Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Name: Anton Miguel S.

Ramiro
Maikling Kwento

Dalawang Pusa

Nagkita ang pusang lunsod at ang pusang bukid. “kumusta ka, kaibigan” sabi ng
pusang lunsod. “matagal na tayong hindi nag kausap.”
“mabuti naman,” sagot ng pusang bukid. “ikaw naman, mukhang alagang-alaga ka
masyado ah, at ang lusog lusog mo naman ngayon.”
“Oo nga, alam mo bang saganang sagana ako sa pagkain. Kay daming ibinigay sa akin
ng aking among mayaman.”
“mabuti ka pa,” sabi ng pusang bukid. “Ako namay hindi gaanong pinapakain.
Nakakatawid gutom lamang dahill hindi naman gaanong biniyayaan ang tinitirhan ko.”
“Bakit hindi ka pa sumama sa akin? Maraming pagkain dun sa amo ko. Tiyak na tataba
kang katulad ko.” Alok ng pusang lunsod.
“Talaga ba? O, sige pwede naman ako sumama sayo gusto ko rin kasi kumain ng
marami at tumaba kagaya mo, dun na rin ako tityra sa amo mo.”
Naglakad na nga ang dalawang pauwi sa tinitirhan ng pusang lunsod. Habang nasa
daan pa sila, napansin ng pusang bukid na may mga sugat sa leeg ang kanyang
kaibigan.
“Ano ang nangyari sa leeg mo,“ tanong niya. “bakit puro sugat?”
“Ah dahil yan sa kadena na inilagay sa akin sa bahay. Inalis nga lamang iyon kanina
dahil nakita ng amo ko yung sugat sa leeg ko. Kaya ako naka pag lakad ngayon.”
“Ay ganon ba? Nilalagyan ka pala ng kadena? Kapag ba gumaling ang mga sugat mo
ibabalik pa bas a leeg mo ang kadena?”
“siguradong ibabalik yan” sabi ng pusang lunsod. “bawal sa aming mga kalsada ang
gagala-galang pusa kaya nararapat na itali o e kulong lamang sa bahay.”
“Kung ganon pala hindi nalang ako sasama s aiyo. Babalik na lang ako sa aking amo sa
bukid. Hindi nga niya ako pinapakain sa tamang oras, ngunit ako namay binibigyan niya
ng Kalayaan at malaya akong maka punta kahit saan ko gusto.”
Nagpaalam siya sa kaibigan at tatakbong bumalik sa dating tahanan

Tauhan
Pusang Bukid – pusang naka tira sa bukid
Pusang Lunsod – Pusang naka tira sa lunsod
Kaibigan ng Pusang lunsod – Pusang may sugat sa leeg

Tagpuan
Sa lunsod na kung saan papunta sila sa amo ng pusang lunsod at may nakitang
pusang sugat sugat ang leeg si pusang bukid.

Banghay

Panimula
Nag usap ang dalawang pusa, na si pusang bukid at pusang lunsod. Pinag usapan nila
patungkol sa kalagayan nila at nangumusta.
Sulyap sa Suliranin
Habang sila ay nag uusap, nalaman ni pusang lunsod ang kalagayan ni pusang bukid
na kung saan siya ay hindi pinapakin sa tamang oras at nangangayayat na ang
kanyang kalagayan.

Saglit na Kasiglahan
Nung nalaman ni pusang lunsod ang kalagayan ni pusang bukid, Inimbitahan ni pusang
lunsod si pusang bukid at pumayag din ito na sumama sa kanya sa kanyang amo, dahil
umano sap ag pakain sa tamang oras at magiging malusog din si asong bukid

Kasukdulan
Pumayag si pusang bukid na sumama kay pusang lunsod, at habang sila ay nag
lalakbay patungo sa amo ng pusang lunsod, may nakitang kapwa pusa si pusang bukid
at may napansing sugat sa leeg nito

Kakalasan
Nakita ni pusang bukid ang sugat sa kapwa niyang pusa, bigla niya itong tinanong kung
san galing ang sugat na iyon. Sumagot naman ang kapwa pusa at sinabing galing ito sa
kadena na tinali ng kanyang amo. Nabigla si pusang bukid at napatanong ito na kung
sakaling gagaling ang sugat niya e babalik paba ang kadena sa leeg. Sumabat naman
si pusang lunson at sinabi na Oo dahil umano bawal sa lunsod ang gumalagalang pusa
at dapat ikulong o taliin ito. Biglang nag bago ang isip ni pusang bukid at hindi na siya
sumama.
Aral
Maging ma kontento tayo sa buhay dahil di natin alam na meron papalang iba jan na
masarap naman ang buhay ngunit nag hihirap naman sa ibang bagay. Marunong
tayung ma kontento kung ano ang meron tayo at mag pasalamat na lamang sa
Panginoon. Di lahat ng buhay masarap.

Teoryang Pampanitika

Teoryang Humanismo – Pinapakita dito ang kakayahan ng tao sa ibang bagay. Tulad
lamang sa ginawa sa kapwa nila pus ana tinalian hanggang nag sugat na ang leeg nito.
Nag papakita ito ng humanism dahil mas higit na makapangyarihan ang tao.

Teoryang Realismo– Pinapakita dito ang tunay na kalagayan ng mga hayop sa mundo
na kung saan mag kaiba talaga ang buhay sa bukid at syudad. Ang mga hayop sa
bukid ay malaya habang ang hayop dito sa lunsod ay naka kulong at kung minsan hindi
tinatrato ng tama.

Teoryang Imahismo – dahil ang paguusap ng dalawang hayop ay imahe lamang ito at
imposible mangyari .

You might also like