Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

6

FILIPINO
KUWARTER 1 – MODYUL 5
MELC: Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, paari, pananong,
pamatlig, at panaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tagpuan/at pagpapahalagang
nakapaloob sa mga larawan ng mga pangyayari sa isang pelikula:

F6PD-If_10
F6PD-IIe-1-3

0
UNANG BAHAGI -PANIMULANG GAWAIN

A. Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Magandang araw mahal kong mag-aaral. Kumusta ka na?


Ngayon ay may pag-aaralan na naman tayong bagong aralin.
Halika! Simulan na natin.
Araw-araw tayo ay nakikipagtalastasan sa iba’t ibang sitwasyon gamit ang iba’t ibang
salita tulad ng panao, paari, pananong, pamatlig, at pamaklaw. Ano kaya ang tawag sa mga
salitang ito? Alamin natin.
Sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang mga sumusunod na kasanayan:
 Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, paari, pananong, pamatlig,
panaklaw, sa pakikipagpag-usap sa iba’t ibang sitwasyon:
 Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at pagpapahalagang
nakapaloob sa mga larawan ng mga pangyayari sa isang teleserye.

Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan mula sa pambatang pelikula na may pamagat
na “ Sarah, ang Munting Prinsesa”. Basahing mabuti ang mga pangungusap na nakasaad sa
bawat larawan upang masundan mo ang kuwento at masagot mo ang mga tanong pagkatapos
mo itong masuri at mabasa.

Hinatid si Prinsesa Sarah ng kanyang ama sa Masaya siyang nakikibahagi sa silid-aralan,Kasama


kanyang papasukang paaralan. ang kanyang malalapit na kaibigang sina Lottie at
Ermengarde.

Namatay ang kanyang ama sa dahil sa isang Nang dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, si
aksidente. Sarah ang pinagmalupitan na ni Binibining
Minchin.
1 .
Humingi din ng tawad ni Lavinia kay Sarah. Sa huli ay naging masaya na si Prinsesa Sarah.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Saan pinag-aral ng kaniyang ama si Sarah?


2. Sino-sino ang mga malalapit niyang kaibigan sa paaralan?
3. Ano-ano ang kanyang katangian bilang isang mag-aaral?
4. Ano-ano ang mga ginintuang aral na mapupulot ninyo sa pelikula?
5.Sinong tauhan sa pelikula ang pinakaayaw at pinakagusto ninyong tularan?

B. Pagtalakay at Pagbibigay Halimbawa

Ang maikling pelikula ay tinatawag ding sine o likhang sining na may simula, gitna at
wakas. Ito ay karaniwang napapalooban ng mga mahahalagang elemento katulad ng tauhan,
tagpuan, layunin, tema, at mahahalagang kaisipan.
1. tauhan- sila yung mga nagbibigay buhay o gumaganap sa karakter sa pelikula.
2. kuwento o pelikula- ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang
isip na hango sa isang tunay na karanasan o pangyayari.
3. tagpuan- lugar na pinangyarihan o pinagdausan ng pelikula.
4. sinematograpiya- tumutukoy sa kabuoang kulay ng pelikula, gamit ng visual effects
sa paglutas ng mga pangyayari sa pelikula.
5. tema o paksa- Nilalaman ito ng pelikula. Isang pangkalahatang kaisipan na nais
palutangin ng may-akda ng pelikula. Taglay ba itong kaisipan at diwang tatamo sa
isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay.

