Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SAINT GABRIEL COLLEGE

Old Buswang, Kalibo, Aklan

BACHELOR OF SCIENCE IN NURSING


Level 1 – Section C

PANGKATANG GAWAIN SA FILIPINO – 1

Ipinasa nina:

Celestino, Milca C.
Crescini, Lovely Kate B.
Dalingding, Chansei O.
David, Emma Mae M.
Del Mundo, Jonas Tristan

Ipinasa kay:

Bb. Nestella-Mae C. Castillon


Guro sa Filipino – 1
Mga Tanong:

1. Ano ang mahalagang gampanin ng pamahalaan sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng


Wikang Pambansa?

“Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong estado. Nasa mga mamamayan ang
kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.”
Base sa siping binanggit, ang pamahalaan ay isang mahalaga at makapangyarihang institusyon sa
ating bansa, kaya’t malaki ang gampanin nito sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Ang komisyon ng wikang Filipino, pangunahing ahensya ng pamahalaan na may katungkulang
magsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang
wika sa bansa, ang siyang namamahala at nagsasagawa ng mga hakbang na ang layunin ay may
kinalaman sa pagpapayabong ng wikang pambansa. Gayunpaman, ang pamahalaan rin ang nagbibigay ng
mga kautusan na naaayon sa batas ng ating bansa at nagbibigay ng pondo upang matugunan ang
pangangailangang may kinalaman sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Tayong mga
Pilipino ay mas makapangyarihan kaysa pamahalaan kaya’t ang mga boses natin ay gawing instrumento
upang mas mapalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino na unti-unti nang naglalaho.

2. Paano makatutulong ang mga nabibilang sa mga makapangyarihang domeyn sa


pagpapalakas ng ating Wikang Pambansa?

Malaki ang gampanin ng mga nabibilang sa mga makapangyarihang domeyn upang makatulong
sa pagpapalakas ng ating wikang pambansa sapagkat binuklod nito ang mga lahing Pilipino hindi lamang
sa bansa natin pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa
lengguwahe na ginamit ng mga mamamayan sa isang bansa. Upang mapalakas ang wikang pambansa,
may mga iba’t ibang domeyn na tumutulong upang maisakatuparan ito. Kabilang dito ang administrasyon
ng pamahalaan, teknolohiya at industriya, siyensya, maging edukasyon sa lahat ng antas sapagkat bahagi
ito ng pang araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Malaki ang tungkulin ng pamahalaan sa
pagpapalakas ng wikang pambansa dahil sila ang nag-aatas ng mga gampanin sa bawat departamento na
magsagawa ng pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang pambansa upang
mas mapalakas ito. Ang siyensya, teknolohiya at industriya naman ay sama-samang nagtutulungan upang
mapaunlad ang bansa maging ang wika nito. Sa larangan naman ng edukasyon, ginagamit ang wikang
pambansa bilang wikang panturo sapagkat ito ang mas nauunawaan o naiintindihan ng mga mag-aaral sa
bawat aralin na kanilang tinatalakay at nakatutulong ito upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman
patungkol sa pananaliksik, panitikan, literatura at wikang Filipino. Ang kagawaran ng Edukasyon din ay
maaaring makabuo ng mga pagsasaliksik na pumapatungkol sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng wikang
pambansa.

3. Paano palalakasin sa larangan ng edukasyon at nang lampas pa ang Wikang Pambansa?

Ang edukasyon o pagtuturo sa pinakamalawak na kahulugan nito ay proseso ng pagpapadali ng


pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang
sa mga pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo, pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay at
nakadirektang pananaliksik. Gaya ng nabanggit, dahil wikang Filipino ang wikang panturo, mas
nauunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin, napapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa
panitikan, literatura at wikang Filipino. Sa larangan ng edukasyon, maaaring makapagbubuo ng mga
saliksik tungo sa pagtangkilik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Malaki ang tulong at sa larangan ng
edukasyon ang pagpapalakas ng ating wikang pambansa. Dahil sa pamamagitan ng pagtuturo sa
kahalagahan at mapaunawa ang importansya nito lalong-lalo na sa mga kabataan ay naipapalaganap at
naibabahagi natin ang gamit nito sa pagdaan ng maraming taon at matangkilik ito ng mga susunod pang
henerasyon.
4. Ano ang mga benepisyo ng mga Higher Education Institutions (HEI) sa Wikang
Pambansa?

