Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere 4
Noli Me Tangere 4
Noli Me Tangere 4
Bustaliño
BS – CRIMINOLOGY 2 – A
Noli Me Tangere
Kabanata 1 – Ang Pagtitipon
Don Santiago de los Santos/Kapitan Tiago – Nag anyaya ng isang marangyang salu – salo. Kilala
bilang isang mabuting tao.
Tiya Isabel – ang taga-istima ng mga bisita at ang mga panauhing babae at lalake ay sadyang
magkakahiwalay.
Dr. de Espadaña – Nagpunta sa maranyang handaan kabiyak ni Donya Victorina.
Donya Victorina – Nagpunta sa maranyang handaan kabiyak ni Dr. de Espadaña.
Padre Sibyla – Ang kura paroko ng Binundok.
Padre Damaso – May mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga
ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga
Pilipino noong mga nakalipas na araw.
Tinyente Guevarra – Isang Paisano na kasama ng Tenyente Gwardya Sibil.
Tenyente ng Gwardya sibil – Tinutulan ang sinabi ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat
lamang raw sa pananaw ng Kapitan Heneral.
Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra
Kapitan Tiyago – Ipinakilala niya si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pagaaral sa Europa.
Padre Damaso – Namutla ng makilala si Ibarra at tinanggihan na makipag kamay si Ibarra sa
kanya.
Don Rafael Ibarra – Ama ni Ibarra at kaibigan ni kapitan Tiyago.
Juan Cisostomo Ibarra y Magsalin – Anak ni Don Rafael Ibarra na nag aral ng pitong taon sa
Europa at kadarating lamang.
Tinyente – Nakipagusap kay Ibarra ngunit tinapos niya ang kanyang pakikipagusap nung palihim
silang tiningnan ni Padre Damaso na tila may pagbabanta.
Kapitan Tinong - malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng ama ni Ibarra.
Kabanata 3 – Ang Hapunan
Padre Sibyla – Nasisiyahan at nakipagtalo kay Padre Damaso kung sino dapat ang maupo sa
kabilang dulo ng kabisera.
Padre Damaso – Walang pakunfangan, nakapagdabog at natamaan pa ang isang kadete, Nainis
dahil hindi masasarap na bahagi ng manok an napunta sa kanya at binatikos at ininsulto si Ibarra.
Tinyente – Masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina at Hindi niya
namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya ng Donya na ikinainis naman nito.
Donya Victorina – Nainis kay tinyente nang tamakan ang kola ng saya nito.
Kapitan Tiyago – Pinuri ng mga bisita ang kanyang mga inihanda at hinandaan niya ng tinolang
manok si Ibarra.
Ibarra – Binahagi ang kangyang buhay sa pag aaral niya sa Europa ng pitong taon at ininsulto at
binatikos ito ni padre damaso, at maagang nagpaalam si ibarra at ang obserbasyon ni ibarra ay
kanyang isinulat sa pahayagan ng Estudios Coloniales.
Maria Clara – Anak na dalaga ni Kapitan Tiyago at hindi sila nagkita ni Ibarra sa pagtitipon dahil
sa maagang umalis ang binata .
Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero
Ibarra – nagpalakad- lakad at napasin nito na wala man lang pinagbago ang kanyang bayan sa
tagal ng pahaon na nasa ibang bansa siya at habang naglalakad palaisipan parin sa kanya ang
sinapit ng kanyang ama .
Tinyente – Sinundan si Ibarra upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama
Don Rafael – isa sa pinakamayaman at matulungin sa bayan ng San Diego at maraming
nagmamahal sa kanya. Ngunit maraming naiingit dito kabilang na ang pari na si Padre Damaso.
At ayon sa sabi sabi nakasakit ito ng kastila at namatay dahil sa pagkatama ng ulo nito sa bato at
Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero pangangamkam ng lupain at ibang ilegal ng
pagpapayaman. At iba pang pang pinagbabawal na basahin tulad ng El Correo de Ultramar,
Pagtago sa mga sulat at larawan mula sa binitay na isang pari, pagkupkop at pakikipagkaibigan sa
mga tulisan at pagsuot ng barong tagalog.
