Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Parang ) s. s.
Lalawigan ng Maguindanao )

Sinumpaang Salaysay

Ako, Asgar Bilao, may sapat na taong gulang, may-asawa, isang negosyante, at kasalukuyang
nakatira sa Purok V, Barangay Dolores, Municipality of Parang, Maguindanao Province.

1. Na, ako ay nakipag-inuman kasama si Indao Yusoph at marami pang iba sa ika 22 ng Hunyo
ng kasalukuyang taon. Habang nagpatuloy ang aming pag iinuman at kasiyahan mula tanghali
hanggang gabi ay nagkaroon kami ng pagtatalo ni Indao Yusoph na muntikan nang humantong
sa kaguluhan at nasaksihan ito ng lahat ng kasama sa inuman.

2. Na, agad kaming inawat at pinakalma ni Ibrahim Mustafa at inimbitahan niya ako sa kanilang
bahay para magkape at magkwentuhan matapos ang nangyaring insidente. Agad kong
pinaunlakan ang kanyang imbetasyon at tumungo kami sa kanilang tirahan sa Zone 6,
Barangay Balaoan, Parang Municipality, Province of Maguindanao.

3. Na, habang ako ay naglalakad patungo sa aking sasakyan mula sa tirahan ni Ibrahim Mustafa
ay inabangan at binugbog ako ni Indao Yusoph at iilan sa kanyang mga kasamahan. Habang
pinagpatuloy nila ang pambubugbog sa akin ay rumesponde ang mga pulis at barangay tanod
at agad kumaripas ng takbo sina Indao Yusoph at ang kanyang mga kasamahan.

4. Na, ako ay dinala sa isang pagamutan matapos ang insidente at pinayuhan ng doktor na
magpahinga para gumaling ang mga natamong sugat. Agad kaming pumunta sa presinto
pagkatapos magpagamot upang ipablotter ang nangyari.

Na bilang patotoo sa lahat ng ito ay aking inilagay ang aking pangalan at lagda ngayung ika- 23
ng Hunyo 2023 dito sa Munisipalidad ng Parang, Maguindanao nang walang halong kasinungalingan o
bahid ng alinlangan.

Asgar Bilao
(Nagsalaysay)

SUBSCRIBED AND SWORN before me this 23rd day of June 2023 at the Municipality of
Parang. I further certify that I personally examined the affiant who executed the foregoing Sinumpaang
Salaysay, who attest before me that all the allegations therein are true and correct of his personal
knowledge and that he voluntarily caused the preparation and fully understood the contents thereof.

Atty. Rafael Tagapao


Assistant Provincial Prosecutor

Doc No: 023


Page No: 006
Book No: 564
Series of: 2023

You might also like