Professional Documents
Culture Documents
Fil Draft
Fil Draft
Fil Draft
SULONG WIKANG FILIPINO! Bienvenido Lumbera( Reaksyong Papel) Batay sa pagsusuri ni Bienvenido
Lumbera, ang ating wika ay isang palatandaan ng identidad ng isang bayan. Ito rin ang naguugnay sa
bawat isa sa atin, maging sa pamilya at sa ating pinanggalingan. Ayon din sa kanya ang CHED Memo ay
isang produkto ng kolonyal na edukasyon dahil na rin sa pagkasakop sa atin ng dalawang bansa sapagkat
naitanim sa ating mga kamalayan na kung ano ang ibinibigay ng mga may kapangyarihan ay iyon lamang
ang ating magiging batayan. Tayo ay nagiging depende sa pamantayan ng kanluran kung kaya’t
sinasawalang-bahala natin ang ating sariling wika upang mapantayan natin ang estado nila. Na
nagdudulot ng mga negatibong kahihinatnan ng kapwa natin Pilipino. Isa na dito ang maraming guro na
hindi na makapagtuturo ng Filipinong asignatura dahil sa pagbabawas ng yunit ng Filipino sa mataas na
paaralan. Kung kaya kinakailangan nating buhayin, paigtingin at lubusang linangin ang sarili natin wika.
Ayon parin kay Bienvenido Lumbera, tayo daw ay nag-aangkop sa sistema ng kanluran kaya’t palaging
kinumpuni natin ang ating sariling sistema. Ito ay nagbibigay pahiwatig na hindi tayo nakukuntento sa
sariling atin at nagdudulot ng magulong sitwasyon. Ang Ched Memo ay kailangan pag-aralan muli at
pagplanuhan para sa mahusay na kalalabasan.