitang gaya ng ―kathang-buhay‖ para sa nobela noong panahon
ng Amerikano ang isinusulat nang ―kahambúhay‖ ngayon. May matandang
―palipád-hángin,‖ ―basâng-sísiw,‖ at ―bunông-bráso‖ na hindi pa rin inaalisan
ng gitling. May bagong imbento naman, gaya ng ―balikbáyan,‖ na wala nang
gitling nang unang ilathala. Mahirap nang masaliksik kung kailan inalisan ng
gitling at pinagdikit ang ―pikitmatá,‖ ―anakpáwis,‖ ―balinsusô‖.

Iwasan ang ―bigyan-‖. Magtipid sa paggawa ng tambalang salita, lalo‘t


di-kailangan. Halimbawa, isang bisyo na ang pagdurugtong ng anumang nais
sabihin sa ―bigyan-― gaya sa ―bigyang-diin‖ at ―bigyangpansin.‖ Marami ang
nagsasabing ―bigyang-pugay‖ samantalang puwede naman at mas maikli pa
ang ―nagpugay‖; ―bigyang-parangal‖ samantalang puwede itong ―parangalan‖;
―bigyang-tulong‖ samantalang higit na idyomatiko ang ―tulungan.‖ Kahit ang
―bigyang-pansin‖ ay puwede nang ―pinansin.‖

68 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Tambalan ang ―punongkahoy.‖ Dapat malinawan na may salitang gaya
ng ―punongkahoy‖ at ―buntonghininga‖ na likha sa dalawang salita: ―puno+ng
at kahoy‖ at bunton+ng hininga.‖ May bumabaybay sa mga ito na
―punungkahoy‖ at ‗buntunghininga‖ dahil sa arbitraryong pagsunod sa O na
nagiging U sa loob ng pinagtambal na may salita. Ngunit kung babalikan ang
tuntunin, hindi na kailangan ang naturang pagpapalit. Madalî pang makikilála
ng mambabasá ang dalawang orihinal na salitang pinagsáma sa
―punongkahoy‖ at sa ―buntonghininga.‖

6. Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may ―ika-
‖ gayundin sa pagbilang ng oras, numero man o binabaybay, na ikinakabit sa
―alas-‖ gaya sa sumusunod:
ika-8 ng umaga, ngunit ikawalo ng umaga
ika-9 ng Marso, ngunit ikasiyam ng Marso
ika-100 anibersaryo, ngunit ikasandaang anibersaryo
alas-12 ng tanghali, alas-dose ng tanghali
alas-3 ng hapón, alas-tres ng hapón
Tandaan: Laging binabaybay ang oras na ―ala-una.‖

7. Ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping ―de-‖ mula sa Espanyol na


nangangahulugang ―sa pamamagitan ng‖ o ―ginawa o ginagamit sa paraang.‖
Halimbawa: de-kolór, de-máno, de-kahón, de-bóla, de-láta, de-bóte

8. Ginagamitan ng gitling ang salitang pinangunguhan ng ―dî‖ (pinaikling ―hindî‖)


at nagkakaroon ng kahulugang kasalungat ng orihinal nitó, malimit sa
mapagbiro o mapang-uyam na himig.
Halimbawa: di-mahapáyang-gátang, di-mahipò, di-maitúlak-kabígin,
di-mahúgot-húgot, di-kágandáhan, di-maliparáng-uwák

9. Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nag-asawa upang


ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.
Halimbawa: Carmen Guerrero-Nakpil
Gilda Cordero-Fernando
Genoveva Edroza-Matute

Kapag ginamit ang anyong ito sa lalaki, gaya sa kaso ni Graciano Lopez-
Jaena, ang apelyido pagkatapos ng gitling ang apelyido sa ina. Kung
iwawasto alinsunod sa praktikang Espanyol, ang dapat sanang anyo ng
pangalan ng dakilang Propagandista ay Graciano Lopez y Jaena.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 69


10. Ginagamitan ng gitling ang panahong sakop o saklaw ng dalawang petsa.
Halimbawa: 1882-1903 (Panahon ng Patinding Nasyonalismo)
30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897 (Andres Bonifacio)

Sa puntong teknikal, tinatawag itong en dash. Ang mahabà, na tinatawag


na gatláng o em dash, ay ginagamit kapag nawawala ang pangwakas na
petsa ng isang panahunan, gaya sa:
1870— (di-tiyak ang petsa ng kamatayan)

Gatlang din, sa halip na gitling, ang dapat gamitin kapag ibinitin ang daloy
ng pangungusap at may idinadagdag na impormasyon sa loob ng isang
pangungusap.
Halimbawa: Napalingon ako—at nanlaki ang matá—nang makita siyá.
Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong—pagkain, damit,
higaan, malinis na palikuran, tubig, atbp.

Narito ang iba pang tuntunin sa pagbabantas:

1. Tuldok (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:


A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Halimbawa: Si Gng. J.G. Umadhay ay mahusay magturo.
Si Bb. Gatbonton ang kanilang tagapayo sa Filipino Club.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa‘t hati ng isang
balangkas, talaan.
Halimbawa: A. 1.

2. Pananong (?) - Ginagamit ang pananong:


A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng
pangungusap.
Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. Padamdam (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang


kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing
damdamin.

70 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. Paggamit ng Kuwit (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang


sinipi
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang
magkakauri.
Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Karmina, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-
pangkaibigan.
Halimbawa: Mahal kong Ana,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Rodel,
Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng Oo at Hindi.
Halimbawa: Oo, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
Hindi, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Ginang Fremista, isang mahusay na guro, ay isang Batangenya.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at
lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
Halimbawa: Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ayon kay Rizal, ―Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa
sa mabaho at malansang isda‖.

5. Paggamit ng Kudlit („) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-
kaltas:
Halimbawa: Siya‘t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako‘y mamayang Pilipino at may tungkuling mahalin at
pangalagaan ang aking bayan.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 71


6. Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga
sumusunod na paliwanag.
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Halimbawa: Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa
kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa: 8:00 a.m, Juan 16:16

7. Tutuldok-Kuwit (;) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap


na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating
panimula ng liham pangalakal.
Halimbawa: Ginoo; Bb;
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi
pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa: Kumain ka ng maraming prutas; ito‘y makabubuti sa katawan.
Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niya ang magpatiwakal.
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-
uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

8. Panipi (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita


A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi.
Halimbawa: ―Hindi kinukupkop ang kriminal, pinarurusahan,‖ sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin,
aklat at iba‘t ibang mga akda.
Halimbawa: Nagbukas na muli ang ―Manila Times‖.
Isang lingguhang babasahin ang ―Liwayway‖.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang ―Anak Dalita‖.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong ―Computer Programming‖.

72 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


9. Panaklong ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga
salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga
ginamit sa pangungusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me
Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang
kawastuhan.
Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay
humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.
Halimbawa: Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

10. Tutuldok-tuldok o Elipsis (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng


nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin.
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.
Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay
may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang
nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.
Halimbawa: Pinagtibay ng Pangulong Arroyo …
B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.
Halimbawa: Kung ikaw‘y maliligo sa tubig ay aagap upang…

Nagagamit ang kahusayang gramatikal sa pagsulat ng sagot.

Gawin ang panuto sa bawat bilang. Gamitin ang mga pamantayan sa tamang
bantas, baybay at pagkakaugnay ng mga pangungusap sa iyong susulating sagot.

1. Isulat kung kailan at anong oras nangyari ang pinakamasayang sandal ng


iyong buhay.
______________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 73


2. Bumuo ng pangungusap hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.
(kung kailan nagsisimula at natatapos ang pagdiriwang na ito.)
______________________________________________________________

3. Sumipi ng isang pahayag mula sa kilalang personalidad o hinahangaang


taong magagamit mong inspirasyon sa iyong buhay.
______________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Bumuo ng pangungusap tungkol sa mga lugar sa labas ng bansa na iyong


nais na marating.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Isulat ang iyong nasasabi kapag nakikita mo ang taong iyong hinahangaan.
______________________________________________________________

Nagagamit ang angkop o tamang bantas sa mga pangungusap.


