Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
Regional Diagnostic Assessment Test
FILIPINO 5

Panuto:  Sagutin ang mga tanong gamit ang mga graph na nasa baba.

1. Ilang bata ang may normal na timbang


noong Hulyo?  
A. 25  C. 35  
B. 30  D. 40 
2. Ilang bata ang may normal na timbang
noong Agosto?  
A. 25  C. 35  
B. 30  D. 40 
3. Ilang bata ang may normal na timbang noong Nobyembre?  
A. 25  C. 35  
B. 30  D. 40 
4. Anong mga buwan ang may pantay na bilang ng mga batang normal ang timbang? 
A. Hulyo at Oktubre 
B. Setyembre at Oktubre  
C. Oktubre at Nobyembre  
D. Agosto, Setyembre at Nobyembre
5. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para
sa edukasyon? 
A. 5%  C. 20% 
B. 10% D. 45% 
6. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para
sa pagkain? 
A. 5%  C. 20% 
B. 10% D. 45% 
7. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para
sa tubig at kuryernte? 
A. 5%  C. 20% 
B. 10% D. 45% 
8. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit
maliit na bahagdan? 
A. pag-aaral C. pagkain 
B. pag-iimpok D. tubig at kuryente 
9. Aling pangangailangan ang may pinakamalaking
bahagdan? 
A. pag-aaral C. pagkain 
B. pag-iimpok D. tubig at kuryente

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
10. Ilang kilowatt ang nakonsumo ng pamilya Santos sa buwan ng Enero? 
A. 50  C. 125 
B.100  D. 150  
11. Anong buwan ang may pinakamalaking konsumo? 
A. Abril C. Marso 
B. Hulyo D. Mayo  
12. Anong buwan ang may pinakamaliit konsumo? 
A. Abril C. Marso 
B. Hulyo D. Setyembre

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Piliin ang tamang sagot.

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay
ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang magagawa ngayon ay
hindi na dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos nito ay
naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of America. Si Quezon
ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas
at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng Malasariling Pamahalaan noon.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na


pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng
pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino.
Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018,


Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214
13. Si Manuel L. Quezon ay kilala sa taguring _________________________?
A. Mabuting Lider
B. Mahusay na Mambabatas
C. Matapang na Pangulo
D. Ama ng Wikang Pambansa
14. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
A. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
B. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
C. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
D. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.

15. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo?

A. Alamat
B. Kuwentong-bayan
C. Pabula
D. Talambuhay
16. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A. guro, doctor, abogado
B. senador, modelo, kawal
C. alkalde, kongresista, pangulo

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
D. abogado, gobernador, senador
17.   Alin sa sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?
A. Mga Ambag ni Manuel Quezon.        
B. Manuel  Quezon,Ama ng Wikang Pambansa.         
C. Manuel Quezon at ang Pamahalaang Komonwelth.
D. Manuel Quezon at ang bansang Pilipinas.                

Panuto: Suriin ang mga suusunod na talata. Piliin ang angkop na pamagat.

18. Lupang Hinirang ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas. Isinasalaysay ng awit ang
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan. Ipinahahayg din nito ang pagmamahal sa bayan at
ang kahandaang ipagtanggol sa anumang pagkakataon.
A. Bayang Magiliw
B. Pambansang Awit
C. Lupang Hinirang
D. Katapangan ng mga Pilipino
19. . Ang Unang Republikang Pilipino ay ang pamahalaan ng itinatag kasabay ng pagpapahayag ng
Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 bayan ng Malolos,  sa lalawigan ng Bulacan
hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo sa mga sundalong Amerikano noong Marso3,
1901 sa Palana Isabela na nagtapos sa Unang Republika . Ito ang unang republikang itinatag sa
Asya .
A. Ang Pamahalaan ng Pilipinas
B. Saligang Batas sa Malolos
C. Pagsuko ni Emilio Aguinaldo
D. Unang Republikang Pilipino
20. Ang watawat ng Pilipinas at natatangi. Naihahayag nito ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang
kulay ay nasa itaas habang nakawagayway . Si Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng watawat ng
Pilipinas. Sina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad ang tumahi sa
watawat sa loob ng limang araw sa Hongkong.
A. Kulay ng Watawat
B. Watawat ng Pilipinas
C. Disenyo  ng watawat
D.  Tumahi sa watawat

