Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Topic: Salvation

Nagsimula ang lahat nung nagkasala ang isang tao, si adan..

Romans 5:12
Sin came into the world through one man (Adam), and his sin brought death with it. As a result, death has spread
to the whole human race because everyone has sinned.

Romans 5:12
Kaya sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan
ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay
nangagkasala:

Na ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan, habang buhay na pagkahiwalay sa Dios.

Romans 6:23
For the wages of sin is death; but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord.

Roma 6:23
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, datupwat ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na
walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Ngunit dahil sa dakilang pagibig ng Mahal na Panginoong Jesus sa kanyang mga anak, Siya ay nagkatawang tao,
nagsakripisyo ng kanyang buhay upang TUBUSIN tayo sa kasalanan at ang kanyang kamatayan sa krus ang naging
kabayaran.

John 3:16
For God so love the world that He gave his only begotten Son that whosoever believeth in Him should not perish
but have everlasting life.

Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak
upang ang sinoman sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan.

Nilikha ng Dios ang tao upang Siya ay paglingkuran, sundin ang kanyang buong kalooban

Ecc. 12:13
Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep His commandments: for this is the whole duty
of man.

Ecc: 12:13
Ikaw ay matakot sa Dios at sundin mo ang Kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.

Tandaan natin na walang sinoman ang maliligtas kundi sa pamamagitan ng Mahal na Panginoong Jesus. Kaya’t
ang pagtanggap sa kanya bilang tagapagligtas, Dios at Hari ng ating buhay ay siya nating dapat gawin.

John 14:6
Jesus saith unto him, I am the way, the truth and the life: no man cometh unto the Father but by me.

Juan 14:6
Sinabi sa kanya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama
kundi sa pamamagitan ko.
Marapat lamang natin unahin Siyang paglingkuran at pawang ang lahat ng ating mga pangangailangan ay
idaragdag na lamang Niya sa atin.

Matt. 6:33
But seek ye first the Kingdom of God and His righteousness and all this things shall be added unto you.

Mateo 6:33
Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na
ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Upang ang tao ay magkamit ng kaligtasan mula sa kamatayan ng kaluluwa at kaligtasan mula sa habang buhay
na pagdurusa, kailangan nating magsisi sa ating mga kasalanan at magpabautismo sa tubig sa Pangalan ni
Jesucristo at upang matanggap natin ang Espiritu ng Dios.

Acts 2:38
Then Peter said unto them, Repent, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the remission
of sins and ye shall receive the gift of the Holy Ghost.

Gawa 2:38
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo
sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Dahil kung ang tao ay walang Espirito ng Dios, ito ay hindi sa kanya.. hindi siya maituturing na anak ng Dios.

Romans 8:9
But ye are not in the flesh but in the Spirit, if so be that the Spirit of God dwell in you. Now if any man have not the
Spirit of Christ, he is none of His.

Roma 8:9
Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios.
Datapuwa’t kung sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kanya.

Kung kaya’t napaka halaga na isuko ang sarili o ang ating buong buhay sa Mahal na Panginoong Jesus at talikuran
ang kasamaan o makasanlibutang pamumuhay.

James 4:7
Submit yourself therefore to God. Resist the devil and he will flee from you.

Santiago 4:7
Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa Diablo, at tatakas siya sa inyo.

Maraming maling paniniwala ang ating kinamulatan tulad na lamang ang pagsamba sa dios-diosan, sinasabi sa
banal na kasulatan na ang Dios ay Espirito kaya’t dapat Siyang sambahin sa Espirito at katotohanan

John 4:24
God is a Spirit, and they that worship Him must worship Him in spirit and in truth.

Juan 4:24
Ang Dios ay Espiritu, at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa
katotohanan.
Kung kaya’t ating sikaping malaman ang katotohanan pagka’t ito ang siyang magpapalaya sa atin, Saan? SA
PAGKAALIPIN SA KASALANAN..

John 8:32
And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.

Juan 8:32
At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo

Ang Mahal na Panginoong Jesus ay tapat at hindi nagbabago, Siya ring kahapon, ngayon at magpakailan man.
Kung anong mga bagay o himala na ginawa Niya noon ay magagawa Niya magpasahanggang ngayon,
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Heb. 13:8
Jesus Christ the same yesterday, and today, and for ever.

Hebreo 13:8
Si Jesucristo ay Siya ring kahapon, at ngayon, oo, at mangpakailan man.

Wag nating piliting tayo ang mamuhay para sa sarili natin bagkos ipaubaya natin ang buhay natin sa Dios na
Siyang may akda ng lahat ng bagay. Ang sinomang nais maligtas ang kanyang buhay dito sa lupa ay mawawalan
nito ngunit ang magsuko ng buhay sa Mahal na Panginoong Hesus ay magkakamit ng buhay na walang hanggan.

Luke 9:24
For whosoever will save his life shall lose it; but whosoever will lose his life for my sake (Christ sake) the same shall
save it.

Lukas 9:24
Sapagka’t ang sinoman ibig iligtas ang kanyang buhay, ay mawawalan nito, datapuwa’t sinomang mawalan ng
kaniyang buhay dahil sa Akin, ay maililigtas nito yaon.

Sa pamumuhay natin bayaang ang Panginoong Jesus ang manguna, upang makamtan natin ang kabanalan, dahil
nasusulat walang sinomang nilalang na makakakita sa Dios kung hindi banal.

Heb. 12:14
Follow peace with all men, and holiness, without which no man shall see the Lord.

Hebreo 12:14
Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala nito’y sinoman ay di
makakakita sa Panginoon.

Talikuran ang makasanlibutang pamumuhay pagkat ito ang kalooban ng Dios.

Romans 12:2
And be not conformed to this world, but be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what
is good, and acceptable and perfect will of God.

Roma 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong
pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Pagkat ang sinomang umiibig sa sanlibutang ito, ang pagibig ng Ama ay wala sa kanya.
1 John 2:15-16
15
Love not the world, neither the things that are in the world. If any man love the world, the love of the father is
not in him
16
For all that is in the world, the lust of the flesh, and the lust of the eyes, and the pride of life, is not of the Father
but is of the world.

Ang kakauwian ng ating buhay sa mundong ito ay kamatayang pisikal at pagkatapos nito ay paghuhukom.

Heb. 9:27
And as it is appointed unto men once to die, but after this the judgement

Hebreo 9:27
At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay paghuhukom

Kung kaya’t marapat lamang na ISUKO natin ang ating buong buhay sa Mahal na Panginoong Jesus upang
kaligtasan ay makamtan at magmana ng buhay na walang hanggan sa piling ng ating Pinakamamahal na
Panginoong Jesus sa kanyang kaharian sa langit. Amen!

You might also like