Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Paggaod sa Balsa: Isang Kwalitatibong Pag-aaral sa Pagpapanatili ng

Wikang Ata-Manobo sa Kadawyan

Danieca Earle Catalan


Grade 12 - HUMSS
Sto. Tomas National High School

Ralph Riel C. Tabanao


Grade 12 – STEM
Sto. Tomas National High School

Joshua E. Paglinawan
Grade 12 – STEM
Sto. Tomas National High School

ENERO 2020
Rasyunal

Ang pagpreserba sa isang dayalekto ay mahigit pa sa pangangalaga nito upang mananatiling

buhay, maging ang pagpapayabong sa bawat aspektong kultural dahil ang lenggwaheng ito

representasyon sa bawat-isa (Writer, 2018). Pinaniniwalaan ng mga nakararami na ang kolonyalismo

ang dahilan ng pagigng sibilisado ng mga Pilipino. Subalit bago pa niyakap n gating mga ninuno ang

pagkaalipin mula sa mga mananakop ay mayroon ng kalinangan at sibilisado na ang Sambayanang

Pilipino (Gonzales at Cortez, 1988; Gonzales, 2017; Tan, 1993). Ang mga wikang katutubo ay patuloy

nang ginagamit at pinapalawak sa bansa bago pa man ang panahon ng kolonyalismo

(Enriquez,2012;Reid,2009). Gayunpaman, ang mga katutubong wikang ito ay nakaharap sa malaking

hamon kung paano mapreserba dulot ng may mga dominanteng wikang umiiral sa lipunan na kanilang

ginagalawan( Kseroof, 2016).

Sa pananalasa ng pandemya, nagdulot ito ng penomenang paghina ng abilidad ng mga tao sa

pakikipagkomunikasyon. Bukod pa rito, naging ugat ito sa limitadong pakikipag-ugnayan na nag-udlot

ng makabuluhang pisikal na pag-uusap. (Charney, et. al, 2020; Marler at Ditton, 2020). Ang pandemya

ay nagdala ng panganib sa mga katutubong wika ng mga etnikong pangkat sa buong mundo (Ainu, et.

al, (n.d.) na iminungkahi ni Sallabank (2010). Isang malaking hamon ang pagpreserba ng isang

katutubong wika lalong-lalo sa panahon ng pandemya na kung sa halos ang mga nakatatandang

pinuno ng tribu ay nadapuan ng Covid-19 (Din, 2021).

Sa Pilipinas, maituturing na biyaya ng kultura at ng kasaysayan ang mga katutubong wika.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, dahil sa kolonisasyon at globalisasyon, unti-unting nawawala ang

mga pamanang ito at napalitan ng kolonyal na kulturang popular. Dahil dito, kakaunti na lamang ang

mga gumagamit ng kanilang wikang katutubo (Burce, 2013). Masasalamin din sa ating bansa na

maraming mga etnikong pangkat ang dumadayo at nakikipagsapalaran sa mga siyudad upang

maghanap ng trabaho at kabuhayan, na nagdala sa kanila na yakapin ang bagong kultura

(Marcelli,2017). Sa pagbabago ng mundo ay nagdulot ito malawakang pagbabago. Maging ang


larangan ng komunikasyon ay wika, ang paghamon sa wika ay nangyayari. Naging palasak ang barayti

ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng isang may kakaibang wikang ginagamit (Liwanag, 2020)

Bilang pagtugon sa mandato ng National Commission for Culture and Arts ( NCAA) na

mapreserba, mapayabong at mapangalagaan ang mga kultural na pamanang sining, panitikan at higit

sa lahat ang natatanging diyalekto ng bansa. Ito rin ay pinagtibay ng Republic Act No. 10066 o national

Cultural Heritage Act of 2009 na layon ay mapanatili at mapangalaan ang mga katutubong wika sa

bansa na matatagpuan sa bansa.

