Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UNANG LAGUMANG PAGTATAYA

Filipino 10 (Mitolohiya)
Pangalan: ______________________________________Baitang & Pangkat: _________________ Petsa_____________

I. Alamin ang sagot sa bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Anong uri ng panitikan ang “Cupid at Psyche”


a. Tula b. Epiko c. Mitolohiya d. Sanaysay
2. Ang “Aenid” ay mitong nilikha ni Virgil ng Rome na katapat ng _______ ni Homer ng Greece.
a. Metamorphoses b. Beowulf c. Gilgamesh d. iliad and Oddysy
3. Sa aling bansa hinalaw ng mga taga Rome ang kanilang mitolohiya?
a. Greece b. France c. Germany d. Russia
4. Sino ang diyosa ng kagandahan na nainggit sa kagandahan ni Psyche?
a. Cupid b. Athena c. Venus d. Hera
5. Sino ang diyos ng pag-ibig na naakit sa kagandahan ng isang mortal na tao?
a. Apollo b. Cupid c. Mercury d. Jupiter
6. Ano ang magandang katangian ng mag-asawa na makita kina Wigan at Bugan?
a. Pagmomoma b. Pagdesisyon na sama-sama
c. Si Wigan lamang ang masusunod d. Si Bugan lamang ang nagdedesisyon
7. Nagalit ang diyosa ng kagandahan kay Psyche sa mga dahilan na ---
a. Naungusan ang kagandahan niya ng isang mortal b. Hindi na siya pinansin ng mga lalaki
c. Minahal siya at inaalayan ng mga lalaki d. Nasdaktan si Cupid
8. Ang suliranin nina Wigan at Bugan na idinulog sa mga diyos-diyosan ay,
a. Kawalan ng moma b. Kawalan ng makain c. Kawalan ng pag-ibig d. Kawalan ng anak
9. Isang magandang nilalang na pinupuri ng mga kalalakihan kung saan ang diyosa ng kagandahan ay naiinggit sa
kanya?
a. Venus b. Psyche c. Diana d. Minerva
10. Ang ambrosia ay isang uri ng pagkain na kapag kainin ng isang mortal siya ay maging ---
a. Pangit na nilalang b. Isang halimaw c. Isang immortal d. Kagaya ni Venus
11. Ang pagpakahulugan ng Cupid at Psyche ay ---
a. Pag-ibig at Pasyon b. Pasyon at Pag-ibig c. Pag-ibig at kaluluwa d. Kaluluwa at pag-ibig
12. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
pagtitiwala”?
a. “Walang pag-ibig kung walang tiwala” c. titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
b. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala d. ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
13. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong “Cupid at Psyche”?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid
b. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi
d. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid
14. Alin sa mga sumusunod ang tunay na nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili base sa akdang “Cupid at
Psyche”?
a. Pagkainggit ni Venus sa kagandahan ni Psyche d. hindi pagsunod ng ama ni Psyche sa utos ni Apollo
b. Pagkalito ng isip ni Psyche kung susundin ba niya ang utos ng kaniyang mga kapatid
c. Ang pag-alis ni Cupid dahil hindi sinunod ni Psyche ang kaniyang mga payo
15. Bakit nilito ng dalawang kapatid ang pag-iisip ni Psyche noong nalaman nila ang estado niya ngayon?
a. Dahil iniutos ng kanilang ama na muli silang magsama-sama sa iisang tahanan o bahay
b. Dahil mahal na mahal niya ang mga ito bagkus pinapaalis na nila ito sa palasyo at sumama na lamang sa
kanila
c. Dahil nalaman nila na ang lalaki ay isang halimaw at nararapat lamang na tumakas agad-agad.
d. Dahil inggit na inggit sila sa kayamanan na mayroon siya ngayon
16. Alin sa mga sumusunod ang unang pagsubok na ibinigay ni Venus kay Psyche bilang isang alipin?
a. Pagbubuklod ng maliliit na boto c. Pagkuha ng gintong balahibo galling sa mga tupa
b. pagkuha ng kagandahang galing sa diyosa na nakatira sa ilalim ng lupa d. pagkuha ng itim na tubig sa ilog