Ang mga karanasan mo noong nakaraang bakasyon ay hindi mo makakalimutan.
Upang higit na pagtibayin ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga bantas, sumulat
ng isang sanaysay tungkol sa mga nangyari sa iyo noong nakaraang bakasyon. Isulat
ito sa scroll sa ibaba. (10 pangungusap)

74 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Nagagamit ang kahusayang gramatikal sa pagsulat ng isang suring-
pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan.

Sa pagwawakas ng araling ito, ikaw ay maaatasang maging kabahagi ng


MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. Upang makita at
malaman ang iyong kasanayan sa pagsusuri ng mga panoorin, ikaw ay gagawa ng
rebyu ng isang pelikulang Pilipinong napalabas noong 2010 hanggang sa kasalukuyan
na mayroong temang napapanahon.

Ang gagawin mong pagsusuri ang magiging basehan upang ikaw ay maging
regular na miyembro ng MTRCB. Gamitin mo rin ang teknikal na kasanayang iyong
natutuhan sa Ating Alamin. Ibigay mo rin ang iyong pananaw at saloobin tungkol sa
sinuring pelikula.

Ang gagawin mong pagsusuri ay dapat na makasunod sa pamantayan sa ibaba:

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Ang sinuring pelikula ay batay sa paksang hinihingi 5 puntos
Makatotohanan at kumpleto sa aspektong teknikal 5 puntos
ang sinuring pelikula.
Naipahayag nang malinaw ang kaisipan, pananaw, 5 puntos
at saloobin tungkol sa kabuoan ng pelikula.
Naipakita ang kahusayang gramatikal sa pagsulat. 5 puntos
Kabuoang Puntos 20 puntos
5 – Napakahusay 2 – Di Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di Mahusay
3 – Katamtaman

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 75


Aralin MGA KOMPOSISYONG
5 POPULAR

Mahilig ka bang umawit? Gaano kahalaga ang musika sa iyo? Ang musika ay
lengguwahe ng kaluluwa. Ito ay maituturing na isang elemento na siyang nagbibigay ng
kakaibang pakiramdam sa mga tagapakinig nito. Ang musika ay masasabing
nakapagpapagaan ng ating loob sapagkat sa kalmado at positibong elementong
nilalaman ng bawat himig nito. Sa pakikinig ng musika, marami sa atin ay napapawi ang
mga problema sa buhay. Sadyang naaalis ng mga musikang ito ang lungkot o hinanakit
sa ating puso.
Ang pagiging komportable natin ang isa pang magandang nagagawa sa
pakikinig ng musika. Sa kaunting oras na pagpapahinga kasabay ang pakikinig ng
musika, mabilis na napapawi ang pagod natin. Naaalis din nito ang ating mga
alalahanin kaya tiyak nga talagang magiging komportable tayo sa ating kinalalagyan
kung may kasamang musika.
Nagpapalakas din ito ng ating loob. Bakit? Sa dahilan na ang pakikinig ng
musika ay nagbibigay inspirasyon sa atin sa pag-ibig man o sa pangangarap. Sa
musikang ito nakahuhugot tayo ng maraming inspirasyon na tumutulong sa ating
maging determinado sa bawat gagawin natin, determinado sa pagharap sa realidad ng
mundo at determinado sa pagkamit ng ating mga mithiin.
Ano ba ang mga hilig mong musika? Alam mo bang sinasalamin din nito kung
ano ka?

76 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Kilala mo ba ang mga nasa larawan sa ibaba? Sino ang pinakapaborito mo sa
kanila? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

.
Komposisyong Popular

Ang Pilipinas ay hitik sa mga babasahing likha ng mga Pilipinong may angking
kakayanan at mayayaman sa kaisipan. Ang mga ganitong uri ng panitikan ay umusbong na
bago pa ang Pilipinas ay sakupin ng mga Espanyol. Ang komposisyong popular ay gamitin
ng masa, isinusulat o binabasa ng mga karaniwang mamamayan at hindi kasinlalim o
kasintalinhaga ng malikhaing komposisyon. Sa nagdaang mga aralin ay natalakay na ang
mga komposisyong popular gaya ng popular na babasahin, programang pantelebisyon,
programang panradyo at pelikula. Narito ang iba pang uri ng komposisyong popular.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 77


1. PATALASTAS O KOMERSYAL – Maikling pahayag na nagbibigay ng
kaalaman sa isang paksa o isyu. Sumasagot ito sa tanong na Ano?, Bakit?,
Saan?, Paano?, Kailan? Layunin din nitong makapagbigay impormasyon,
makapagbigay direksyon at manghikayat. Halimbawa ng patalastas o
komersyal na makikita sa telebisyon:

2. ISLOGAN – Maikling pahayag ng isang tiyak na paksa o isyu. Mayroon itong


anyong tuluyan, at patula. May katangian itong madaling maunawaan.

3. MANIFESTO – Ito ay isang paglalahad ng katwiran o paninindigan ng isang


samahan, sektor o pangkat hinggil sa isang isyu o pangyayari. Ang wikang
ginagamit sa manifesto ay madalas na karaniwan at tuwiran. Dapat na
iwasan ang maliligoy na pahayag sa pagsulat nito. May katangian itong
matapang, galit, at patuligsa

Halimbawa ng Manifesto

ISANG MANIFESTO PARA SA KABATAANG PILIPINO


Ni Rene Angelo G. Ambrocio

Itinuturing ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng edukasyon bilang isang


kayamanan, kayamanan na hindi mananakaw kailan man. Kayamanang
ipagmamalaki at magiging susi para sa kinabukasan.

78 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Sabi nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na ―Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan‖, totoo ang sinabi ng ating pambasang bayani
ngunit magiging mas epektibo ito kung ang kabataan ay may sapat na karunungan
na makukuha lamang sa eskwekahan.
Kailangang mag-aral ang mga kabataan. Ito ang magdudulot sa atin para sa
kinabukasan. Iwasan ang mga masasamang bisyo at lumakad sa ilaw ng pag-
aaral. Magsikap ng maigi hangga't maaga pa, para sa huli hindi tayo magsisi.
Mabuti na ngayon tayo magsunog ng kilay kaysa bukas tayo ay nakatunganga.
Mag-aral nang mabuti hangga't may panahon pa. ‗Wag antayin ang bukas na
dumating at tayo ay magsisi dahil pinapalampas natin ang pagkakataon para mag-
aral. Ngayon, tayo ay may pagkakataon, minsan lang ito dadaan kaya hangga't
maari ay huwag tayong magsawa sa pag-aaral dahil balang araw, ito ang ating
magiging sandata para harapin ang bukas.

4. AWIT – Pagpapahayag ng damdamin, pangarap at kultura. Mayroong iba‘t


ibang himig, tema ng awitin, pagibig, ekonomiya, kultura at gobyerno.

PARUPARONG BUKID
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!


May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

5. KOMIKS – Kwento ng iba‘t ibang istorya sa buhay na may lakip na larawan.


Mga katangian dapat isaisip sa pagsusulat ng skrip ng komiks

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 79


6. Adapsyon – Ang panghihiram ng himig ng isang awit at pagpapalit lamang
sa liriko nito.

7. Fliptop – Sinasabing balagtasan sa kasalukuyang panahon


Halimbawa
"Sa ginawa mong ‗yan akala mo ganap ka ng RAPPER?
I don't think so! Kasi from head to foot mas mukha kang SNATCHER."

8. Rap – Isang paraan ng pag-awit na tila binibigkas ngunit may kasamang


ritmo

9. Revival – Ang muling pagbuhay sa isang lumang awit na may kaunting


pagbabago ayon sa kung sinong mang-aawit ang kakanta nito.

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda.

