Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANGKAT 1

Mitolohiya

Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na hinango sa kultura


ng tradisyong oral. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na mythos na ang ibig
sabihin ay kwento. Ang mitolohiya ay isang natatanging kwento na
kadalasang tumatalakay sa kultura ng sinaunang mga tao, partikular na sa
kanilang paniniwala sa mga diyos at diyosa at kung paano nakikisalamuha
ang mga ito sa kanila. Dahil sa kakulangan ng paliwanag tungkol sa mga
pangyayari sa kapaligiran bunsod ng hindi pa isinisilang ang makabagong
siyensiya at teknolohiya, naging paraan ng mga tao ang pagbuo ng mga
kwento na nagpapaliwanag kung paano nalikha ang mga bagay sa paligid at
kalawakan at kung bakit nangyayari ang mga bagay sa kalikasan.

Sa pamamagitan ng mitolohiya, mababakas ang kagustuhan ng


sinaunang mga tao na ipaliwanag ang mga natural na pangyayari na
pawang kinabibilangan ng mga makukulay, mahiwaga, at kakatuwang mga
kwento. Kapatid ng mitolohiya ang mga alamat at kwentong bayan.

Kasaysayan at impluwensiya ng mga Asyano


sa Mitolohiyang Pilipino

Bago pa man dumating mga Kastila sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay


nakikipagkalakalan na sa mga karatig-bansa sa Asya tulad ng mga
Indiyano, Tsino, Malay, Indones, Arabo, at iba pa sa pamamagitan ng
transportasyong pandagat. Dahil dito, naimpluwensiyahan ng mga bansang
ito ang ating kultura, sining, wika, pamumuhay, at maging
pananampalataya. Bagamat ayon sa mga iskolar ay natural sa tao ang
lumikha o manampalataya sa isang diyos na hindi niya nakikita, may mga
impluwensiya pa ring naihatid ang mga banyaga sa ating pananampalataya.

Kung pag-aaralan ang mitolohiya ng Pilipinas, nahahati ito sa tatlo:


ang mitolohiya ng Luzon, ang mitolohiya ng Visayas, at mitolohiya ng
Mindanao. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, hindi maiiwasang
magkakaiba ang mga mga diyos at diyosa ng ating mga ninuno, at mula sa
mga ito ay nagkaroon pa ng iba’t ibang bersiyon dahil ang malaking bahagi
ng ating sinaunang panitikan ay hindi naisulat sa halip, ito ay naipasa
lamang mula sa isang henerasyon tungo sa mga sumusunod pang
henerasyon sa pamamagitan lamang ng pagsasalita. Ang mga ito ay
naipakita sa ilang mga programa sa telebisyon tulad ng Amaya, Indio, at
Bagani.

2
PANGKAT 2
Mitolohiya ng Luzon

 Bathala – Siya ang pinakapinunong diyos ng mga Tagalog, maylikha ng


lahat at tagapagbigay ng pangangailangan ng mga tao. Pinaniniwalaang
siya ay diyos na mapagbigay sa anumang hingin ng mga tao kung kaya’t
sa oras na sila ay mangailangan, sinasambit nila ang mga katagang, “Si
Bathala na, si Bathala na,” na nang lumaon ay naging “Bahala na,
bahala na.”

Tandaan, ang ibang grupo sa Luzon ay naniwala sa iisang diyos na


maylikha ng lahat ngunit hindi Bathala ang tawag sa kaniya.

 Lumawig para sa mga Bontok


 Apo para sa mga taga-Benguet
 Kabunian sa mga Ifugao
 Malayari sa mga taga-Zambales

 Idianale – Isa siya sa katulong ni Bathala sa pamumuno at nakatira sa


kalangitan. Diyosa ng paggawa at agrikultura.

 Dumangan – Diyos ng pag-aani at pagpapastol ng hayop. Asawa ni


Idianale. Nabanggit din siya sa mitolohiya ng mga taga-Zambales bilang
Dumagan.

 Dumakulem – anak nina Dumangan at Idianale. Tagapagbantay ng mga


bundok. Asawa ni Anagolay at ama nina Apolaki at Dian Masalanta.

 Anagolay – Diyosa ng mga nawawalang bagay na anak nina Lakapati at


Mapulon at asawa ni Dumakulem. Noong 2014, ipinangalan sa kaniya ng
Minor Planet Center (MPC) ang isang asteroid na nadiskubre noong
1982. Ang pangalan ay ipinasa ng Pilipinong estudyante na si
Mohammad Abqary Alon sa MPC at tinalo ang libong ipinasa ng iba’t
ibang bansa.

