Una't Huling Paalam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

UNAT’S HULING PAALAM

By Rose Ann Yson

I.
Nandirito nanaman ako sa madilim na sulok,
Umaasa, nasasaktan at tila nagmumukmok.
Pagkat lungkot sa sarili’y kailangang tugunan,
At ang nagbabadyang kasiyahan ay dapat nang mapunan.

II.
Mga nakapaskil na iyong mga larawan,
Ang patuloy at walang sawang nagpaparamdam,
At ang mga paglingon sayo’y makapigil-hininga,
Hanggang alaala nalang pala.

III.
Sa bawat pagtigil at pag-ikot ng oras;
Sa kakarampot na pag-asa, sayo'y tumaliwas;
Sa bawat pagluha na panalanging dinggin,
Oo, ito na nga, ngunit bakit parang may kulang pa rin?

IV.
Yun ba sa mga espasyo, siya yung laman?
Sa bawat lugar, siya ‘yung daanan?
Marahil hindi na nga ito mangayayaring muli,
Kahit sa huling hiling na makapiling ka kahit sandali.

V.
Sa bawat pagtara ko sa mga numero sa kalendaryo,
Hinding-hindi naisip na sumuko sayo.
At dahil nga hanggang dito nalang,
Ito ang aking una’t huling paalam.

You might also like