Talarawan Guerrero

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Guerrero, Daniel Hood D.

UG202200119
NLEC 7
MIDYA AT TEKNOLOHIYA

PANAHON LARAWAN TALA

PRE-KOLONYAL Isa ang Baybayin bilang


isang mahalagang simbolo
ng mga Pilipino bago pa
man ang pananakop ng
mga dayuhang
kolonisador. Ito ay may
pahiwatig na ang yaman ng
kultura at kasaysayan ng
mga Pilipino bago ang
pananakop, na mayroon
nang sariling sistema ng
pagsulat ang ating mga
sinaunang Pilipino na
nagpapakita ng kanilang
kahusayan at pag-unlad sa
larangan ng komunikasyon.

KASTILA Ang krus ay isa sa


pinakamahalagang simbolo na
inilimbag ng mga Kastila sa
ating mga Pilipino noong
panahon ng kanilang
pananakop. Ipinakilala nila sa
atin ang pananampalatayang
Kristiyano. Ginamit nila ang
relihiyong Kristiyanismo
upang ipalaganap ang
kanilang kultura at gumamit
ng mga midyum tulad ng mga
libro na nakasulat sa wikang
Kastila upang magpalaganap
ng kaalaman at impormasyon
sa buong Pilipinas. Sa
larangan ng teknolohiya,
nagdala rin ang mga Kastila
ng mga bagong teknolohiyang
pang-agrikultura,
pangkalakalan, at arkitektura
sa Pilipinas. Dahil sa mga ito,
nagdulot sila ng mga
pagbabago at pag-unlad na
patuloy na nagpapakita
hanggang sa kasalukuyan.
1

AMERIKANO Ang Pampublikong


Paaralan ay isa sa mga
simbolo na malaking
naidulot ng mga Amerikano
sa mga Pilipino dahil dito
ay nabigyan ng
pagkakataon ang mga
Pilipino na makapag-aral
nang walang halong
relihiyon. Nagdala rin ang
mga Amerikano ng mga
pahayagan, radyo, at iba
pang mga midyum ng
komunikasyon na
sumusuporta sa kanilang
layunin ng pag-aangkin at
pagkontrol sa
impormasyon. Dahil din sa
paglilimbag o pag-aangkat
nila ng mga modernong
kagamitan sa Pilipinas,
lumawak at lumago ang
teknolohiya ng mga
Pilipino. Dahil dito, nabuo
ang pundasyon ng mga
Pilipino sa pagmidya at
teknolohiya na hanggang
ngayon ay nararanasan sa
kasalukuyan.

HAPONES Isa sa mga simbolo o


inilimbag ng mga Hapones
sa midya at teknolohiya sa
mga Pilipino ay ang Radyo.
Ang paggamit ng radyo
bilang propaganda tool ay
ginamit ng mga Hapones
upang ipalaganap ang
kanilang mga mensahe,
propaganda, at anunsyo sa
mga Pilipino. Ang paggamit
ng radyo bilang
kasangkapan ng
propaganda ay nagbigay sa
kanila ng kakayahan na
direktang makipag-
ugnayan sa malawak na
bilang ng mga tao sa
buong bansa. Ito ay isa sa
2

mga naging paraan ng mga


Hapones upang mapalawak
ang midya at teknolohiya
sa Pilipinas habang
nilalason at kinokontrol nila
ang impormasyon.

KONTEMPORANYO Sa panahong
kontemporanyo, alam ng
lahat na sobrang malago at
maimpluwensiya ang social
media dahil sa pag-
advance ng mga
teknolohiya. Ginagamit ng
mga media platforms ang
social media para
makapagbigay ng
impormasyon, at dahil sa
mas advance na mga
teknolohiya, mas
napapadali ang buhay ng
mga tao sa pagbibigay ng
impormasyon kahit na nasa
ibang dako tayo ng mundo.
Patuloy na lumalago ang
midya at teknolohiya sa
ating bansa, at taon-taon ay
may nagagawang bagong
teknolohiya na
makakatulong sa midya sa
pagpapalaganap ng
impormasyon sa buong
bansa.

You might also like