Lagumang Pagsusulit (Week 3 - 4)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

HINAWANAN NATIONAL HIGH SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT sa
PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(Week 3 & 4)

UNANG BAHAGI:
Panuto. Basahin ang mga pangungusap at isulat ang salitang inilalarawan o tinutukoy rito. Piliin ang mga
kasugatan sa kahon.

parabola banghay tema


anekdota panauhan suliranin
naratibo banghay kasukdulan
tagpuan alamat tunggalian
tauhan pabula kakalasan
1. Nasasagot sa bahaging ito ng balangkas ng kuwento ang tanong na sino, saan at kalian.
2. Tinatalakay sa bahaging ito ang suliraning kakaharapin o kinakaharap ng pangunahing tauhan.
3. Sa bahaging ito mababasa ang kinahinatnan ng mga tauhan sa kuwento.
4. Dito mababasa ang madudula o kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
5. Bumababa na ang tension at nareresolba na ang mga suliranin na nagpapahiwatig na magwawakas na
ang kuwento.
6. Sangkap na tumatalakay sa kabuuang paksa ng kuwento.
7. Sa sangkap na ito ng maikling kuwento matutukoy ang paraan ng pagsasalaysay.
8. Tumutukoy ito sa simula, gitna at wakas ng kuwento.
9. Ang kuwentong ito ay tungkol sa maaaring pinagmulan ng mga bagay sa ating paligid.
10. Mga iba’t ibang uri ng hayop ang gumaganap sa ganitong uri ng kuwento.
11. Ang mga kuwentong ito ay mula sa Bibliya na nag-iiwan ng aral.
12. Ang uri ng pagsasalaysay na ito ay may layuniang magbibigay ng aliw o malibang.
13. Ang uri ng maikling kuwentong ito ay may layuning magbigay kaalaman sa mambabasa.
14. Ang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy at naglalarawan sa lugar na pinagganapan ng
kuwento.
15. Ang mga gumaganap sa maikling kuwento.

IKALAWANG BAHAGI:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pagpapahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at kung
Mali isulat ang salitang nagpapamali at isulat ang tamang salita sa tapat nito. Isulat ang tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

16. Sa tekstong prosidyural ay inilahad ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahan.
17. Ang hindi wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay upang matagumpay na maisagawa ang
isang bagay.
18. Dapat magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat.
19. Dapat ding malinaw at tama ang pagkakasunud-sunod ng dapat gawin upang hindi malito ang gagawa
nito.
20. Nakatutulong ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging
madaling maunawaan ng sinumang gagawa nito.
21. Hindi kailangan ng malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin sa pagsulat ng tekstong prosidyural.
22. Hindi kailangang gawing komplikado ang paglalahad ng proseso o hakbang sapagkat hindi ito
mauunawaan ng mambabasa.
23. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t nasusundan.
24. Walang kasiguraduan na ang gawain ay maisasakatuparan sapagkat sinusunod ang tamang
pamamaraan.

IKATLONG BAHAGI:
25-29 .Magbigay ng limang halimbawang panandang pandiskurso
30. Magbigay ng isang katangian ng tekstong prosidyural.

Jeson J. Galgo 2022


Jeson J. Galgo 2022
Answer-Key:

Unang Bahagi:

1. tema 6. banghay 11. Parabula


2. suliranin 7. panauhan 12. anekdota
3. kasukdulan 8. banghay 13. naratibo
4. tunggalian 9. alamat 14. tagpuan
5. kakalasan 10. pabula 15. tauhan

Ikalawang Bahagi:

16. wasto 17. hindi 18. wasto 19. wasto 20. wasto

Jeson J. Galgo 2022

You might also like