Padre Damaso – nangunguna sa pari sa mga naiingit sa katauhan ni Don Rafael.
Kabanata 5 – Isang Tala sa Gabing Madilim
Maria Clara – Nanahi habang kausap ang ama upang malibang dahil yun ang araw naagkikita sila
ni Ibarra at hindi na ito mapakali sa sabik na makita ang kanyang sinta,
Tiya Isabel – Naglinis ng mga kalat sa nangyaring hapunan at tumulong sa pag aayos ni Maria
Clara.
Kapitan Tiyago - nagbuklat ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan.
Ibarra – Dumalaw sa kanyang sinisinta at nagusap silang dalawa tungkol sa kanilang
nararamdaman at sinumpaan sa isa’t isa.
Kabanata 8 – Mga Alaala
Ibarra – Binabagtas niya ang kahabaan ng Maynila habang nakasakay sa kalesa at habang
nakasakay nakikita niya ang iba’t ibang tanawin na nakapag babalik ng kanyang mga alaala.
Padre Damaso – Hinahatid ng karwahe kasama ang kawani sa tanggapan at ibang mga pari.
Kapitan Tinong – Nakita Si Padre Damaso na nakasakay sa karwahe at binati niya ito.
Kabanata 9 – Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
Dalawang tao - Ang abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay matagal
nang sepulturero samantalang ang katulong nito ay bago pa at hindi mapakali sa kanilang
ginagawa
Padre Garrote o Padre Damaso - Ang nag utos sa paghukay sa bangkay at paglipat nito sa
libingan ng mga Intsik.
Kabanata 13 – Mga Babala ng Bagyo
Ibarra - Nagtungo sa sementaryo ng San Diego upang hanapin ang puntod ng kanyang ama
Matandang Katiwala - Ang kasama ni Ibarra sa paghanap ng puntod na siya ring nagtanim ng
mga bulaklak ng adelpa at sampaga sa libingan ng ama ng binata
Sepulturero - Nakasalubong ni Ibarra at ng Katiwala na siyang napagtanungan kung saan
naroroon ang libingan ng kanyang ama
Padre Salvi - Nakasalubong ni Ibarra at humingi siya ng paliwanag kung bakit nagawa nitong
lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama
Padre Damaso - Ang may kagagawan ng lahat sa nangyari sa ama ni Ibarra na si Don Rafael.
Kabanata 14 – Si Tasyo, Ang Baliw o ang Pilosopo ?
Sisa - May likas mang ganda ngunit pinatanda na siya ng panahon at pagdurusa, Nakapag-asawa
ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi sakit sa kalooban
Asawa ni Sisa - Tamad ito, mahilig sa sugal, iresponsable at nagpapagala-gala lang sa lansangan,
Wala siyang pakialam sa kanyang mag-iina
Crispin - Pinaghain siya ng kanyang Ina ng paborito niyang tuyong tawilis at sariwang kamatis
Basilio - Pinaghain siya ng kanyang Ina ng tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok
Pilosopo Tasyo - Nagbigay ng mga pagkain sa dalawang magkapatid
Kabanata 17 – Si Basilio
Basilio – Duguan siya dahil nadaplisan ng bala sa ulo at hinahabol siya ng mga gwardiya sibil at
nagpatuloy lang siya sa paglalakad dahil sa takot siyan ikulong at paglinisin sa kuwartel.
Sisa – nalaman na napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa.
Kabanata 18 – Mga Kaluluwang Naghihirap
Sisa – Nagmamadali na umuwi sa kanilang bahay dahil sa narinig niya sa mga kusinero na dahil
maaring damputin ng mga gwardiya sibil ang kanyang mga anak. At bigla siyang kinaladkad ng
mga Gwardiya sibil papunta ng kartel dahil pinapaamin sa kanya kung nasaan ang kanyang mga
anak. At sa sobrang kahihiyan na ginawa sa kanya, umiyak at pinanghinaan ng loob. Sumiksik na
lamang at naghihinagpis ang ina sa sulok ng kwartel. At kalaunan pagdating ng tanghali ay
pinakawalan siya ng Alperes, Nang umuwi siya sa kanilang bahay hinanap nito ang kanyang mga
anak ngunit wala ito kahit lamang ang tinig o galaw sa bakuran ay wala siyang nadinig. Sa
kanyang pagpasok muli sa bahay ay nakita niya ang punit at duguang damit ni Basilio, At
nilamon nalang si sisa ng pighati dahil hindi niya matanggap ng ina ang kanyang nasilayan.
