Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

School: ANA KATHLYN P.

RAMOS Grade Level: VI


GRADE 6 Teacher: LUCIO SUAREZ SR. MEMORIAL SCHOOL Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON PLAN Teaching Date /Time: May 25, 2023 Quarter: FOURTH

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng
binasang teksto
 C.  Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang pagkakaiba ng mga tekstong piksyon at di-piksyon (F6PB-IVc-e-22)
II.NILALAMAN Pagsusuri ng Pagkakaiba ng mga Teksto (Piksyon at Di-Piksyon)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro K-12 Curriculum Guide – Grade 6 FILIPINO page 128
2.Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa MISOSA Modyul 18: Piksyon at Di-piksyon
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation, projector, activity sheets
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Panuto: Buuin ang mga ginulong titik upang matukoy kung anong teksto ito.
at/o pagsisimula ng aralin ALUBAP 1. Kwentong mga hayop ang tauhan at karaniwang nagbibigay-aral sa buhay
ANEKAOTD 2. Isang maikling paglalahad ng pangyayari sa buhay ng isang tao
AMALTA 3. Kwento ng pinagmulan ng tao, bagay o pook
BULAPARA 4. Kwentong hango sa mga turo ni Hesus sa Bibliya
T A L A N A W A R A 5. Nagpapakita ng araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao.

B. Paghahabi sa layunin ng Tingnan ang larawan, alin sa mga larawan ang kawangis nating mga Pilipino?
aralin   Bakit nga ba magkakaiba ang kulay at istura ng bawat lahi?

(ESP/GAD : paggalang sa pagkakaiba-iba ngitsura ng bawat lahi, relihiyon at kasarian)

Paghahawan ng Balakid:
Hurnuhan (oven) – isang kulob na painitan na dinisenyo sa pagluluto ng tinapay o cake
Hinango – kinuha o inalis na sa pagkakalagay
Bathala – Ayon sa mitolohiya ng mga lumang Tagalog, si Bathala ang punong diyos o pinaka-ama ng lahat
ng mga diyos.

Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Pinagmulan ng Iba’t Ibang Lahi

Ayon sa matatanda, matagal ding namuhay nang mag-isa sa daigdig si Bathala. Mag-isa
niyang nilibot ang daigdig. Habang tumatagal ay nakadarama siya ng lungkot at kabagutan.
“Napakalungkot nang nag-iisa! Kailangan kong lumikha ng makakasama!” malakas na sabi ni
Bathala sa kanyang sarili.

Kinabukasan ay nagpasya si Bathala na lumikha ng tao. Kumuha si bathala ng maganda,


malambot at malagkit na lupa. Masaya niya itong hinubog sa anyong tao. Pagkatapos ay
maingat niya itong inilagay sa hurnuhan upang lutuin. Habang naghihintay na maluto, inaliw
niya ang kanyang sarili sa pag-iisip kung ano pa ang maaari niyang magawa sa mabubuo
niyang tao.

Hindi nagtagal, nakaamoy siya ng nasusunog. “Ang aking nilikha!” sigaw ni Bathala nang
maalala ang kanyang niluluto. Dali-dali niya itong kinuha sa hurnuhan, “Nasunog, umitim ang
nilikha!”
Ang maitim na taong nagawa ni Bathala ay sinasabing ninuno ng lahi ng mga Negro.

Ipinasya ni Bathala na gumawa ng panibagong tao. Kumuha siyang muli ng putik at


hinubog ito sa anyo ng tao. Pagkatapos ay inilagay muli sa hurnuhan at naghintay. Sa takot na
masunog muli ay hinango niya ito kaagad sa hurnuhan.
“Hilaw!” bigong sigaw ni Bathala nang makita ang hinangong tao. “Napakaputi ng aking
nilikha!”
Ang maputing tao ang pinaniniwalaang ninuno ng mga lahing puti tulad ng mga
Amerikano at mga taga-Europa.