Matatagpuan naman sa Davao del Norte, partikular sa Sitio Talos Barangay San Jose, bayan

ng Sto. Tomas, ang mga katutubong Ata-Manobo. Kapansin-pansin ang kanilang katatagan at

paninindigan sa kanilang kultura, lalong- lalo na sa kanilang Wikang Ata-Manobo sa kabila ng paghatak

ng panahon. Subalit, nakakamangha na sa kabila ng mga pagbabago lalo na ngayong panahon ng

pandemya, nagawa pa ring ipreserba ng mga Ata-Manobo ang kanilang itinuturing na yaman, ang

kanilang wikang katutubo.

Bagamat may mga pag-aaral na ukol sa pagpapanatili ng mga wikang katutubo subalit wala pang pag-

aaral hinggil sa tribung Ata-Manobo sa tribal na komunidad ng Talos, sa bayan nh Sto. Tomas. Ang

aming pananaliksik ay nakatuon kung ano ang naidulot ng pandemya sa pagpapatibay ng mga Ata-

Manobo ng kanilang wikang katutubo.


Mga Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng penomenolohikal na pag-aaral na ito na malaman at maunawaan ang mga naging

dulot ng pandemya sa pagpapanatili ng katutubong wika ng Ata-Manobo, sa Sitio ng Talos, Barangay

San Jose, bayan ng Sto. Tomas, lalawigan Davao del Norte.

Sa puntong ito ng pananaliksik, ninais naming malaman ang mga hamon at kung paano

nalampasan ang mga mababanggit na hamon ng mga pinuno ng tribung Ata-Manobo ukol sa

pagpapanatili ng kanilang wikang katutubo. Gayundin, ang mapagtagumpayang mailahad ang kanilang

kabuoang pananaw ukol sa nabanggit na paksa. Nilalayon namin na sa pamamagitan ng pag-aaral na

ito, ang wikang katutubong Ata-Manobo ay patuloy na mapapanatili sa panahon ng pandemya at hindi

kailanman maibabaon sa limot.

Mga Tiyak na Layunin

1. Ano ang naidulot ng pandemya sa pagpapanatili ng katutubong wika ng mga Ata-Manobo?

2. Ano ang mga naging hamon sa pagpapanatili ng katutubong wika sa panahon ng pandemya?

3. Paano nalampasan ng mga Ata-Manobo ang mga hamon sa pagpapanatili ng kanilang wikang

katutubo sa panahon ng pandemya?

4. Bilang isa sa mga pinuno ng tribal community, ano ang pananaw mo na maaaring maibahagi

sa iyong mga katribu?


Metodolohiya
Ginamit sa pananaliksik na ito ang kwalitatibong disenyo at penomenolohikal na dulog sa

pagsusuri. Ang kwalitatibong pananaliksik ay ayon sa paglalarawan ng mga obserbasyon. Ito ay

kinapapalooban ng pag-unawa sa katangian ng isang indibidwal o pangkat sa isang panlipunang

suliranin. Ito ay kinabibilangan din ng proseso ng pagtatanong at proseso sa paglilikom ng mga datos

sa konteksto ng mga partisipante (Creswell, 2014).

Bilang karagdagan, ang kwalitatibong pananaliksik ayon kay Creswell (2007), ay pangunahing

disenyo na sumusubok at gumagalugad ng makabuluhang impormasyon. Ito ay ginagamit upang

makakuha ng pag-unawa sa mga pinagbabatayang dahilan, opinyon, at mga motibasyon. Nagbibigay

ito ng mga pananaw sa problema o nakatutulong upang bumuo ng mga ideya o teorya para sa

potensyal na pananaliksik.

Ginamit ang disenyong ito upang lubos na maunawaan at magkaroon ng malalim na pagsusuri

sa mga karanasan, mga estratehiya sa pagharap sa mga hamon at perspektibong pananaw ng mga

partisipante.