2
Ang panghalip ay ang salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan. Ito ay
ginagamit kung ang pangngalan ay magkasunod na ginagamit sa isang pangungusap.
Halimbawa: Si Dr. Jose Roa ang manggagamot sa bayan. Siya ay manggagamot
sa bayan.
Mga Uri ng Panghalip
Panao ay panghalip na ginagamit para sa tao lamang. Halimbawa: ako, ko, akin,
amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, mo, siya, kanila, siya, kanya.
Panaklaw ay sumasaklaw sa kaisahan o dami, tiyak o di-tiyak. Ang mga
panghalip na panaklaw na may karugtong na katagang “man” sa hulihan ng mga pananong ay
nagpapahiwatig ng di katiyakan. Halimbawa: pawing, lahat, madla, sinoman, alinman, at
anuman.
Pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaaring kumakatawan sa tao,
bagay, hayop, o gawaing itinatanong. Halimbawa: ano, ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin,
alin-alin.
Pamatlig ay ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook,
gawa o pangyayari.
Halimbawa:
Anyong Ang ( tinatawag na paturo): ito, iyan, iyon. Ipinapalit ito sa mga panggalan o mga
pariralang pangngalan na nagsisimula sa ang, si, at sina.
Anyong Ng ( tinatawag na paari): nito, niyan, niyon. Ipinapalit ito sa mga pangngalan o mga
pariralang pangngalan na nagsisimula sa ng.
Anyong Sa (tinatawag na paukol): dito, diyan, doon. Ipinapalit ito sa mga pangngalan na
hindi tao o mga parirala na nagsisimula sa sa. Ginagamit itong pantukoy sa isang pook, dako,
o panig na malapit o kaya’y malayo sa nagsasalita at sa kausap. Halimbawa: Maglalaro kami
sa basketball court. Dito kami magpapalipas ng oras.
Napapalitan ng letra r ang letra d sa mga panghalip pamatlig na dito, diyan, at doon. Kapag
napapagitna sa dalawang patinig at kapag napangunahan ang letrang d ng isang pantig o
salitang nagtatapos sa letrang a Halimbawa: Papunta rito sina Abigael mamayang gabi.
Paari ay ginagamit na pamalit sa pangalan ng taong nagmamay ari ng bagay.
Ang panghalip paari ay maari ding isahan at maramihan, katulad ng akin, atin, amin, iyo,
inyo,kanya, at kanila.

3
Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa pangungusap.
1. Lahat ng mga distrito rito sa ating lalawigan ay nagpapatupad ng kautusan sa tamang
pagtatapon ng basura.
2. “Basura’y ibukod para sa pamayanang malusog,” ito ang islogan ng bawat isa.
3. Ang nakalilimot nito ay pinaaalalahanan ng sinuman sa barangay.
4. Saan man dumako roon sa lungsod ay may makikitang dalawang basurahan para sa
nabubulok at di-nabubulok.

IKALAWANG BAHAGI - PANLINANG NA GAWAIN

Gawain 1: Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kong ang pangungusap at nagpapahayag ng
katotohana, Mali naman kong hindi.
1. Masasabing makatotohanan ang naging pagganap ng mga tauhan kung naipahayag
nila ang emosyon, kilos, at pagsasalita ng tauhang kanilang ginagampanan.
2. Hindi mabisa ang isang pelikula kung iba’t ibang mensahe ang nakuha ng manonood
sa kanilang napanood.
3. Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula ay nagpapatunay
lamang na maayos ang pagkakabuo nito.
4. Mahalagang maging detalyado mula sa kaliit-liitang bagay ang lahat ng mga
pangyayari upang maunawaan ng mga manonood ang takbo ng pelikula.
5. Sa pamagat pa lamang ay nagkakaroon ka na ng ideya kung ano ang paksa ng pelikula
na siyang humihikayat sa manonood.
6. Maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula ang tema. Ito ang
nagsasaad ng pinakapaksa ng pelikula.
7. Ang mga gumaganap ng iba’t ibang katauhan o karakter sa pelikula ay dapat tao
lamang.
8. Masasabing maganda ang takbo ng pelikula kung angkop ang pagkasunod-sunod ng
mga eksena.
9. Ang pelikula kailanma’y hindi maaaring lapatan ng musika upang ito ay higit na
makabuluhan.
10. Ang kaangkupan ng ilaw at musika na ginagamit sa pelikula ay nagbibigay kulay at
katuturan sa mga manonood.

4
Gawain 2: Panuto: Isulat sa patlang ang wastong panghalip upang ang mga pangungusap ay
maging tama.

1. Maraming produktong mabibili rito sa _________ bansa.


2. _________ ay maiinis sa iyo! Ang tagal-tagal mong dumating. Kanina pa ako
naghihintay.
3. Ako at ang aking mga kaibigan ay kabilang din sa mga kabataang sumusunod sa batas
na nangangalaga sa aming kabutihan._______ay isa sa mga responsableng kabataan
ng aming barangay.
4. Hindi lang sila ang nakikialam sa kabutihan ng aming lugar kaya ______ ang
mangyayaring maganda ay babalik sa lahat.
5. Maligaya ang lahat at nagwikang _________ang aming lugar at gagawin naming
malinis at maayos.
6. ____________ ang pumunta sa bundok at tumulong sa pagtatanim ng mga punlang
punong kahoy?
7. ________ ang pag-aaralan mo.
8. __________ ang dapat mong itanim tuwing Mayo.
9. __________ang mga kasali sa paligsahan ng pag awit sa ika-anim na baitang.
10. ____________ ang bahay na iyon?

