Paglaya SWP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

(BGM – Leaves by Ben&Ben – Sungha Jung guitar cover)

“PAGLAYA”
Pyesa ni: Chloie Joyce Cruz
Mula sa BSBA 2-F

Kuwento ito kung paano naging maayos ang lahat,


Kung paano naging maginhawa ang bawat paghihinagpis,
Kung paanong bawat luha ay unti-unting napalitan ng tuwa,
At kung paano ang sarili ay sa wakas kumawala.

Ilang taon, tiniis ang pagkakagapos,


Pinilit nang kumawala pero lalong humihigpit ang tali na sa akin ay pumipigil,
Tinanong ko S’ya, bakit kaylangan na ako ay nakatali?
Delikado ba akong tao? Hindi ba’t lampas sa sampung utos na yung sinunod ko?

Ilang beses tiniis ang pagkahirap,


Nasasakal at nahihirapang huminga,
Kapos na, pagod na sa paulit-ulit na sakit na binabato sa akin ng mundo,
Hindi ka pa ba tapos?

Hindi pa ba ‘yan yung wakas?


Kelan mo ba ipaparanas ‘yung ginhawa at kaligtasan na iyong ipinangako?
Hindi ka pa ba sawa?
Sa paulit-ulit na panalangin ko sayo?

Kailan mo ba ko didingin?
Kailan mo ba ako tutulungan?
Pagod na ako, at kaylangan ko iyong yakap,
Panginoon, presensya mo naman ay sana sa akin nang ibigay.

Hindi ko na kayang mag-isa,


Maaari bang samahan mo naman ako?
Hawakan mo ’yung kamay ko, patungo sa pangako mong paraiso,
Tanglawan mo ang bawat dilim na buhay ko ay naging sanhi ng pagkadapa.

Ibangon mo ako, itayo sa presenya mo.


Pagmamahal mo ang inaasahan kong magliligtas sa isang tulad kong,
Nagmamakaawa at nanampalataya,
Ikaw ang s’yang tanging tagapagligtas

Itinuro mo sa akin kung paano ang sarili ang mapapalaya,


Matapos ang maraming taon na nakagapos na ako lang pala ang may gawa,
Ang lubid na sumasakal sa aking paglaya ay galing sa bawat hinanakit at bakit,
At ang sagot ay sa akin lang din pala magmumula.

Magpatawad ka, Oo patawarin mo sila,


Alam kong hindi patas ang mundo,
Sasaktan at sasaktan ka nito,
Pero maniwala ka, sa piling Niya hihilumin niya ito.

Maniwala ka… magtiwala ka,


Bawat dilim sa Kanya ay may katumbas na liwanag,
Bawat pagtatak ng luha ay siyang papalitan niya ng walang hanggang ligaya,
Siya ang ating Panginoon na sa atin ay nagbibigay pag-asa.

Ng bukas na puno ng panibagong simula,


Wala nang gagapos muli sa iyong paglaya
Tanging yakap at gabay ang s’yang sayo ay sasalubong,
S’ya ay Siya, ang tagapagligtas na ako ang patunay.

Dahil ito ay aking kuwento,


Kung paano sa aking pagkakagapos ay natagpuan ang paglaya,
Ang sagot na lalagot sa tali ng paghikahos ay ako lang pala ang nagtago,
At ang pagdilat sa dilim dahil ang liwanag ay nasa harapan ko lang pala.

Ang kuwentong nagatatapos sa kalayaan,


Sa ligaya na may luha ngunit may ginhawa,
Sa gapos na kumawala dahil tinuruang lumaya,
Sa aking kuwento natutunan ko na sa Panginoon ang buhay ay tunay na paraiso.

You might also like