Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Up to 1GB/day free FB data with Globe & TM

Go to Home
View Edit History
Ramon Bracamante is feeling blessed with Rudylinda Villareal and 46 others.
#July 13,2019
#Message_Title
GOD'S Mission is
Our Mission
Mateo 28:16-20
"Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni JESUS. Nang
makita nila si JESUS, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan.
Lumapit si JESUS sa kanila, 'Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at
lupa. Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng
bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging
kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.'"
#Mensahe:
Para kay Mateo, ang pagmimisyon ay "disciplemaking" -- paggawa ng mga alagad. Wala
itong kinalaman sa pagpaparami ng mga miyembro ng isang iglesia. Kung sa pagmimisyon
ay may nadagdag na bagong miyembro, well and good. Ngunit hindi ito ang tunay na
layunin ng pagmimisyon.
Unawain muna natin ang pangkahalatang kahulugan ng pagmimisyon. Ang pagmimisyon
ay nagmula sa DIYOS, kaya't sa theology ay may tinatawag na Missio Dei, mission of GOD.
Ang pagmimisyon ay ang pagkilos ng DIYOS upang ibalik sa KANYA ang makasalanang
sangkatauhan. Ito'y nag-uugat sa karakter at kalikasan ng DIYOS. Ang mission ay trabaho
ng DIYOS -- instrumento o agents lamang NIYA tayo. Nang magkasala sina Adan at Eva,
hinanap sila ng DIYOS: "Nasaan kayo?" Hanggang ngayon ay ganyan ang DIYOS, hinahanap
ang mga nagkasala, at tinatanong, "Nasaan kayo?" Kung ang pagmimisyon ay nag-uugat sa
karakter at kalikasan ng DIYOS, hindi puwedeng ipagwalang-bahala ng isang tunay na
iglesia o Cristiano.
Para kay Mateo, ang tunay na laman ng "disciplemaking" o pagmimisyon ay ang "pagtuturo"
kasama ng naunang" pagbabautismo." Samakatuwid, ang pangkahalatang layunin ng
pagmimisyon ay palaguin ang mga tao sa maging tunay na tagasunod ni CRISTO. Para kay
Mateo, ang pagiging alagad ni JESUS ay nangangahulugan ng:
1) #DECISIVE AND IRREVOCABLE TURNING TO GOD -- Isang desidido at wala nang
atrasang pagbaling sa DIYOS. Mayaman ang kahulugan ng salitang " irrevocable." Ang
isang empleyado, kapag naghain ng resignation letter at may salitang "irrevocable," ibig
sabihin, walang anumang bagay na puwedeng magpapabago ng kanyang pagpapasya.
Hindi na siya napapipigil. Samantalang kung walang "irrevocable," puwede pang pigilin.
Ang pagkaalagad ay wala nang atrasang pagsunod kay JESUS. Ito rin ang ibig sabihin ng
bautismo. Ang bautismo ay pagkamatay sa kasalanan at pagbangon sa isang bagong
buhay kay CRISTO. Iisa lang ang paraan ng bautismo, yun nasa Biblia -- ang paglubog sa
tubig at wala nang iba pa. Hindi puwede ang wisik o buhos. Ito ay sumisimbolo ng
pagtalikod sa dating buhay upang sumunod kay JESUS. At ito'y pagsunod na walang
atrasan, ito'y irrevocable.
Ayon sa 2 Corinto 5:17, "Kaya't kung nakipag-isa na kay CRISTO ang isang tao, isa na siyang
bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip ito'y napalitan na ng bago."
Hindi lang bagong make-up, kundi bagong mukha. Hindi lang bagong pintura, kundi bagong
materyales. The business of mission is to make things new in CHRIST. Kapag tayo'y naging
alagad ni JESUS, hindi lamang tayo tuta na nagiging aso. Ang tuta aso din iyon; baby nga
lang. Tayo'y parang isang pangit na higad na nagiging magandang paru-paro ng magpasya
tayong tanggapin si CRISTO JESUS sa ating buhay.
Kaya kung sa loob ng isang iglesia ay nananatili ang mga miyembro sa dati nilang ugali at
lifestyle, then, the church fails in its mission. Ang iglesya'y hindi dapat tapunan ng ukay-
ukay. Ang iglesya ay dapat dalahan ng mga brand-new at new arrivals.
2) #PAGPAPASAKOP SA PAGHAHARI NG DIYOS AT PAGSUNOD SA BUONG KALOOBAN NG
DIYOS. -- Ang commintment at loyalty ng isang tunay na tagasunod ni JESUS ay nakatuon
sa kaharian ng DIYOS. Ang pinagpupursigihan ng isang tunay na tagasunod ni JESUS ay
ang paghahari ng DIYOS. This is his consuming passion.
Ang isang alagad ni JESUS ay nakatalagang sumunod sa buong kalooban ng DIYOS. Hindi
medya-medya, kundi sa buong kalooban ng DIYOS. Madali tayong makasunod kapag
kalooban ng DIYOS ay nakapagdudulot sa atin ng kagalakan. Ngunit kung humihingi ng
sakripisyo, forget it. Kailangang maging seryoso kapag ipinapanalangin natin, "Sundin nawa
ang IYONG kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit." Kapag sinabi ng DIYOS, "Ang kalooban
KO'y mag-sorry ka sa mga taong nasaktan mo ng kalooban," hindi mo puwedeng sabihin,
"IKAW naman LORD, hindi KA na mabiro."
Pagsunod ang tunay na sukatan ng ating pananampalataya. Nang iutos ng DIYOS kay
Abraham na iwan niya ang kanyáng kasalukuyang tahanan at pumunta sa isang lugar na
KANYANG ituturo, siya'y basta sumunod, bagamat napakarami ng katanungan. Dahil sa
kanyang pagsunod, pinagpala ng DIYOS si Abraham nang higit sa kaya niyang isipin. Si
Moises, dahil sa kanyang pagsunod, siya'y itinuring na kaibigan ng DIYOS.
3) #PAGSUNOD SA MGA KATURUAN NI CRISTO. -- Ang pagsunod kay JESUS ay
pagsasabuhay ng KANYANG mga aral. Kaya ang pagmimisyon ay hindi lamang pakikinig sa
mga aral ni JESUS, kundi pagsasagawa o pagsasabuhay nito. Nasusulat sa Santiago 1:22,
"Mamuhay kayo ayon sa Salita ng DIYOS. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit
hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili."
Ang ating buhay at mga gawa ang pinakamakapangyarihang patotoo. Ang unang iglesya,
tulad ng sinasabi sa aklat ng Mga Gawa, ay lumago nang gayon na lamang dahil sa
magandang buhay ng mga miyembro. Sabi sa Mga Gawa 2:47, "Nagpupuri sila sa DIYOS, at
kinalulugdan rin sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng
PANGINOON ang mga inililigtas." Hindi sila naglunsad ng anuman. Sapat nang sila'y
namuhay ayon sa katuruan ni JESUS at nadagdagan ang kanilang bilang sa araw-araw.
Bawat tagasunod ni JESUS ay dapat maging mission-oriented. Dapat siyang tumatanaw sa
labas ng iglesya upang tingnan kung saan siya maaaring makapaglingkod. Ang
pagmimisyon ay walang iba kundi àng paghahanap ng mga tao upang maging alagad ni
JESUS.
#Panalangin:
Aming AMANG DIYOS na SIYANG MAYLIKHA ng lahat-lahat, pinupuri KA po namin at
sinasamba, salamat po sa pribilehiyo ng pagtawag MO po sa amin upang maging
tagasunod MO. Tulungan MO po kaming mahubog ang aming mga buhay sa uri po ng nais
MO upang kami'y maging karapat-dapat maging alagad MO. Maging handa po kami sa mga
sakripisyo at pagpapakasakit na kasama po ng aming pagsunod at pagpapasakop po sa
IYO, sa pangalan po ni JESUS na aming PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS, Amen and amen.
#Great_Commision
#Team_JESUS
#Followers_of_CHRIST
#Be_Part_of_A_Mission
#GOD_First
#JESUS_is_LORD

