Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Philosophy

The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution,


believes in the pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation and
improvement of Philippine society. It has faith in the dignity of the human person, in the
democratic process, in the reward for individual excellence, and in the freedom of a person
to worship God according to his conscience. Thus, the institution believes that the
development of the individual as a person and worker is an effective means in building a
better family, community and nation, and a better world.
Vision
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve the
broader community through quality education.
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and
professional growth and enabling the person to participate in a global, technology and
research-driven environment.
Goals

1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer


projects can be implemented with the direct and indirect involvement of the UB
family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination
and cooperation with services and welfare organizations.
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and
Sports components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater
arts, health and safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc.
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or
individual through enhancement programs like group dynamics, recollections,
retreats, etc.
5. To support environmental awareness and management programs and other
community development projects.

Objectives

1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth,
and knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of
instructional delivery.
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational
process that will enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational
content relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities
and systems development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national,
regional and global labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship
and creative activities that impact economic and societal development
● Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o
representasyon ng buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan
● Ito ay isang likhang-isip na ginagamitan ng mga salita o mga talinhaga
upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay.
● Ito ay isang kathang nilikha upang mapagkunan ng aral o leksiyon na
mapagbubunga ng mambabasa o nakikinig sa sariling buhay.
● Ang panitikan ay tagapagpalaganap ng ng mga ideyal na kaisipan, mga
adhika at simulain, bukod sa pagiging instrumento sa pagbuo ng
karakter ng tao.
Iba pang kahulugan:
● Ang panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan.
● Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang
damdamin at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng
kanyang puso at isip.
● Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at
pinasisigla rin nito ang damdaming pagpapahalaga sa minanang
kultura na binuo ng mga henyo ng ating lahi.
● Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang
lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura kundi ito ay
kuhanan-impukan ng alinmang kultura.” Nilalaman at iniingatan nito ang
sining, karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.

Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon


sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay
ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at
mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o
marhinalisado, at iba pa.

- Ang salitang panitikan ay nagmula sa panlaping PANG-na nagiging PAN-kapag


inuunlapi sa salitang-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, at T. Sa salitang-ugat na TITIK,
na nakakaltasan ng T at nagiging [-ITIK] kapag nauunlapian. At sa hulpaping –AN na
ang ibig sabihin ay proseso o paraan.

- TULUYAN o PROSA. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pangungusap at mga talatang may iisang diwa.
- PATULA o PANULAAN. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa di-karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay may sukat at tugma at nabubuo sa pamamagitan ng mga taludtod
na nabubuo sa isang saknong.

Mga Akdang Tuluyan:


a. Nobela o kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba’t ibang kabanata
b. Pabula - mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na
mga tauhan
c. Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral
d. Maikling Kwento - isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang
e. Dula - nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado
f. Sanaysay – isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal
na kuru-kuro ng may-akda.
g. Talambuhay - nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari o impormasyon
h. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado
i. Kuwentong-bayan - karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain
j. Balita - mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang
lugar o bansa.

Mga Akdang Patula:


a. Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
b. Awit at Korido - Naglalaman ang isang awitin ng bahaging pang-tinig na
ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko),
karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika. Ang korido ay isang uri
ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga
Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya
sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.
c. Epiko - uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
d. Ballad - ang ballad ay isang uri o tema ng isang tugtugin.
e. Sawikain – idyoma, moto, salawikain
f. Bugtong - pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
g. Kantahin - (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig
ng lugar sa bansa
h. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral
at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga
kabataan

Panunuring Pampanitikan
- Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates hinggil sa
panunuring pampanitikan, kinikilates ng Pilipino ang isang bagay para alamin o di kaya
ay tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may
kabuluhan.
- Sa kulturang Pilipino inaalam muna kung ano ang isang bagay bago masabi kung ano ang
iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito.
- Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o sinisipat para makitang mabuti ang hindi
agad nakikita sa unang tingin.
- Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula, maikling kwento, nobela, dula at iba
pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang akda upang makabuo ng kahulugan at
pagpapahalaga kaugnay nito.
- Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain ng
kritisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral. Isa itong
espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kritisismo sa kabuuang
produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang silbi dito.