17. Anong gawain o pagsubok ang ibinigay ni Venus na ikinapahamak ni Psyche?


a. Binigyan niya si Psyche ng prasko at pupunuin ito ng itim na tubig mula sa ilog ng Styx
b. Inutusan niya si Psyche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya ang magkakauring buto
c. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng kagandahang kukunin sa diyosa mula sa ilalim
ng lupa
d. Pinakuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog
18. Paano nagtapos ang mitolohiyang “Cupid at Psyche”?
a. Hindi sinamba ng mga tao si Venus sapagkat hindi maganda ang ugali nito
b. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang panig, tinutulan ni Venus ang kanilang pagpapakasal
c. Nagpakasal sina Cupid at Psyche at naging ganap na mortal si Cupid.
d. Nagpakasal sina Cupid at Psyche at naging ganap na immortal si Psyche.
19. Ano ang pinakagintong aral na maaaring makuha sa mitong ito?
a. Mahalin natin ang ating mga magulang sapagkat lagi silang nandiyan para sa atin
b. Pahalagahan ang pag-ibig ng bawat isa sapagkat dahil dito maari mong malampasan ang lahat ng iyong
problema
c. Makinig sa sinsabi at pinapayo ng iba sapagkat hindi natin alam na makakatulong ito para sa atin
d. Aanuhin pa ang pag-ibig kung wala naman itong pagtitiwala
20. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at ang Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
d. Hindi, sapagkat banal at makatarungan ang Diyos samantalang makasalanan ang tao.
21. Naglakbay ang haring ama ni Psyche dahil hihingi siya ng payo kay Apollo. Ano ang gamit ng pandiwa sa
pangungusap?
a. Aksiyon b. karanasan c. pangyayari
22. Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Ano ang gamit ng pandiwa?
a. Aksiyon b. karanasan c. pangyayari
23. Tumawa si Bummabakker sa balak ni Bugan na wakasan ang kaniyang buhay. Ano ang gamit ng pandiwa?
a. Aksiyon b. karanasan c. pangyayari
24. Naglakad patungong silangan si Bugan matapos niyang kumain. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
a. Aksiyon b. karanasan c. panyayari
25. Nagdiwang sina Bugan at Wigan dahil mayroon nang buhay na tumitibok sa kanyang sinapupunan. Ano ang
gamit ng pandiwa sa pungungusap?
a. Aksiyon b. karanasan c. pangyayari

II. Base sa nasalungguhitang pandiwa sa bawat pangungusap, tukuyin mo ang gamit ng mga ito. Isulat sa patlang kung ito
ba ay aksiyon, karanasan, o pangyayari.

26. _______________ Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid na mag-ingat sa kaniyang asawa.
27. _______________ Nasuklam si Venus sa ginawa ni Psyche kay Cupid.
28. _______________ Nalungkot si Psyche sa pagsubok ni Venus.
29. _______________ Umibig ang lahat ng kababaihan kay Cupid.
30. _______________ Dahil sa pagiging mausisa, nabuyo siya.
31. _______________ Hindi nasiyahan si Jupiter dahil sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
32. _______________ Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
33. _______________ Tumulong ang mga langgam kay Psyche upang maisaayos ang mga buto.
34. _______________ Nahimatay si Psyche dahil sa pagbukas niya ng kahon.
35. _______________ Umuwi siya sa kaharian ni Venus.

III. Sumulat ng isang pangyayari tungkol sa mga kababalaghang naranasan mo maaaring nasa bahay ninyo sa isang lugar
na bantog tungkol sa mga ispirituwal na kaganapan. Hlimbawa: Aswang, Mga duwende, Tiyanak, Engkanto, Kaluluwang
bumabalik. Isulat sa ibaba ang iyong karansan.

____________________________________
PAMAGAT

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like