Ilang taon ang nakalipas ayon sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema sa usapin ng wikang
pambansa, ang mga Higher Education Institutions (HEI) kagaya ng mga kolehiyo ay hindi na kailangang
ituro pa ang Filipino sa kanilang mga estudyante. Ito ay ang naging opisyal na interpretasyon ng Korte sa
saligang batas. Kailangan lamang ang pagtuturo ng FIlipino sa elementarya at sekondarya. Ngunit sa
kolehiyo may kalayaan na ang mga opisyal ng paaralan kung ano-anong lengguwahe ang kanilang ituturo
at hindi ito lalabag sa konstitusyon. Maraming hindi sumang-ayon rito partikular na ang mga guro at mag-
aaral sa Filipino sapagkat nagiging bulok na hakbang ito upang lubusan nang humina ang buhay ng
wikang Filipino sa mga Pilipino. Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay maaring
makaapekto sa mga mag-aaral at guro sa paglinang at paggamit ng wikang Filipino ng wasto lalo na sa
pakikipagtalastasan. Maaring magdulot ito ngnkalituhan sa mga estudyante dahil mawawalan sila ng
ideya at impormasyon kung paano angwastong paggamit ng wika. Mahihirapan din sila sa pag-intindi ng
wika sa paglipas ng panahon dahil maaari nilang makalimutan ang wastong paggamit nito at ang mga
kahulugan ng ibang mga salita. Kaya’t may mga benepisyo pa rin kung patuloy na ituturo ng mga Higher
Education Insitutions (HEI) ang wikang Filipino. Kapag patuloy na itinuturo ang wikang pambansa, mas
magiging maalam ang mga estudyante sa wika at literaturang Filipino at mas mapapayaman pa ito
sapagkat buhay at kaluluwa ito ng Pilipinas at tunay na pagka-Pilipino. Kaya’t sa mga nabanggit na sagot
sa mga naunang katanungan, malaki ang gampanin ng pamahalaan sapagkat makapangyarihan ito upang
mapalaganap, mapalakas, at mapaunlad ang wikang pambansa.

5. Ano-ano ang mga suliraning makakaharap sa pagpapalakas sa Wikang Pambansa?

Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat ay pahalagahan natin ang ating wikang pambansa. Ang
paggamit nito ay mahalaga dahil isa ito sa ating kayamanan at ito ay isang paraan upang maipakita natin
ang ating pagmamahal hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa ating wika. Mahalaga rin ito dahil
ito ang pinakamahalagang pagkakakilanlan lalo na sa ating mga Pilipino. Ngunit sa pagpapalakas ng
wikang pambansa, may kaakibat pa rin itong suliranin na makakaharap partikular na sa mga paaralan.
Maaaring sa pagpapalakas nito, ang pamahalaan mismo ang nagiging balakid dahil sa kani-kanilang
personal na interes at pagiging ‘pro-foreigner’. Pwedeng maging isang kahinaan rin ito lalong-lalo na sa
mga Higher Education Institutions (HEI) dahil nababawasan ang oras na pwede na sanang ilaan sa mga
tinatawag na specialized subjects kung saan mas mapag-aaralan ng mga estudyante ang kani-kanilang
major subjects. Hindi rin madaling mapanatili ang paggamit ng Filipino dahil may iba’t-ibang
lengguwahe na ginagamit ng iilan lalong-lalo na sa maagang pag-aaral. Ayon kay Ginoong Luis Bajar,
isang practicumer, hindi maisasaklaw sa iisang wika lamang ang wikang panturo sa loob ng silid-aralan
dahil ang mga bata ay mayroong iba’t ibang pangunahing lengguwahe. Dagdag pa niya na kahit mas
magiging komportable at madali ang kaniyang pagtuturo gamit ang Filipino, hindi palaging pwedeng
gamitin ang wikang ito sa pagtuturo dahil ang iba sa kaniyang mga estudyante ay mas marunong sa
wikang Ingles. Iilan lamang ito sa mga suliraning kinakaharap sa pagpapalakas sa wikang pambansa.
Gayunpaman, ang patuloy na pagpapalaganap at pagpapalakas sa wikang pambansa ay daan upang mas
maging maalam ang Pilipino lalong-lalo na ang mga kabataan sa wikang Filipino na siyang buhay at
kaluluwa ng isang tunay na pagka-Pilipino.

Mga Reperensiyang Ginamit sa Pananaliksik:


https://philippineculturaleducation.com.ph/komisyon-sa-wikang-filipino/2.
https://ejournals.ph/article.php?id=7717
https://isyumundo.blogspot.com/2020/11/mga-suliranin-sa-pagtuturo-ng-wikang.html

You might also like