Ang penomenolohikal na dulog sa kwalitatibong pananaliksik naman ay ang paglalarawan sa

totoo at napapanahong karanasan ng bawat indibidwal. Binibigyang-tuon dito ang mga karaniwang

karanasang kinasasangkutan ng mga partisipante na nais mabatid ng mananaliksik (Creswell, 2013).

Sa pahayag naman ni Baraceros (2016), ang dulog-penomenolohikal ay naglalarawan kung

paano hinaharap ng isang indibidwal ang iba’t ibang karanasan at kung paano siya tumugon dito.

Maging ang paraan ng pamamahala niya sa sarili ay kaakibat din sa pagsusuring ito.

Sa pamamagitan ng dulog na ito ng pananaliksik, nababatid ng mananaliksik ang mga

karanasan, hinaing at nararamdaman sa tunay na buhay ng indibidwal na kalagayan ng mga

partisipante sa pag-aaral. Magkakaroon din ng mabuting ugnayan ang mananaliksik at mga kalahok

na higit na mahalaga sa pamamaraang ito (Creswell, 2013).

Bilang mananaliksik, ginamit ko ang kombinasyong kwalitatibo at penomenolohikal na pag-aaral

upang makakuha ng mas makabuluhan at tamang pag-unawa sa karanasan at pananaw ng mga

partisipante tungkol sa paglahok sa mga birtuwal na patimpalak. Tiniyak rin namin bilang mananaliksik
na nailahad ng aming mga partisipante ang mas malalim na pagpapahayag ng kanilang mga saloobin

at karanasan patungkol sa paksa ng pananaliksik.

Sa proseso ng pangangalap at paglikom ng mga kasagutan sa mga inilaang tanong, kami ay

dadaan muna sa mga hakbang ng pangangalap ng datos. Sa pag-aaral na ito magiging gabay ang

limang hakbang na iminungkahi ni Creswell (2012); humingi ng pahintulot sa pagsasagawa ng pag-

aaral, pagpili ng mga partisipante na mayroong magkakatulad na mga karanasan sa penomenang

pinag-uusapan, pangangalap ng datos mula sa mga mapagkukunan, pagtala ng mga datos, at

pangangalap ng datos sa isang sensitibong pamamaraan.

Upang matugunan ang kredibilidad sa kwalitatibong pananaliksik na ito, ang pagtitiwala sa

kawastuhan ng pag-aaral ay aming pinahalagahan. Para kina Lincoln at Guba (1985) na binanggit ni

Shenton (2004), ang pagtitiwala sa kawastuhan ay kinabibilangan ng apat na krayterya na

nangangailangang pagtuonan ng atensyon; halaga sa katotohanan (para sa kredibilidad), pagiging

akma (para sa transperalidad o paglilipat) hindi pagbabago (para sa pagkamaaasahan) at neutralidad

(para sa pagpapatunay).

Para matugunan ang isyu ukol sa kredibilidad, gagamit kami ng ilang mga pamamaraan tulad

ng trayanggulasyon, paulit-ulit na pagtatanong, at member checking.

Ang trayanggulasyon ay maaaring sumangkot ng maramihang pagkukunan ng mga datos at

mga pamamaraan, mga komento at kakayahan ng mga tagapag-analisa at gumamit ng iba’t ibang mga

teorya para sa balidasyon at beripikasyon sa mga natuklasan (Creswell, 2013). Sa pananaliksik na ito,

may mga partisipante kaming mula sa pinalalim na panayam (In-Depth Interview) at pangkatang

talakayan (Focus Group Discussion) at ang mga nakuhang datos ay dadaan sa trayanggulasyon bilang

suporta sa pananaliksik na ito.

