Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

DEL ROSARIO, Jennette D.

BS DEVCOM 1A

Sawa ka na ba?

Sawa ka na ba sa mundong ginagalawan mo? Yung tipong akala mo ay wala ng katapusan


ang paghihirap mo. Akala mo wala ng darating na bukas na puno ng liwanag at nabalot na ng
kadiliman ang isip mo. Yung akala mo hindi ka na makakaramdam ng saya. Yung akala mo ay wala
ka ng matatanaw na pag asa. Yung hindi mo na alam kung saan ka pa lulugar. Akala mo ay nalimutan
mo ng tumawa dahil lungkot nalang ang bumabakas sa iyong mukha. Yung akala mo ay hindi mo na
makakamit ang iyong pangarap.

Pag gising mo sa umaga, natanaw mo ang sikat ng araw na sya namang dumampi sa iyong
malungkot na mukha. Ang liwanag nito ang syang dahilan ng iyong muling pagbangon. Liwanag na
panandalian lamang dahil ito ay mapapalitan nanaman ng dilim na sya namang gabi. Unti-unti kang
nagtungo sa banyo upang hugasan ang mukha mo at nang iangat mo na ay nakita mo ang sarili mo sa
salamin at unti unti kang napa tanong kung kailan ang huling araw na ikaw ay naging masaya. Kung
kailan wala kang mga problema. Problema na hindi na natapos-tapos dahil sa tuwing ikaw ay gigising,
ang mga ito ang iyong naaalala. Pag upo mo sa mesa, hindi mo maiwasan na hindi ito isipin kaya
naman nawawalan ka na minsan ng gana kumain, kadalasan nga ay hindi na. Aalis ka nalang sa mesa
at hahanap ng mauupuan nang sa gayon ay makapag isip-isip ka.

Napa upo ka sa isang banda at naalala mo nung ikaw ay bata pa na kung saan wala ka pang
mga problema. Masaya ka sa kung ano man ang laruan na ibigay sayo. Masaya ka sa mga kalaro mo
at hindi mo alintana ang mga problema sa paligid mo. Habang naka upo ka ay hindi mo maiwasan na
mapangiti dahil naaalala mo yung mga araw na napapagalitan kayo kapag hindi kayo natutulog ng
tanghali at kapag mas naunang makatulog ang nagbabantay ay agad kayong tatakas at dadaan sa
bintana. Naaalala mo pa yung mga araw na kailangan mong ubusin ang pagkain sa pinggan mo kahit
busog ka na at sabi ni ina ay bawal magtira dahil sayang, kaya naman kahit mangiyak-ngiyak ka na ay
pipilitin mo paring ubusin ang iyong kanin. Yung iinom ka na lamang ng tubig upang malunok mo
ang iyong kinakain at sabay susubo ka ulit ng kanin. Marami pang mga masasayang ala-ala ang nais
mong balikan kaya lang ay hanggang dito na lamang muna. Kailangan mo ng isipin ang kasalukuyan
at hindi ang nakaraan.

Paano nga ba napalitan ng kalungkutan ang iyong isipan? Dahil nga pala sa mga bagay na
hindi mo inaasahan tulad ng pagkawala mo ng gana sa iyong buhay dahil ang lagi mo lamang
naririnig ay tungkol sa mga negatibong bagay. Wala kang kaibigan dahil ikaw ay nilalayuan sa
kadahilanang wala ka namang dulot na maganda sa kanila. Isa ka lang anino pag kasama mo sila.
Hindi ka nila kilala kapag wala ka ng pakinabang sa kanila kaya mas minabuti mo na lamang na
mapag isa. At duon na nagsimula ang kadiliman ng iyong isipan na ang buong akala mo ay wala ng
liwanag na magbibigay pag asa. Napuno ka na sa mga bagay na hindi mo na kaya. Gusto mo ng
sumuko, gusto mo ng mawala sa mundo. Ngunit hindi ito ang tanging solusyon upang matakasan ang
mga problemang ito.

Ngayon, gusto mo ng sagutin ang katanungang ito”sawa ka na ba?” At ang sagot mo ay hindi
pa. Nais mo pang subukang labanan ang mga problemang naka angkla sa mga paa mo. Nagsimula ka
na sa paggawa ng mga bagay na sa tingin mo ay makakapagpa bago ng buhay mo. Sinimulan mong
magtrabaho at naglagay ng ngiti sa mukha mo at sa tuwing haharap ka sa salamin ay lagi mong
sinasabi sa sarili mo na kaya ko ito. Matatapos din ang lahat ng paghihirap mo sa pamamagitan ng
pagtitiyaga at sipag sa trabaho. Natatanaw mo na ang pag asa na akala mo noon ay wala na. Maaabot
mo na ang pangarap mo na noon ay akala mo ay malabo ng mangyari at masaya ka ng aalalahanin ang
mga ala ala nung ikaw ay bata pa na walang gagambala sa iyo na ikaw ay may problema. Handa ka na
sa masaya at panibagong umaga na sasalubong sa iyo pag gising mo sa umaga.

You might also like