Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kenneth Del Rosario

III - 27

Buod
“Walang Natira”

Mula sa awit na nilikha ni Gloc 9 na pinamagatang “Walang Natira” ay sumasalamin sa buhay


ng mga OFW. Ipinapakita dito ang mga ilang rason kung bakit maraming Pilipino ang nag-iibang
bansa upang doon maghanap buhay. Hindi sila umalis dahil lamang sa kagustuhan nila bagkus
mayroong dahilan silang dala dala sa kanilang paglisan. Maraming mga OFW ang naka-relate
sa kantang ito marahil natalakay dito ang kanilang rason sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nais ipahiwatig ng kantang ito ang pakikipagsapalaran ng maraming Pilipino bagamat na may
panganib sa pagtrabaho sa ibang bansa ngunit alang-alang sa kanilang pamilya ay handa
silang magsakripisyo. Kaya nga sa awit na ito maraming tao ang namulat na hindi sa mga OFW
ang may problema bagkus sa sariling nating bansa na ating tinitirhan. Maraming bukas na
oportunidad para sa ating mga propesyon ngunit pinipili pa rin ng karamihan na umalis
sapagkat kakulangan ang kanilang matatanggap sa kanyang dugo at pawis na pag trabaho dito
sa Pilipinas. Maari nila taglay ang galing sa kanilang propesyon ngunit hindi naman kaya
masuklian ito sa ating Bansa. Ang mababang ekonomiya ng bansa ay nakaka-apekto kaya
maraming OFW ang pinipiling mangibang bansa na lamang. Ang isyung brain drain ay
sumasalamin sa problemang kinakaharap ng ating bansa kaya kakulangan sa empleyado ang
katumbas nito.

Link: https://understandingtheadrian.wordpress.com/2018/09/20/walang-natira/

Mga isyung panlipunan na tinatalakay mula rito:


1. Kakulangan ng mangagawa sa Pilipinas
2. Pagmamalabis na nararanasan ng mga Pilipino sa ibang bansa
3. Kakulangan sa sahod
4. Mababang ekonomiya ng bansa
5. Brain drain

Ano ang maaaring maging kilos mo bilang guro upang maging daan sa pagpapamulat ng
ideolohiya o kaisipan na makatutulong sa pagpapaunlad ng bayan o komunidad?
- Bilang guro nais ko imulat ang karamihan na magkaroon tayo ng sapat na sahod sa
lahat ng manggagawa. Iangat ang ekonomiya ng bansa ng sa gayon masolusyunan ang
suliranin ng mga OFW.
- Gagampanan ko ang tungkulin bilang isang guro na huhubugin ko ang kaisipan at
kahusayan ng mga estudyante tungo sa kanilang nais na propesyon. Mahalagang dito
na sila ay iminungkahi kong magtulungan na paangatin ang mababang ekonomiya ng
Pilipinas kahit na hindi kinakailangan mag-ibang bansa upang doon magtrabaho.

You might also like