Periodical Test Filipino 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
MARIGONDON NATIONAL high school
MARIGONDON, PIODURAN, ALBAY

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa FILIPINO 9

Pangalan:___________________________________Baitang/Seksyon:__________Petsa:________Iskor:_____
TEST I- MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
______1. Sa pangungusap na:
Hindi akin iyan!
Hindi/akin iyan.
Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais
iparating?
a. tono b. diin c. hinto d. antala
______2. “Lagi siyang nakadikit sa isang sulok. Nakaupo na’y tila ipinagkit.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. idinikit ang upuan c. hindi tumitigil sa kinauupuan
b. hindi inaalis ang upuan d. hindi umaalis sa kinauupuan
______3. Ang kadalasang paksa sa tulang Haiku ay?
a. pag-ibig at pag-iisa c. pag-iisa at kalikasan
b. kalikasan at pag-ibig d. pag-iisa at kalikasan
______4. “Hindi siya namimili ng tao.” Ano ang ibig pakahulugan ng pangungusap?
a. Magaling siyang makisama. c. Wala siyang kinikilingang tao.
b. Lahat ng tao ay kaibigan niya. d. Mahusay siyang makipagkapuwa-tao.
______5. Ano ang ipinahahayag ng pangungusap na, “harinawa’y makapasa ka sa pagsusulit?”
a. pagbibigay ng pag-asa c. pagmamalasakit
b. paghihintay d. pagpapaalaala
______6. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig.
a. ambahan b. haiku c. tanaga d. tanka
______7. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
a. maikling kuwento b. kuwentong bayan c. parabola d. pabula
______8. Pamuno sa pandiwa o tinatawag din itong malapandiwa.
a. aspeto b. modal c. pangatnig d. pawatas
______9. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa pangungusap?
a. /tu.boh/ b. /TU.bo/ c. /tu.bo?/ d. /tu.BO/
______10. Ama ng maikling kuwento: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: ________.
a. Aesop b. Basho c. Nukada d. Ki No Tomonori
______11. Hindi ganap na pandiwa ang mga modal sapagkat?
a. Hindi ito nagsasaad ng kilos. c. Ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa.
b. Ito ay nasa anyong pawatas. d. Wala itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa.
______12. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang?
a. Mas maging malakas an gating tinig sa pagbigkas c. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
b. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat. d. maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin.
______13. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang gating pakikipag-usap.
a. Tono b. Diin c. Antala d. Intonasyon
______14. Ito ay isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging
tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guni-guni.
a. alamat b. maikling kuwentong c. sanaysay d. balita
______15. “Bulaklak na tanging marilag.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. mabango b. maganda c. masaya d. matibay
______16. Ikaw ay nagtaka at nais mong linawin ang iyong narinig mula sa mga tao. Alin sa mga sumusunod ang iyong sasabihin?
a. May sunog. b. May sunog! c. May sunog? d. May sunog
______17. Sino ang nagsalin ng kuwentong “Ang Hatol ng Kuneho”?
a. M. O. Jocson b. Vilma C. Ambat c. Shiela C. Molina d. Ildefonso Santos
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
MARIGONDON NATIONAL high school
MARIGONDON, PIODURAN, ALBAY

______18. Alin ang HINDI halimbawa ng modal?

a. gusto b. kailangan c. datapwat d. ibig
______19. Alin ang tamang ilustrasyon ng tono ng intonasyon na angkop sa pagbigkas ng salitang may kahulugang pag-alinlangan?
3
a. 2 b. 3 c. 3 d. 3
2 2
1 1 2
1 1
______20. Ito ang tawag sa bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
a. ponema b. diin c. tono d. antala
_______21. Ang tanka at haiku ay tanyag na akdang pampanitikan ng?
a. Tsina b. Korea c. Japan d. Taiwan
_______22. Anong uri ng akdang pampanitikan ang tanka at haiku?
a. sanaysay b. tula c. dula d. korido
_______23. Ang kadalasang paksa ng tanka ay?
a. pag-ibig, pag-iisa, at kalikasan c. pag-ibig, pag-iisa at pagbabago
b. pag-ibig, pagbabago, at pag-iisa d. pag-ibig, pag-iisa at buhay
_______24. Sa salitang “talaga”, kung ang bilang 1 ay mababa, 2 kung katamtaman at 3 kung mataas, anong kombinasyon kapag ang
tono ay masaya o may matinding emosyong ipinapahiwatig?
a. 1-2-3 b. 2-3-1 c. 3-2-1 d. 2-1-3
_______25. Ang mga sumusunod na pahayag ay tama tungkol sa modal MALIBAN sa?
a. Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. c. Ang mga modal ay mga pandiwang nagbabago.
b. Walang aspeto. d. Ang modal ay limitado kapag binanghay.
_______26. Ang awiting “Dalagang Pilipina” ay isinulat ni?
a. Jose G. Santos b. Jose Corazon De Jesus c. Jose De Jesus d. Jose G. De Jesus
_______27. Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre. Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa
salitang?
a. kuneho b. makita c. nahulog d. hukay
_______28. Ang mga sumusunod ay mga uri ng modal MALIBAN sa?
a. nagsasaad ng kagustuhan b. nagsasaad ng posibilidad c. nagsasaad ng katotohanan d. nagsasaad ng obligasyon
_______29. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at tanka ng Japan?
a. May tugma sa tanaga, sa tanka ay wala. c. Malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y mababaw.
b. Mas mahaba ang tanka kaysa sa tanaga. d. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sap ag-ibig, ang tanka ay sa
panahon
_______30. “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon” ay isang halimbawa ng?
a. Maikling Kuwento b. Tula c. Sanaysay d. Dula

Para sa bilang 31-40, Isulat sa patlang ang titik ng tamang modal na ginamit sa pangungusap.

A. NAGSASAAD NG PAGNANASA B. SAPILITANG PAGPAPATUPAD C. HINIHINGING MANGYARI D. POSIBILIDAD

_______31. Gusto niyang makaahon sa kahirapan ng buhay.

_______32. Ibig ng puno ng Pino at baka na kainin ng tigre ang tao.
_______33. Gusto kong mamitas ng hinog na bayabas sa kanilang bakuran.
_______34. Ibig kong matupad ang mga pangarap mo sa buhay.
_______35. Dapat sundin ang sampung utos ng diyos
_______36. Kailangan mong magpursige sa iyong pag-aaral para sa iyong kinabukasan.
_______37. Maari ka bang makasalo sa hapag-kainan.
_______38. Kapag ikaw ay nagpursige pwede kang umasenso sa buhay.
_______39. Dapat tayong magtulungan para sa gusto nating pagbabago.
_______40. Ibig kong malibot ang buong mundo.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
MARIGONDON NATIONAL high school
MARIGONDON, PIODURAN, ALBAY

TEST II- SANAYSAY (10 puntos)

Magbigay ng isang uri ng hayop na sumisimlolo sa iyong pagkatao. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong hayop.

___________________________________________________________________________________________________

-Ma’am Raiz 