“Kailangan kong gumawa ng isa pa!” sabi ni Bathala sa kanyang sarili. “Sa pagkakataong ito,
titiyakin kong tamang-tama na ang pagkakaluto.” Muling humugis ng tao si Bathala mula sa
malagkit na putik at niluto upang masigurong hindi ito masusunog o kaya’y mahihilaw. Nang
inaakala niyang husto na ang pagkakaluto ng kanyang nilikha, inilabas niya ito sa hurnuhan.

“Tamang-tama ang pagkakaluto! Napakaganda ng kulay! Hindi maitim at hindi rin maputi.
Tamang-tama lamang sa aking inaasahan!” bulalas ni Bathala.

Ang nilikhang ito ang sinasabing pinagmulan ng lahing kayumanggi na siyang lahing
kinabibilangan ng mga Pilipino.

C. Pag-uugnay ng mga Mga Tanong:


halimbawa sa bagong aralin    1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Ano ang nilikha ni Bathala?
3. Bakit niya nilikha ang mga ito?
4. Anong lahi ang una niyang nilikha? Ang pangalawa? Ang pangatlo?
5. Paano niya nilikha ang mga ito?
6. Ayon sa kwento, anong lahi ang pinagmulan ng Pilipino?
6. Makatotohannan ba ang mga pangyayari sa kuwento? Bakit?

Pagkatapos marinig ang sagot ng mga mag-aaral, itanong ang mga sumusunod:
1. Ano ba ang lahing pinagmulan ng mga Pilipino?Bakit nga ba may ilang Pilipino na maitim, maputi at
kayumanggi? (IIugnay ang tanong sa nakaraang aralin sa AP tungkol sa Kolonisasyon sa Plipinas)

Ngayon naman ay basahin ang isang artikulo tungkol sa Melanin.

Ang melanin ay isang sangkap sa iyong katawan na gumagawa ng pigmentation ng buhok,


mata at balat. Kung mas maraming melanin ang iyong nagagawa, mas madidilim ang iyong mga
mata, buhok at balat. Ang dami ng melanin sa iyong katawan ay nakasalalay sa ilang iba't ibang
mga kadahilanan, kabilang ang genetika at kung gaano karaming pagkakalantad sa araw ang
iyong populasyon ng ninuno.
https://karger.com/spp/article/35/2/65/826910/Influence-of-Ethnicities-and-Skin-Color-Variations

2. Base sa ating binasa, ano nga ba ang totoong dahilan ng pagkaka-iba-iba ng kulay o “complexion” ng
isang tao o lahi?
(Science – Integumentary System)
3. Makatotohanan ba ang mga nabanggit sa binasang artikulo? Bakit?

D. Pagtatalakay ng bagong Ang 2 binasa natin ay parehong teksto na may kani-kaniyang paksa. Ang una ay sinulat o ginawa ng may-
konsepto at paglalahad ng akda upang magbigay aliw sa mambabasa, ngunit ito ay kathang-isip lamang. Isang kwento mula pa sa
bagong kasanayan  #1   ating mga ninuno tungkol sa pinagmulan ng tao. Samantalang ang ikalawang teskto/babasahin naman ay
isinulat upang magbigay ng impormasyon tungkol sa ‘melanin’ na siyang totoong dahilan kung bakit may
iba’t ibang uri ng kulay ng balat ang mga tao. Ito ay hango sa siyensya at totoong pag-aaral tungkol sa
balat ng mga tao.

Ang dalawang uri ng babasahin na ito ay tinatawag na Piksyon o Kathang-isip at Di-piksyon o


makatotohanan.

Ang babasahing piksyon ay binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa
paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga likhang isip na mga tauhan, lugar at mga
pangyayari. Ito ay maaaring alamat, salaysay, kuwento.

Ang babasahing di-piksyon ay kinapapalooban ng mga pangyayari. Ito ay maaaring talaarawan, editoryal,
artikulo, sanaysay o paglalahad.