 Anitun-tabu – Diyosa ng hangin at ulan na laging pabago-bago ng isip.


Anak nina Dumangan at Idianale. Kilala bilang Anitun-Tauo sa Zambales
at naging kapantay minsan ni Malayari. Inaalayan siya ng pinipig ng mga
taga-Zambales kapag panahon ng pag-aani.

 Lakapati / Ikapati – Pinakamabuting diyosa. Asawa ni Mapulon at ina ni


Anagolay. Ayon sa ilang mga mananaliksik, siya ay hermaphrodite o
dalawa ang kasarian. Sa isang tala ng Pransiskanong misyonero noong
3
ika-17 siglo na si Padre Pedro de San Buenaventura, nagsasabi ng
bulong ang mga magsasaka sa kaniya, “Lakapati, pakainin mo yaring
alipin, huwag mong gutumin.”

 Apolaki – Diyos ng araw at digmaan ng mga Tagalog at Pangasinense.


Ayon sa ibang kwento, siya at si Mayari ang dalawang anak ni Bathala sa
isang mortal. Ang liwanag ng kanilang mga mata ang nagsisilbing ilaw sa
buong mundo. Nang mamatay si Bathala, pinag-awayan nila kung sino
ang dapat na magmana sa trono ng kanilang ama. Naglaban sila
hanggang sa mabulag ang isang mata ni Mayari na labis na pinagsisihan
ni Apolaki. Ayon sa isang tala, nakikisalamuha siya sa mga taga-
Pangasinan at minsang pinagalitan sila dahil pinatuloy nila ang mga
banyagang may puting ngipin. Ayon kay William Henry Scott, ang
kaniyang pangalan ay nagmula sa salitang apo na ang kahulugan ay
‘panginoon’ at laki na ang kahulugan ay ‘lalaki’. Kapatid ni Dian
Masalanta at naging asawa rin nito. Sa kaniya ipinangalan noong 2019
ang pinakamalaking caldera na natagpuan sa Benham Rise sa Philippine
Sea.

 Dian Masalanta – Sa ibang tala, siya ay kapatid ni Apolaki at naging


mag-asawa rin sila. Nagbibigay ng alay ang mga tao sa kaniya upang
matiyak ang pagdadalan-tao.

 Amanikabli – Diyos ng karagatan. Sa ibang tala, siya ay tinatawag na


Aman Sinaya at tagapangalaga ng dagat.

 Mayari – Diyosa ng buwan. Pinakamaganda sa tatlong anak ni Bathala


sa isang mortal. Sa mga taga-Pampanga at Zambales, siya ay kapatid ni
Apolaki.

 Hana / Hanan – Diyosa ng umaga o liwayway (bukang liwayway). Isa sa


tatlong anak ni Bathala na isinama niya sa langit upang mapangalagaan.

 Tala – Diyosa ng mga bituin. Isa sa tatlong anak ni Bathala na isinama


niya sa langit upang mapangalagaan.

Tandaan, hindi lahat ng diyos sa mitolohiya ng Luzon ay nakatira sa langit.


Ang iba ay inatasang manirahan sa lupa at tinatawag ng iba bilang anito.
Ang salitang lakan ay ginagamit na salin ng salitang Ingles na escort.

 Lakanbakod – Diyos ng bakod at tagapangalaga ng mga pananim mula sa


mga hayop. Inaalayan siya ng igat ng mga tao.

 Lakandanum – Diyos ng tubig ng sinaunang mga Kapampangan. Nag-


4
aalay ng mga hayop ang mga tao sa kaniya at itinatapon sa ilog sa
paniniwalang siya ay nagpapaulan. Mayroong lumang kaugalian ng
pagdiriwang ng Bagong Taon ang mga Kapampangan na tinatawag na
Bayung Danum o Bagong Tubig bilang pagpupuri sa kaniya. Nang
dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, napalitan ito at iniaalay na ang
pagdiriwang kay San Juan at San Pedro sa ibang lugar. Sinasabing may
kaugnayan dito ang Piesta nang Apung Iru.

 Lakambini – Ayon kay Padre San Buenaventura, si Lacanbini ay diyos ng


mga sakit sa lalamunan. Nang lumaon, ang salitang lakambini sa Tagalog
ay nangangahulugang muse.

 Ulilang Kaluluwa – Bago nagsimula ang panahon, silang dalawa ni


Bathala ang namumuhay sa kalawakan. Pareho nilang nais mamuno
kung kaya’t sila ay naglaban kung saan nagwagi si Bathala. Nasunog ang
bangkay ni Ulilang Kaluluwa matapos ang labanan. Siya ay isang nilalang
na may anyo ng pinaghalong ahas at tao.