Titiyakin din namin na maisasagawa ang member checking matapos makolekta ang mga datos

sapagkat ayon kay Lincoln at Guba (1985), ang member checking ay isang pamamaraan upang

masigurado ang kredibilidad ng pananaliksik.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga katutubong wika ay karapat-dapat na mapanatili. Kaya sa kabila ng banta ng

pandemya ibayong pagpupursige ng Tribung Ata-Manobo upang mapanatili pa rin ang kanilang

katutubong wika sa mga puso ng mga katutubo. Dahil dito, ang pananaliksik na ito ay mahalaga para

mabatid ang mga karanasan ng mga Ata-Manobo sa pagpapanatili ng kanilang wikang katutubo sa

panahon ng krisis at sa sumusunod na mga indibidwal.

Sa mga mag-aaral, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabatid nila ang mga pakikibakang

karanasan ng mga katutubong Ata-Manobo sa pagpapanatili ng kanilang katutubong wika sa panahon

ng pandemya. Bilang bahagi ng iisang bayan nararapat na magkaroon ng pakikisangkot hinggil sa

natatanging kultura at wika ng mga Ata-Manobp. Bilang isang Kabataang Pilipino, karapatan nilang

magkaroon ng sapat na kaalaman at kabatiran hinggil sa pagpapanatili ng wikang Ata-Manobo sa

panahon ng pandemya. Higit pa rito, magiging daan ang pananaliksik na ito, na maipamulat sa mga

mag-aaral na magbibigay sa kanila ng kamalayan patungkol sa paggaod ng Wikang Ata-Manobo sa

panahon ng pandemya.

Sa komunidad ng IP, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mamulat sila sa mga karanasan at

hamon sa pagpapanatili ng katutubong Wikang Ata-Manobo. Bilang isang kasapi ng komuninad ng IP,

tungkulin nila ay ang maging maalam ukol sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang mga kauri.

Maaari din itong maging batayan upang sila ay makakuha ng mga ideya at konsepto hinggil

pagpapanatili ng kanilang mga katutubong wika sa gitna ng pandemya.

Sa Kagawaran ng Edukasyon, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing ugat upang

makapagsagawa ng angkop at wastong mga pang-akademikong aktibidad na nagpapanatili ng mga

katutubong wika at mapaigting pa ang pagtuturo ng MTB-MLE, kontekstuwalisasyon at lokalisasyon na

pagkatuto. Maaaring makahikayat ang pananaliksik na ito na sa halip na gawing pamantayan ang

wikang Ingles at wikang Filipino sa mga mataas na pampublikong paaralan ng Sangay ng Davao del

Norte ay pagsisikapan nilang tanggapin ang paggamit ng mga wikang katutubo upang lubos na

mapapanatili ang kahalagahan nito.


Sa mga Lokal na Pamahalaan, ang pananaliksik na ito ay magtutulak na bigyan ng sapat na

atensiyon ang mga wikang katutubo at maprotektahan ito sa kabila ng krisis. Sa kabilang banda, gamit

ang pananaliksik na ito, mabibigyan ng halaga ang mga katutubong wika sa gitna ng pandemya at

maaaring mapanatili at maprotektahan ang kaayusan at estruktura ng mga katutubong wika.

Sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay sa mga gagawin pang

susunod na mga pag-aaral ukol sa wikang katutubong Ata-Manobo. Ang magiging resulta rin ng pag-

aaral na ito, ang magiging batayan ng mga mananaliksik na nais magsagawa pa ng mga pag-aaral

ukol dito.

Inaasahang Bunga

Sa pagtatapos ng aming pananaliksik, inaasahan namin na kami ay makabuo ng anim hanggang

sampung pahina ng saliksik na masusing tutugon sa paksa ng aming pag-aaral. Maglalahad ng mga

konkretong kasagutan batay sa nakalap na mga karanasan ng mga piling Ata-Manobo sa pagpapanatili

ng kanilang wikang katutubo sa matagal ng panahon. Kabilang na ang bibliografi, appendix at iba pang

anotasyon ginamit sa pagbuo ng pag-aaral na Paggaod ng Ata-Manobo sa Katutubong Wika sa

Panahon ng Pandemya: Isang Kwalitatibong Pag-aaral.

You might also like