Professional Documents
Culture Documents
Long Test Q4 1 8
Long Test Q4 1 8
Long Test Q4 1 8
Timog Asya
- pagkamit ng pantay na pagtingin sa lipunan sa mga kababaihan sa bansang India ay hindi nagiging madali.
- ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok.
Pakistan
- maituturing na isang bansa na labis ang pagpapahalaga sa mga kalalakihan at ang mga kababaihan ay may malaking bahagi
- mga iilang kababaihan rin ang nakakapag aral ngunit ito ay kadalasang nasa mga siyudad lamang
Sri Lanka
- kababaihan sa Sri Lanka ay katulad rin ng ibang bansa sa Asya na karaniwang nasa mga loob lamang ng tahanan.
- patuloy na paglabag sa mga karapatan ng kababaihan.
- Noong halalan ng 1994, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga isyu nila.
- patuloy na isinusulong ang pantay na karapatan sa mga kalalakihan.
- maraming mga kababaihan ang makapag-aral sa mga paaralan at unibersidad
Bangladesh
- kababaihan sa Bangladesh ay gaya rin ng mga tradisyunal na kababaihang nasa loob lamang ng mga tahanan
- ang mga kababaihan ay nakararanas ng higit na kalayaan
- nabibigyan ng pantay na karapatan.
Kanlurang Asya
- mga kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na kinakaharap ang hamon
1. Imulat ang kababaihan sa kanilang bansa at hindi pagbigay ng pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan
2. Hilingin sa pamahalaang nasyunal ang implementasyon ng internasyunal na pagpapatupad
3. Ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay hindi lamang naghihintay, sa halip ipaunawa na sila ay kababaihang
nakikipaglaban para sa kanilang karapatan.
Arab Region
- binubuo ng mga bansang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria, United Arab
Emirates, at Yemen
Lesson 4.2
NASYONALISMO
- ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi, kasaysayan, kultura, wika, at pagpapahalaga.
- ay isang damdamin na naghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan.
- Ang Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa
TIMOG ASYA
- matagumpay na masakop ng mga English ang India
INDIA
- SEPOY MUTINY: Naganap noong 1857 dahil sa mga naturang pangyayari tulad ng abolisyon ng suttee o sati at female infanticide at malalim ang
pagkakaiba ng mga Ingles sa lahi, kulay, kaugalian, at relihiyon
- unang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga English.
- mga Sepoy ay mga sundalong Hindu
- Ang Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857.
Amritsar Massacre
- mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng Ingles at Indian.
- pamamaril ng mga sundalong Ingles
- Abril 13,1919 kung saan 400 Indian ang namatay at 1200 ang nasugatan.
HINDU
- Indian National Congress. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya.
- pangunguna at paggabay ng Ingles na si Allan Octavian Hume noong 1884-1885.
Allan Octavian Hume - isang Ingles na nanguna sa pagtatag ng Indian National Congress noong 1884-1885.
Muslim League
- Itinatag noong 1905 sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang pansin. Layunin nito na
magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
Mohandas Ghandi - isa siyang Hindu na nakapagaral sa isang Unibersidad sa Inglatera, nagtrabaho sa South Africa, ipinaglaban ang hinaing ng
mga Indian at may mapayapang paraan o nonviolent tinawag na ahimsa sa relihiyong Jainismo, nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o
“non-violence”. Siya ang gabay at inspirasyon. Tinawag siyang Mahatma o Great Soul.
KANLURANG ASYA
- mga Jew o Israellite ay sumailalim sa nakasisindak na holocaust
- Holocaust - malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelites.
ZIONISM
- pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jews mula sa iba't ibang panig ng daigdig.
- upang subukang talikdan ang mga impluwensiya ng kolonyalismo na natutunan nila
Lesson 4.3
Hinduismo
- pangunahing relihiyon sa India
- mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito
- kanilang paniniwala ay napalitan ng pagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan
- Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao
Paniniwala ng mga Hindu
- Naniniwala sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay.
- Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay
- Polytheism ang tawag sa kanilang pagsamba
- paniniwala ang reinkarnasyon
- naniniwala sa karma
- Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala, pwedeng maging mabuti o di-mabuti
- pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri
- naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon
- ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o “Samsana”
Sistemang Caste
- Brahmin (mga pari at pantas), Kshatriyas (mandirigma), Vaishyas (magsasaka at mangangalakal), at Sudras (mga alipin at manggagawa). Ang
“Untouchables” o “Outcastes” naman ay ang tawag sa mga taong di kabilang
Budhismo
- itinatag ni Siddharta Gautama, isang prinsipe.
- Iniwan niya ang kanyang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan.
- Sumibol ang Buddhismo ng mga 2500 taon
- Marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Taong 563 B.C., sa panahong ito, isinilang si Buddha, anak ng Haring
Suddhodhana at Reynang Maya sa kahariang Sakyas.
- Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang kaliwanagan ay tinaguriang “Gabi ng Dakilang Renunsasyon”.
- Nagtungo si Siddhartha Gautama sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang
“Ang sermon sa Banares”.
Jainismo
- Isa sa mga relihiyon sa India.
- Ayon sa Veda, ito ay itinatag ni Rsabha
- ang naging pinakapinuno ng Jainismo ay si Prinsipe Vardhamana o Mahavira na tinaguriang ”Ang dakilang bayani”.
- Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.
Sikhismo
- Umusbong ang relihiyong Sikhismo sa panahon ng hindi pagkakaunawaang panrelihiyon ng Hinduismo at Islam.
- Hindu man o Muslim lahat ay dapat magkakasama at magkakapatid.
- Itinatag ng unang guru na si Baba Nanak na higit na kilala sa pangalang Guru Nanak.
Paniniwala ng Sikhismo
- naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.
- ng pangunahing nais ng tao ay ang sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos.
- Maliligtas ang tao kung masusupil o mapaglalabanan ang Limang Pangunahing Bisyo (Five Cardinal Vices) - pagnanasang pansekswal, galit,
kasakiman, pagkamakamundo, at kahambugan
Judaismo
- relihiyon ng mga Jew o Israelite, isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
- Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa isang Diyos at tagalikha, si Yahweh.
- Ang mga nais ni Yahweh ay nakasaad sa Torah, ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo.
- Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng limang aklat ni Moses: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at
Deuteronomy.
- Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina Abraham, Isaac, at Jacob, ngunit ang pinakadakilang pinuno ay si Moses
Kristiyanismo
- Pinakamalaking bilang ang Kristiyanismo sa lahat ng mga relihiyon sa mundo.
- Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus.
- Si Kristo Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos
- tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ayon kay Kristo Hesus, mahal ng Diyos Ama ang lahat ng taong tatanggap at
mananampalataya ng tunay at lubos sa Kanya.
- Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay ng Simbahang Katolika.
- Naniniwala sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo.
- nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.
- Bahagi ng paniniwalang katolisismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng
simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa sa Rome ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.
- Bibliya ang banal na aklat
- Si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem
- Sa edad na 30 sinimulan ni Hesus ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita ng Diyos.
- Maraming naniwala, nakinig, at sumunod sa kanyang mga tinuran subalit may mga iilang Jew o Hudyo ay taliwas at hindi nais sundin
- Sa kadahilanang ito siya ay ipinahuli, pinahirapan, ipinako sa krus, at namatay. Matapos ang tatlong araw, muli siyang nabuhay at umakyat sa
Diyos Ama sa langit.
Islam
- Ang ‘Islam’ ay salitang Arabic na nanggaling sa salitang ugat na ‘Aslama’, na nangangahulugan ng “kapayapaan, kusang pagsuko sa kalooban ni
Allah at pagsunod sa Kanyang mga kautusan”
- ‘Allah’ ay ang pangalang pantangi ng tunay na Diyos na ginagamit ng mga Muslim.
- ang Islamikong pamamaraan ng buhay at taos-pusong isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’
- Ang Qur’an ay ang panghuling Aklat ng patnubay mula kay Allah
- Ang Muslim ay naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
- si Allah ay nagpahayag ng Kanyang patnubay sa sangkatauhan sa pagpapadala ng mga propeta, na lahat sila ay nag-aanyaya na maniwala sa Isang
Diyos.
Zoroastrianismo
- isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
- Itinatag ito ni Zarathustra na kilala rin sa ngalan na Zoroaster sa bansang Greece o Zarathosht sa bansang India at Iran.
