Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Masusing Banghay sa Araling Panlipunan 7

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Ang mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal
at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Pamantayan ng Pagganap (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyoal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo)
Mga Kasanayan sa Pagkakatuto (Learning Competencies)
MELC * Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog –Silangang Asya
Code: AP7KIS-IVc-1.6
I. LAYUNIN (Objective): Sa pagtatapos ng araling ito. Inaasahan na:

1. Naisa-isa ang mga pamamaraang ginagamit ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagtatamo ng


Kalayaan mula sa kolonyalismo

2. Nasusri ang mga pamamaraang ginagamit ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagtatamo ng


Kalayaan mula sa kolonyalismo

3. Nakalilikha ng iba’t ibang interpretasyon na nagpapakita ng damdaming makabayan

II. NILALAMAN (Content)


Hakbang sa Paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
III. KAGAMITANG PANTURO (Learning Resources)
A. SANGGUNIAN (References)

1. Araling Panlipunan

MELC-Quarter 4

B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO (Other Learning Resources)

https://www.youtube.com/watch?v=oI7eym3Qv2g

IV. PAMAMARAAN (Procedure)


A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Reviewing previous lesson
or presenting the new lesson)

Ang guro ay babasahin ang mga paalaala sa silid aralan:


*Palagiang suotin ang face mask
*Huwag mahihiya, ang silid aralan ay ligtas na lugar
*Kapag tinawag ni guro, tumayo at sagutin ang tanong ni guro
*Kapag may gusto sabihin o tanong, itaas ang kamay at hintayin tawagin ng guro
para masabi ang gustong sabihin o itanong
*Palagiang ipakita at ipamalas ang kabaitan at paggalang sa mga kaklase na
nagbabahagi sa klase.
*Gawin ang lahat ng makakaya, magsuportahan at maging masaya sa loob ng silid aralan.
Balik-aral
MATCHING TYPE
PANUTO: Gamit ang iyong panulat, itugma ang Hanay A sa Hanay B.

A B
Kadalasan, tumutukoy ito sa
masidhing pagmamahal sa bayan. Kilusang Propaganda
Subalit, maliban dito, ito rin ay
nangangahulugan ng pagkakatanto
ng isang nilalang o lahi na
mahalagang ipagtanggol ang
kaniyang bansa laban sa panlulupig
ng mga banyaga.

2. Tumutukoy sa panggitnang uri ng


tao sa lipunan. Sila ay nasa pagitan Middle Class
ng mayayaman at mahihirap na
grupo ng tao. Kadalasang batayan
nito ay pagkakaroon ng kayamanan
at kapangyarihan sa lipunan na
kinabibilangan.

3. Samahang itinatag ng mga Ilustrado


sa Pilipinas noong ika-19 na siglo.
Layunin nito na maisulog ang Panahon ng Meiji Restoration
reporma sa bansa sa ilalim ng
pamahalaang kolonyal ng España.

4. Isang rebolusyonaryong samahan.


Itinatag ito ng Supremo na si Andres Culture System
Bonifacio upang isulong ang ganap
na kalayaan ng Pilipinas mula sa
mga Español.

5. Si Emperador Mutsohito ang


nanguna sa pagyakap sa
Impluwensya ng mga kanluranin Nasyonalismo
bilang paraan sa modernisasyon ng
Japan noong 1867 hanggang 1912.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Establishing a purpose for the lesson)

Naniniwala ba kayo na tayong mga Pilipino ay mahilig kumanta?

May alam ba kayong mga awiting Pilipino na nagpapahiwatig sa pagmamahal sa bansa?

Pakinggan natin ang awitin aking ipapatugtog at unawaing Mabuti ang bawat salita o liriko ng awiting
ito.

https://www.youtube.com/watch?v=oI7eym3Qv2g
Ang awiting ating napakinggan ay isa lamang sa mga awiting nagbigay halaga sa mga pangyayari
noong panahon ng ating mga ninuno. Alam nyo ba na hindi lamang sa Araling Panlipunan Ninyo
maaring mapag-aralan ang tungkol sa pagiging makabansa kundi maging sa inyong asignaturang
Filipino ay itinuturo ang pagiging makabansa nating mga Pilipino lalu na tuwing ipinagdiriwang ang
Buwan ng Wika.

Ngayon tignan natin kung inyong masasagot ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng awiting inyong napakinggan?


2. Ano ang ipinahihiwatig ng awiting Pilipinas kong Mahal?
3. Sa anong paraan natin maipapakita ang pagiging Makabayan?

Magtatawag ang guro sa mga mag-aaral upang maibahagi ang kanilang saloobin tungkol sa mga
pamprosesong mga tanong. Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon maging kabahagi sa
talakayan.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Presenting examples/instances of the new


lesson)

Magbibigay ng gawaing may kaugnayan sa Bagong Paksa. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na
pangkat. Ang pangkat na unang makakabuo sa mga pinaghalong letra ang mananalo at magkakamit ng
premyo mula sa guro.

PANUTO: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa
inilalarawan ng pangungusap.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Discussing new


concepts and practicing new skills #1)

Pagbabahagi ng bagong kasanayan sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation na inihanda ng


guro.

Ang pananakop at pagpapahirap sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ay


naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon

sa pag-aabuso at pagsira sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na ang


tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.
HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN ASYA

Paglaya ng China

Dahil sa kasikatan ng produktong Tsino sa Europa, hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan sa


China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain nito. Ang pagkatalo ng
China sa Dalawang Digmaang Opyo ay nagging daan ng hindi makatwirang kasunduan at pagkakaroon
ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China.
Tatlong Uri ng Nasyonalismo ang umusbong:
• UNA, Nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga kanluranin at ang
impluwensya nito na pinangunahan ng Samahang Boxer.
• IKALAWA, Nasyonalismong may impluwensya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang
China yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr. Sun Yat-Sen at Chiang Kai-Shek.
• IKATLO, Nasyonalismong may impluwensya ng komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong.