Nagpalaboy – laboy si Sisa sa kalsada habang sinasabi ang pangalan ng kanyang mga anak na
sina Basilo at Crispin.
Gwardiya Sibil – Ang nagkaladkad kay Sisa papuntang kwartel.
Kabanata 22 – Liwanag at Dilim
Maria Clara – Dumating sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan na agad
naman itong kumalat dahil sa kinagigiliwan ito ng mga tao doon.
Tiya Isabel – Kasama ni Maria Clara sa pagdating sa bayan ng San Diego upang mamalagi para
sa pista ng bayan.
Ibarra – Nag plano sila ni Maria Clara na mag piknik kasama ang kanilang mga kaibigan sa ilog.
Padre Salvi – Ikinagalit niya ang kumalat na pagkikita ni Ibarra at Maria Clara.
Lalaki – Nakasalubong ito ni Ibarra na humihingi ng tulong habang siya’y naglalakad.
Kabanata 23 – Ang Piknik
Kabanata 24 – Sa Kagubatan
Padre Salvi – Nagmisa ng maaga at agad na nag-almusal at hindi na nito tinapos ang pagkain, sa
halip ay nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe.
Padre Damaso – Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya ito
nagkasakit.
Sisa – Ay agad na dumating at papakainin sana ni Ibarra ngunit dahil wala ito sa katinuan ay agad
itong umalis.
Don Filipo – Ikinatwiran nito na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala
ng mga bata.
Ibarra – Siya’y pumagitna sa dalawa upang hindi na ito umabot sa sakitan.
Albino – Siya’y nainis at agad namang sinagot ang kura na mas may malaking kasalanan.
Kura – Agad naman itong lumayas ng padabog pabalik sa kumbento.
Gwardya Sibil at Sarhento – Hinahanap nila si Elias sapagkat diumano ang nanakit kay Padre
Damaso.
Kabanata 25 – Sa Tahanan ng Pilosopo
Ibarra – Pumunta ito sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na
nais niya pasimulan.
Pilosopo Tasyo – Abala sa kanyang ginagawa at agad naman nito napansin ang binata na si Ibarra
kaya inanyayahan niya ito.
Kabanata 26 – Ang Bisperas ng Pista
Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin, Carlos – Ay ang mayayaman ng San Diego na may
partisipasyon din sa kasiyahan.
Padre Damaso – Nakalaan upang mag misa nung umaga.
Ibarra – Tinatapos na ang bahay-paaralan na pinapagawa niya at tinanggihan niya ang alok na
tulong ng mayayaman at pari sapagkat sagot niya ang gastuhin lahat.
Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim
Kapitan Tiyago – Pinaghandaan niya talaga ang kapistahan dahil sa ikinatutuwa niyang
mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin.
Ibarra – Inanyayahan ni Kapitan na doon sa kanila maghapunan dahil darating daw si Padre
Damaso ngunit magalang naman itong tumanggi.
Maria Clara – Nagpaalam na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga.
Padre Damaso –
Simang – Nadaan ito ng mga dalaga kaya agad itong niyaya na sumama
Ketongin – Sumalubong kina Maria na pinandidirihan ito ng lahat, sa awa ni Maira ay ibinigay
niyo dito ang irinegalo sa kanya ng kanyang ama.
Sisa – Lumapit ito sa ketongin at itinuro sa kanya ang kampanaryo at sinabing andoon ang mga
anak nito, kaya umalis ng pakanta-kanta si sisa.
Kabanata 28 – Sulatan
Pilosopo Tasyo – Hindi siya sang-ayon sa kapistahan, aniya paglulustay lamang ng salapi at
pagpapakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito.
Don Filopo – Sang-ayon naman siya sa pananaw ni Pilosopo, ngunit wala siyang lakas ng loob
para salungatin ang mga pari.
Padre Damaso – Sinadya niya na magkasakit upang makuha ak importansya ng lahat sa kanya.