Ipaghahambing ng guro ang una at ikalawang binasang kwento at artikulo upang ipaliwanang ang
pagkakaiba ng Piksyon at Di-Piksyon. Magbibigay din ang guro ng ilan pang halimabawa ng mga
babasahing piksyon at di piksyon. (powerpoint)

Tatawag ang guro ng 1 mag-aaral na magbabasa para sa klase.

Mag-aaral 1: Basahin sa harap ng klase na parang isang “endorser ng produkto” ang lathalain na kinuha
sa isang pahayagan at sagutin ang nag sumusunod na tanong.

Pamoso ang Baguio sa mga magagandang bulaklak na kanilang ipinakikita sa taunang


selebrasyon ng Baguio Flower Festival tuwing buwan ng Pebrero. Dito ipinaparada ang mga
sari-saring bulaklak na ipinagmamalaki ng lungsod.

Hindi dapat kalimutan ang pamamasyal sa mga kilalang park sa Baguio. Ang Burnham Park
ang pinaka-una at pinakamatandang park sa lungsod samantalang naging popular naman
ang Mines View Park dahil sa miniminang ginto, tanso at ore dito. Ang Wright Park ay isang
pine tree park reserve. Makikita rin dito ang Philippine Military Academy (PMA), Unversity
of the Philippines, College of Baguio at Eastern School Weaving Room kung saan
natututong maghabi ang mga taga-Baguio.

Kung ang hanap ay spiritual growth, naririto ang hinahangaang Baguio Cathedral na
kailangang akyatin ng 100 baytang sa tuktok ng bundok, ang Lourdes Grotto na may 252
baitang at ang Bell Temple kung saan itinuturo ang iba’t ibang relihiyon.

Marami pang makasaysayang lugar na matatagpuan sa lungsod. Ang Kennon Road ang
pinakamaikling highway patungong Baguio. Ipinangalan ito kay Col. Lyman W. Kennon, isa
sa mga nagtaguyod ng proyekto. Naririyan din ang Teacher’s Camp na madalas pagdausan
ng mga training ng mga guro sa buong bansa at ang Baguio Mansion House na ginagawang
retreat house ng mga naging pangulo ng bansa at gobernador heneral na Amerikano.

Bukod sa magagandang tanawin, ‘shopping haven’ din kung ituring ng marami ang Baguio.
Dito nagsimulang makilala ang tinatawag na UK (Ukay-Ukay). Sa palengke ng lungsod sa
may Magsaysay Avenue masarap mamili ng mga souvenir items. Ang mga stalls dito ay
puno ng iba’t ibang produktong etniko at nakaboteng mga minatamis. Kaya tayo na sa
Baguio!

Tanong:
1. Ito ba ay Piksyon o Di-Piksyon? Bakit?
Hindi ito piksyon dahil hindi ito likhang isip.
Ito ay halimbawa ng Di-Piksyon sapagkat kinapapalooban ito ng mga pangyayari na tunay na naganap,
makatotohanan, mahalaga at makasaysayan.

E. Pagtatalakay ng bagong Pangkatang Gawain


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Ipaalala ang mga Pamantayan sa pangkatang gawain bago magsimula ang bawat pangkat.

Unang Pangkat
Panuto: Suriin ang Pabalat ng bawat babasahin o teksto sa ibaba. Pagsama-samahin sa hanay A ang lahat
ng Piksyon at sa hanay B naman ang lahat ng Di-Piksyon.
Ikalawang Pangkat
Panuto: Suriin ang pamagat ng mga seleksyong nakatala sa ibaba. Isulat and titik P kung piksyon at titik
DP naman kung ito ay di-piksyon.
_____1. Talambuhay ni Tandang Sora
_____2. Ang Sirena sa Ilog
_____3. Hangin tubig na may lason (Editoryal)
_____4. Mulawin
_____5. Alamat ng Makahiya
_____6. Darna
_____7. Ang Aking Talaarawan
_____8. Pope Benedict XVI Ang Unang Papa ng Milenyo
_____9. Encantadia
_____10. Kagamitang Medikal ng mga Sundalo, Iayos (Editoryal)

Ikatlong Pangkat
Panuto: Ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tekstong Piksyon at Di-Piksyon gamit ang
Venn Diagram.

