Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Cagayan
District of Sanchez Mira
DAMMANG ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 4
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

LEARNING Actual Weight Total

Understanding
Remembering

Evaluating
Instruction % No. of

Analyzing
Applying

Creating
COMPETENCIES (Days) Items

1. Nakapagbibigay ng
panuto na may tatlo
hanggang apat na hakbang
2 5% 2 1,2
gamit ang pangunahin at
pangalawang direksiyon
F4PS-IVa-8.7
2. Nasasagot ang mga
tanong sa napanood na
2 5% 2 3,4
patalastas
F4PD-IVf-89
3. Nakapaghahambing ng
iba’t ibang patalastas na
1 2.5% 1 5
napanood
F4PD-IV-g-i-9
4. Nagagamit sa
pagpapakilala ng produkto 2 5% 2 6 7
ang uri ng pangungusap
5. Nagagamit ang iba’t
ibang mga uri ng
pangungusap sa 8,9
3 7.5% 3
pagsasalaysay ng 10
sariling karanasan
F4WG-IVa-13.1
6. Nakasusulat ng isang
balangkas mula sa mga
nakalap na impormasyon 1 2.5% 1 11
mula sa binasa
F4PU-IV ab-2.1
7. Naibibigay ang paksa ng
12,
napakinggang teksto 2 5% 2
F4PN-IVb-7 13
8. Naibibigay ang kahulugan 2 5% 2 14,
ng salita sa pamamagitan 15
ng pormal na depinisyon ng
salita
F4PT-IVc-1.10
9. Nagagamit ang
magagalang na pananalita
sa iba’t ibang sitwasyon;
2 5% 2 16 17
Pagbibigay ng puna sa
editorial cartoon
F4PS-IVe-12.18
10. Nakaguguhit ng sariling 18,
editorial cartoon 3 7.5% 3 19
F4PU-IVe-3 20
11. Nasasagot ang mga
tanong sa nabasa o 22,
napakinggang pagpupulong
23,
(pormal at di-pormal), 5 12.5% 5 21
katitikan ng pagpupulong 24,
F4PN-IVd-g-3.3 ; F4PB- 25
IVg-j-100
12. Nasasagot mo ang 27,
tanong sa binasang iskrip
28,
ng radio broadcasting at 5 12.5% 5 26
teleradyo. 29,
F4PBIVg-j-101 30
13. Naibabahagi mo ang
obserbasyon sa mga taong
2 5% 2 31 32
kabahagi ng debate.
F4PSIVh-j-14
14. Naipapakita ang nakalap
na impormasyon sa 33, 36,
pamamagitan ng 39,
8 20% 8 34, 37,
nakalarawang balangkas o 40
dayagram 35 38
F4EP-Iva-d-8

TOTAL 40 100 % 40 12 12 6 6 2 2

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III

Noted by:
School Principal
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO
Name_______________________________________________ Date_________
Panuto: Tulungan si Maricar sa pagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at
pangalawang direksiyon sa tulong ng isang mapa sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Si Maricar ay bibili ng kape at bigas sa tindahan. Alin sa mga ito ang tamang panuto?
A. Pumunta sa Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
B. Pumunta sa Timog Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa
tindahan.
C. Pumunta sa Timog na direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
D. Pumunta sa Hilagang Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa
tindahan.
2. Siya naman ay magtutungo sa simbahan. Alin sa mga ito ang tamang panuto?
A. Baybayin ang hilagang direksyon upang marating ang simbahan.
B. Baybayin ang kanlurang direksyon upang marating ang simbahan.
C. Baybayin ang silangang direksyon upang marating ang simbahan.
D. Baybayin ang timog na direksyon upang marating ang simbahan.

PATALASTAS
Gatas na malinamnam,
subok na masustansiya.
Puno ng iron, zinc, at vitamins.
Inumin ito araw-araw.
Katawan mo’y lalakas, isip mo’y tatalas!
Numero unong gatas,
magaan pa sa bulsa.
‘Yan ang Gatas na Soya Fortified!
3. Ano ang paksa ng patalastas?
A. Sabon na panghugas sa kamay B. Gatas na Soya Fortified
C. Sabon na panlaba D. Gatas na Milky Fresh
4. Sino ang pangunahing tagapagkilala ng patalastas?
A. Bata B. Nanay C. Tatay D. Guro
5. Paghambingin ang dalawang patalastas. Ano ang pinagkaiba ang pagkakatulad ng
dalawa?