Kabanata 30 – Sa Simbahan
Padre Damaso - Nagsimulang magsermon sa wikang Tagalog at Kastila mula sa isang sipi sa
Bibliya
Haring David - Kasama siya sa pagpupuri ni Padre Damaso sa mga banal na santo ng simbahan
Gedion at Roldan - Ay isang tapat na mananampalataya
Paring Pilipino - Mga kasama sa sermon na may kasamang panlilibak ni Padre Damaso na
binigkas niya sa wikang kastila
Kapitan Tiyago - Kabilang siya sa mga taong hindi na nila napigilang antukin at maghikab dahil
sa mga pinagsasabi ng pare
Maria at Ibarra - Palihim na nagsusulyapan na kapwa ang mga mata'y nangungusap
Padre Salvi - Hindi natuwa sa mga nagaganap kaya nagpakuliling na ito, hudyat para tapusin na
ng pari ang kanyang sermon
Elias - Sa loob ng simbahan ay palihim na lumapit siya kay Ibarra at binalaan ito na mag-ingat at
huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay
Kabanata 32 – Ang Panghugos
Elias - Palihim na dumating sa bahay ni Ibarra at sila’y nag-usap tungkol sa mga kaaway ng
katipan ni Maria.
Ibarra - Nanghinayang sa maagang pagkawala ng taong dilaw dahil marami pa raw sana siyang
matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang.
Kabanata 34 – Ang Pananghalian
Padre Damaso - Karamihan ay pinanigan siya dahil kung nagtimpi lamang daw si Ibarra ay hindi
sana iyon nangyari.
Kapitan Martin - Tanging siya lang ang nakaunawa sa ikinilos ni Ibarra dahil walang sinuman
ang hindi makapapagpipigil kung ang ama ang lalapastanganin.
Don Filipo - Ipinapalagay naman niya na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan
bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama.
Kapitana Maria - Nalugod naman siya sa pagtatanggol ng binata sa kanyang ama.
Kabanata 36 – Ang Unang Suliranin
Kapitan Heneral – kilala siya bilang isang matapang dahil sa paggitna sa away ni Ibarra at Padre
Damaso. At ipinahanap si Ibarra upang makausap. At kakausapin ang Arsobispo tungkol sa
pagiging ekskomulgado ng binata.
Ibarra – Dumating sapagkat pinahanap siya ni Kapitan Heneral upang silay magkausap at kaagad
na umalis upang hanapin si Maria Clara.
Sinang – Sinabi kay Ibarra na isulat na lamag niya ang gusto niyang sabihin kay Maria Clara
dahil papunta na sila sa dulaan.
Kabanata 38 – Ang Prusisyon
Kapitan Heneral, mga Kagawad, Kapitan Tiyago, Alkalde, Alperes at Ibarra – Magkakasamang
Naglalakad ngunit si ibarra ay napilitan lamang sumama dahil sa imbita ng heneral.
Kapitan Heneral – inimbitahan si Ibarra na makasalo siya sa pagkain para pagusapan ang
pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.
Ibarra – Kasama sa prusisyon at daman niya ang pighating nararamdaman sa kanyang kasintahan
dahil sa boses ni Maria Clara habang kumakanta ng Ave Maria.
Kabanata 39 – Si Donya Consolacion
Ibarra – Balisang balisa dahil sa kaguluhang naganap kaya nilibang na laman nito ang sarili
sa paggawa ng kanyang laboratoryo at nagmadaling pumunta sa bahay ni Kapitan Tiyago
dahil nalaman niyan may sakit si Maria Clara
Elias – Dumating kay Ibarra upang ipaalam na si Maria Clara ay may sakit at ipinaliwanag
din nito kung paano niya napatigil ang kaguluhan noong gabi ng pista.
Lucas – kapatid ng taong dilaw at kinulit nito si Ibarra tungkol sa makukuhang salapi ng
kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Kabanata 42 – Ang Mag-Asawang De Espadaña
Kapitan Tiyago at Tiya Isabel – nalulungkot sapagkat may sakit si Maria Clara at nagusap
ang dalawa kung alin ang mabuting bigyan ng limos upang gumaling kaagad ang
karamadaman ni Maria.
Doktor Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran. Siya ay napangasawa ni Donya Victorina.
