Ap 8 Detailed Lesson Plan Week 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
PAMATAWAN INTEGRATED SCHOOL
PAMATAWAN SUBIC, ZAMBALES
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
3RD QUARTER
PAMANTAYAN PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang
pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa
daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging
implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo.
KASANAYAN SA PAGKATUTO: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang
Yugto ng Kolonyalismo. (AP8PMD -IIIi -10)
LAYUNIN
Makalipas ang 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naiisa-isa ang mga bansang nanguna sa panggagalugad
b. Naipapaliwanag ang mga negatibo at positibong epekto ng pangangalugad nina Haring
Ferdinand at Reyna Isabella, Amerigo VespuccI at Ferdinand Magellan sa iba’t ibang
bansa.
c. Napapahalagahan ang naging epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo
Paksang Aralin
Paksa: Unang Yugto ng Kolonyalismo
Sanggunian: Ikatlong Markahan – Modyul 2
Mga Kagamitan: Tarp Papel, Mga Pantulong Biswal, Pisara at Yeso

Pamamaran
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PAGHAHANDA
A1. Pang araw-araw na Gawain
Pagbati
Magandang hapon klas!
Magandang hapon din po Teacher Judy!

Pagdarasal
Bago tayo magsimula, mangyari lamang na
tumayo ang lahat para sa panalangin.
O mahal naming ama, salamat sa araw na
pinagkaloob mo sa amin,salamat sa lakas na
binigay mo sa amin, nawa’y kami po ay iyong
gabayan sa aming gagawing talakayan
ngayong hapon. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ng Panginoong Hesukristo.
Amen.

3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
Bago kayo umupo, mangyari lamang na
pulutin muna ang mga kalat sa inyong paligid
at isaayos ang inyong mga upuan.

Pagtatala ng mga Pumasok at Lumiban sa


Klase.

A.2 Pagbabalik-aral
Bago natin simulan ang ating panibagong
aralin sa araw na ito, atin munang balikan ang
ating mga natalakay sa nakaraang aralin.
Natatandaan pa ba ito?
Opo, teacher Judy!
(random na estudyante ang makapag bibigay
ng kanilang sagot.)
A.3 Pagganyak
Kilalanin Ninyo Kami!
Sa bahaging ito iayos ang letra hanggang
mabuo ang pangalan ng mga mangangalugad
na tumaklas pa ng iba’t ibang yaman sa
mundo.
1. Haring Ferdinand at Reyna
Isabella
2. Amerigo VespuccI
1. 3. Ferdinand Magellan

GNIRAH NANDREFID at ANYER


BELLAISA
2.
MERAGOI CCIUPSEV

3.
DNDANIDREF NALLEGAM

B. Pagtatalakay Unang yugto ng kolonyalismo po teacher.


Batay sa ginawa ninyo, ano sa tingin niyo ang
ating tatalakayin sa araw na ito?

Magaling!
Ito ay katuloy ng ating talakayan kahapon,
atin lamang itong ipagpapatuloy at susuriin
ng mabuti kung ano pa ang mga
karagdagang nadiskobre ng mga
nangangalugad noon.

Ang Paghahangad ng Espanya ng


Kayamanan Mula sa Silangan

Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng


Castille, naging dahilan ito upang maghangad
din ng yaman sa Silangan. Sa kanilang
pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng
ekspedisyon sa Silangan sa katauhan ni
Christopher Columbus na isang Italyano
manlalayag na unang
namuno sa paglalayag patungong India.
Binigyan siya ng titulong “Admiral of the
Ocean Sea”, “Viceroy” at “Gobernador” ng
mga islang kaniyang natagpuan sa
Indies. Tatlong ekspedisyon ang kanyang
pinamunuan bago siya namatay nooong 1506.
Narating niya ang mga isla sa Carribean at sa
Timog Amerika nguni’t di siya nagtagumpay
sa paghahanap ng bagong ruta patungo ng
silangan. Opo, teacher.

Naintindihan ba?

Amerigo Vespucci
 Italyanong manlalakbay. N
 Nagpaliwanag na si
Columbus ang nakatagpo ng Bagong Mundo.
 Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito
bilang Amerika at naitala sa mapa ng
Europa kasama ang iba pang mga bagong
diskubre na mga isla. Isinunod kay Amerigo
Vespucci ang pangalan ng Amerika.