Panuto:Para sa bilang 20. Sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
MALI
A. Iba po ang pananaw ko, Sa tingin ko po ay mas mabuti kung ito ang gagawin natin
B. Hindi po yata tama ang iyong iminumumgkahi isipin ninyong mabuti
C. Hindi po ako sumasang ayon sa iyong sinabi dahil wala po itong batayan
D. Naniniwala po ako na gawin natin ito dahil napatunayan na nang marami.
21 . Si Miguel ay nasa pagupulong ng kanilang grupo, nais niyang magbigay ng kanyang opinyon para sa
ikaaayos ng kanilang proyekto, alin ang maaari niyang sabihin?
A. Dapat ay ganito ang gawin natin. Mas tama ako.
B. Iminumungkahi ko pong sumangguni muna po tayo.
C. Mas mabuti yata ang naiisip ko.kasya sa iyo.
D. Ako po ang pangulo kayat ako ang masusunod.
Panuto:  Tukuyin ang inilalahad na sanggunian
22. Nalalaman o nababasa ang mga nagyayari sa loob at labas ng bansa araw-araw

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
A. Ensayklopedya
B. Pahayagan
C. Diksyunaryo
D. Mapa
23.Nakatutulong upang malaman ang kahulugan, baybay,bigkas at bahagi ng pananalita ng isang salita
A. Diksyunaryo
B. Pahayagan
C. Almanac
D. Atlas
24.Isang aklat na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa.
A. Atlas
B. Diksyunaryo
C. Pahayagan
D. Ensayklopidya
 
Panuto: Piliin ang pangungusap na wasto ang pagkakagamit ng pang-uri at pang-abay sa paglalarawan.
 
25. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos? 
A. Malugod na sinalubong ng mga guro ang mga mag-aaral.   
B. Nasasabik ang mga bata sa muling pagpasok sa paaralan. 
C. Sinunod ng mga mag-aaral ang mga bilin ng kanilang guro. 
D. Masaya ang mga guro sa pagbabalik ng mga bata sa paaralan.  
 
26. Alin sa sumusunod na pangungusap ang wasto ang pagkakagamit ng pang-abay at pang-uri sa
paglalarawan? 
A. Mahusay si Ashton sa pagsagot ng kaniyang modyul.  
B. Nagtatanong si Ashton sa kaniyang nanay kapag mayroong hindi    nauunawaan sa
panuto.  
C. Masipag mag-aral si Ashton at maagap siya sa pagsasagot ng      kaniyang mga modyul. 
D. Natuwa si Gng. Santos dahil tama ang lahat ng sagot ni Ashton        sa kaniyang mga modyul. 
 
Panuto: Pakinggan ang tekstong babasahin ng guro. Pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay
sa tekstong napakinggan.
 
 Araw ng Lunes, maagang gumising si Nelly para sa pagpasok niya sa  paaralan. “Nelly, ikaw na muna ang
magprito ng itlog para sa ating  almusal. Pupuntahan ko lamang ang Tiya Sally mo para ibigay ang gamot 
na kaniyang ipinabili,” utos ni Aling Nelia sa anak.  
  Narito ang mga nabanggit ng kaniyang ina para sa pagluluto ng  pritong itlog:  
    
0. Basagin ang itlog at ilagay sa mangkok. 
I. Lagyan ng asin na ayon sa panlasa at batihin. 
II. Maglagay ng katamtamang dami ng mantika sa kawali. 
III. Ilagay ang itlog sa kawali at hintayin hanggang sa  maluto. 
 
27. Alin ang unang hakbang na dapat gawin ni Nelly sa pagpiprito ng 
itlog? 
A. I  C. III 
B. II  D. IV  
28. Matapos timplahan at batihin ang itlog, ano ang susunod na hakbang? 
A. I C. III 
B. II  D. IV 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
 
Panuto: Pakinggan ang tekstong babasahin ng guro. Pagkatapos ay bumuo ng mga tanong batay sa
napakinggang salaysay.
 
