Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sa kaharian ng Catholic may namumuno na isang magiting na hari, si Haring Johanes at ang kaniyang

asawa na si Reyna Joena kasama ang kanilang dalawang anak na sina Prinsesa Danielle at Prinsesa Fhae.

Sa karatig bayan naman ay ang kaharian ng Muslim na pinamumunuan ni Haring Larren at Reyna Airish
kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Prinsepe David.

Masaya silang naninirahan na walang pakialamanan sa buhay, hanggang isang araw habang nag-lalakad
sa isang dalampasigan si Prinsesa Danielle kasama ang kaniyang dalawang bantay may nakabunggo
siyang isang ginoo, at 'yon si Prinsepe David.

Prinsepe David: paumanhin binibini, hindi kita napansin.

Prinsesa Danielle: ayos lang ako, hindi naman ako masyadong nasaktan.

Prinsepe David: para makabawi ako, nais sana kitang ipasyal kung iyong nanaisin?

Prinsesa Danielle: sige, ginoo, pumapayag ako

Erson (kawal ni danielle):  mahal na prinsesa, lumayo ka sa ginoong iyan, baka saktan ka niyan!

Rey (kawal ni david): kayo ang lumayo sa prinsepe namin, baka saktan n'yo siya!

CJ (kawal ni david): mahal na prinsepe, tayo na po, hinahanap na po kayo ng mahal na hari!

Agad na umalis ang Prinsepe sa dalampasigan kasama ang kaniyang dalawang kawal. Ganoon rin si
Prinsesa Danielle dahil malapit na mag-dilim. ay napag-pasiyahan ng Prinsepe na pumunta sa
dalampasigan kung saan niya nakita ang Prinsesa.

Nagbaba-kasakali siyang makita n'yang muli ang Prinsesang umakit ng puso n'ya. Ngunit kahit ilang araw
pa siyang paulit-ulit na dumayo sa dalampasigan ay hindi n'ya na muling masilayan ang Prinsesa.

Nawawalan na s'ya ng pag-asa na muling makita ang kaniyang minamahal na Prinsesa. At isang araw
habang nakatayo siya at pinag-mamasdan ang karagatan, may napansin siyang dalaga na nakaupo sa
kahoy. Agad na pumasok sa isip n'ya si Prinsesa Danielle kaya agad niya itong nilapitan.

KinabukasanPrinsepe David: binibini? (Kinuwit)

Prinsesa Danielle: g-ginoo? anong ginagawa mo rito?

Prinsepe David: matagal na kitang inaantay, ilang araw na rin simula noong nakabunggo kita rito. hindi
na muli kitang nasilayan, kaya narito ako palagi, nag-babakasakaling masilayan kitang muli.

Prinsesa Danielle: pinag-bawalan ako ng aking ama na pumunta rito dahil sinabi ng aking kawal ang
nangyari noong araw na 'yon.
Prinsepe David: hindi naman kita sasaktan.

Prinsesa Danielle: siguro ay nag-aalala lamang ang aking ama, ako na ang humihingi ng tawad dahil
napag-isipan ka ng ganoon ng aking ama.

Prinsepe David: maari ba kitang ayain na sumama sa akin? ipapasyal lamang kita, nais ko lamang tuparin
ang sinabi ko noon.

Pumayag si Prinsesa Danielle na sumama kay Prinsepe David. Nakakaramdam na 'rin ang Prinsesa ng
kakaibang damdamin para sa Prinsepe.

Sa mga sumunod na buwan ay naging mag-kasintahan silang dalawa. Minsan ay nag-kikita sila sa
dalampasigan o kaya minsan naman ay nagpapalitan ng liham sa mga pinag-kakatiwalaan nilang kawal.

Prinsesa Danielle: kawal, maari mo 'ba itong ibigay sa kawal ng aking mahal na prinsepe?

Rafael (kawal ni danielle): masusunod, mahal na prinsesa!