 Galang Kaluluwa – Matapos ang ilang taon, nagkakilala sina Bathala at


Galang Kaluluwa at naging matalik silang magkaibigan. Ngunit siya ay
nagkasakit at ibinilin kay Bathala na kapag pumanaw ito, sunugin niya
ang kaniyang bangkay. Sinunog nga ni Bathala ang bangkay nito kung
saan din nasunog noon ang bangkay ni Ulilang Kaluluwa. Matapos ang
ilang panahon, tumubo roon ang isang puno na ang mga dahon ay
kamukha ng anyo ni Galang Kaluluwa at ang katawan ay kamukha ni
Ulilang Kaluluwa. Ito ay ang puno ng buhay, ang buko o niyog.

 Aring Sinukuan – Tagapagbantay ng Bundok Arayat sa Pampanga.


Nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon sa paglipas ng panahon kabilang ang
pagbabago ng pangalan at kasarian, mula sa Aring Sinukuan, kalaunan
ay nakilala siya bilang Mariang Sinukuan.

PANGKAT 3
Mitolohiya ng Visayas

 Tungkung Langit at Alunsina – Si Tungkung Langit (nangangahulugang


haligi ng langit) ang itinuturing na pinakamakapangyarihan sa lahat ng
diyos. Ang kaniyang asawang si Alunsina naman ang
pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyosa at siya ang diyosa ng
silangang kalangitan. Ang kanilang pag-aaway ang lumikha sa lahat ng
nakikita sa kalangitan.

 Kaptan – Isang diyos na pinakasalan ang diyosang si Magwayen.


Nagkaroon din sila ng awayan na nauwi sa paghihiwalayan. Nagtungo si
5
Kaptan sa kanyang hardin na tinatawag na kabilyawan kung saan siya
nagtanim ng kawayan. Mula rito ay nilikha niya ang unang lalaki, si
Kalak; at ang unang babae, si Kabay.

 Magwayen – Asawa ni Kaptan at diyosa ng dagat at kamatayan.


Tagasundo ng mga kaluluwa ng mga namatay sakay ng kaniyang
bangka. Ang pagtungo ng mga ito sa sulad ay depende sa mga alahas na
inialay ng mga pamilya ng mga namatay. Sa ibang bersiyon, siya ay
isang lalaki at kaibigan ni Kaptan.

 Lidagat – Siya ay diyosa ng dagat. Sa ibang bersiyon, siya ay anak ni


Kaptan at ipinagkasundong ipakasal sa anak ni Magwayen na si
Lihangin, ang diyos ng hangin. Nagbunga ng apat na supling ang
kanilang pagsasama:

 Licalibutan – Panganay na anak nina Lidagat at Lihangin. Dahil


sa kaniyang kasakiman, siya ay ginawang kapuluan o lupa nang
siya ay namatay na habambuhay na tatapaktapakan habang ang
kaniyang mga butihing mga kapatid ay habambuhay na
titingalain.
 Liadlaw – Diyos ng araw, Sa ibang bersiyion, siya ay ginawang
araw nang siya ay namatay.
 Libulan – Diyosa ng buwan. Sa ibang bersiyion, siya ay ginawang
buwan nang siya ay namatay.
 Lisuga – Nang siya ay namatay, siya ay ginawang mga bituin sa
langit.

 Barangaw – Sa paniniwala ng mga sinaunag Bisaya, ang mga


namamatay sa digmaan ay dumadaan sa bahaghari upang marating ang
kaharian ni Kaptan. Sa paniniwala nila, ang kulay ng bahaghari ay dugo
ng mga ito na dumadaloy patungo sa mga tao. Sa mga mandirigmang
namatay na ito, may isang pinakamakapangyarihan, si Barangaw. Siya
ang diyos at tagapagbantay ng bahaghari.

 Ynaguinid – Bukod kay Barangaw, mayroon pang dalawang


mandirigmang diwata ang nabanggit sa aklat ni Miguel de Loarca: sina
Ynaguinid at Macanduc. Siya ay diyosa ng digmaan.

 Burigadang Pada Sinaklang Bulawan – Siya ay diyosa ng kasakiman


ayon sa Hinilawod, isang epiko mula sa Panay na mayroong 2,325 linya
sa unang bahagi at 53,000 sa ikalawang bahagi. Kapatid nina
Nagmalitong Yawa at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon.