Gawain 3: Panuto: Sumulat ng limang pangungusap gamit ang mga iba’t-ibang uri ng
panghalip. Gamiting pamatnubay ang rubriks na nasa ibaba. (10 puntos)

1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________
Rubriks sa Pagsulat ng Pangungusap gamit ang Panghalip

2 puntos 1 puntos
Nagamit nang wasto ang panghalip sa Nagamit nang wasto ang panghalip sa
pangungusap. pangungusap.
Tama ang baybay ng mga salita at gamit ng May ilan na di wasto ang baybay ng mga salita
bantas. at gamit ng bantas.

5
Pangungusap Natamong Iskor
1
2
3
4
5
Kabuuan

6
IKATLONG BAHAGI - PANAPOS NA GAWAIN

Gawain 1 Panuto: Suriin ang mga larawan Sarah ang Munting Prinsesa..Ibigay ang
hinihinging tanong.

1. Saan naganap ang kuwento?


A.sa paaralan
B. sa hardin
C.sa sinehan
2 Sa palagay mo ano ang tema ng kuwento?
A.pagkamabait
B.pagkamagastos
C.pagkaaroganti
3.Kung mabait ang isang bata, ano sa palagay n’yo ang mangyayari?
A. siya ay kinaiinisan ng marami
B. siya’y kinalulugdan
C. wala siyang kaibigan
4.Ano ang layunin ng kuwento?
A.para hindi kinagigiliwan
B.para mapahiya o pahiyain ng mga tao
C.para tularan ang ugaling pagkamabait
5.Bakit pinamagatang Sarah Ang Munting Prinsesa ang kuwento?
A.kasi maganda ito
B.kasi anak siya ng pulubi
C.kasi mag isang anak ng mayaman

Gawain 2: Gamitin nang wasto ang mga panghalip na bubuo sa diwa ng mga magkakaugnay
na pangungusap.Sundan and panghalip na hinihingi ng panaklong.
1. Sina Arlene, Alma, Carla, Inay at Basma ay nangunguna sapag aayos at paglilinis ng
aming lugar. ( Panao)__________ ay sumusuporta sa ordinansa ng Barangay.
2. ( Paari) _________ ang mga damit na nakalagay sa upuan kanina.
3. ( Pananong) _________ ang nangangalaga sa kanila?
4. ( Paari ) _________ ang bahay na iyon.
5. ( Panaklaw) _____________ ay maiinis sa iyo! Ang tagal-tagal mong dumating.
Kanina pa ako naghihintay.

7
SUSI SA PAGWAWASTO
UNANG BAHAGI – PANIMULANG GAWAIN
Pagsagot sa mga tanong
Iba iba ang sagot ng mga bata
1.
2.
3.
4.
Salungguhitan ang panghalip
1. Lahat,rito
2. ito
3. nito, sinoman
4. saanman, roon

IKALAWANG BAHAGI-PANLINANG NA GAWAIN


Gawain 1
1. ating 6. Sino-sino
2. sinoman 7. iyan
3. kami 8. ito
4. kami 9. kami
5. kami 10. kanino

Gawain 2
1.Tama 6. Tama
2. Mali 7. Mali
3. Tama 8. Tama
4.Tama 9. Mali
5.Tama 10. Tama

Gawain 3
Iba’t iba ang maaaring kasagutan.

SANGGUNIAN
A. Aklat
Emily V.Marasigan, Louie C. Tesalono, Pinagyamang Pluma 6 Wika at Pagbasa para sa
Elementarya.
Pahina: 93-94
Angelina C. Tria, Gloria L. Cruz, KATIG 6 Pagbasa at Gramatika, Pahina 65-69
B.Internet Sources
http://www.nesle.com.ph
https://www.youtube.com/watch?v=az10M68bdAc&list=PLPcB0_P-Zlj7svaSyXDNQta0Gwy-
_Gu20&index=1

8
9

You might also like