A. Punan ang nawawalang titik o mga titik upang mabuo ang salitang tinutukoy.

1. Nangangahulugan itong umalis o namatay


p n

2. Mga bagay na nasa atin na di natin pinagpaguran


i y a

3. Ang makapangyarihan sa lahat na lumikha ng lahat ng bagay.


i s

4. Kinuhang muli
i I

5. Uri ng instrumentong pangmusika


I t a

80 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


AKDANG PAMPANITIKAN

MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN


Muling Binuhay ni: Sarah Geronimo

Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?


Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.

Refrain 1:
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayo-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman

Refrain 2:
Mayroon lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 81


Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Refrain 3:
Bakit di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon mga ibong gala


Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Refrain 4:
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na

82 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang awit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Paano inilarawan ng may akda ang mga tao?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Paano inilarawan ng awit ang kapaligiran.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Ano ang panawagan ng awit sa lahat ng mga tao?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Bakit nasabi ng awit na ‗di masama ang pag unlad, ano ang kinalaman nito
sa
pagkasira ng kalikasan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 83


6. Ayon sa awit, anong kinabukasan ang naghihintay sa susunod na
henerasyon kung tuloy-tuloy ang pagkasira ng kalikasan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
7. Sa tingin mo, ano ang mga pangunahing dahilan bakit dapat nating ingatan
ang ating kapaligiran?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
8. Kung patuloy ang pagkasira ng kalikasan, sa palagay mo mayroon pa kayang
ligtas na lugar na pwedeng mapuntahan ang tao?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
9. Ano ang iyong naramdaman nang iyong mapakinggan ang awit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________
10. Kung ikaw ang .tatanungin, anong mga hakbang ang iyong gagawin upang
masagip ang lumalalang pagkasira ng ating kalikasan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

84 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga isyung
nangyayari sa ating lipunan.

May mga kaisipang nakapaloob sa akda na nakabatay sa mga isyung


nangyayari sa ating lipunan. Punan ang tsart ng mga detalyeng hinihingi katulad ng
bunga, sanhi at mga solusyon kung paano lulutasin ang mga suliranin sa kalikasan.

Problema Sanhi Bunga Solusyon


1. Maruming hangin

2. Walang
madapuang puno
ang mga ibon
3. Maruming ilog

Nasusuri ang mga akdang popular.

Ang awit na muling binuhay ni Sarah Geronimo ay isang akdang popular at ito‘y
naghahatid ng isang paalalang dapat nating bigyang pansin at pahalagahan ang ating
kapaligiran. Suriin ang ilang halimbawa ng komposisyong popular at tiyaking maibigay
ang hinihinging impormasyon ukol dito.

Komposisyong Halimbawa Tungkol saan ang Reaksyon


Popular Paksa

Awit

Islogan

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 85


Komersyal

Komiks

Fliptop

Nailalahad ang pagpapahalaga, dahilan o konklusyon tungkol sa bunga ng


akdang binasa.
Iyong uunawaing mabuti kung gaano mo kadalas gawin ang mga nakasaad sa
tseklis at lagyan ng smiley ☺ ang iyong tugon, pagkatapos ay iyong sagutin ang
kasunod na mga tanong sa ibaba bilang paglilinaw sa iyong naging mga sagot sa
tseklis.

Ikaw ba ay: Lagi Bihira Hindi Dahilan


Kumikilala na ang Diyos ang
lumikha ng lahat ng bagay.
Nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan.
Nag-iingat sa lahat ng mga
nilikha ng Diyos.
Nagtatapon ng basura sa
tamang lugar.
Umiiwas sa masamang gawain
ng kabataan gaya ng bisyo.
Nakikiisa sa mga programang
pangkalikasan gaya ng tree
planting, at clean and green
program.

86 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


1. Batay sa sinagutang tseklis, ano-ano ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin
ng isang mabuting kabataan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano mo patuloy na maisasapamuhay ang mga ito?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga na maipakita at maging katangian mo ang mga ito?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano ang nagagawa ng pagsunod at pagsasagawa mo nito sa pagiging mabuting


mamamayan mo ng Pilipinas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA

Mga Tuntunin sa Pagbabaybay


1. Pabigkas na Pagbaybay – Ang pagbigkas na baybay ay dapat paletra at hindi
papantig.
Salita – Halimbawa: aso = /ey-es-o/ kotse = /key-o-ti-es-i/ ulan = /yu-el-ey-en/
Pantig – Halimbawa: i = /ay/ ay = /ey-way/
Daglat – Halimbawa: Dr. (Doktor) = /kapital di-ar/ Bb. (Binibini) = /kapital bi-bi/
Akronim – Halimbawa: XU (Xavier University) = /eks-yu/
ASEAN (Association of Southeast Nations) = /ey- es-i-ey-in/
Inisyal – Halimbawa: AGA (Alejandro G. Abadilla) = /ey-ji-ey/
CPR (Carlos P. Romulo) = /si-pi-ar/

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 87


2. Pasulat na Pagbaybay – Mananatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at
letra sa pagsulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino.
A. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa
Halimbawa: dyanitor = janitor, pondo = fund, pormal = formal
B. Ang dagdag na walong letra : C , F , J , Ñ , Q , V , X , Z ay ginagamit sa mga
tao o lugar.
Halimbawa: Niña, Carlo, Quezon City, Frances, Zamboanga
C. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas.
Halimbawa: señora = (kastila:ale)
Mosque = (pook dalanginan ng mga muslim)
Hadji = (lalaking muslim na nakarating sa Mecca)

3. Panumbas sa mga Hiram na Salita


A. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga
salitang banyaga.
Halimbawa: attitude = saloobin, wholesale = pakyawan, west = kanluran
B. Gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa: haraya, gahum
C. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila unang
preperensya ang hiram na Kastila.
Halimbawa: check = cheque = tseke; liquid = liquido = likido
1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito ng walang pagbabago.
Halimbawa: reporter, soprano, memorandum
2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang
konsistent.
Halimbawa: leader = lider; jacket = dyaket
3. May mga salita sa Ingles o iba pang salita na lubhang di-consistent ang
spelling.
Halimbawa: champagne, doughnut, x-ray, zinc
4. Hiramin nang walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham.
Halimbawa: Ag = Silver; Mg = Mercury

88 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Nakikilala ang mga salitang may tamang baybay ayon sa mga alituntuning
napag-aralan.
Gumuhit ng smiley sa bilog kung tama ang baybay ng mga salita sa bawat
bilang at ng sad face kung ito‘y mali. Ibatay ang pagsagot sa alituntuning napag-
aralan sa alituntunin ng pagbabaybay.

bus komisyon volleyball

tsek (guhit) engineer ortograpiya

imahen leader okasyon pidza

Nakapagbabaybay ng wasto ng mga salitang hiram.

Baybayin ng wasto ang mga salitang hiram ayon sa palatuntunang napag-


aralan.

1. occasion

2. planet

3. chocolate

4. kite

5. transportation

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 89


6. building

7. bicycle

8. machine

9. location

10. cabinet

Nakapagsasagawa ng isang pananaliksik ukol sa napiling paksa.

Ang pananaliksik ay isang paraan upang malaman ang mahahalagang detalye


ukol sa isang paksa. Gamit ang iba‘t ibang pamamaraan ng pananaliksik ay madaling
makalap ang mahahalagang impormasyong makakatugon sa paksang napili.
Magsagawa ng isang pananaliksik hinggil sa isa sa mga paksang inilaan sa
ibaba.
Mga paksang pagpipilian

1. Pagpapataw ng Parusang Kamatayan


2. Electronics Education System
3. Effects of Climate Change
4. Nature Conservation
5. Homelessness and Hunger Awareness

90 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Ang pananaliksik ay dapat makasunod sa pamantayan ng rubrik

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Marami o sapat ang nasaliksik tungkol sa 5 puntos
paksang napili.
Nabigyang-pansin ang mahahalagang kaisipan o 5 puntos
impormasyong nakuha.
Nakakapagsaliksik ng iba‘t ibang paraan 5 puntos
(internet, aklat, pakikipanayam atbp.).
Tiyak na makatotohanan ang pananaliksik na 5 puntos
nagawa.
Kabuoang Puntos 20 puntos
5 – Napakahusay 2 – Di mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di mahusay
3 – Katamtaman

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 91


Aralin KONTEMPORARYONG ISYU:
6 GLOBAL WARMING

Nararamdaman mo na ba ang pagbabago sa iyong paligid? Napapansin mo ba


ang init na nagmumula sa sikat ng araw sa umaga na tila parang kasukdulan ng
katanghalian? Napapansin mo rin ba ang abnormal na dulot ng panahon? Minsan
makulimlim, minsan umaaraw at bigla na lang uulan. Napapansin mo rin ba ang
kadalasan na kakulangan sa tubig na kailangan mo sa pang-araw-araw? Napapansin
mo rin ba ang madalas na pagbaha? Napansin, narinig, napanuod o nabasa mo na ba
sa mga pahayagan o balita ang kaunting huli ng isda ng mga mangingisda?