 Napanood ni Ashley sa telebisyon ang kaguluhang nagaganap sa  pagitan ng mga bansang Ukraine at
Russia. Nalaman niya mula rito ang  ginawang pag-atake ng bansang Russia sa Ukraine. Nagdulot ito ng 
pangamba sa mga Pilipinong naroroon at marami ang nagsilikas upang  umiwas at hindi madamay sa
kaguluhan. 
29. Ano ang angkop na katanungan para sa tekstong iyong napakinggan?
A. Bakit nanood ng telebisyon si Ashley? 
B. Saan nanood ng telebisyon si Ashley? 
C. Ano ang ginagawa ni Ashley habang nanonood ng telebisyon? 
D. Paano nalaman ni Ashley ang kaguluhang nangyari sa Russia at Ukraine? 
Nakadama ng kalungkutan at awa si Ashley sa napanood na balita.  Bago matulog ay is inama
niya sa kaniyang panalangin ang mga naging biktima at nasawi sa  naganap na kaguluhan. Idinalangin
niya na  manaig 
  ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.
 

30. Ano ang angkop na katanungan para rito?


A. Bakit matutulog si Ashley? 
B. Saan matutulog si Ashley? 
C. Ano ang panalangin ni Ashley? 
D. Anong oras matutulog si Ashley? 
 
Panuto: Suriin ang mga tauhan at tagpuan batay sa napanood na maikling pelikula. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
 
31. “Juan, Juan, nasaan ka na naman?” “Sandali lang po, Inay, babagsak na ang biyaya oh.” Batay sa
pahayag ng tauhan mula sa pelikulang 
Juan Tamad, alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan kay Juan?  
A. Siya ay tamad.  C. Siya ay malambing. 
B. Siya ay masipag. D. Siya ay mapagmahal. 
 
32. Pagtingin ni Juan sa bunga ng bayabas ay pinitas ito ng isang babae. Napatingin si Juan sa babae.
“Hmm, akin iyan eh,” wika ni Juan. “Walang napapala ang walang ginagawa. Adios!” wika ng babae sabay
alis at kagat sa bayabas. Batay sa pahayag, paano mo ilalarawan ang tagpuan? 
A. Si Juan ay nakahiga sa isang duyan. 
B. Si Juan ay nasa silid at nakahiga sa papag.    
C. Si Juan ay nasa palengke at nagtitinda ng palayok. 
D. Si Juan ay nakahiga sa ilalim ng maliit na puno ng bayabas na maraming bunga. 
 
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon. Sagutin ang tanong na makapagbabahagi sa pangyayaring iyong
nasaksihan.
 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
   Pauwi na galing sa paaralan si Zaila nang mapansin niya ang mahabang  pila ng mga tao sa kabilang kanto.
Pagsapit niya sa kanto, nakita niya na may  bitbit na malaking supot ang bawat tao na nanggaling sa pila.
Napag-alaman niya na may bigayan pala ng ayuda sa kanilang lugar. 
 
 
33. Kung ikaw si Zaila na nakakita ng naganap sa inyong lugar, paano mo ibabahagi ang nasaksihang
pangyayari?
A. Itatago ko na lang ito sa aking sarili. 
B. Sasabihin ko ito sa aking mga kalaro.  
C. Ipagsisigawan ko ito para marinig ng lahat. 
D. Sasabihin ko ito sa aking mga magulang at kapitbahay upang makakuha rin sila ng ayuda. 

Para sa bilang 10-11 


Panuto: Suriin kung ang pahayag ay nagsasaad ng opinyon o katotohanan. 
34. Ayon sa Department of Health, unti- unti nang bumababa ang kaso ng COVID-19. Ito ay isang
___________. 
A. katotohanan C. pantasya 
B. opinyon  D. saloobin      
35. Para sa akin, mas masarap sumakay sa barko kaysa sa eroplano. Ito ay isang halimbawa ng
____________. 
A. guniguni  C. opinyon 
B. katotohanan D. pantasya  
 
Panuto: Piliin ang wastong pang-angkop na dapat gamitin sa pakikipagtalastasan.
 
