1 1/2 Cups Brown Sugar 3 Cups Water 2 Tsp Lye Water Pinch of food coloring preferably orange with 2 Tbsp Hot Water ituturo ko sa inyo ang paggawa ng Isa sa mga Walang Kupas na Kakanin simula noon, hanggang Ngayon ito ay Kutsinta. Dalawang Klase ng Kutsinta ang ituturo ko sa inyo, kung paano magiging Soft and Chewy na Siguradong Babalik-balikan kayo ng inyong magiging Customer at dahil ilelevel up natin sa pamapagitan ng Dulce De Leche Dip. Magbibigay din ako ng mga Tips kung paano natin nenegosyohin kahit tayo ay nasa bahay lamang. At Ipapakita ko sa ating costing kung paano tayo posibleng kumita ng P5,490 Kada Buwan At yun po ay sa 6 Tubs a day. Magbibigay din tayo ng tips at mga paraan kung paano ito gagawaing patok na negosyo sa ating Lugar. Para po sa mga Misis na tulad ko na nagnanais makatulong sa ating Mister upang madagdagan ang ating budget kahit tayo ay nasa bahay lang at kapiling ang ating mga chikiting. Bagay na bagay din po ito kahit tayo ay may trabaho na at nag nanais na magdagdagan ang ating income dahil madali lang siyang gawain at maganda ang kita kaya pwedeng-pwede nyo itong gawing sideline. Maaari nyo itong ipa-oder sa inyong mga kasamahan sa trabaho or ipa-order online at siguradong hindi kayo mapapahiya sa lasa at sarap. Gayun din naman sa mga mahal nating OFW na nagpaplano ng mag FOR GOOD NA DITO SA PINAS, maari nyo rin po itong isama sa inyong mga balak negosyuhin. Basta't kailangan lang ng diskarte, sipag at tyaga at siguradong ito ay uunlad. Kaya Good Luck at Sana makatulong ang Video na ito sa inyo.