A. Parehas silang mabango, ngunit mas mura ang presyo ng isang produkto.
B. Magkatulad ang amoy, presyo at makukuhang benepisyo sa dalawang
patalastas.
C. Magkaiba ang presyo at amoy ng dalawang sabon, pero magkapareho silang
madaling bumula, maaaring gamitin sa may kulay na damit, at masiksik sa laman.
D. Presyo lamang ang pinagkaiba ng dalawang patalastas.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagpapakilala ng
produkto. Piliin ang titik ng tamang sagot.
6.
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Padamdam
D. Pautos/Pakiusap

7.
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Padamdam
D. Pautos/Pakiusap

8. Bilhin mo ang inaasam na regalo ng iyong kaibigan. Anong uri ng pangungusap ito?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
9. “Pakibuksan mo nga pintuan”, sabi ni Krissa sa kanyang kapatid. Anong uri ng
pangungusap ito?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
10. Naghahanap ka ba ng mura at matibay na sapatos? Anong uri ng pangungusap ito?
A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
11. Ito ang maayos na pagtatala, paghahanay, o pagsasaayos ng mga pangunahing
kaisipan, impormasyon, at kaalaman.
A. Talaan B. Balangkas C. Graph D. Komiks
12. Tukuyin ang paksa ng teksto.
Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog
ng kilay para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na
ang bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa edukasyon. Edukasyon na siyang
magagamit upang maging maayos ang pamamalakad ng ating bansa.
A. Pagpapahalaga sa edukasyon C. Kawalan ng edukasyon sa Pilipinas
B. Pagpapahalaga sa pamilya D. Libreng pag-aaral para sa kabataan
13. Ano ang paksa ng teksto?
Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng mga
nakatatanda sa atin. Musikang sinasaliwan ng isang magandang hakbang tulad ng
pagmamano. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga gawaing nagpapakita ng paggalang hindi
lamang sa mga matatanda kundi pati na rin sa ating sarili.
A. Pagiging masipag C. Pagiging magalang
B. Pagiging masunurin D. Pagiging masinop
14. Si Kalasag ay ibinenta ng kanyang amo. Ano ang kahulugan ng salitang ibinenta?
A. inihandog B. ipinagbili C. ipinamigay D. itinapon
15. Gusto niyang umidlip pero mailap ang tulog sa kanya. Ano ang kahulugan ng salitang
umidlip?
A. magpahinga B. mangarap C. matulog D. managinip
16. Ang ay larawang guhit-kamay ng isang political cartoon na nakabatay sa
isang isyu, isang opinion, o isang pangyayaring napapanahon.
A. Komiks B. Editorial Cartoon C. Drawing D. Painting
17. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan tuwing nagbibigay ng puna sa isang
editorial cartoon MALIBAN sa isa.
A. Maging tapat o makatotohanan sa pagbibigay ng puna.
B. Ipahayag nang may paggalang ang mga pagsang-ayon at pagsalungat.
C. Magbigay lamang ng mga negatibong komento.
D. Papurihan ang mga mahuhusay na puntos.
Panuto: Tukuyin ang nais ipahiwatig ng bawat editorial cartoon. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
18. A. pagtanggap ng Pilipinas sa mga
Ukrainian Refugees
B. pagsakop ng Ukraine sa Pilipinas
C. paglilikas ng mga taong walang
matirhan
D. pagkakaibigan ng bansang Pilipinas at
Ukraine

19. A. mga mamamayang gutom


B. paghihirap ng mamamayang Pilipino
C. bansang maunlad
D. korapsyon na nagpapahirap sa
Pilipinas

20. A. paghahanda tuwing may bagyo


B. huli na sa pag-eevacuate ang mga tao
C. malakas na bagyo
D. walang tulong na dumarating tuwing may bagyo

Panuto: Basahin at unawain ang di pormal na pagpupulong, sagutin ang mga tanong.
Pagpupulong ng MAPEH CLUB

Ang pamunuan ng Mapeh Club sa Paaralang Zeferino Arroyo ay naghahanda para sa darating
na School Intramurals. Tumawag agad ng pulong ang pangulo kaugnay nito.

Tagapangulo: Magandang hapon. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na tayo.


Liza: Nais ko na magkaroon tayo ng Zumba Dance. Upang makalikom ng pondo.
Paula: Sang-ayon ako sa mungkahi mo. Sigurado marami ang sasali rito.
Raul: Tagapangulo, tutol ako sa mungkahi ni Liza. Mas maganda
kung magkaroon na lamang tayo ng Basketball Tournament.
Tagapangulo: Mga magaganda ang inyong mga mungkahi. Puwede namang gawin natin
ito pareho. Sang-ayon ba kayo?
Lahat: Sang-ayon ang lahat.
Sonny: Maaasahan ninyo ang aking pakikiisa.
21. Sino ang nagpatawag ng pagpupulong?
A. Paula C. Tagapangulo
B. Sonny D. Raul