Paghahati ng Mundo

Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya


at Portugal sa panggagalugad ng mga lupain.
Upang malutas ang suliranin ng Espanya at
Portugal sa kanilang tunggalian sa
panggagalugad isang kasunduan ang
napagpasyahan sa pagitan ng Christopher
Columbus Portugal at Espanya noong 1493 sa
bisa ng isang kautusang pinalabas ni Pope
Alexander VI na naghahati sa lupain sa
mundo na maaaring tuklasin ng dalawang
bansa.
Nagtalaga ang Papa ng paghahati o “line of
demarcation” na magmumula sa gitna ng
Atlantiko patungo sa Hilagang Polo hanggang
sa Timog Polo. Nangangahulugan ito na lahat
ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan
sa Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa
Espanya at para naman sa Portugal ang
Silangang bahagi ng linya.
Hindi nasiyahan ang Portuges sa ginawang
paghahating ito ng Papa kaya naghain ito ng
petisyon upang baguhin ang naunang linya na
dapat mapunta sa kanila at sa Espanya. Nakita
nila na baka lumawak ang panggagalugad ng
Espanya sa kanluran at maaaring
maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa
silangan. Sa bisa ng Kasunduan sa Tordesillas
noong 1494, nagkasundo ang magkabilang
panig na baguhin ang “line of demarcation”
pakanluran. Ipinakikita rito na noong
panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng
Portugal at Espanya ang
bahagi ng mundo na hindi nararating ng mga
taga-Europa.

Naiintindihan po ba?

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Opo teacher.

Ferdinand Magellan
 Portuges
 Taong 1519 naglayag para sa
karangalan ng Espanya. inilunsad niya
ang kanyang paglalakbay upang
 maghanap ng rutang pa-Kanluran
patungo sa Asya. Natagpuan niya ang
silangang baybayin ng Timog
Amerika o
 ang Brazil natagpuan din niya ang
isang makitid na daanan ng tubig na
tinawag na “Strait of Magellan,”
pagpapangalan sa malaking karagatan
na Karagatang Pasipiko, at hanggang
sa marating nila ang kasalukuyang
bansa ng Pilipinas.
 Sa haba ng paglalakbay, nakaranas
sila ng pag-aalsa ng
 mga kasamahan at pagkagutom.
 Nalagpasan nilang lahat ng
 ito at nakatagpo sila nang malaking
kayamanang ginto at pampalasa.
 Nagawa nilang binyagan sa
Katolisismo ang maraming mga
katutubo.
 Sa nasabi ring ekspedisyon,
 nagpakilala ito na maaaring ikutin ang
mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar ng ang
sasakyang Victoria ay makabalik sa
Espanya kahit napatay si Magellan ng
isang katutubong Cebuano na si Lapu-
lapu. Ito ang unang
“circumnavigation” o pag-ikot sa
mundo.
 Itinama nito ang dating lumang
paniniwala ng mga taga-Europa na
ang mundo ay patag, naitala sa mapa
ng Europa ang iba pang mga kalupaan
sa Silangan at lalong nagpakilala ng
yaman na mayroon sa Silangan.

C. Paglalapat
Sa ½ crosswise na papel sagutin ang tanong.
1. Sa inyong palaga, ano ang negatibo at
positibong epekto ng pangangalugad
nina Haring Ferdinand at Reyna
Isabella, Amerigo VespuccI at
Ferdinand Magellan sa iba’t ibang
bansa?

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Nilalaman *Nakaugnay sa 15
paksa ang mga
nilalahad na
opinyon.
* Naipapakita ang
sanhi at bunga.
Kalinisan Napakalinis at 10
ng Gawa madaling
maunawaan ang
pagkakasulat
25

D. Paglalahat
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa
bawat nadiskobre ng mga nanguna sa
panggagalugad?

E. Pagtataya
Like or Dislike!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag.
Isulat sa sagutang papel ang thumbs up kung
ikaw ay sumasang-ayon at Thumbs down sign
kung hindi.

1. Masidhi ang pagnanais ni Prinsipe


Henry na makatuklas ng mga bagon
lupain para sa karangalan ng Diyos at
ng Portugal.

2. May tatlong bagay ang mahalagang


dahilan ng pananakop ng mga
Europeo – Kayamanan, Kristiyanismo
at Katanyagan at Karangalan.

3. Naging dahilan din ng pananakop ang


pagpapasimula ng paglalayag at
pagtuklas ng mga bagong lupain ng 1. Like
dalawang bansa sa Europa – ang 2. Like
Portugal at Olandiya. 3. Dislike
4. Like
4. Malaki ang naitulong ng dalawang 5. Like
instrumento na natuklasan para sa mga
manlalakbay tulad ng “compass” na
nagbibigay ng tamang direksyon at
ang “astrolabe” na sumusukat sa taas
ng bituin.

5. 5.Ang aklat na “the Travels of Marco


Polo,” ay naging mahalaga sapagkat
ipinaalam nito sa mga Europeo ang
yaman at kaunlarang taglay ng Tsina.

Maliwanag ba ang ating talakayan ngayon?

Kung gayon ito lamang sa araw na ito. Sana


ay marami kayong natutunan. Maraming
salamat sa pakikiisa.
Opo teacher!

Maraming salamat rin po teacher!

Inihanda ni:
Judy Ross M. Lacerona
Practice Teacher
Pinagtibay ni:
G. Jerome E. Gonzales
Cooperating Teacher

You might also like