- Turo ng propetang si Zoroaster na ang Diyos ay si Ahura Mazda
- Zend Avesta ang banal na aklat
- Malalabanan ang kasamaan sa paggawa ng kabutihan at tanging pagpapalaganap ng liwanag ang makakawakas sa kadiliman.
Lesson 4.4
Ekonomiko
- Ipinakikita ito sa pagbibigay kunwari ng tulong at pagpapautang
Kultural
- Ipinakikita ng mga dayuhan ang kanilang mga musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa na mas pinahahalagahan ng tao
Politikal
- pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihan na kontrolin ang pamamahala
Pang- Militar
- Nagagawang tumulong ng Kanluraning bansa sa mga dating kolonya na nanganganib
2. Covert Operation
- Karaniwang ito ay kadahilanang pampolitika o pangmilitar.
- Isang operasyon ng militar na inilaan upang itago ang pagkakakilanlan ng sponsor
Lesson 4.5
Arkitekturang Asyano
- Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng naranasan na pananakop, naipakita rito ang maipagmamalaki, pagkakakilanlan, mataas na
kakayahan, katalinuhan, at kakaibang galing ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, humanidades, at pampalakasan. Ang sentro ng
paggawa ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan ay nakapaloob sa relihiyong niyakap at kinagisnan
Timog Asya
- Kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya na sa kabila ng impluwensiya ng mga mananakop hindi natinag ang kulturang nabuo sa pagkakakilanlan
bilang isa sa rehiyon na mayaman sa kultura. Lumaganap ang impluwensiya ng India sa rehiyon ng Silangang Asya at Timog-Silangang Asya. Ang
arkitekturang Indian ay makikita sa Myanmar, Indonesia, Cambodia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, at Thailand
- Sa relihiyong Hinduismo, Budismo, at Islam iniuugnay ang bawat gusali na nililikha nila. May dalawang tanda ng arkitekturang Indian, ang
kilalang templong budista sa India, ang Stupa, na gawa sa laryo o bato na may mga bilugang umbok na may tulis na tore. Dito inilalagay ang mga
sagrado at panrelihiyong relikya. Ang Taj Mahal ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa ikalabing-apat
nilang anak. Ito ay itinuturing sa isa sa “New Seven Wonders of the World.” Ang arkitekturang Indian ay ang templo ng Borobudur sa Java at ang
Angkor Wat sa Cambodia.
Kanlurang Asya
- Ang mga istruktura na itinayo ay pawang may kinalaman sa relihiyon na makikita sa mga bansa sa Kanluran at Timog Asya
- Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang masjid o moske. Itinuturing ito na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik. Ang tala ukol dito
ay naglalarawan ng istrukturang may minbar o pulpito at mihrab o nitso na may madetalyeng disenyo at nagtuturo sa direksiyon ng Mecca, ang banal
na lungsod ng mga Muslim. Ang moske ay napapalamutian ng marmol, mosaic, at gawang kahoy. May isa pang gusaling panrelihiyon ang ribat. Ito
ay parisukat na hugis, ang entrada ay napapalamutian, at sa gitna ay may patyo. Ang isa pang uri ng gusaling Islamik ay ang turbe (tomb), ang
musoleo ng sektang Shi’ite. Ito ay may maliliit na gusali na hugis bilugan, ang bubungan ay may turret na hugis dulo ng lapis.
Panitikang Asyano
- Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan. Mayaman ang panitikang Asyano sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko, tula,
maikling kuwento, at dula.