36. . Maganda___ ani ang hiling ng magsasaka para sa susunod na taniman. 
Ano ang wastong pang-angkop na dapat gamitin sa pangungusap? 
A. -ng  C. na 
B. nang D. -g  
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap na nagbibigay ng mga salitang magkakasalungat at
magkakasingkahulugan.
37. Tahimik ang Barangay San Roque dahil mapayapang sinusunod ng mga tao rito ang ipinatutupad na
batas. Ano-anong salitang magkasingkahulugan ang ginamit sa pangungusap? 
A. tahimik-batas  C. tahimik-lugar 
B. tahimik-tao D. tahimik-mapayapa 
 
Panuto: Basahin at unawain ang debate sa loob ng kahon; pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
tungkol dito sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate
tungkol sa isang isyu. 
 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
  “Dapat ba o hindi muna dapat ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista   sa
panahon ng pandemya?”  
 Dina: Oo naman, dapat lang ipagpatuloy ang pagdiriwang ng pista. Ang pista ay araw  ng pasasalamat
sa  Poong Maykapal na hindi dapat pinalalagpas. 
 Luis: Anong dapat ipagpatuloy? Dapat munang ipagpaliban ang pagdiriwang,  sapagkat tayo ay
humaharap sa pandemya. Laganap ang  hawahan ng virus. 
 Dina: Hindi! Dapat patuloy pa ring idaos ang kapistahan sapagkat ito ay nagbibigay ng  pag -asa sa
bawat tao na lahat ng problema ay may katapusan. 
 Luis: Kung ipagpapatuloy ninyo ang prusisyon sa pagdiriwang ng kapistahan, tiyak  ay dadagdag kayo
sa bilang ng mga positibo sa COVID-19. 
 
 Dina: Titiyakin kong susunod ako sa mga health protocol at social distancing. Gusto  mo bang
sumama?  
 
 
 
38. Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa pagdaraos ng pista sa panahon ng pandemya, alin sa mga
pangungusap ang nararapat mong sabihin? 
A. Dapat munang ipagpaliban ang pagdiriwang, sapagkat tayo ay humaharap sa pandemya. 
B. Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal na hindi dapat pinalalagpas. 
C. Titiyakin kong susunod ako sa mga health protocol at social distancing. Gusto mo bang
sumama? 
D. Hindi! Dapat patuloy pa ring idaos ang kapistahan sapagkat ito ay nagbibigay ng pag-asa sa
bawat tao na lahat ng problema ay may katapusan. 
39. Kung ikaw ay sang-ayon sa pagdaraos ng pista sa panahon ng pandemya, alin sa mga
pangungusap ang nararapat mong sabihin? 
A. Laganap ang hawahan ng virus. 
B. Ang pista ay araw ng pasasalamat sa poong Maykapal na hindi dapat pinalalagpas. 
C. Dapat munang ipagpaliban ang pagdiriwang, sapagkat tayo ay humaharap sa pandemya. 
D. Kung ipagpapatuloy ninyo ang prusisyon sa pagdiriwang ng kapistahan, tiyak ay dadagdag
kayo sa bilang ng mga positibo sa COVID-19. 
 
Panuto: Basahin at unawain ang teksto; pagkatapos ay sagutin ang tanong na tumutukoy sa
paniniwala ng may-akda tungkol sa isang isyu. 
 
Balak ng Department of Education (DepEd) na mag-face-to-face classes na sa Setyembre 
 
13 sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. Ayon sa DepEd, 100 paaralan na ang 
 
kanilang natukoy na maaaring magdaos na ng   face-to-face classes sapagkat ang mga lugar ay
klasipikadong low risk sa COVID-19. 
Gayon pa man, sinabi ng DepEd na hihintayin pa rin nila ang pagsang -ayon ni Pangulong  Duterte
ukol dito. Nasa Presidente pa rin daw ang huling pagpapasiya. Noong nakaraang  school year, nagbalak din
ng face-to-face ang DepEd pero hindi pinayagan ng Presidente. Ang kalusugan ng mga bata ang unang
dahilan. Ayaw nitong malagay sa alanganin  ang buhay ng mga bata. Walang nagawa ang DepEd kundi
tumalima sa utos na wala munang  face -to-face at ituloy ang distance learning.  (Mula sa
https://brainly.ph/question/24982517) 
 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
40. Anong paniniwala ng may-akda tungkol sa isyu ang nais iparating ng tektong binasa? 
A. Magsisimula na ang face-to-face classes sa mga lugar na low risk. 
B. Hindi muna itutuloy ang face-to-face classes dahil sa banta ng COVID-
a. 19.  
C. Sundin ang suhestiyon ng DepEd upang pumasok na sa paaralan ang mga bata. 
D. Pagkakaroon ng karagdagang gawain sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng distance learning. 
 