Prinsesa Danielle: siguraduhin mo 'ng walang nakasunod saiyo, mag-iingat ka.

Narinig ni Prinsepe Lan ang pag-uusap ni Prinsesa Danielle at ng kawal pgnito. Napag-isipan ni Prinsepe
Lan na sundan ang kawal na pinag-kakatiwalaan ni Prinsesa Danielle.

Nakita nito ang kawal ng mga Muslim at ang liham na iniabot nito sa kawal ni Prinsesa Danielle. Bumalik
siya 1ng palasyo at pinag-isipan ang mga plano niyang gagawin.

Kinabukasan naman ang pag-kikita nila Prinsesa Danielle at Prinsepe David. Nagkita silang dalawa sa
dalampasigan, mahigpit nilang niyakap ang isa't-isa.

Prinsepe David: natanggap mo 'ba ang pinahatid ko 'ng liham, mahal ko?1

Prinsesa Danielle: natanggap ko, ngunit pakiramdam ko kahapon ay may nakamasid sa amin ng kawal ko
habang nag-uusap kami.

Prinsepe David: pakiramdam mo lang iyan, tara na?

Nang mag-dapit-hapon ay hinatid ng Prinsepe ang Prinsesa sa dalampasigan. Umuwi ang Prinsesa na
may ngiti sa labi. Nakasalubong n'ya si Prinsepe Lan habang papasok s'ya ng palasyo.
Prinsepe Lan: nagkikipag-kita ka sa muslim na 'yon?!

Prinsesa Danielle: ano ba 'ng sinasabi mo?!

Prinsepe Lan: sinundan kita kanina, nakita ko kayo sa dalampasigan, nobyo mo ba s'ya ha?!

Prinsesa Danielle: ano ba 'ng pake mo? padaanin mo nga ako!

Prinsepe Lan: bahala ka, ikaw rin ang mag-sisisi sa huli.

Sa kaharian naman ng Muslim ay nakarating na 'rin ang Prinsepe. Nakasalubong niya si Haring Larren
kasama si Reyna Airish.

Prinsepe David: narito na ako, ama, ina.

Haring Larren: saan ka galing at gabi ka 'na dumating?

Prinsepe David: naglakad-lakad lamang po riyan sa tabi-tabi, ama.

Haring Larren: sinungaling! (sinampal)

Reyna Airish: mahal, tama na! huwag mo 'ng saktan si david.

Prinsepe David: a-ama, bakit n'yo po ako sinampal, w-wala po akong ginagawang kasalanan.

Haring Larren: napaka laki ng iyong kasalanan, david! nakikipag-kita ka roon sa prinsesa ng katoliko?!

Prinsepe David: walang katotohanan iyon, ama!

Haring Larren: sinumbong kayo ng isang ginoo na nakakita sainyo, alam mo 'ng bawal ang ginagawa mo
ngunit pinagpapatuloy mo 'pa rin! nobya mo 'ba ang prinsesang 'yon, ha?!

Reyna Airish: anak, umamin ka 'na lang.

Prinsepe David: o-opo, paumamhin ama, wag mo siyang sasaktan!

Ngunit kahit anong pag-mamakaawang ginawa ng Prinsepe ay hindi n'ya pa 'rin maamo ang kaniyang
amang hari. Ilang araw na rin na hindi nag-kikita ang mag-kasintahan. Mahigpit na ipinabantay ang
Prinsepe sa mga kawal nito sa ka-dahilanan na mag-uusap ang hari ng dalawang kaharian.
Haring Johanes: mahal na hari, mabuti at nakadalo ka sa aking palasyo, pasok kayo.

Haring Larren: hindi ko 'na kailangang pumasok, gusto ko lamang na layuan ng anak mo ang anak ko.

Haring Johanes: ganoon rin ang gusto ko, haring larren, ayokong masaktan ang anak ko dahil lang sa
anak mo.

Haring Larren: mag-sasagawa ako ng q, kapag nanalo ang panig n'yo, sasama ang anak ko sa anak mo,
ngunit kapag nanalo ang panig ko, pasensyahan tayo, sasama ang anak mo saqanak ko.