22. Ano ang pinag-usapan sa pagpupulong?


A. mga paaran upang maiwasan ang pagkalat ng COVID
B. paghahanda sa darating na School Intramurals
C. pagtatanim ng gulay sa bakuran
D. pagbabawal ng paggamit ng plastic

23. Kaninong mungkahi ang tinutulan ni Raul?


A. tagapangulo C. Liza
B. Paula D. Sonny

24. Ano-anong mga gawain ang iminungkahi upang makalikom ng pondo?


A. magkaroon ng Zumba at Folk Dance
B. magkakaroon ng Zumba at Basketball Tournament
C. magbebenta ng mga tanim na gulay
D. magtatayo ng eksibit sa paaralan

25. Paano ipinakita ng bawat miyembro ang pagsuporta?


A. pagtutol sa mga mungkahing ibinigay
B. umalis ng walang paalam
C. natutulog habang nagsasalita ang tagapangulo
D. pagsang-ayon sa mga mungkahi

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balitang iskrip at pagkatapos sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Andrada nasungkit ang Silver Medal sa Lawn Tennis

Nasungkit ni Rachel Andrada, mag-aaral ng ICS ang silver medal sa


larong lawn tennis noong September 29, 2021 ng PHILTA-Junior Tennis
26. Sino ang nakasungkit ng silver medal sa larong lawn tennis?
A. Rachel Andrada C. Rowena Andrada
B. Rowena Mercado D. Rachel Mercado

27. Sino ang nakatunggali ni Rachel Andrada sa tournament?


A. Rachel Andrada C. Rowena Andrada
B. Rowena Mercado D. Rachel Mercado
28. Kailan at saan naganap ang PHILTA-Junior Tennis Tournament?
A. September 27, 2022, Legazpi City
B. September 28, 2022, Naga City
C. September 29, 2022, Naga City
D. September 30, 2022, Legazpi City
29. Saan naganap ang PHILTA-Junior Tennis Tournament?
A. Naga City C. Legazpi City
B. Iriga City D. Sorsogon City

30. Ano ang naging iskor ng dalawang manlalaro?


A. 5-4 C. 7-5
B. 6-4 D. 8-6

31. Ito ay isang pakikipagtalong may estruktura at may dalawang grupo tungkol sa
napagkaisahang paksa.
A. pulong B. debate C. paligsahan D. sagutan

32. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat isaalang-alang ng kabahagi sa debate
MALIBAN sa isa.
A. Ipinaglalaban nila ang kani-kanilang paninindigan.
B. Malinaw nilang ipinapaliwanag ang kani-kaniyang pinaniniwalaan.
C. Ang tagapamagitan ang pumapagitna at sinisiguro niya ang kaayusan ng bawat
grupo.
D. Malayang makipag-away ang bawat panig kung sila ay natalo.

Panuto: Tukuyin ang grap na inilalarawan. Piliin sa ibaba ang iyong sagot.

A. Bar Grap C. Pie o Circle Grap


B. Line Grap D. Pictograph

33. Nagpapakita ng pagbabago sa halaga o dami. Ang mga datos dito ay ipinakikita
ng mga tuldok na pinagdurugtong ng linya.
34. Ito ay nagpapakita ng paghahambing ng dami.

35. Naghahambing ng dami sa tulong ng mga larawan.

36. Nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi ng isang kabuuan.

Panuto: Pag-aralan ang grap at sagutin ang mga tanong.

Marka ni Mira sa Ikatlong Markahan

37. Sa anong dalawang aralin matataas ang marka ni Mirasol sa huling markahan?
A. Agham at MSEP C. HeKaSi at Agham
B. Ingles at Filipino D. MSEP at EPP

38. Ano ang pinakamababang marka ni Mira?


A. 70 C. 80
B. 75 D. 85

39. Sa ipinakita sa grap, anong asignatura ang dapat niyang pag-aralang mabuti?
A. MSEP at Agham C. EPP at Agham
B. Matematika at Ingles D. HeKaSi at Filipino

40. Ano ang kaniyang kabuuang marka sa huling markahan?


A. 88.57 C. 90.00
B. 88.00 D. 90.57
Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III

Noted by:

School Principal I

ANSWER KEY: FILIPINO 4 Q4


1. B
2. A
3. B
4. B
5. C
6. C
7. A
8. D
9. D
10. D
11. B
12. A
13. C
14. B
15. C
16. B
17. C
18. A
19. D
20. B
21. C
22. B
23. C
24. B
25. D
26. A
27. B
28. C
29. A
30. B
31. B
32. D
33. B
34. A
35. D
36. C
37. D
38. C
39. D
40. A

You might also like