Donya Victorina de Espadaña – Isang Orofea, Siya’y apatnapu’t limang taong gulang ngunit
ipinamamalita niyang siya’y tatlumpu’t dalawa lamang. Masasabing maganda ang Donya
noong kanyang kabataan.
Linares – Nabighani sa tanging kagandahan ni Maria Clara.
Kabanata 43 – Mga Balak o Panukala
Padre Damaso – Labis ang kaniyang pag aalala kay Maria Clara ng makita niya ito at nagtaka
ang lahat sa ipinakita ng pari at di inakala na sa kabila ng magaspang nitong pag uugali ay
mayroong pala itong malambot na kalooban at marunong umiyak.
Donya Victorina – Ipinakilala si linares kay Padre Damaso.
Carlicos – inaanak niya si linares at bayaw ni Padre Damaso.
Linares – Nag abot ng sulat kay padre na nakapaloob na naghahanap siya ng trabaho at
mapapangasawa.
Lucas – Pumunta kay Padre Salvi para isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang
kapatid. Ngunit pinagtabuyan ito ng mga pari dahil sa pag iinarte nito sa harap nila.
Kabanata 44 – Pagsusuri ng Budhi
Tiyan Isabel at kaniyang mga kaibigan – Patuloy nilang inalagaan si maria clara
Kapitan Tiyago – Walang tigil sa pag papamisa at pagpapa-abuloy.
Padre Salvi, Kapitan Tiyago at mag-asawang Espadaña - nausap sila dahil ikakalungkot
umano ni Maria ang nalalapit na pagkakalipat kay Padre Damaso dahil para narin niyang ama
ito.
Kabanata 45 – Ang mga Pinag-uusig
Elias At Kapitan Pablo – Nag-uusap ang dalawa dahil anim na buwan silang hindi nagkita ni
Kapitan Pablo, malapit silang dalawa sa isa’t isa at itinuring na rin ni Elias si kapitan na
parang isang ama kasi pareho na silang nag iisa sa buhay. Samantala gustong gumanti ni
kapitan pablo sa sinapit ng kanyang pamilya .
Kabanata 46 – Ang Sabungan
Kapitan Tiyago -May ari ng isang malaki at puting lasak na manok, Dito sa ruweda kung
saan pinagdarausan ng mga sultada dito naka pwesto ang may matataas na katungkulan at iba
pang tinitingala sa lipunan kasama si kapitan Tiyago.
Kapitan Basilio - May ari ng bulik na manok, Isa sa naka pwesto dito sa ruweda na kung saan
pinagdarausan ng sultada.
Lucas - Isa sa mga taong naparoon sa sabungan ng araw na iyon.
Tarsilo at Bruno - Naiinggit na magkapatid, sapagkat wala silang salapi upang makipusta.
Sila’y lumapit kay Lucas upang manghiram ng pera upang may maipang-sugal.
Pedro - Binigyan ni Lucas ng salapi kung kaya higit ang dalawang mag kapatid na
nanghinayang.
Kabanata 47 – Ang Dalawang Senyora
Donya Victorina - Naiinis ito sa tuwing hindi nagbibigay galang sa kanya ang mga
nakakasalubong.
Don Tiburcio - Habang mainit ang labanan sa sabungan, ay naisipan munang mamasyal
kasama ang kanyang asawa upang tingnan ang bahay ng mga Indio.
Donya Consolacion - Di rin niya pinaligtas ang pagkakataong iyon kaya kinuha nito ang
latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina.
Linares - Ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.
Maria Clara - Nagpahatid sa silid dahil sa mga narinig sa Donya.
Kabanata 48 – Ang Talinghaga
Ibarra – Dumating sa bahay ni kapitan tiyago upang dalawin si Maria Clara at ibinalita niya
na natanggal na ang kanyang pagiging ekskomulgado at natuwa ang mga ito kay Ibarra,
Ngunit nabigla pagkat nakita niya na magkasama si Linares at Maria Clara sa balkon. At
dahil doon si Ibarra ay kaagad na nagpaalam at sinabing dadalaw na lamang kinabukasan
ngunit may kaguluhan sa isip at damdamin nung siya ay umalis. At habang naglalakad ito ay
napadaan ito si Ibarra sa ipinapagawang paaralan at sinabi niya sa lahat lalo na kay Nol Juan
na wala silang dapat ipangamba dahil tanggap na muli siya ng simbahan. At nakita naman
nito si Elias at sila ay namangka sa lawa upang doon ay magusap.