92 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Napapansin mo ba? Senyales na kaya ito? Huli na nga ba ang lahat? Palagay
mo, katapusan na nga ba ito? Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito? Gumaganti na
nga ba si Inang Kalikasan? O, ang Kataas-taasang may likha sa kanya at sa lahat ng
bagay sa mundo? Ikaw, ano sa tingin mo? Isulat ang iyong damdamin at kaisipan sa
salamin sa ibaba.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 93


GLOBAL WARMING: SENYALES NA NGA BA?

Ang lahat ng pagbabago o abnormal na pangyayari sa ating paligid at maging


sa panahon ay dulot ng global warming. Ano ba ang global warming? Ang global
warming o pag-init ng daigdig ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng
katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo. Ayon sa
siyentipikong opinyon, ―ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng
tao‖. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases
na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng
kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing
sanhi ng pag-init ng mundo. Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang
temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng
karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga
pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga
mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat
waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at
tindi ng mga ito. Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa
pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon
hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-
aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may
mahabang buhay sa himpapawid.
Nangyayari ang lahat ng ito dahil sa kapabayaan at kalapastanganan ng mga
tao. Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid
ng mundo nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating
planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na
kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas higit ng 30 °C at
hindi na matitirahan. Ang tinutukoy na mga greenhouse gases sa atmosphere ng
ating mundo ay ang mga sumusunod: water vapor, carbon dioxide, methane,
nitrous oxide at ozone. Buhat ng modernong panahon, maging ang di-wastong
paggamit ng teknolohiya ay may malaking epekto sa ating paligid. Sinasabing "Sa
tulong ng teknolohiya mas napapadali ang buhay", mas napapadali nga ba
patungong modernasyon o patungong hukay?
Malaki ang epekto ng climate change o global warming sa ating buhay at
lalong-lalo na sa ating paligid. Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng katamtamang

94 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng ozone layer, pagtindi at pagdalas ng
mga matitinding klima (extreme weather events), at pagkalat ng mga sakit.
Kung may malasakit at pagmamahal ka sa iyong paligid, kapwa at maging sa
iyong sarili tulungan mong ihinto ang masamang dulot ng global warming. Kung
papaano, narito ang ilang hakbang upang makatulong sa pagresolba sa mga
problemang dala ng global warming.

1. Bago ang lahat, dapat desidido ka na magbago o sa pagbabago.


Tandaan, ang lahat ng pagbabago ay dapat sinisimulan sa ating sarili.
2. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan lalo na yung mga basura na
maliliit, maari muna natin ito pansamatalang itago sa ating bag at itapon
sa tamang tapunan.
3. Sa halip na gumamit ng plastik, mas makakabuti na gumamit ng telang
bag o anumang alternatibo katulad ng bayong sa pamamalengke.
4. Magtipid ng kuryente at tubig. Patayin kung hindi ginagamit.
5. Maglakad na lang kung maaari. Healthy lifestyle pa.
6. Maging eco-friendly. Mas makabubuti kung sasali ka sa mga eco-friendly
organizations na makatutulong sa iyo upang maging mulat ka sa lahat ng
bagay lalo na sa pangangalaga sa ating paligid.

Nakakatakot isipin ang kahihinatnan ng ating mga buhay at lalo na ang ating
iisang tahanan, ang ating planeta sa paunti-unting pagdurusa at paghihirap na
ibubunga o dala ng climate change o global warming. Ating tandaan, kailangan
nating magkaisa upang labanan ang problemang ito. Tayong lahat ang gagawa ng
solusyon laban dito. Hindi pa huli ang lahat.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 95


A. Isulat sa tamang hanay ang salitang-ugat, kasingkahulugan, at kasalungat
ng mga salitang nakahilig sa bawat bilang.

Salitang-ugat Kahulugan Kasalungat


Kakapusan sa
produksiyon

Malawakang
kagutom

Pagkatunaw ng
yelo

Maagang tagtuyot

El Nino

B. Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang


kampanyang panlipunan
Batay sa akda, ipaliwanag kung anong mga salita ang dapat gamitin sa
pagbuo ng kampanyang panlipunan. Isulat ang paliwanag sa loob ng kahon.
Sa pagbuo ng sequence o script dialogue para sa gagawing social
awareness campaign mahalagang gumamit ng mga salitang……

_________________________________________________________
_________________________________________________________

Mahalagang maisagawa mo ito upang…….

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Kung maisasagawa mo ito, tiyak na ang social awareness campaign


na gagawin ay……
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_

96 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


AKDANG PAMPANITIKAN

GLOBAL WARMING AT CLIMATE CHANGE


Lakbay Diwa

Ang global warming at dulot nitong cimate change ang isa sa pinakamalaking
usapin ngayon na kinakaharap ng mamamayan ng daigdig. Isang usaping
nangangailangan ng kagyatan at pangmatagalang solusyon sa pinakamaagang
panahon.
Milyon-milyong mamamayan na sa daigdig ang matinding dumaranas ng epekto
ng climate change dulot ng global warming – pagkawala ng buhay at kabuhayan;
pagkawala ng seguridad sa pagkain at mapagkukunan ng ligtas na tubig; pagkasira di
lang ng mga bahayan at istruktura kundi ng buo-buong nasyon, lalo na sa mga rehiyon
ng Africa, Arctic, Asya at mga maliliit na islang-nasyon sa Pasipiko.
Patuloy pa rin sa pagtaas ang greenhouse gas emissions na siyang salarin sa
global warming at patuloy sa paglaki ang konsentrasyon ng greenhouse gases na ito sa
kalawakan. Nagpapatuloy ang banta ng panganib na maaari pang idulot ng pagkasira
ng ozone; pag-init ng mundo; pagkatunaw ng glaciers, ice sheets at sea ice; pagtaas ng
tubig-dagat at iba pang kaganapan sa kalikasan na di pa nasaksihan sa kasalukuyang
panahon.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 97


Mahalaga na maintindihan natin kung ano itong global warming at ang resulta
nitong climate change para maipaliwanag ang mga kaganapang may kinalaman sa
kapaligiran at kalikasan; ang dalas at tindi ng mga sakuna dulot ng kalamidad at ang
laki at lawak ng epekto nito. Higit dito, dapat nating tuntunin kung paano umabot sa
kasalukuyang proporsyon ang greenhouse gases sa kalawakan ng mundo (earth’s
atmosphere) na nagresulta sa kasalukuyang global warming at climate change; kailan
ito nagsimula at patuloy na lumala sa kasaysayan; ano ang mga pangunahing dahilan o
salik nito; at, sino ang may malaking pananagutan. At sa dulo, makita ang mga tunay
na solusyon at wastong pagharap o pakikitungo sa usapin.
Mas higit na masaklaw ang usapin ng ―global warming‖ kaysa pagkatunaw ng
Antarctic ice sheets at pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level rise). Ang “global
warming” ay kinatatangian ng pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kaya‘t
nagdudulot ng pangkalahatang pag-init ng kalawakan, ng kalupaan at karagatan (global
heating of the atmosphere, land and oceans). Pinatutungkulan din nito ang mga usapin
ng:
1. malakihan o ganap na pagbabago sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig
(global climate change)
2. ‗di makalkula o paiba-ibang klima o panahon (global climate variation)
3. matitinding mga kaganapang may kinalaman sa weather patterns sa iba‘t ibang
panig ng daigdig (tsunami, hurricane, atbp)
4. global ocean acidification
5. pagkasira ng ozone layer ng mundo

