Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 6

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ____________________


Paaralan: ______________________________________________ Marka: ___________________
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Ano ang tawag sa maikling programa o palabas na nagpapabatid, nanghihikayat o
nagbibigay-kaalaman patungkol sa isang bagay para sa publiko?
A. drama B. interbyu C. patalastas D. telenobela
2. Anong bahagi ng pananalita ang nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng
pangungusap?
A. pang-angkop B. pangatnig C. pangawing D. pang-ukol
3. Ito ay maaaring kaugnay ng isang konsepto o kaisipan o kaugnay na kahulugan
ng isang salita.
A. magkakasalungat na salita B. magkakatambal na salita
C. magkakaugnay na salita D. matatalinghagang salita
4. Ang pagkaharuyo niya sa pag-aalaga ng mga halaman ang nag-aalis ng kaniyang
pagod. Ano ang kaugnay na salita ng may salungguhit?
A. pagkaakit B. pagkabahala C. pagkainis D. pagkatamlay
5. Ano ang tawag sa kaisipan na ibinibigay na maaaring sumasang-ayon o taliwas sa
pananaw ng iba?
A. di-piksyon B. katotohanan C. opinyon D. piksyon
6. Upang maiwasang makasakit ng damdamin ng iba paano ka magbibigay ng
sariling reaksiyon?
A. magalang B. malakas C. nakangiti D. seryoso
7. Ano ang tawag sa mga talaarawan, editorial, artikulo o sanaysay na batay sa mga
totoong pangyayari?
A. di-piksyon B. kathang-isip C. opinyon D. piksyon
8. Ito ay binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa
paraang pasalaysay o pakuwento?
A. di-piksyon B. katotohanan C. opinyon D. piksyon
9. Ano ang tawag sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari?
A. bunga B. epekto C. resulta D. sanhi
10. Anong ang tawag sa ilustrasyon na nakakatulong para madaling maunawaan at
mailahad ang mga datos na nailahad sa teksto?
A. paggawa ng pangungusap B, paggawa ng tsart o dayagram
C. pagsali sa debate D. lahat ng mga nabaggit
11. Ano ang tawag sa paraan ng pagsusuri kung makatotohanan ang mga
pangyayari, kilos o ugali ng mga tauhan sa kuwento?
A. balitang isports B. book report
C. iskrip sa radio D. pagsulat ng liham editor
12. Ito ang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga dayalogong binabasa ng
tagapagbalita.
A. balitang isports B. book report
C. iskrip sa radio D. pagsulat ng liham editor
13. Anong aklat ang tinitingnan kung nais mong hanapin ang depinisyon o
kahulugan ng salita?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Thesaurus
14. “Bibo na cellphone ang gamitin, ito’y matibay at performance ay magaling!”
Anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit?
A. pandiwa B. pang-abay C. pangngalan D. pang-uri
15. Ano ang kaugnay na salita ng dagat, ilog at batis?
A. bundok B. burol C. kapatagan D. talon
16. Alin ang opinyon sa mga sumusunod?
A. Panahon ng tag-ulan ngayon.
B. Malakas ang nakaraang bagyo na si Betty.
C. Sa tingin ko maganda ang sikat ng araw mamaya.
D. Buwan ng Hulyo at Agosto ang bakasyon ng mga bata.
17. Alin ang di-piksyon sa mga sumusunod?
A. Sina Leon at Daga B. Si Mariang Makiling
C. Ang Alamat ng Pinya D. Ang Talambuhay ni Andres Bonifacio
18. Nag-aral siyang mabuti kahit mahirap ang kalagayan ng kanilang buhay kaya
ngayon may maganda na siyang trabaho. Ano ang bunga sa pangungusap?
A. nag-aral siyang Mabuti
B. may maganda na siyang trabaho
C. kahit mahirap ang kalagayan ng kanilang buhay
D. nag-aral siyang mabuti kahit mahirap ang kalagayan
19. Bakit kapakipakinabang ang paggawa ng grap?
A. makulay ito
B. mahirap itong gawin
C. malinaw at siyentipiko ang pagtalakay sa paksa
D. maraming uri ng grap na maaaring pagpipiliaan
20. Sa pagsusulat ng liham editor, alin ang ginagamit sa bating panimula?
A. Ginoo B. Sumasainyo
B. Ika-20 ng Peb. 2022 D. Castro, Sudipen, La Union
21. Nais mong mangalap ng datos tungkol sa nakaraang Olympic games, ano ang
iyong gagamitin?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Thesaurus
22. “Sa Joy, ang bula! Kaya ang nahuhugasan__ pinagkainan ay malinis at mabango
pa!” Anong pang-angkop ang nawawala?