Kabanata 49 -Ang Tining ng mga Pinag- uusig
Elias At Ibarra – Sinabi kaagad ni Elias ang pakay nito kay Ibarra Ayon sa kanya’y siya ang
sugo ng mga sawimpalad. Bagama’t ipinaliwanag ni Elias ang napagkasunduan ng puno ng
mga tulisan (Kapitan Pablo) na hindi niya binanggit ang pangalan, sinubukan pa rin niyang
sabihin ang mga kahilingan ng mga sawimpalad na humihingi ng pagbabago sa pamahalaan
tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng
kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa
karapatang pangtao.
Kabanata 50 – Ang mga Kaanak ni Elias
Tatlong Anino – Mga lalaki na nag-uusap sa libingan tungkol sa kanilang mga plano na
kinasasangkutan ni Elias
Elias – Isa sa mga pangunahing karakter ng nobela na nagligtas ng buhay ng isa sa tatlong
anino. Natalo siya sa sugal at umalis nang tahimik.
Lucas – Ang kalaban ni Elias na kasama rin sa mga anino. Siya rin ang ka-sugal ni Elias na
nagtagumpay.
Mga Gwardiya Sibil – Sila ay nakasalubong ng dalawang lalaki sa daan, isa ay si Lucas na
nagpanggap na hindi niya kilala si Elias at ang ikalawa ay si Elias na nagpakilala nang diretso
sa mga gwardiya..
Kabanata 53 – Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Don Filipo - Siya ang naglakas-loob na itaguyod ang mga karapatan ng mga mamamayan laban
sa mga fraile.
Pilosopo Tasyo - binahagi niya ang kanyang mga saloobin at pananaw sa mga pangyayari sa
kasalukuyan at hinaharap.
Hermana Sepa - Siya ang nagsiwalat ng balitang narinig niyang may panaghoy at pag-iyak mula
sa sementeryo.
Mga miyembro ng Kapatiran ni San Francisco - Sila ang mga taong nakakita ng mga kandila sa
libingan
Isang pari - Binanggit bilang nag-uusap tungkol sa mga kaluluwa sa purgatoryo mula sa pulpito.
Alkalde - nabanggit siya bilang tumanggap ng pagbibitiw ni Don Filipo.
Ibarra (hindi direkta na binanggit) - Humiling si Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na ipaalam kay
Ibarra na kausapin siya dahil malapit na siyang mamatay.
Kabanata 54 – Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Maria Clara- Kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Kasama siya ni Sinang sa bahay ng alperes.
Sinang- Kaibigan ni Maria Clara at anak ni Kapitan Basilio.
Padre Salvi- Kura Paroko ng bayan at hindi mapakali sa mga pangyayari.
Linares- Ang manliligaw ni Maria Clara na umuusyoso sa nangyayari.
Crisostomo Ibarra- Ang pangunahing tauhan ng nobela. Sa kabanatang ito, nagmamadali siyang
umuwi dahil sa mga pangyayari.
Elias- Kaibigan ni Ibarra na naguguluhan sa kanyang nararamdaman at pinapasok ang bahay ni
Ibarra para makuha ang mga mahahalagang gamit.
Alperes- Opisyal ng mga Guardia Civil, sa bahay niya nagaganap ang pangyayari.
Sarhento- Kasama ng mga Guardia Civil na sumama kay Ibarra.
Katulong ni Ibarra- Naghanda ng kabayo para kay Ibarra.
Mga Kawal- Mga tauhang kasapi ng mga Guardia Civil, tumulong sa pag-aresto kay Ibarra.
Tiya Isabel- Tita at tagapag-alaga ni Maria Clara, na kasama rin nila sa bahay ng alperes
Kabanata 56 – Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Mga mamamayan ng San Diego – Sila ang nagpalitan ng mga tsismis at balita.
Kapitan Pablo – Siya ang sinasabing nagpakana ng pagsalakay sa mga kuwento ng mga
mamamayan.