Iniulat naman ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change


(IPCC) ang mga panganib na kaakibat ng climate change:
1. pagkasira ng kalupaan
2. kasalatan sa tubig at pagbaba ng kalidad ng tubig
3. suliranin sa suplay ng pagkain at malaganap na kagutuman
4. pagkalat ng mga sakit at pangkalahatang pagbagsak ng antas ng kalusugan ng
tao

Noong 2001, naiulat na ng IPCC na tumaas ng 0.6 degrees Celsius ang


temperatura ng mundo (global average surface temperature) sa buong panahon ng ika-
dalawampung siglo (twentieth century). Ang 1990‘s ang naitalang pinakamainit na
dekada na dinanas ng mundo sa loob ng sampung libong taon. Sa pagpasok ng
panibagong siglo, ang mga senyales ng global warming ay damang-dama at
malawakan na. Ang sampung (10) pinakamaiinit na taon ay naitala lahat sa panahon
mula 1990–1998 bilang pinakamainit, sumunod ang 2002, 2003, 2001 at 1997. Tinataya
ng IPCC na maaari pang tumaas ng nasa pagitan ng 1.4 hanggang 5.8 degrees Celsius
ang temperatura ng mundo pagdating ng 2100.

98 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Ang Greenhouse Effect at Global Warming
Sa syentipikong pag-unawa, ang global warming ay resulta ng malakihang
konsentrasyon o bolyum ng greenhouse gases (GHG) sa kalawakan. Ang greenhouse
gases ang bumubuo sa 1% ng kalawakan ng daigdig (earth’s atmosphere). Sinasalo at
Ikinukulong nito ang infrared radiation mula sa init ng araw habang tinitiyak na may
sapat at katamtamang init na pumapasok at nananatili sa daigdig para magpatuloy ang
buhay dito. Ang penomenong ito ang tinatawag na ‗greenhouse effect’.
Kahit may malaking papel ang greenhouse gases sa greenhouse effect, na
mahalagang rekisitos sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng buhay sa daigdig, ang
konsentrasyon nito sa kalawakan ay mapanganib. Kapag nagkaroon ng malakihang
bolyum ng GHG sa kalawakan ng daigdig, mangangahulugan ito na mas maraming
infrared radiation ang makukulong at mananatili sa daigdig, na syang nagiging sanhi ng
pagtaas ng temperatura dito at resulta nitong pag-init.
Mayroong tatlumpu‘t anim (36) na elementong nabibilang sa greenhouse gases –
ilan dito ay water vapor, carbon dioxide (CO2), methane (CH4), nitrous oxide (N2O),
hexaflourocarbons (HFCs), perflourocarbon (PFC), sulfur hexaflouride (SF6). Sa
malakihang bolyum nito, ang maituturing na pinakamapanganib ay ang CO2.
Sa kasalukuyan, ang CO2 ang may kinalaman sa 60% ng paglala ng
greenhouse effect na dinaranas natin dulot ng pagdami ng GHG sa kalawakan. Ang
konsentrasyon ng CO2 sa kalawakan ay tumaas ng 30% mula pagsisimula ng industrial
age, mula sa bolyum na 280 parts per million (ppm) tungo sa 367 ppm pagdating ng
taong 1998.
Sa pinakahuling pagsukat (Setyembre 2009), nasa 384.78 ppm na ito o 2 ppm
pagtaas kada taon. Ang maituturing na nasa “safe level” pa ng CO2 sa kalawakan ay
350 ppm o mas mababa dito.

Kontribusyon ng GHG sa Greenhouse Effect (2004)


Ang kalakhan ng GHG emissions na nagpalala sa greenhouse effect, lalo na
mula sa pagsisimula ng rebolusyong industriyal, ay dulot ng mga aktibidad na gawa ng
tao. Ang pangunahing dahilan dito ay ang emisyon ng CO2 mula sa fossil fuel
combustion o proseso ng pagsunog ng fossil fuels gaya ng uling (coal), langis (oil) at
natural gas. Lalo na sa pagpasok ng daigdig sa yugto ng imperyalismo, ang kapasidad
ng tao (malalaking industriyalisadong mga bansa) na magsunog at gumamit ng fossil
fuels ay lumaki sa gahiganteng proporsyon. Ito ang sisira sa natural na balanse ng
carbon cycle.
Ang labis-labis na emisyon ng CO2 ang sinasabing pangunahing salarin sa
global warming. Ang global warming ay tumungo na sa pagbabago sa klima ng mundo
o climate change.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 99


Climate Change
Ang klima o climate ay pumapatungkol sa panahon o weather na karaniwang
kondisyon (average weather) sa isang lugar sa mas mahaba-habang saklaw na
panahon. Sa karaniwan ay tatlumpung (30) taon o mas matagal pa.
Pinatutungkulan din ng klima ang istatistika ng temperatura, humidity,
atmospheric pressure, hangin, bolyum ng tubig-ulan, atmospheric particle count, at iba
pang meteorological elements sa isang tiyak na rehiyon sa mahaba-habang panahon.
Ang klima sa isang lokasyon ay naaapektuhan din ng tereyn, taas ng lugar, ice o
snow cover, at gayundin, ng karatig na mga katubigan at ang kanilang pagdaloy
(currents).
Ang panahon (weather) ay ang kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong
elemento sa loob ng maikli-ikling panahon-isang araw hanggang dalawang linggo.
Sa madaling pag-intindi, kapag sinabing climate change, ito ay pumapatungkol sa
pagbabago sa klima ng mundo at ng mga lugar sa mundo. Dahil ang pinag-uusapan ay
klima at hindi simpleng panahon o weather lang, ito ay kapwa malawakan (large-scale)
at matagalan (long-term). Kinatatangian ito ng pangkalahatan at matagalang
pagbabago o pag-iiba sa weather patterns sa lokal, rehiyunal at pandaigdigang antas.
Ayon naman sa depinisyon ng United Nations Framework Convention on
Climate Change (UNFCCC), ito ay ―ang pagbabago sa klima na iniresulta ng mga
aktibidad ng tao (direkta o ‗di direkta) na nakapagdudulot ng pagbabago sa
komposisyon ng kalawakan (global atmosphere), na kasama ng mga natural na dahilan
(natural climate variability), ay naobserbahan sa paglipas ng maraming taon‖.

Mga Nakaaapekto sa Pagbabago ng Klima – Mga Natural na Salik at Gawa ng


Tao
Sa tulong ng paglalapat ng siyensiya sa pagsusuri sa mga ice cores sa northern
hemisphere, natunton ng mga siyentista ang temperatura ng mundo at komposisyong
kemikal ng kalawakan sa nakalipas na 650,000 taon. Nasuri nila na ang mga
sinaunang pagbabago sa klima (climate change) na naganap sa kasaysayan ng mundo
ay dulot pangunahin ng mga natural na salik, gaya ng:
plate tectonics (paggalaw ng tinatawag na tectonic plates na nagpapabago sa
pusisyon ng kalupaan at mga erya ng katubigan na siyang nagreresulta sa topograpiya
ng daigdig)
orbital at solar variations (pagbabago sa pag-ikot ng mundo na nakaaapekto
sa layo at lapit nito sa araw)
volcanism (natural na proseso kung saan ang mga elemento mula sa crust o
mantle ng mundo ay ibinubuga palabas gaya ng pagputok ng mga bulkan, paglitaw ng
geysers, hot springs, atbp)