 Lalahon – Taliwas sa nakasanayan, hindi siya diyosa ng bulkan kung


hindi diyosa ng masaganang ani. Naninirahan siya sa bulkang
6
Malaspina na ngayon ay Bulkang Kanlaon sa Negros.

PANGKAT 4

Mitolohiya ng Mindanao

 Pamulak Manobo – Sa paniniwala ng mga Manobo, siya ang maylikha


ng unang babae at lalaki: sina Tuglay at Tuglibon. Lumikha rin siya ng
igat (kasili) at alimango (kayumang). Palaging magkasama ang dalawa at
lumilindol sa tuwing iniipit o kinakagat ng alimango ang igat. Siya rin
ang pinaniniwalaang may kontrol ng mga nangyayari sa kalikasan gaya
ng pag-ulan, pagkulog, mga ulap, at iba pa.

 Tuglay at Tuglibon – Sa ibang bersiyon, ang unang lalaki at babae ay


hinulma mula sa mga butil ng mais at binigyang-buhay nina Tuglay at
Tuglibon. Nagtatanim ng palay si Tuglibon nang mapansing masyadong
mababa ang langit kaya’t inutusan itong tumaas.

 Lumabat – Sa mga Manobo at Bagobo, mayroong nanirahang dalawang


magkapatid na sina Lumabat (diyos ng kalangitan) at Mebuyan (diyosa
ng ilalim ng lupa). Si Lumabat ay isang mangangaso ngunit ang
kaniyang paghuli sa isang hayop ay umabot nang mahabang panahon.
Walong beses niyang pinaslang ang kaniyang ama ngunit nabubuhay ito
at nagiging bata sa tuwing namamatay. Nang panahon na upang
magtungo si Lumabat sa langit, nakiusap siya sa kapatid na si Mebuyan
na samahan ito sa ilalim ng lupa ngunit tumanggi ito kung kaya’t
nag-away sila.

 Mebuyan – Kapatid ni Lumabat at tagapagbantay ng ilalim ng lupa. Siya


ang sumasalubong sa mga kaluluwa ng mga namatay bago sila
magpunta sa langit. Kaniyang inaalagaan ang mga kaluluwa ng mga
sanggol na namamatay.

7
PANGKAT 5

Mga Mahiwagang Nilalang

 Aswang – Ayon sa mga antropologo, ang mga aswang ang


pinakakinatatakutang mahiwagang nilalang o mythical creatures noong
panahon ng mga Kastila. Sila ay may nakakatakot na itsura at kumakain
ng tao. Sa ibang bersiyon, sila ay pinaghalong anyo ng tao at aso. Sa
katunayan, ang ekspresyon ng mga Pilipino na “Tao po” sa tuwing
papasok sa isang bahay ay nalikha dahil sa pagkatakot sa mga aswang.
Pinaniniwalaang ang mga aswang ay may kakayahang kumatok sa pinto
ng mga bahay tuwing gabi at kakainin ang sinumang sila ay pagbuksan.
Samakatuwid, ang pagsasabi ng “Tao po” ay nangangahulugang, “Tao po
ako, hindi aswang”.

 Nuno – Sila ay mga maliliit na nilalang na pinaniniwalaan sa ibang


bersiyon bilang kaluluwa ng sinaunang mga tao o mga ninuno.
Pinaniniwalaang sila ay nakatuntong sa mga punso.

 Kapre – Isang higanteng mahiwagang nilalang at pinaniniwalaang


naninirahan sa malalaking puno tulad ng santol at sampalok.

 Tiktik – Isang uri ng aswang na humahaba ang dila. Pinaniniwalaang sila


ay sumasalakay tuwing gabi sa bubong ng mga bahay upang maghanap
ng nagdadalan-tao upang kainin ang nasa sinapupunan nito.

 Manananggal – Mula sa salitang “tanggal”, ang isang manananggal ay


may kakayahang mahati ang katawan mula sa baywang o matanggal ang
itaas na bahagi ng katawan mula sa ibabang bahagi tuwing gabi,
kadalasan ay kapag kabilugan ng buwan. Nagkakaroon ito ng pakpak
upang siya ay makalipad.

 Tikbalang – Isang nilalang na ang kalahating tao at kalahating kabayo. Sa


paniniwala ng mga Pilipino, tuwing umuulan habang tirik ang araw ay
mayroong ikinakasal na tikbalang.

 Tiyanak – Isang sanggol na nagiging halimaw tuwing sasapit ang gabi at


lalong mabangis tuwing kabilugan ng buwan.

You might also like