Panuto: Basahin at unawain ang talata; pagkatapos ay sagutin ang tanong upang makapagbigay ng
maaaring solusyon sa isang naobserbang suliranin. 
 
 Ang Kagawaran ng Kalusugan ay nangangampanya sa pagsugpo ng  dengue fever sa ating mga
mamamayan. Naglunsad ang Health Center ng  bawat bayan ng puspusang pagpapalaganap ng
impormasyon kung paano  maiiwasan ang sakit na ito.  
 
41. Ano ang posibleng solusyon upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na dengue fever? 
A. Hayaan nang marumi ang kapaligiran. 
B. Itapon ang basura sa tamang basurahan. 
C. Magtapon ng basura kung saan magustuhan. 
D. Mag-imbak ng tubig sa mga nakakalat na bote. 
Panuto: Basahin ang usapan; pagkatapos ay piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa
diwa nito sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan
(chat).  
 
11. Maagang pumasok sina Eula at Marissa sapagkat ngayon ang itinakdang araw ng pag-uusap
nilang magkaklase para sa kanilang proyekto.  
Marissa:  Magandang umaga, Eula! Kumusta? 
Magandang umaga rin, Marissa! Nasasabik na ako sa gagawin nating proyekto. Tiyak na marami
tayong matututuhan. 
Marissa: _________________________________________________________________
A. Ayokong gumawa ng proyekto, tinatamad ako. 
B. Bukas na lang tayo mag-usap Eula, ayos lang ba? 
C. Hindi yata tama ang naisip nating proyekto, kaya ‘wag na nating gawin ito. 
D. Oo nga! Halika at pag-usapan na natin ang ating gagawin para maging maayos ang ating
proyekto. 
Panuto: Pakinggan ang tekstong babasahin ng guro; pagkatapos ay sagutin ang tanong tungkol dito
na magbibigay ng lagom o buod sa tekstong napakinggan.  
 
Mahalaga ang bitamina sa ating katawan. Ito ay nagbibigay-lakas at  sustansiya. Ang mga
pagkaing may taglay ng bitaminang ito ay mga gulay at  prutas. Kaya kung gusto mong malayo sa sakit,
kumain ka ng gulay at prutas  upang ang iyong katawan ay lumakas. 
 
42. Ano ang kaisipang magbibigay ng lagom o buod sa tekstong iyong 
napakinggan?  
A. Ang bitamina ay nakukuha sa prutas at gulay. 
B. Ang gulay at prutas ay mahalaga sa ating buhay. 
C. Kumain ng gulay at prutas upang lumakas ang ating katawan. 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
D. Kumain ng masustansiyang pagkain gaya ng karne, gulay, at prutas. 
 
Panuto: Basahing mabuti ang bahagi ng isang talambuhay; pagkatapos ay sagutin ang tanong na
makapagbibigay ng mahahalagang pangyayari tungkol dito.  
 
Bahagi ng Talambuhay ni Pangulong Manuel L. Quezon 
 
 
 
Si Manuel Luis Quezón de Molina o kilala sa pangalang Manuel L. Quezon ay ipinanganak noong
Agosto 19, 1878 bilang anak ng dalawang Mestizong  Pilipino, at pumanaw  noong Agosto 1, 1944.
Nanilbihan siya sa bansang Pilipinas bilang esta dista, sundalo, politiko, at unang presidente ng
Commonwealth of the Philippines noong  1935 hanggang 1944. Si Manuel L. Quezon ang ikalawang
presidente ng  Republika ng Pilipinas, sumunod kay Emilio Aguinaldo.  
(Mula sa LAS, Ikalimang Baitang) 
 