100 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Sa loob ng nakalipas na 1,300 taon (humigit-kumulang), naganap sa kasaysayan
ng mundo ang mga pagbabago sa klima o climate changes gaya ng Medieval Warm
Period at ang Little Ice Age (100 taon ang nakaraan) kung saan hindi naranasan ng
buong Europa ang tag-init o summertime. Gayundin, sinabi ng mga siyentista na
kalakhan sa mga ito ay dulot ng mga natural na salik.
Ngunit sa pagpasok ng industrial age hanggang sa abutin nito ang yugto ng
imperyalismo, 150 taon mula sa kasalukuyan, naobserbahan ang mabilis na pagtaas sa
temperatura ng mundo na hindi pa nangyari sa nakalipas. Mula 1850, tumaas na ng 1
degree Celsius ang temperatura ng daigdig. Ito ay nagresulta sa pag-init ng mundo
maging ng kalawakan nito. May mga scientific evidences na nagpapakita na kaakibat
ng pagtaas ng temperatura sa kalawakan, nagkakaroon din ng pag-init ng karagatan,
nagsisipagtunaw ang glaciers, ice sheets at sea ice, at resulta nito‘y tumataas ang lebel
ng tubig-dagat. Nagpapatuloy ang ganitong kondisyon sa kasalukuyan, na siya natin
ngayong tinatawag na global warming.
Nagsisipagtunaw ang malalaking tipak ng yelo sa Greenland at Antarctica ice
sheets. Nasa mahigit sa 2 trilyong tonelada na ng yelo ang natunaw sa mga lugar na
ito, kasama ang Alaska, mula 2003. Noong 1980, nasa 7 milyong kilometro kwadrado
ang sukat ng Summer Arctic sea ice. Noong 2006, nasa kulang 5 milyong kilometro
kwadrado na lamang ito. Ang pagkatunaw ng yelo ang maituturing na pangunahing
dahilan ng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level rise). Mula 1880, ang sukat ng
sealevel rise ay umabot na sa 20 sentimetro.
Sinasabi ng mga siyentista na, kaiba sa mga climate changes na naganap sa
sinaunang panahon (gaya ng pagkakaroon ng ice ages) na mga natural na salik ang
pangunahing dahilan, ang kasalukuyang global warming at climate change ay dulot
pangunahin ng tinatawag na mga anthropogenic factors o mga aktibidad na gawa tao.
Ilan sa mga halimbawa at pinagmumulan nito ay:
Industriya – polusyon sa hangin at katubigan mula sa ibinubugang usok nito;
hindi tamang pagtatapon ng mga basura nito (waste disposal practices);
Agrikultura – kumbersyon ng mga kakahuyan para maging kaparangan at
pastulan at ang paggamit ng slash and burn technique o pagkakaingin;
polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa malawakang
paggamit ng kemikal sa abono‘t pestisidyo;
Pagmimina – pagkawala ng topsoil; polusyon sa tubig dulot ng mine tailings;
Konstruksyon – pagkasira ng natural o likas na panirahan dahil sa
konstruksyon ng mga gusali at iba pang imprastruktura; reklamasyon
Panirahan – konsentrasyon ng basura sa mga lugar ng panirahan; - pagkasaid
ng groundwater
Sa mga nabanggit na anthropogenic factors, ang pinakagrabeng umaambag sa
pagtaas ng lebel ng CO2 sa kalawakan ay ang mga emisyon mula sa fossil fuel
combustion o pagsusunog ng uling at langis. Sa kasalukuyang (2008) kontribusyon ng

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 101


CO2 sa GHG na 76.7%, ang 56.6% nito ay mula sa paggamit ng fossil fuel. Ang iba pa
ay: deforestation (17.3%) at biomass decay (2.8%),
Tumindi ang konsentrasyon ng CO2 sa kalawakan nang ang tao ay
magsimulang magsunog ng fossil fuel para sa pangangailangan nito sa enerhiya at
pagpapatakbo ng mga industriya. Ngayon ay dinaranas natin ang tindi ng epekto nito –
sa pagkasira ng mundo at pagkawala ng buhay at kabuhayan ng tao

Mga Epekto at Implikasyon ng Global Warming at Climate Change

Nakaaalarma na ang mga epekto na dinaranas ngayon dahil sa global warming


at climate change. Pangunahing manipestasyon nito ang dalas at tindi (frequency at
intensity) ng mga kalamidad gaya ng supertyphoons at hurricanes, matindi at
malawakang pagbaha, tsunami, malalakas na lindol, heatwaves, matinding tagtuyot
(drought) at iba pa. Habang nagpapatuloy at bumibilis ang climate change, patuloy din
ang pagtaas ng panganib ng pagkasira ‗di lang ng kapaligiran sa mga partikular na
lugar kundi ng buong mundo. Ilan sa malalaking epekto/implikasyon nito ay ang mga
sumusunod:

a. Kalamidad o Natural Disasters


Magiging matindi at malawakan ang mararanasang mga kalamidad. Ang mga
bansang nabibilang sa Global South o developing countries ang magiging
pinakabulnerable sa epekto ng climate change dahil sa geographic (lokasyon),
social at economic factors.
Ang mga maliliit na islang-nasyon at maraming komunidad sa Asya at Pasipiko
ang dumadanas ngayon ng matinding epekto ng pagtaas ng tubig-dagat. Tataas pa
ito lalo‘t sa pagtaya ng mga siyentista ay magiging ‗ice-free’ na o ganap na
matutunaw na ang yelo ng Summer Artic sea sa pagitan ng mga taong 2015 at
2030. Ang katumbas nito ay sea-level rise ng hanggang 0.9 metro pagdating ng
taong 2100 (datos ng IPCC). Tinatayang nasa pagitan ng 70-200 milyon katao ang
maapektuhan ng matindi at malawakang pagbaha kapag inabot ang ganitong lebel
ng pagtaas ng tubig-dagat.
Ang kahirapan at kawalan o kakapusan ng serbisyo-sosyal lalo na sa pabahay
ay nagtutulak din sa marami na manirahan sa itinuturing na mga risk prone areas
(tabing-ilog o dagat, gilid ng bundok). Ang bulnerabilidad ng paninirahan sa mga
lugar na nabanggit ang isa sa pangunahing dahilan sa pagdami ng biktima at laki ng
pinsala dulot ng mga kalamidad.
Ayon sa datos ng United Nations Development Programme (UNDP), ang bilang
ng mga pangunahing kalamidad ay tumaas ng apat na beses sa nakalipas na apat
na dekada. Sa Asya naganap ang apatnapung porsyento (40%) ng mga kalamidad

102 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


na ito at pitumpung porsyento (70%) ng kabuuang bilang ng mga nabiktima, sa
huling dekada ng ika-20 siglo (1990‘s).
b. Implikasyon sa Seguridad sa Pagkain
Ang mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran ay matinding
umaapekto sa mamamayang pangunahing umaasa dito para sa ikabubuhay. Sa
Asya, nabibilang dito ang 60-80% ng populasyon nito, na ang ikinabubuhay ay
maliit ang agrikultura – pagtatanim, pagsasaka, pangingisda, pangangahoy,
atbp.
Sa datos ng United Nations Food and Agriculture Organization,
tinatayang nasa 90% ng labinlimang milyong (15M) katao ang ikinabubuhay ay
sa coastal waters, ay mga maliliit na mangingisda (smallscale fishers). Ayon
naman sa ulat ng World Bank (WB), tinatayang nasa 90% ng 1.1 bilyong
nabibilang sa mahihirap na mamamayan ng daigdig ay umaasa sa kagubatan at
kabundukan para sa kanilang ikabubuhay.
Sa pagkain, ang bigas ang pangunahing kinokonsumo ng mamamayan ng
daigdig. Ito ang pangunahing kinakain ng higit sa kalahati ng populasyon ng
daigdig lalo na sa Asya kung saan dalawang bilyong (2B) mamamayan ang dito
umaasa para sa kinakailangang arawang sustansiya sa katawan. Nasa Asya din
ang 90% ng pandaigdigang produksiyon nito pangunahin sa China (40%) at India
(21%). Ang Asya ang tinatayang isa sa pinakabulnerable sa mga epekto ng
climate change at mga kalamidad na resulta nito. Sa mga taong 2000 hanggang
2003, naobserbahan na patuloy sa pagbaba ang produksiyon ng bigas at pagliit
ng pandaigdigang imbak dito. Nangahulugan ito ng 93 milyong toneladang
kakapusan sa produksiyon kumpara sa konsumo ng mamamayan (2003).
Sa tinatayang pag-init pa ng temperatura at pagtaas ng tubig-dagat,
inaasahan ang pagkawala ng malaking tipak ng mga lupaing agrikultural na
malaking nakaapekto sa produksiyon at sa ultimo, seguridad sa pagkain. Ang
pagtaas sa lebel ng tubig-dagat ng hanggang 1 metro ay tiyak na magpapalubog
sa mga lupaing agrikultural lalo na sa mababang mga lugar ng China, India,
Vietnam, Bangladesh at Cambodia na siyang pinakamalalaking taga-suplay ng
bigas sa daigdig.
Gayundin, ang El Niño Southern Oscillation (ENSO) na nagdudulot naman
ng maagang tagtuyot, ay pangunahin ding tatama sa mga rehiyong sakop ng
equatorial belt. Dito din nabibilang ang maraming mga lugar sa Asya. Tinatayang
nasa 50% ang maaaring ibagsak sa produksiyon sa maraming lugar na ang
agrikultura ay umaasa sa tubig-ulan (rain-fed) pagdating ng 2020.
Matindi ring maaapektuhan ang mga lugar-pangisdaan at iba pang coastal
communities. Ang pangingisda ay malaki ring umaambag sa seguridad sa
pagkain. Tatlong bilyong (3B) mamamayan ang dumedepende sa nutrisyon mula
sa isda. Ang mga komunidad sa kahabaan ng Mekong river na may produksiyon