Crisostomo Ibarra – Nabanggit siya bilang isang nahuling tauhan sa pagsalakay at sinasabing
nagtangka rin siyang itanan si Maria Clara.
Maria Clara – Nabanggit siya sa mga usap-usapan bilang target ng tangka ni Ibarra na itanan siya.
Linares – Binanggit din siya sa konteksto ng nalalapit na kasal nila ni Maria Clara.
Kapitan Tiago – Nabanggit siya dahil siya ang sinasabing nagpigil sa plano ni Ibarra na itanan si
Maria Clara.
Mga Sibil – Sila ang sinasabing nagdakip kay Ibarra at sumunog sa kanyang bahay.
Bruno – Isa siyang lalaki na inamin ang relasyon ni Ibarra at Maria Clara, ayon sa isang lalaki
mula sa tribunal.
Padre Salvi – Nabanggit siya dahil siya ang nasa bahay ni Kapitan Tiago nang mangyari ang
insidente.
Lucas – Nakita siya ng isang babae na nakabitin sa puno ng santol
Kabanata 57 – Vae Victus! Sa Aba ng mga Manlulupig
Alperes – Siya ang tagapamuno ng mga gwardya sibil. Ginawa niya ang lahat para mapaamin ang
mga bihag sa hindi totoong akusasyon laban kay Ibarra.
Donya Consolacion – Asawa ng alperes at kilala rin bilang “sirena.” Binulungan niya ang
kanyang asawa upang lalong pahirapan si Tarsilo.
Direktorsillo – Kasapi ng mga gwardya sibil. Kasama siya sa pagtortyur sa mga bihag.
Kura – Ang pari na nagtanong kung nasaan sina Ibarra at Don Filipo.
Tarsilo – Isa sa mga bihag na nadakip ng mga gwardya sibil. Pinilit siyang umamin na may
kinalaman si Ibarra sa paglusob, ngunit pinanindigan niyang wala itong kinalaman.
Kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo – Hindi tuwang-tuwa sa kanyang nakita sa loob ng
kulungan.
Bihag na umiiyak at nananalangin sa mga santo – Isa pang karakter na nagpapakita ng emosyonal
na epekto ng pananakop.
Bruno, Pedro, at Lucas – Mga kasamahan ni Tarsilo na namatay sa kamay ng mga gwardya sivil.
Nakita ni Tarsilo ang kanilang mga bangkay
Kabanata 58 – Ang Sinumpa
Mga Kamag-anak at Kaibigan ng mga Bilanggo – Sila ang nagpakita ng iba’t ibang emosyon
mula sa takot, lungkot, hanggang galit sa naganap na paglipat ng mga bilanggo.
Mga Bilanggo – Ito ang mga taong inilipat mula sa kulungan ng San Diego. Kabilang dito sina
Don Filipo, Antonio (anak ni Kapitana Tinay), Andong, Albino, mga anak na lalaki ni Kapitana
Maria, at Crisostomo Ibarra.
Doray – Siya ay ang asawa ni Don Filipo at inilarawan bilang isang nag-aalalang ina na umiiyak
kasama ang kanyang sanggol.
Biyenan ni Andong – Siya ay nagbanta na tadtarin ang anumang guardia civil na papasok sa
kanyang bakuran.
Crisostomo Ibarra – inaakusahan ng marami na naging dahilan ng pagkakakulong ng mga
bilanggo. Siya lamang ang hindi nakagapos sa mga bilanggo.
Kapitana Maria – Siya ay ang ina ng mga kambal na nakabilanggo. Sa kabila ng kanyang
kalungkutan, hindi siya nagpakita ng galit kay Ibarra.
Mga Guardia Civil – Sila ang nagbantay at nagdala sa mga bilanggo papunta sa kanilang
lilipatan.
Tandang Tasyo – Isang matandang lalaki na sa kabila ng kanyang karamdaman ay nagpumilit na
masaksihan ang nangyayari. Sa sumunod na araw, natagpuan siyang patay sa harap ng kanyang
tahanan
Kabanata 59 – Pag-Ibig Sa Bayan
Mga naapi o sawimpalad – Sila ay naging laman ng balita at usapan dahil sa ginawa nilang pag-
aaklas.