43. Ano ang pinakamataas na tungkuling ginampanan ni Manuel L. Quezon? 
A. estadista   C. presidente 
B. manunulat  D. sundalo  
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon; pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito gamit
ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/ pagiinterbyu. 
44. Naatasan kang kapanayamin ang pangulo ng samahan ng mga mag-aaral ng iyong paaralan. Nais
mong malaman kung ano ang saloobin niya sa pagpapatupad ng face-to-face classes. Paano mo ito
sasabihin sa kaniya?
A. Ang ating paaralan ay magpapatupad ng face-to-face classes. 
B. Ang face-to-face classes ay matutuloy na sa ayaw at sa gusto mo. 
C. Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga paaralan? 
D. Pangulo! Dapat sang-ayon ka na matuloy ang face-to-face classes sa darating na pasukan.  
45. Kung ikaw ang pangulo ng samahan ng mga mag-aaral ng iyong paaralan at nais mong magbigay
ng suhestiyon sa iyong mga kasamahan tungkol sa pagpapatupad ng face-to-face classes, paano mo ito
sasabihin sa kanila?
A. Marami tayong gagawin sa darating na face-to-face classes. 
B. Makinig kayo! May sasabihin ako tungkol sa darating na face-to-face classes. 
C. Ang ating paaralan ay magpapatupad ng face-to-face classes kaya dapat tayong sumunod sa mga
patakaran. 
D. Mga kasama, nais ba ninyong mapakinggan ang aking saloobin tungkol sa pagpapatupad ng face-to-
face classes? 
Panuto: Basahing mabuti ang talata at piliin ang tamang pangungusap na nagpapahayag ng
pagkilatis sa isang produkto. 
46.
 
  Pumunta ka sa isang tindahan at nakita mo ang iba’t ibang uri ng face 
mask. Nais mong bumili nito ngunit nalilito ka kung ano ba ang mas magandang 
gamitin dahil sa kumakalat na virus. Ano ang maaari mong sabihin sa tindera 
upang matulungan ka sa pagpili ng face mask? 
 

A. Bibilhin ko lahat ang tinda ninyong face mask. 


B. Ale! Ang mahal naman ng tinda ninyong face mask. 
C. Alin po rito ang pinakaepektibong face mask na panlaban sa virus? 
D. Ang face mask na ito ay maganda dahil mayroong iba’t ibang kulay. 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Panuto: Basahin at suriin ang talata; pagkatapos ay sagutin ang tanong tungkol dito gamit ang
bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling komposisyon. 
 Isa iyong malaking bahay na nasa gitna ng maluwang na bakuran.  Bagama’t may kalumaan,
kakikitaan pa rin ng tibay at tatag sa kabila ng  maraming taong nagdaan. Naglalakihang punongkahoy
ang nasa paligid ng  malawak na looban nito. Ang rehas na bakal na tarangkahan ay kinalawang na  sa
tagal ng panahong nakasara. Ang mga bintana ay nananatiling nakapinid at  tila walang nilikhang
nagpapala sa kalakihan ng bahay at kalawakan ng 
 bakuran. (Mula sa LAS, Ikalimang Baitang) 

 
47. Bigyang pansin ang salitang may salungguhit sa binasang talata. Piliin sa sumusunod na
pangungusap ang may wastong paggamit nito. 
A. Madilim sa kanilang bahay dahil nakapinid ang lahat ng ilaw.  
B. Nakapinid ang kaniyang mata habang nanonood ng telebisyon. 
C. Ang mga bulaklak sa hardin ay nakapinid upang hindi mapitas ng mga bisita. 
D. Sinisiguro naming nakapinid lagi ang aming pinto upang makaiwas sa mga magnanakaw. 
Panuto: Suriing mabuti ang tsart sa ibaba; pagkatapos ay bumuo ng tanong tungkol sa
impormasyong inilahad dito. 
48. Si Dan ay nakakuha ng pinakamataas na marka sa Filipino. Ano ang mabubuo mong tanong
tungkol sa impormasyong ito? 
A. Saang asignatura nakakuha ng parehas na marka si Dan? 
B. Saang asignatura nakakuha ng pinakamataas na marka si Dan? 
C. Ano ang markang nakuha ni Dan sa asignaturang English at Filipino? 
D. Ano ang markang nakuha ni Dan sa asignaturang Araling Panlipunan? 
49. Nakakuha si Dan ng 41 puntos sa mga asignaturang Araling Panlipunan at EsP. Ano ang mabubuo
mong tanong tungkol sa impormasyong ito?
A. Saang asignatura nakakuha ng parehas na marka si Dan? 
B. Ano ang markang nakuha ni Dan sa asignaturang Mathematics? 
C. Anong marka ang nakuha ni Dan sa mga asignaturang Araling Panlipunan at EsP? 
D. Bakit nakakuha ng parehong marka si Dan sa asignaturang Araling Panlipunan at EsP? 
50. Ang makabagong teleponong ginagamit maging sa loob at labas ng bahay ay ang ______________.
A.Wifi
B.  Internet
C. Telephone
D. Cellpho

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like