A. g B. na C. nang D. ng
23. Napakahalaga sa pagtuturo ng mga guro ngayon ang laptop, printer at
___________.
A. bag B. cartolina C. chalk D. telebisyon
24. Patuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ano ang angkop na
reaksiyon mo dito?
A. Huwag ng makialam para hindi nila tayo isunod sa kanilang away
B. Ipagdasal natin na sana’y maghari na ang kapayapaan sa pagitan nila
C. Sana magkaisa na ang mga progresibong bansa at lupigin nila ang Russia
D. Hilinging sumuko na ang Ukraine dahil makapangyarihang bansa ang Russia
25. Gagawa ka ng di-piksyon na sulatin, ano ang maari mong isulat?
A. mga bugtong B. sulatin tungkol sa buhay mo
C. dayalogo nina kalabaw at baka D. kuwento tungkol sa kababalaghan
26. Nakinig siyang mabuti sa payo ng kaniyang mga magulang
______________________.
A. kaya hindi siya napariwara sa buhay
B. kaya maraming oras niya ang nasayang
C. dulot nito’y hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral
D. bunga nito’y hindi maganda ang kaniyang kinahinatnan
27. Ilang porsiyento ang naibibigay na baon sa mga anak?
A. 5% B. 10% C. 20% D. 40%
28. Mahilig manood at magkuwento si kuya Dan tungkol sa kaganapan sa larong
basketbol, kung gagawan niya ito ng balita anong uri ng balita ang kaniyang
gagawin?
A. balitang isports B. balitang pandaigdig
C. editorial D. komiks
29. Gusto ni Chef Sara Geronimo na maitampok ang kaniyang husay sa pag-bake,
saan ito puwedeng mailimbag?
A. Almanac B. Atlas C. Magasin D. Thesaurus
30. May iba na namang variant ng COVID-19 na natuklasan ang mga eksperto. Ano
ang pinakaangkop na reaksiyon mo sa bagay na ito?
A. naaalarma ka na dahil sa walang katapusang paglaganap ng bagong sakit
B. mas lalo ka pang mag-iingat upang hindi ka mahawaan at panatilihing
malusog
C. naiinis ka ng makinig sa mga sinasabi nila dahil pawang kuwento lang ang
mga ito
D. kinikilabutan ka ng manood ng balita dahil sa iba’t-ibang sakit na naibabalita
nila
31. May nabasa ka tungkol sa kapangyarihan ni leon bilang hari sa kagubatan,
anong uri ng babasahin ito? Bakit?
A. Di-piksyon dahil ang leon ang hari ng mga hayop sa gubat
B. Katotohanan dahil takot ang lahat ng mga hayop sa gubat kay leon
C. Opinyon dahil totoo na makapangyarihan ang leon at pati tao ay takot sa
kaniya
D. Piksyon dahil walang taglay na kapangyarihan ang leon, tunay na mabangis
lang ito
32. Lahat ay bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, alin ang
nagsasaad ng sanhi?
A. pagtanggap kay Hesus bilang tagapagligtas
B. pagiging matatag sa lahat ng hamon ng buhay
C. pagbabasa ng Bibliya, pagpupuri sa Diyos at pagmamahal sa kapwa
D. pagpapanalangin sa mga maysakit, biktima ng karahasan at kalamidad
33. Lahat ay mga hakbang sa pagsusulat ng liham sa editor maliban sa isa, alin ang
HINDI?
A. Magpasya sa dahilan ng pagsulat.
B. Piliin ang pahayagan kung saan mo ipapadala ang sulat.
C. Iwasang basahin ang iba pang mga liham sa editor sa pahayagang napili.
D. Maghanap ng mga tagubilin sa kung paano magsulat ng mga titik sa iyong
napiling pahayagan.
34. Alin ang nagsasaad ng tamang pahayag tungkol sa mga sanggunian?
A. Walang nilalamang patalastas ang mga magasin.
B. Ang Almanac ay taunang inililimbag at naglalaman ng bilang ng populasyon.
C. Makikita sa Thesaurus ang kahulugan, pagpapantig at kasalungat ng mga
salita.
D. Ang Diksyunaryo ay araw-araw na inililimbag at paalpabeto ang ayos ng mga
salita.
35. Aling pangungusap ang may salitang magkaugnay?
A. Naiinip na akong naghihintay sa kaniya kaya iniwan ko na siya.
B. Dahan-dahan siyang umalis nang iniwan niya ang kaniyang kapatid.
C. Matulin siyang magpatakbo ng sasakyan kaya mabilis kaming nakarating.
D. Napaso ang kamay ni nanay nang hinawakan niya ang mainit na kaserola.
36. Bakit ang kuwento tungkol sa mga sirena at syokoy ay pawang kathang-isip
lamang?
A. dahil sila ay napapanood sa telebisyon
B. dahil batay ang mga tauhan sa mga sinaunang tao sa ating bansa
C. dahil halaw ito sa mga pangyayari noong panahon ng ating mga ninuno
D. dahil wala namang mga ganitong nilikha ng Diyos, sila ay mula sa mayamang
imahinasyon ng mga manunulat