July 13, 2019 at 7:05 AM · Facebook for Android · Public


Save · More

Like React Comment Share

48

Write a comment...
Comment

Attach a Photo · Mention Friends

Ramon Bracamante
LORD GOD, it's not acceptable that we be Almost Christians, but to
become YOUR true servants through our lips and our hands, in JESUS
name amen.
7 · Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019
Joe Domirez
Amen and Amen
1 · Like · React · Reply · More · Jul 14, 2019

Josie Garcia Francia


Amen
1 · Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019

Eddie De Guzman
Amen!
1 · Like · React · Reply · More · Jul 14, 2019

Consuelo Marinay
AMEN
1 · Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019

Cynthia Gumboc
Thaks GOD
Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019

📖🖕🖕💗 📖🖕
Rosita Adriano

🖕🙏💗
Tama po! Amen Praise and Glory to God to the most highest!
Always and Forevermore!amen God Bless po! Pastor!amen
1 · Like · React · Reply · More · Jul 14, 2019

Edna Rioroso
Amen!
1 · Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019

Madeline Narag Ft
Amen & Amen,O' LIRD loobin mo po maging masunurin kami sayo mga
utos at maipamuhay namin ito.Salamat sayong paghuhubog sa
amin.makita ka sa aming mga buhay.
1 · Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019

JM Samuel
Amen.. Our mission.. Is not easy.. But with God.. Nothing is Impossible...
#Godreign mga kapatid..
4 · Like · React · Reply · More · Jul 13, 2019

 View more comments…

You might also like