Haring Johanes: pumapayag ako, maraming salamat sa oras, haring larren.

Umalis si Haring Larren upang pag-handaan ang gyera. Kinabukasan ang simula ng gyera, walang
kaalam-alam ang mag-kasintahan sa mga nangyayari. Sinubukang tumakas ni Prinsepe David at nag-
tagumpay naman siya.

Sa kabilang banda naman ang sitwasyon ni Prinsesa Danielle. Walang ibang kasama kundi ang kapatid
niyang si Prinsesa Fhae na dinadamayan siya.

Prinsesa Fhae: ate, nag-patupad si ama ng digmaan laban sa mga muslim.

Prinsesa Danielle: hindi, fhae. hindi maari ito!

Prinsesa Fhae: hindi ka maaring umalis, baka mapahamak ka lang!p0000

Prinsesa Danielle: bitawan mo 'ko, fhae! kailangan ko 'ng pigilan si ama!

Tumakbo ang Prinsesa palabas ng palasyo, sinundan naman siya ni Prinsesa Fhae. Nakarating si Prinsesa
Danielle sa dalampasigan. Patuloy pa 'rin siya sa pagtakbo upang hindi maabutan ni Prinsesa Fhae. Sa
hindi niya pag-tingin sa daan ay may nakabunggo siya, nagulat ang Prinsesa ng makita si Prinsepe David
kaya agad niya itong niyakap.

Prinsesa Danielle: k-kamusta ka 'na, mahal? nag-alala ako sa 'yo ng qsobra.

Prinsepe David: ayos lamang ako

Prinsepe Lan: sabi ko 'na nga ba at narito ka lamang, sinuway mo na naman ang amang hari!

Prinsesa Danielle: lan, ano ba?! umalis ka 'na rito, hayaan mo 'na ako!

Prinsepe Lan: at bakit kita hahayaan na sumama riyan sa muslim na 'yan?! sasaktan ka lang niyan!
Prinsepe David: at paano ka nakakasiguro, umalis ka 'na rito, lubayan mo ang nobya ko!

Prinsepe Lan: kahit kailan hadlang ka talaga sa aming dalawa! mas mabuti pa 'ng mamatay ka 'na

Bago pa 'man mag-sakitan si Prinsepe David at Prinsepe Lan ay nahigit na kaagad ni Prinsesa Fhae si
Prinsesa Danielle at iniuwi sa palasyo upang hindi na madamay.

Natalisod si Prinsepe David ka-dahilanan naman ng kaniyang pag-bagsak sa buhanginan. Agad namang
nakuha ni Prinsepe Lan ang espada at itinutok ito sa Prinsepe.

Prinsepe Lan: katapusan mo 'na, akin lang ang prinsesa ko.

Prinsepe David: kahit patayin mo 'ko, ako pa din ang mamahalin n'ya habang buhay, nakakaawa ka
naman makitang nag-makaawa ng pag-mamahal sa prinsesa ko.

Dahil sa galit ay sinaksak ni Prinsepe Lan si Prinsepe David. Agad namang dumating ang mga kawal ni
Prinsepe David.

Prinsepe David: ako pa rin ang mamahalin niya, tandaan mo 'yan.

Bago pa 'man makalapit ang mga kawal kay Prinsepe David ay nakaalis na si Prinsepe Lan. Hindi na
naabutang buhay ng mgansesa, at kasama rin ang liham na dapat ibibigay niya sa Prinsesa.

Ipinaabot ni Haring Larren ang liham na nakuha nito sa damit ng Prinsepe. Habang buhay na nag-
dalamhati ang Prinsesa sa pag-kamatay ng kaniyang nobyo. At hindi nya pa rin matanggap si Prinsepe
Lan.

Dito maibabase na ang pag-iibigan ng Muslim at Katoliko ay hindi talaga para sa isat-isa.

You might also like