Paglaya at Pagkahati ng Korea


Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang
kabishanan. Bunsod nito, maraming ginawang pagtatangka ang Korea upang mapatalsik ang mga
Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga
Hapones.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Discussing new


concepts and practicing new skills #2)

Sa pagpapatuloy ng aralin dumako na tayo sa mga hakbang sa paglaya ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya.

Paglaya ng Indonesia

Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno sa
pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes. Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng
23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy) base sa
Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa,
katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan.

Paglaya ng Burma

Nakamit ng Burma ang Kalayaan noong Enero 4, 1948 sa pamumuno ni U Nu bilang punong Ministro
ng Republika ng Burma na kalaunan ay nilipat kay Heneral Ne Win na isang diktador militar. Bilang
pinuno ng mga hukbong armado, pinairal niya ang ideolohiyang Myanmar Way to Socialism kung saan
kinukumpiska ng pamahalaan ang anumang negosyo at pangkalakalan, bangko at mga pribadong ari-
arian. Ito ang dahilan kaya nawalan ng hanap-buhay ang mga dayuhan.

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanyol sa Digmaang
Espanyol-Amerikano. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas
at ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya’t idineklara ang Kalayaan at nagtatag ng isang
Demokratikong Pamahalaan.
Subalit nanatili ang mga Amerikano sa Pilipinas, Nagkaroon ng Benevolent Assimilation o
paglilipat ng kapangyarihan ng mga Espanya sa Amerika. Sa pamamagitan ng Treaty of Paris
nagkaroon ng kasunduan ang Espanya sa Amerika at ibinenta ang Pilipinas sa halagang 20,000,000 US
Dollar. Lubus na tinutulan ng mga Pilipino ito kaya nagkaroon ng Digmaang Pilipino-Amerikano,
natalo ang mga Pilipino. Ang pagtatapos Ikalawang digmaang pandaigdig ang naging daan para
tuluyang makalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop.
F. Paglinang sa kabihasnan (Developing mastery (Leads to Formative assessment)

Paano ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangan Asya ang pagmamahal sa bansa?
Magbigay ng patunay sa iyong sagot.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Finding practical applications on concepts


and skills in daily living)

Para mailapat ang aralin sa pag araw araw na buhay, ang mga mag aaral ay sasagot sa mga
ilang katanungan:

1. Para sa iyo, Bakit mahalaga ang Kalayaan?

2. Ano ang gagawin mo kung may dayuhang nais sumakop sa ating bansa?

H. Paglalahat ng aralin (Making generalizations and abstractions about the lesson)

Sa kabuuan, muling susubukin ng guro ang kaalaman na nakuha ng mga mag-aaral sa


diskusyon:

Para sa paglalahat, punan ang hinihinging impormasyon sa talahanayan.

Bansa Pamamaraan na ginamit sa Ideolohiyang Niyakap


(Silangang-Asya) Paglaya

China Pakikipaglaban Demokratiko, Komunismo

Korea

Bansa Pamamarang ginamit sa paglaya Ideolohiyang Niyakap


(Timog-Silangang Asya
Burma (Myanmar)

Indonesia
PAGPAPAHALAGA: Isang mahalagang pamana ng ating mga ninuno ang
Pilipinas
pagpapahalaga sa dignidad upang matutong manindigan sa Karapatan para sa
Kalayaan. Ito ay itinuturo sa inyong asignatura na Edukasyon sa Pagpapakatao na
kaakibat ng mabuting pagpapasya ang isipin hindi lamang ang sarili kundi ang
ikabubuti ng nakakarami.

I. Pagtataya ng aralin (Evaluating Learning)

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang Sistema o lipon ng ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at
pagbabago nito. Ang mga halimbawa nito ay demokrasiya, kapitalismo, monarkiya, totalitaryanismo,
autoritaryanismo, soyalismo, at komunismo.
a. Heograpiya
b. Ideolohiya
c. Topograpiya
d. Wala sa nabanggit
2. Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming bansa sa buong mundo na nagdulot ng
malawakang pagbabago.
a. Digmaang Pandaigdig
b. Cold War
c. Digmaang Sibil
d. Lahat ng nabanggit
3. Pagpapalwak ng kapangyarihan at teritoryo sa pamamagitan ng pananakop ng hindi lang isa kundi
maraming teritoryo o bansa.
a. Kapitalismo
b. Komunismo
c. Nasyonalismo
d. Imperyalismo
4. Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa upang makontrol at magamit ang likas
na yaman nito para sa pansariling interes. Bunga nito ay karaniwang naabuso at napagsasamantalahan
ang bansa at mamamayan na nasakop.
a. Totalitaryanismo
b. Sosyalismo
c. Kolonyalismo
d. Komunismo
5. Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig pang matigil na ang kanilang sigalot o ‘di
pagkakaunawaan, nagkakaroon ng usapan o kompromiso ang magkabilang panig.
a. Kasunduan
b. Pagpupulong
c. Eleksyon
d. Wala sa nabanggit

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin (Additional activities for application or


remediation)

PERFORMANCE TASK

Ngayong panahon ng pandemic,sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong nasyonalismo sa ating
republika? Maaaring gumawa ng tula, awit, o poster-slogan at i-video ang iyong sarili. Ang video ay
hindi hihigit sa 2 minuto.
Rubriks
Nilalaman 5
Pagkamalikhain 10
Kaugnayan sa Paksa 5
Malinis at Maayos 5
TOTAL 25

You might also like