37. Lahat ay isinaalang-alang sa paggawa ng tanong mula sa dayagram, tsart o


mapa maliban sa isa. Alin ang HINDI kasali?
A. Bumuo ng kahit anong tanong.
B. Pag-aralan nang mabuti ang larawan.
C. Isulat ang mga tanong nang maayos at maliwanag.
D. Gumamit ng mga magagalang na salita sa pagtatanong
38. Bakit araw-araw na inililimbag ang diyaryo?
A. dahil mura lamang ito
B. para maibalita ang mga pang-araw-araw na pangyayari
C. para mapaghambing ang balita sa TV at ang nakalimbag na balita
D. dahil maraming tao ang mas hilig magbasa ng balita kaysa makinig sa radio
39. Gumawa ng tatlong pangungusap na may pang-uri. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI mo isasali?
A. Ang batang may Vitamin C ay malusog at protektado!
B. Para kamay ay laging malinis, AlcoPlus ang laging gamit.
C. Kapag nakararanas ng lagnat, Paracetamol lang ang katapat.
D. Sa sabong On-guard, namamatay ang mabagsik na mikrobyo.
40. Mahilig maglaro ng Mobile Legend si Ariel. Pinayuhan siya ng kaniyang nanay na
isang oras lamang siya maglaro sa maghapon subalit kapag nasa silid na siya ay
palihim pa ring naglalaro at napupuyat. Isang araw ay bumangon siyang
napakasakit ang kaniyang ulo at nahihilo. Alin ang tamang pagpapahayag ng
sanhi at bunga?
A.
Sanhi: Nahihilo at masakit ang ulo ni Bunga: Napupuyat siya sa paglalaro
Ariel
B.
Sanhi: Isang oras lamang dapat na Bunga: Palihim siyang naglalaro sa
maglaro ng Mobile Legend si Ariel silid
C.
Sanhi: Hindi sinunod ni Ariel ang Bunga: bumangon siyang napakasakit
kaniyang ina at napupuyat siya sa ang kaniyang ulo at nahihilo
paglalaro ng ML
D.
Sanhi: Isang araw ay bumangon si Bunga: Hindi siya nakinig sa payo ng
Arfel na napakasakit ang kaniyang ulo kaniyang nanay bagkus palihim siyang
at siya ay nahihilo naglalaro
FILIPINO Answer Key

1 C 11 B 21 A 31 D
2 C 12 C 22 A 32 A
3 C 13 C 23 D 33 C
4 A 14 D 24 B 34 B
5 C 15 D 25 B 35 C
6 A 16 C 26 A 36 D
7 A 17 D 27 A 37 A
8 D 18 B 28 A 38 B
9 D 19 C 29 C 39 C
10 B 20 A 30 B 40 C

You might also like