Professional Documents
Culture Documents
Buhay Na Manok
Buhay Na Manok
DECS – pagsulong ng Gawain sa institusyon sa antas tetsarya at susuporta lamang ang mga
nasa elementarya at sekundarya alinsunod sa DECS Order 52, 1987.
Apat (4) na dimensyon
1. Seleksyon
2. Desiminasyon
3. Estandardisasyon
4. Kultibasyon
1937 – Idineklara ang Tagalog bilang wikang pambansa.
1940 – Pagkodifika sa wika na inihuyat ng paglabas ng Balarila ng wikang pambansa at worl
list.
1976 – Pagrebisa sa ABAKADA at Patnubay sa Ispelling.
1987 – Pagbuo ng diksyunaryo at glossary.
1974 – Pag implementa ng patakarang billinguwal.
Saan-saang mga larangan kinakailngang ma-intelektwalisa ang wikang Filipino.
Panitikan
Akademik
Layunin ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
-Magamit ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan at sa iskolarling
talakayan.
Mga layunin sa kongresong ito ay ang mga sumusunod:
1. Maitatag ang kahalagahan ng pagpapaplanong wika sa iba’y – ibang larang.
2. Mapalawak ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t – ibang larang at mapalakas ito.
3. Maitaya ang pag-unlad ng Filipino sa mga tinutukoy na larang.
4. Makabuo ng glossary ng mga katawagang teknikal ang mga ganitong panturo sa
teknikal na pagsasalin hango sa mga karanasan ng mga tagapanayam.
5. Makapag pamalas ng mataas na modelo ng pagsasawa/paghahanda ng kagamitang
panturo.
Mga hadlang na kinakaharap ng wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon.
1. Ipinapalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang
intelektwal.
2. Nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaularang kung tumiwalag tayo sa
wikang Ingles.
Intelektwalisasyong Filipino – ay ang barayti ng Filipino na magagamit sa pagtuturo sa mga
Pilipino sa lahat halos ng larang ng karunungang mula sa antas ng primary.
Ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon
at elaborasyon nito.
Balarila (1940) – isang aklat na kung saan ay naglalaman ng mga salita na may kaugnayan sa
wika.
KWF – Komisyon sa Wikang Filipino
1967 (Oktubre 24) – Naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap
(Blg. 96), na nagtatadhana ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan na sa Pilipino.
1959 (Agosto 13) – Pinalabas ng Kalihim Jorge B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na wikang pambansa ay tatawagin nang
Pilipino.
Pinalalabas ng kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 443
na hinihiling sa lath ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alala ng ika
183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
Si Jaime C. de Veyra ang naging unang tagapangulo ng SWP, samantalang sina Cecilio
Lopez, Santiago Fonaciier, Filemon Sotto, Felix S. Salas, Casimiro S. Perfecto at Hadji Butu
naman ang naging unang miyembro.
Makalipas ang iasang taon nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 na
nagsususog sa Proklamasyon Blg. 12 na ilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa simula Agosto 13 hanggang 19, taon-taon. Nakapaloob sa panahong saklaw ang
pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19).
Dahil dito, ipinahayag niya taon-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng
pagsilang ngnaging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay
Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa
buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayon din ng mga
lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.
Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Sek-syon 6-9, nasasaad
ang sumusunod:
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7.Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pGPpLgNp at pagpapanatili.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo. XIV, Seksyon 6: “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.
Instrumental
Regulatori
Bawal Tumawid, Nakamamatay
Representasyonal
Interaksyonal
“S’an ka pupunta?”
Personal
Iniibig Kita
Hyuristik
“Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno?”
Imahinatibo
“Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.”
Kahalagahan ng Wika:
sa lipunan
sa sarili
sa kapwa
Kakanyahan ng Wika:
Arbitaryo
Daluyan ng uri ng kumunikasyon
Masistemang simbolo/balangkas
Pinipili at isinasaayos
Sinasalitang tunog para sa pantaong komunikasyon
Masistemang balangkas sa salitang tunog
Simbolikong gawaing pantao
Kung susuriin ang dalawang konsepto, makikita ang kanilang common denominator, ito ay
ang pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika na may tiyak na layunin kung bakit ito
nangyayari.
Sakaling pareho nang develop ang dalawang wika sa isang tao, maaari na ngayon siyang
matawag na equilingual o ambilingual.
1. Geographical Proximity - ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad
na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilinggwal na lipunan.Ito ay
dahil sa pagpalipat-lipat ng mga taong naninirahan dito, kung magkagayon bitbit din
nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging
ito man ay pansosyal o pampersonal.
Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o
language planning.
2. KODIFIKASYON - Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preperasyon ang
mga language academies ng napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito
ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasun-
duang patakaran.