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 103


ng higit dalawang milyong (2M) tonelada ng isda kada taon ay dadanas ng
matataas na lebel ng pagbaha at gayundin, ng pagpasok ng tubig-alat (saltwater
intrusion).
c. Epekto sa Suplay at Kalidad ng Tubig
Laganap na ang nararanasang kakapusan o kasalatan sa tubig (water
scarcity. Maraming mga lugar sa China, India, at Africa ang dumaranas na
ngayon ng krisis sa tubig. Ang mga manipestasyon nito ay:
- Kakulangan sa ligtas at malinis na tubig na maiinom ng may 884 milyong
mamamayan; kakapusan sa tubig para sa sanitasyon ng may 2.5 milyon
katao;
- Pagkasaid ng groundwater dahil sa overpumping;
- Sobra at walang pakundangang paggamit ng tubig (overuse) at polusyon sa
katubigan na nakaaapekto sa biodiversity;
- Mga lokal hanggang panrehiyong sigalot dulot ng agawan sa papaliit na
mapagkukunan ng tubig.
Ang kawalan ng akses sa ligtas at malinis na tubig ay isa sa mga
pangunahing dahilan ng kamatayan sa maraming lugar sa daigdig. Ayon sa
World Bank, 88% ng maraming sakit ay dulot ng hindi ligtas at maruming tubig at
kawalan o mababang antas ng sanitasyon.

d. Panlipunang Dislokasyon (Social Dislocation)


Sinasabi ng mga islang-nasyon, na kapag tumaas pa ang temperatura ng
mundo sa 1.5 degrees Celsius, na may katumbas na 0.9 metrong pagtaas sa
lebel ng tubig-dagat, ay lulubog ang maraming nasyong tulad nila at iba pang
mabababang lugar lalo na sa Asya at Pasipiko. Nanganganib na maging climate
refugees ang buo-buong populasyon ng mga islang-nasyon gaya ng Maldives,
Vanuatu at Tuvalu. Magaganap ang malakihang migrasyon dahil sa pagbaha,
matinding tagtuyot at mga kalamidad.
Papatong pa dito ang dislokasyong dulot naman ng mga so-called
―development projects‖ na lumilikha naman ng mga ―development refugees‖,
gayundin sa mga internal na dislokasyon dulot ng armed conflict.

e. Paglaganap ng mga Sakit


Ang climate change at malawakan at malakihang migrasyon dahil sa
epekto nito ay malaki ang kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit lalo na ang
may kinalaman sa pagdami ng peste, insekto at mga sakit na air at water-borne.
Patuloy sa pagtaas ang porsyento ng nagkakasakit ng malaria, dengue at
yellow fever sa buong daigdig, lalo na sa Africa. Hindi lang ang pagdami ng
lamok na nagdadala nito kundi ang paggalaw ng mga populasyon o migrasyon
ang itinuturong dahilan ng paglaganap.

104 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Testigo tayo sa paglaganap ng sakit dulot ng mga sakuna‘t kalamidad
nang matapos ang hagupit ni Ondoy, ay lumaganap at dumami ang nangamatay
sa sakit na leptospirosis (rat-borne disease) sa kaMaynilaan.

Sino ang May Pananagutan at Dapat Singilin sa Nagaganap na Global


Warming at Climate Change?
Ang kasalukuyang global warming, climate change at inabot na antas ng
pagkasira ng kapaligiran ay nag-uugat sa isang pandaigdigang sistema ng produksyon
na ang layunin ay pagkamal ng tubo (profit-driven). Walang katulad sa kasaysayan ang
bilis at tindi ng pagkasira ng kapaligiran nang pumasok ang daigdig sa yugto ng
modernong kapitalismo. Sisirain nito ang natural na balanse ng kapaligiran. Titindi ang
antagonistikong relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan, gayundin, ng tao sa tao dahil
sa pagkontrol ng iilan sa kalikasan at mga pakinabang dito. Ang pagkakamal ng tubo
ang siya nang magiging dahilan ng paggamit sa kalikasan. Ang sistemang kapitalismo
ay kinakailangang patuloy na samantalahin ang kalikasan, likas-yaman at tao, para sa
pagpapatuloy ng malakihang produksiyon ng mga bagay at serbisyo.
Naipakita na ng maraming pag-aaral na naging mabilis ang pagtaas ng emisyon
ng CO2 at konsentrasyon ng GHG nang magsimula ang rebolusyong industriyal, at
patuloy itong lumala sa panahon ng pagpasok ng kapitalismo sa yugto ng imperyalismo
sa huling bahagi ng 1800‘s. Gayundin, lalo pa itong tumingkad sa huling apat (4) na
dekada sa panahon ng pagpapatupad ng globalisasyon, kung saan ang konsentrasyon
ng GHG ay tumaas ng 70% (1970-2004).
Ang mga pinaka-industriyalisadong bansa ang pangunahing may sala sa bulto
ng mga emisyon at konsentrasyon ng GHG, lalo na ng CO2 sa kalawakan. Sila ang
may pangunahing pananagutan (historikal at sa kasalukuyan) sa global warming at
climate change. Sa mga bansang ito na tinatawag din na Northern Countries, ang U.S.
ang may pangunahing historical na pananagutan bilang numero unong tagabuga
(emitter) ng CO2 sa kasaysayan (ang China ang nangunguna sa kasalukuyan,
pumapangalawa ang US). Ang U.S., na bumubuo sa 14% ng populasyon ng daigdig,
ang salarin sa kulang kalahati (40%) ng emisyon ng CO2. Ang mga bansa sa
industriyalisadong ―North‖ ay nasa 20% lamang ng kabuuang populasyon ng daigdig,
ngunit, sila ang may kontrol sa paggamit ng 80% ng rekurso ng daigdig.
Ang mga mahihirap na bansa o Global South, ay pinagmumulan din ng mga
emisyon ngunit ito‘y nasa maliit na porsyento lamang kumpara sa ibinubuga ng
mayayamang mga bansa. Gayunpaman, ang mamamayan ng Global South ang
pinakamalaking tinatamaan at sumasalo sa mga epekto ng climate change.
Ang bulnerabilidad ng mahihirap na bansa sa climate change ay pinalalala pa ng
mga bangkaroteng sistemang pang-ekonomiya na hindi nagreresolba sa kahirapan,
bagkus ay pinatitindi pa ito. Kinatatangian ito ng bansot at atrasadong ekonomiya,
malaganap na pagsasamantala sa mamamayan, pagkasira ng kapaligiran at