Timog Asya
- Ang Pilipinas, Indonesia, Sri Lanka, at Pakistan ang mga bansang naimpluwensyahan ng panitikang India na nakasulat sa wikang klasikal na
Sanskrit. May paniniwala na sa India nagmula ang mga sinaunang kuwento. May dalawang mahalagang epiko ang India, ang “Mahabharata” at
“Ramayana”. Ang “Mahabharata” ay nagsasalaysay ng pantribong digmaan at “Ramayana” ay patungkol sa buhay ni Rama, ang bidang lalaki sa
epiko
- Si Kalidasa, ang itinuturing na pinakadakilang dramatis ng India at siyang may-akda ng “Shakuntala”. Siya ay maihahanay sa mga mahuhusay na
mga Europeong tulad ni William Shakespeare
- Ang “Panchatantra” ang itinuturing na pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng mga pabula na may maraming kuwento ukol sa alamat,
engkantada, at pabula. Si Rabindranath Tagore, ang kauna-unahang Asyano na nagwagi ng Gawan Nobel para sa panitikan noong 1913
- Kahanga-hanga ang kaniyang mga tula at kuwento. Sa kaniyang mga akda, hinikayat ang mga kapwa Indian na ipagmalaki ang lahing Indian. Lahat
ng kaniyang akda ay naglalarawan ng kagandahan ng kalikasan at pampolitika. Ang “Gitanjali” na naglalaman ng maraming tula at ang “Golpa
Guccha” na naglalaman ng mga kuwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at paghihirap na dinadanas ng mga tao.
Kanlurang Asya
- Mula sa bansang Iran ang aklat na “A Thousand and One Nights” na mas kilalang “Arabian Nights,” ito ay kuwentong Persiano na hango sa
kuwentong Indian. Isinasalaysay dito ang isang prinsesa na si Scheherazade na nililibang ang hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kaniya. Sa
aklat na ito nagmula ang kwento ng “Ang Pakikipagsapalaran ni Sinbad,” at “The Tale of Alibaba and the Forty Thieves”.
- Mula naman sa Israel, si Shmuel Yosef Agnon siya ang kaunaunahang Hudyo na nakatanggap ng Nobel Prize sa kanyang mga akda na “The Bridal
Canopy” at “A Guest for the Night” noong 1966. Isa pang taga-Israel ang nakilala sa kaniyang akda na “Songs of Jerusalem and Myself” si Yehuda
Anichai. “ Ang “Rubaiyat” ay napakagandang tula na isinulat ni Omar Khayyam. Ang inspirasyon ng mga Arabe sa paggawa ay may kaugnay sa
relihiyong Islam na pinaniniwalaan nila.
Pampalakasan
- Ang palakasan ay naging isang daan upang magkabuklodbuklod ang mamamayang Asyano. Hindi na mabilang ang mga Asyanong naging
matagumpay, nakilala, at hinangaan sa iba’t ibang palaro. Nagsilbing inspirasyon upang patuloy na magkaisa at magnais ng kapayapaan ang lahat ng
mamamayan sa Asya. Sa katunayan, ang isports ay naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Asyano.
- Ang karamihan ng mga larong kilala sa buong Asya at sa daigdig ay nagmula sa India. At ang karamihan nito ay inilalarawan sa tanyag na epikong
“Mahabharata” na isinulat noong 800 BCE. Ang mga larong ito ay ginamit ng mahabang panahon hanggang sa ito ay mahaluan na ng iba’t ibang
paraan at pangalan.
- Hindi lamang ang rehiyon ng Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ang nakilala bilang isa sa mga orihinal na tagapagtatag ng mga natatanging
palakasan nakilala rin sa iba’t ibang bansa ang rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya. May tanyag na laro sa India, ang kabaddi, napakasimple, hindi
magastos, at hindi nangangailangan ng malaking ispasyo para ito maisagawa. Nalinang ang larong ito ng may apat na libong taon na ang nakararaan
upang makapagbigay tulong sa mga Indian na maproteksiyonan ang kanilang sarili laban sa mga paglusob ng mga kaaway
Pampalakasan Examples
1. Chess 2. Baraha
-Ang larong chess, baraha, at martial arts tulad ng judo at karate ay nagmula sa India. Ang baraha ang popular na laro sa mga hari at maharlika ng
kahariang korte sa India. Ang judo at karate ay mahalagang pananggalang ng mga Budista sa mapanganib na paglalakbay patungong Japan, China, at
Korea na nag-uugnay sa repleksiyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay
- May ebidensiya na natagpuan sa kabihasnang Sumer noong 300 hanggang 1500 BCE. Katunayan sa natagpuang tabletang luwad, napag-alaman na
mayroon ng naglalaro na ng buno (wrestling) at boksing. Sa panahong Biblikal, ang ilan sa mga tansong istatwa ay nagpapakita ng larong buno. Sa
panahon naman ng Ur may mga damahan naman. Pangangaso naman ang naging libangan ng mayayaman sa yugtong ito. Sa panahon ng Hittite
nakilala ang kagalingan sa paglalangoy bilang bahagi ng pakikidigma. Sila ay nagtataglay na kalusugang pisikal. Ang sinaunang Israel ay kilala sa
larong takbuhan at pangingisda. Ang mga Persiano ay mahusay mangabayo.
