Noli Me Tangere Soft

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata 5

Pamagat: Ang Tala Sa Karimlan

Tagpuan: Fonde De Lala at Bahay ni Kapitan Tiago

Tauhan: Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiago, Maria Clara, Padre Damaso, Padre Sibyla at Donya Victorina

Talasalitaan: Malamlam – Malabo, Gumigitaw – Sumusulpot , Nakaririmarim – Nakasusuklam o Madumi, Piitan –


Kulungan, Puspos – Sagana

Buod: DUMATING si Crisostomo sa kanyang tinutuluyan sa Fonde de Lala. Bakas sa mukha ng binata ang matinding
pagod at kalungkutan. Kung hindi sana labis ang kanyang pagod at kaliungkutan ay mapapansin niya ang kaganapan sa
kabilang ibayo. Maririnig sana niya ang awitin ng orkestra at mamamalas ang malamlam na ilaw. Tanaw sa kanyang silid
ang bahay ni Kapitan Tiago. Sa kanyang guniguni ay naglalaro ang isang diwata na nakatayo sa gitna na walang iba kundi

si Maria Clara, ang kanyang buhay at pag-ibig.

Kadarating lamang ni Maria Clara mula sa kumbento. Masayang nakikipag-usap si Padre Sibyla sa dalaga habang bakas
naman ang ngiti ni Padre Damaso. Panay naman ang ayos ni Donya Victorina sa mga palamuti sa buhok ng dalaga. Sa
ayos at papanamit ni Maria Clara ay mababakas ang pagiging mayumi na puspos ng kalinisan ng kalooban. Saglit lamang
ang kaligayahan ng pagmumuni-muning iyon dahil agad na napalitan ng madilim na eksena ang kanyang magandang
gunita. Sa gunita niya ay nasa isang sulok ng nakaririmarim na piitan ang kanyang ama na si Don Rafael Ibarra. Nauulinig
pa ni Crisostomo ang tinig ng ama, ang mga daing at kapos na paghinga na bumabalot sa kanyang diwa.

Aral/Kaisipan: Maging matatag sa lahat ng hamon sa buhay. May liwanag sa likod ng mga kadilimang nararanasan natin
at ang liwanag na ito ay magsisilbi nating pag-asa.
Kabanata 6

Pamagat: Kapitan Tiago

Tagpuan: Obando at San Diego

Tauhan: Kapitan Tiago, Pia Alba, Maria Clara, Padre Damaso,

Talasalitaan: Napayabong – Napaunlad, Supling – Anak, Napakarikit – Napakaganda, Mayumi - Mahinhin o Pino kung
kumilos, Kapisanan – Uri ng Samahan

Buod: Si Kapitan Tiago ay isang lalaking bilugan ang mukha, kayumanggi ang kulay at hindi kataasan. Isa siya sa
pinakamayaman, malapit sa simbahan at pamahalaan. Mahusay siyang makisama sa lahat ng tao. Bagamat hindi
nakapag-aral ay natuto naman siyang mamasukan sa isang paring Dominiko. Pinagtyagaan siyang turuan kapalit ng
paninilbihan sa pari. Kahit sa pisikal ay maliit ang kanyang ulo, ang paniniwala naman ng marami ay may angkin siyang
husay at talino. Napangasawa niya si Donya Pia Alba, isang mayamang dalaga. Sa sipag at tiyaga ay napayabong nilang
mag-asawa ang kanilang kabuhayan. Ngunit sa kanilang pagsasama sa mahigit na anim na taon ay hindi sila nabiyayaang
magkaanak. Mula sa payo ng kapanalig sa pananampalataya na si Padre Damaso, sila ay nanalig na mag-asawa sa Birhen
ng Obando upang sila’y mabiyayaan ng anak. Nagbunga ang kanilang pananampalataya sa isang napakarikit na supling
na pinangalanang Maria Clara. Naging palaisipan ang pananamlay ni Donya Pia Alba matapos magdalangtao. Naging
malulungkutin ito na naging dahilan upang dapuan ito ng malubhang sakit at kalaunan ay nasawi. Isang mestisang babae
si Maria Clara, maganda at mayuming babae. Tunay ngang malapit si Kapitan Tiago sa simbahan at kaparian dahil
nagagawa nitong tumbasan ng salapi ang kabanalan. Nagagamit niya ang kanyang salapi upang ipagdasal siya ng mga
mahihirap kung wala siyang oras na magdasal. Ang kanyang pagiging malapit sa simbahan at pamahalaan ay nagdulot ng
usapin ng taong bayan. Siya ay naluklok bilang kapitan ng kapisanan ng mga mestiso gayong hindi naman siya mestiso.
Marami ang tumutol ngunit dahil sa kanyang impluwensya ay nakuha niya ang posisyon. Si Maria Clara ay pinalaki ng
kanyang Tiya Isabel at sa pangangalaga ng amang si Kapitan Tiago at amain na si Padre Damaso. Labis ang pasasalamat ni
Kapitan Tiago sa Obando dahil sa pagmamahal at kabaliwan sa anak. Nang magkatorse si Maria Clara ay ipinadala siya sa
Beateryo. Tutol man ay hindi nagawang suwayin ng dalaga ang amaing si Padre Damaso. Napahiwalay siya sa ama at

tiyahin, mga kaibigan at ang kababatang si Crisostomo.

Ilang taon lamang ang nakalipas ay napagpasyahan ng matalik na magkaibigang Kapitan Tiago at Don Rafael Ibarra na
ang kani-kanilang anak ay ipakasal sa takdang panahon.

Aral/Kaisipan: Ang pagpapahalaga, pagmamahal at pag-aaruga ng magulang sa kanilang anak ay nagpapakita ng pagiging
responsableng magulang.
Ang edukasyon, sipag at tiyaga ay mahalaga para sa pag-unlad sa buhay.

You might also like