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 105


pagkaubos ng likas-yaman na nagresulta ng mahabang panahong kolonisasyon at
pandarambong ng mga bansang mayayaman sa mga bansang mahihirap.
Sa patuloy na pagtutulak ng North sa mga mapanira at maling programang pang-
ekonomiya (para sa pansariling interes) gaya ng globalisasyon at iba pang neo-liberal
na patakaran at patuloy na pagtupad dito ng mga nadodominahang mga bansa sa
South, magpapatuloy ang maraming inhustisya sa kapaligiran at sa mamamayan;
magiging malayo ang pagbawi mula sa krisis at kalamidad; sisidhi at lalaganap ang
kahirapan; at sa di malayong hinaharap, maniningil ang kalikasan.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang global warming at ano ang kaugnayan nito sa climate change?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Ano ang tinatawag na greenhouse gases. Paano ito nakakaapekto sa patuloy na
pagkasira ng mundo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Ano ang elementong nabibilang sa greenhouse gases ang may
pinakamapanganib na dulot?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga natural na salik at gawa ng mga tao na nakaaapekto sa
pagbabago ng kilma?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

106 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


5. Paano nagkaiba ang naganap na climate change ng sinaunang panahon
kumpara sa ating panahon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
6. Ano-ano ang mga gawa ng mga tao na naging sanhi o pinagmulan ng climate
change?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
7. Isa-isahin ang mga implikasyon at epekto ng global warning at climate change.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
8. Sino ang may pananagutan at dapat singilin sa naganap na global warming at
climate change?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
9. Magtala ng mga posibleng solusyon sa lumalalang pagkasira ng mundo.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
10. Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa pagsugpo ng mga gawaing
nagpapalala ng global warming at climate change?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 107


Nailalapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na binuo para sa
kampanyang panlipunan.
Napakalaki ang naidudulot na pagbabago sa ekonomiya ng teknolohiya. Naging
daan ito upang ang bawat bansa ay maglayong maging modernisado at
industriyalisado. Dahil sa tulong ng mga makabagong teknolohiya tulad ng computer,
internet, at mga modernong makinarya ay napapabilis ang mga pagtatrabaho.
Maraming mabubuting bagay ang naidudulot ng makabagong teknolohiya sa buhay ng
tao subalit sa kabilang banda, di napapansin ng tao ang nakapipinsalang epekto nito sa
kalagayan ng ating kalikasan.
Sa halip na gamitin ang teknolohiya at social media sa mga walang
kapararakang bagay, bakit di natin ito kasangkapanin upang maitawag-pansin ang
pangangalaga sa mundong ating kinaroroonan. Kung ikaw ay kabataan, bakit di mo
gawing kapaki-pakinabang ang iyong malawak na kaalaman at kaisipan sa paggamit ng
social media gaya ng tweeter, facebook, instagram upang mapaunlad ang mga
popular na panitikan o babasahin. Maaari kang bumuo ng isang post upang mailahad
mo ang iyong kahilingan o damdamin upang pukawin ang natutulog na kamalayan ng
ating mga kababayan lalo na ng mga kabataan sa lumalalang sitwasyon ng ating
kapaligiran.
Gawin mong malikhain ang iyong panawagan sa pamamagitan ng paggamit ng
larawan upang higit na makatawag-pansin sa madla.
Dito mo ilagay ang gagawin mong post.

108 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
Ang mass media ay napakalaki ang ginagampanan sa buhay ng isang tao. Ang
iba‘t ibang uri nito tulad ng broadcast media (telebisyon, radio, print media) ay
kinapapalooban ng babasahin tulad ng dyaryo, magasin, komiks at kontemporaryong
dagli; popular na panitikan tulad ng patalastas, slogan, awit, at pelikula ay mabisang
paraan upang mabago ang paniniwala, pag-iisip at pagpapahalaga ng tao sa mabilis na
paraan. Sa parehong paraan ay magagamit din ito sa paghimok sa mamamayan upang
suportahan ang isang adhikaing makatutulong sa pagpapasimula ng isang pagbabago.
Sa pagbuo ng isang social awareness campaign, mahalaga na isaalang-alang
ang mga sumusunod na hakbang:

1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social


awareness campaign.
2. Tukuyin ang mga grupo ng mga taong makababasa, makaririnig, makakakita ng
gagawin mong kampanya.
3. Magkaroon ng malawak na kaalaman sa iyong paksa sa pamamagitan ng
pagsasaliksik ng mga datos o impormasyon.
4. Gumamit ng mabisang pamamaraan para sa iyong kampanya, tulad ng
facebook, you tube, tweeter atbp.
5. Magkaroon ng masusing pagpaplano sa pagsasagawa ng social awareness
campaign.

Paalala at hakbang sa pagbuo ng balangkas at sequence at dialogue script na


magiging batayan sa pagbuo ng proyekto.

1. Ang bubuoing iskrip ay dapat makatotohanan upang maging kapani-paniwala.


2. Magbigay ng mga tiyak na halimbawa upang mahimok ang mga taong
makababasa, makaririnig, at makapapanood nito.
3. Maging malikhain sa pagbuo nito.
4. Iwasan ang paligoy-ligoy na pananalita.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 109


Naiisa-isa at nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang Social
Awareness Campaign batay sa napakinggang paliwanag.

Isa-isahin at suriin ang mga hakbang sa pagbuo ng social awareness. Isulat ito
sa elliptical organizer at ipaliwanag ang kahalagahan na masunod ang bawat nasabing
hakbang.
Unang Hakbang

Ikalawang Hakbang

Ikatlong Hakbang

Ika-apat na Hakbang

Ikalimang Hakbang

Ipaliwanag ang kahalagahan na masunod ang bawat hakbang na nabanggit


1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________

110 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


2. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Nabubuo ang isang malinaw na Social Awareness Campaign tungkol sa


isang paksa na maisasagawa sa tulong ng isang multimedia at nagagamit ang
angkop na mga komunikatibong pahayag.

 GOAL: Makabuo ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol


sa isang napapanahong isyung dapat pansinin ng mga kabataan na
isasagawa sa tulong ng isang multimedia gamit ang angkop na mga
komunikatibong pahayag

 ROLE: Isa kang kabataang may adbokasiyang mailahad ang napapanahong


isyu o paksa na dapat mabigyang-pansin ng mga mamamayang Pilipino.

 AUDIENCE: Lahat ng mamamayang Pilipino lalo na ang mga kabataan

 SITUATION: Mga napapanahong isyung kailangang mabigyang–pansin at


makabubuti sa bayan kung mabibigyang-pansin agad.

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 111


 PRODUCT: Pagbuo ng isang social awareness campaign sa tulong ng mga
paraang iyong natutunan sa mga araling ito. Kailangan mong bumuo ng
sequence dialogue script na magiging batayan ng iyong gawain gamit ang
impomasyong nasaliksik.
Maari kang pumili ng isa sa mga paraang nakalahad.

Awit

Dulang Panradyo

112 Filipino 8 / Ikatlong Kwarter


 STANDARD: Ang isasagawang gawain ay dapat makasunod sa rubric

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Ang nilikhang iskript ay makatotohanan at kapani- 5
paniwala
Litaw na litaw ang tema/paksa at nabigyang 5
kaliwanagan
Kaakit-akit at malakas ang dating sa manonood 5
Naipakita ang kahusayang gramatikal sa 5
pagsulatgamit ang iba‘t ibang uri ng pahayag na
natalakay
Ang akdang popular na napiliay nakatugon sa lahat 5
ng katangian nito
Wasto ang aspektong teknikal, may akmang estilo 5
at mekanismo ang nabuong gawain.
Nakagamit ng multimedia sa pagbuo ng Gawain 5
KABUOANG PUNTOS 35
5 – Napakahusay 2 – Di mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di mahusay
3 – Katamtaman

Filipino 8 / Ikatlong Kwarter 113


. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

You might also like