Katangian ng Isang Akdang Pampanitikan

Katangian ng Mabuting Kritiko


- Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining
- Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya
- Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan
- Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng linggwistika, kasaysayan at sikolohiya, atbp.
- Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining
- Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
- Ayon kay AGA, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit.

Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan


- Sinusuri o hinusgahan ang akda ng isang manunulat sa pamamagitan ng mga tanong na:
➢ Ano ang sinasabi ng may akda?
➢ Paano ito sinabi?
➢ Kailan ito nasulat?
➢ Sino ang sumulat?
➢ Para kanino ito sinulat?

Liham sa Kabataaan ng Taong 2070 ni Genoveva Edroza Matute

- Si Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilaláng kuwentista,


mananaysay, at guro sa Filipino.
- Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria Magdalena
Dizon.
- ang lumikha ng sikat na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero
noong dekada 50.
- Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the Bitter”
na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly.
- gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa
Puso ng Isang Bata.”
- Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga timpalak ng
Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-PNC Alumna Award
noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Maynila noong 1967; Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at
Gawad CCP Para sa Sining noong 1992.
Ika-2 ng Abril, 1970

Sa Iyo, Kabataan ng 2070,

Mula sa pusod ng malalim na pag-iisa ng nakahihindik na katahimikan ng pag-iisa.


sinulat ko ang liham na ito sa iyo, Kabataan ng 2070. Pinangangasahan kong hakdawin ang
isang nuong dantaon, ng ating salinlahi upang iabot sa iyo kabataan, ang butuhan ng
kamay, ang di na matatag na kamay, ang natubog na sa karumihan at katiwalian at madlang
kasalanan na kamay. Upang humingi ng kapatawaran sa ibibinhi ng kasalukuyang lahi.
Upang mag-apuhap, upang umamot ng anag-ag ng pag-asa sa gitna ng kalituhan ng
kasalukuyang panahon.

Ngayo'y Araw ni Balagtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May
pangkat na dadayo sa pangingay, Bigaa, Bulakan at mag-aalay ng mga bulaklak at papuri
sa Bantayog doon ni Balagtas. May ilang paalala sa ilang tanggapan at paaralan tungkol sa
wika, tungol sa pagpapahalaga sa wikang Filipino "Tagalog" . Naka-barongs [mabilis ang
bigkas] ang mga gurong lalaki at ang ilang pinunong namamahalan sa halaga ng ternong
amerikana’t pantalon bukod pa sa lubhang naiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa
telang galing sa Hongkong. At tapos na ang Araw ni Balagtas. Maikakahon na’t maitatago
nang mahigpit upang ilabas na muli sa isang taon. Ang mga baro’t saya, at barongs, pati na
wika.

Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang
dating itinaguriang Barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na ng dumami ang allergic,
pinamamantalan ang punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang Tagalog,
hindi Wikang Filipino. Kaya, inalis na ang salitang Tagalog sa salitang Barong-Tagalog.
Ginawang Barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles, Kapag marami'y dinaragdagan ng
titik "s", Kaya't ang Barong ay nagiging Barongs. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay
sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) na at ang Davao ay naging Davao
(mabilis) na. Kaya bakit ang Barongs ay hindi magiging barongs (mabilis)? Paano nga pala
ninyo malalaman, Kabataan ng 2070 na sa aming panahon ngayon, ang makabago't
sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba nang paraan ng pagsasalita,
kahit ng sariling wika, kaysa mga kababayan nilang kinagigiliwang tawaging Bakya Crowd?
Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino na
magsighsigh; ang korehidor ay Koregidor; ang Romulo ay Romyulow; ang Pedro ay Pedrow;
ang Mang Teban ay Meng Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay "naparangalan" ng isang
makabagong dalagang panauhin na may hawak na kapirasong papel na kinatatalaan ng
pangalan ko, at nagtanong sa akin, "Are you, Mrs... Mrs... Jhey-niw-ve-ib Mechu-chey?"

Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong
mo? Talagang ganito. Sapagkat "Status Symbol" ngayon ang makapag salita ng ingles na
parang tunay na Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang Tagalog o Pilipino o
Wikang Pambansa. Iyan ay para sa mga utusan lamang. Yan ang lumitaw sa isang
pag-aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong Amerikano bilang tagapayo: iyan
daw ang sinabi ng isang Miss Universe na Pilipina. Ni hindi para sa mga utusan sa mga
aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aksesoryang katabi ng aming bahay,
pagkapanganak sa bata'y iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles na rin, kahit pa ganito,
"yu et na, Rechard... ha. Ay wil palo na yu, sige." Kaya ang wika nga, segun sa utusan ang
gagamit ng Filipino.

Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa
inyong panahon sapagkat kami'y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya sa
kaisipan man at sa pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididighay,
hindi ba? Ilang pong taong wikang banyaga ang pinakain sa amin, pagkain kasangkap.
Mangyari pa nga ba ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhay ng bansang sumakop.
Ngunit ngayo'y 1970 na, ang pakli mo, kabataan. Wala na ang banyangang sumakop,
matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na kayong taon na malaya riyan bakit
ganyan parin ang mga pag-iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi mo nga pala alam,
kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawamput limang taon na kaming malaya ngunit
hanggang ngayon ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan? Naunahan
na kami ng malayung-malayo ng mga kapit bansa natin, ng Indonesia at Malaysia na higit na
nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa paaralan kung dapat na
ngang gamitin ang wikang pambansa.

Oo, pagkatapos ng dalawampu't limang taon na ng kalayaan! at gaya ng maasahan,


hindi nagdarahop ang aming mga nagpapakasangkapan sa
dolar-Amerikano-makapangyarihang dolar, masarap na pagllabay ng walang gugul,
sarisaring Iskolarship iba't ibang paraan na pang-akit ng makapangyarihang dollar
deplomacy. Oo,kabataan ng 2070, saaming panahon ay "status symbol" parin ang humingi
ng paumanhin sa pagatul-gatol at pautal-utal na pagsasalita sa wikang pambansa.
Kalakaran parin sa mataas na pinuno, kahit sa pinakamataas, na magsimulang
magtalumpati sa wikang pambansa sa mga unang dalawang talataan, at mag-Ingles na
pagkatapos. Karangalan pa ring hindi raw maisaulo ang poambansang Awit sa Filipino. At
sa isang kilalang dalubhasaan ng mga nag-aaral sa pagiging guro, oo, magiging guro,
napagkaisahan sa puliong ng mga mag-aaral " hindi pa panahon upang magpulong sa
Filipino" Kahit noon ay Linggo ng Wika ; at isang "matalinong magiging guro ang humingi ng
tuldok na ayos" (point of order) at "akin ang sahig" (I have the floor), na siyempre nama'y
binili nang gayon na lamang sa pamamagitan ng di-matapos-tapos na halakhakan. At sa
pasulatan ng nasabi ring dalubhasaan, ang "matalinong" patnugot ng pasulatan ng
Pitak-Filipino nang lumipat na sa Ingles ay nag-iwan ng ganitong pag-aglahi sa kanyang
mga kasamahan, "O, ano kayo? Hanggang diyan nalamang ba kayo sa Filipino?"

Bata, Bata, Ano ang Pangarap Mo?

ni Ben Beltran, SVD

Brasong payat ang unan, banig mo ay karton


Nanginginig ka sa ginaw, sa higaang kariton
Damit mo na gusgusin, hindi na nalabhan
Kahapon pa kumain ng mula sa basurahan.

Mga batang lansangan sa gubat na aspalto


Lahat panay sabog sa solvent o shabu
Ang iba’y nagtitinda ng tsiklet, sigarilyo
O sariling katawan sa dayuhang milyonaryo.

Refrain:
Bata, bata, ano ang pangarap mo?
Paglaki mo kaya ika’y maging ano?
Naglipana sa kalye, mga musmos na tulad mo
May gatas pa sa labi, nasadlak na sa impiyerno.

Sa lipunan ng mga pipi, bulag at bingi


Walang pumapansin sa tahimik mong hikbi
Pag-asa ka ng bayan, tadhana’y malagim
Hinigop ng buhawi, nilamon ng dilim.

- lit 1 modyul 2

You might also like