MBALARILA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BALARILA

NANG

Panghalili sa noong

Hal. Nang siya ay umalis

Panghalili sa para o upang

Hal. Maligo nang maging mabango

Sagot sa paano o gaano

Hal. Tumakbo nang mabilis

Pandiwang inuulit

Hal. Kain nang kain

NG

Pantukoy ng pangngalan

Hal. Tinamaan ng bato

Pagmamay-ari

Hal. Bilin ng nanay

DIN, DAW, DITO, DIYAN, DOON

Kasunod ng mga salitang nagtatapos sa katinig


Hal. Nagsulat daw

RIN, RAW, RITO, RIYAN, ROON

Kasunod ng mga salitang nagtatapos sa patinig


Hal. Naglaba raw
HAGDAN

Ang istrakturang inaakyatan at binababaan

HAGDANAN

Ang puwang kung saan nakalapag ang hagdan

NILA, SILA, KILA

Panghalip panao na tumutukoy sa maraming bilang


Hal. Bahay nila

NINA, SINA, KINA

Pantukoy panao na tumutukoy sa maraming bilang


Hal. nina Pedro, sina Juan at Jose, kina Rosa

MAY

Kapag sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa o pang-abay

MAYROON

Kapag sinusundan ng kataga, panghalip panao, pamatlig o pang-abay na


panlunan
Hal. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
“May homework ka ba?” “Mayroon.”

PAHIRIN

Ginagamit kung nais tanggalin o alisin ang isang bagay

PAHIRAN

Ginagamit kung ang nais ay lagyan ang isang bagay


Hal. Huwag mo nang pahirin ang natitirang langis ng makina.
Pahiran mo ng mantikilya ang tinapay.
Kapag sasabihin ang isang aksyon na nangyari lang, uulitin ang unang
pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: 
Mali: Kakagising ko lang
Tama: Kagigising ko lang

√ NA LANG

× NALANG

√ NA NAMAN

× NANAMAN

√ PA LANG

× PALANG

√ PA RIN

× PARIN

√ NA RIN

× NARIN

You might also like