Mga tauhan sa kumbento – Nagdulot ito ng kaguluhan at takot sa kanila.
Pari Salvi – Sa kabila ng nangyari, siya ay ipinagbubunyi at sinasabing karapat-dapat na maging
obispo.
Mga nag-aaral sa Ateneo – Tinutukoy na nagiging pilibustero dahil sa mga nangyari.
Kapitan Tinong – Isa sa mga pangunahing tauhan sa kabanatang ito. Nag-aalala siya dahil sa
kanyang koneksyon kay Ibarra.
Kapitana Tinchang – Asawa ni Kapitan Tinong na nag-aalala rin at walang tigil na nagtatapon ng
sisi sa kanya.
Dalawang anak na dalaga ni Kapitan Tinong – Nanatiling tahimik sa gitna ng kaguluhan.
Don Primitivo – Pinsan ni Kapitan Tinong na ipinatawag ni Kapitana Tinchang para magbigay ng
payo.
Mga taong nagtitipon sa Intramuros – Ito’y binubuo ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng
mga opisyal ng pamahalaan.
Heneral – Binanggit sa kuwento bilang recipient ng regalong singsing na puno ng brilyante mula
kay Tinchang.
Kabanata 60 – Ikakasal Na Si Maria Clara
Kapitan Tiyago – ang amain ni Maria Clara at isa sa mga mayayamang tao sa Maynila. Siya ang
nagplano para sa kasal ni Maria Clara kay Linares.
Kapitan Tinong – isa pang tauhang nabanggit sa kabanata na hindi nagdulot ng suwerte sa
kanyang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.
Maria Clara – ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra at inaasahan na ikakasal kay
Linares. Sa kabanata na ito, ipinakita ang kanyang kalungkutan at pagsasakripisyo para sa mga
taong malapit sa kanya.
Linares – ang lalaking nakatakdang ikasal kay Maria Clara. Siya ay isa ring abogado na malapit
sa Kapitan Heneral.
Donya Victorina– isang Pilipinang nagkukunwaring Kastila. Kasama siya sa mga nagsipag-usap
tungkol sa nalalapit na kasal nina Maria Clara at Linares.
Don Tiburcio de Espadaña – ang asawa ni Donya Victorina at isang pekeng doktor.
Pari Salvi – ang kura paroko ng San Diego at may gusto rin kay Maria Clara.
Pari Sibyla – isang dominikano na may mataas na posisyon sa Simbahan.
Alperes – ang kumander ng mga guardia sibil sa San Diego.
Tenyente Guevarra – ang mabait na tenyente na nagbigay-alam tungkol sa hindi pagbitay kay
Ibarra.
Crisostomo Ibarra – ang pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere na nangangakong maghiganti
para sa kanyang ama. Nagpakita siya sa kabanata na ito upang makausap si Maria Clara bago siya
tumakas.
Elias – ang matalik na kaibigan ni Ibarra na tumulong sa kanya upang makatakas
Kabanata 61 – Ang Barilan Sa Lawa
Maria Clara – Kinaumagahan, kahit na marami pang regalong nakabunton sa itaas ng hapag ay
hindi niya ito pinansin.
Padre Damaso - Hiniling niya sa Diyos na siya na lang daw ang parusahan kaysa ang anak
niyang walang malay at nangangailangan ng kanyang kalinga.
Kabanata 63 – Ang Noche Buena
Padre Damaso – Nanirahan siya sa maynila simula ng pumasok sa Kumbento si Maria Claria.
Ngunit kinabukasan ay natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto, ayon sa doktor ay bangungot
ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Padre Salvi - Siya naman ay pansamantalang nanungkulan sa kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara. Siya’y umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Kapitan Tiyago - Siya ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat nang
husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala kahit kanino.
Tiya Isabel – Sinabihang umuwi muna sa Malabon o kaya naman sa San Diego.
Donya Victorina - Siya naman ay nagdagdag ng mga kulot sa ulo upang mapagbuti ang
pagbabalatkayo niyang siya’y isang taga-Andalucia.
Don Tiburcio – Nakasalamin na ito at wala naring ngipin at hindi na matatawag na doktor oara
manggamot.