PIKSYON DI-PIKSYON
 Kathang-isip  Tunay na pangyayari
 Imahinasyon May tagpuan  Talambuhay
 Hindi makatotohanan Tauhan  Kasaysayan
 Alamat Balangkas ng mga  Mga karanasan
 Kwentong-bayan pangyayari  Kwento ng tagumpay
 Epiko  Makasaysayang pangyayari
 pabula  anekdota

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat teksto. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang Piksyon o
sa Formative Assesment) Di-piksyon.
G. Paglalapat ng aralin sa pang Sa panahon ngayon, napakarami nang maririnig, mababasa at mapapanood mula sa iba’t ibang uri ng
araw-araw na buhay media. Iba’t-ibang uri ng impormasyon, kwento at mga pangyayari ang maari nating makita/marinig at
mapanood mula rito. Hindi lahat ng ng ito ay totoo, nagkalat ang ‘fake news’ at maling mga
impormasyon, karamihan ay kathang-isip lamang at nagmula sa imahinasyon. Panoorin natin ang
patalastas na ito at suriin kung ito ay Piksyon o Di-Piksyon.

https://www.youtube.com/watch?v=MNtnay3k9gs
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang napanood?
2. Ito ba ay base sa katotohanan o totoong buhay?
(English-Propaganda – Anong uri ng propaganda ang ginamit upang mahikayat ang mga konsumer sa
patalastas na ito?)
3. Kapanipaniwala ba ang patalastas na ito? Bakit?
5. Kung ikaw ang tatanungin? Bibili ka rin ba ng ballpen na ito? Bakit?
(MAPEH-Consumer Health – Hindi lahat ng napapanood sa telebisyon o patalastas ay totoo, maging
mapanuring konsumer)
6. Bakit mahalaga na matuto tayong suriin kung piksyon o di-piksyon ang mga teksto o palabas na ating
binabasa/pinapanood?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang 2 uri ng Tekstong ating tinalakay?
Ano ang piksyon?
Ano naman ang Di-piksyon?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat teksto. Isulat ang titik P kung ito ay Piksyon at titik DP
naman kung Di-Piksyon.
1. Malaking bagay ang mensahe ni Pangulong Marcos upang makapag-ingat ang publiko tungkol sa
paglaganap muli ng Covid 19.
2. Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging isang punongkahoy n bungang hugis-puso.
3. Unang nakarating sa tuktok ng bundok si Maya at tinalo niya ang mayabang na si Agila.
4. Bahagyang humina ang bagyong Ambo na mula sa typhoon category, ngayon ay nasa severe tropical
storm category na lamang. Ayon sa report naka-anim na landfall ang bagyo na unang nanalasa sa
Visayas bago ang pampitong landfall sa bahagi ng Quezon kagabi.
5. Maagang nakapagtapos ang mga pribadong paaralan dahila mas maaga silang nagsimula ng klase
noong nakaraang taon. Samantala inaprubahan naman ng Kagawaran ng Eduasyonna muling
magsagawa ng modular learning system sa ilang lugar o rehiyong apektado ng matinding init.
J. Karagdagang gawain para sa Maghanap ng 2 uri ng aklat o anumang babasahin sa inyong tahanan/silid-aklatan. Maaring litratuhan
takdang-aralin at remediation   ang pabalat o isulat ang pamagat nito sa inyong kwaderno. Pagkatapos ay suriin at tukuyin kung ito ay
Piksyon o Di-Piksyon.
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sapagtataya
B. Bilang mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istrateheya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by:
ANA KATHLYN P. RAMOS

You might also like