- Sa mga atletang nakilala sa Asya sa bansang Syria, nanguna si Gwada Showaa sa hurdles at high jump. Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagpista ng
isang linggo ang bansang Syria. Gayundin si Naim Suleymanoghi, isang weight lifter na taga Turkey na nag-uwi ng tatlong gintong medalya. Mahilig
sa palakasan ang mga Asyano hindi lamang para manalo at makilala sa buong mundo, kundi taglay din ang katangiang dapat taglayin ng isang kasali
sa laro.
Lesson 4.6
Protectorate
- mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa
Sphere of Influence
- Ang ekslusibong pagkontrol ng isang bansa sa komersiyo, pamumuhunan at iba pang gawaing pang-ekonomiya
Komersyal na paraan
- ang paglalakbay ng mga indibiduwal na adbenturero na naghahangad ng kanilang sariling katanyagan at kayamanan
- Ang English East India Company (1600-1858) ay isang organisasyong pangkalakal na may napakalaking kayamanan at impluwensya, at sa mahigit
na 250 taon na pamamayagpag nito na naging pangunahing instrumento ng British
- pinaplano ito
Militar na paraan
- Ang kapangyarihang pandagat at puwersang militar ay mahalagang paraan ng pagtatag ng kolonyal na paghahari
- pinaplano ito
Silangang Asya
- Ang matagal na pakikipagkalakalan ng Silangang Asya sa mga Europeo ay ukol sa taglay nitong yaman at ganda ng likas yaman
- Nakapagtatag ang Portugal ng kanilang kolonya sa mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan ngayon) subalit kalaunan ay kanila rin
itong nilisan
- Sa loob ng mahabang panahon ang China ay pinamumunuan ng mga Emperador na nakatulong nang Malaki
- Ipinatupad ng China ang isolationism o ang paghihiwalay sa bansa mula sa daigdig
- Ang opyo ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto
- Nang ito’y malaman ng mga Tsino ay tinutulan nila ang patuloy na pagpasok ng opyo sa China ngunit naging daan ito sa pagtutol at pagsisimula ng
isang digmaan noong 1839. Digmaang ito bilang Opium War at nagresulta sa paglagda sa Kasunduang Nanking. Kailangan ng china na bubuksan pa
ng Tsina ang iba pa nitong daungan, pag-angkin ng British sa Hongkong, pagbabayad pinsala ng China ng 21 milyong dolyar at pagkakaloob ng
karapatang extraterritoriality.
Extraterritoriality
- sino mang British na nagkasala sa China ay hindi maaring litisin sa korte kundi sa korte ng mga British
- Nasundan pa ito ng Ikalawang Digmaang Opyo, sa pagkakataong ito ang England at France na ang naging kalaban ng China.
- Natalong muli ang Tsina at nagbunga ng isa pang kasunduan, tinatawag na Kasunduang Tientsin. Ito ay ang pagbubukas ng 11 pang daungan para
sa kalakalan, pag-angkin ng England sa Kowloon, pagpapahintulot sa mga Kanluranin na manirahan at makapasok sa buong China
- Ang pagkatalo ng China sa Digmaang Opyo ay nagpahina sa kanilang pamahalaan at ipinatupad ng mga Kanluranin ang Sphere of Influence
Timog-Silangang Asya
Pilipinas
-Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa hangaring pagpapalaganap ng Katolisismo, ginto, at maayos na daungan.
Sanduguan
- Ginagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo
Polo y Servicio
- sapilitang pagtatrabaho ng kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
Monopolyo
- tumutukoy sa pagkontrol ng Espanyol sa kalakalan.
Sistemang Bandala
- ito ay sapilitan ang pagbili ng pamahalaan sa ani ng mga magsasaka sa mababang halaga
Sistemang Encomienda
- ay nagsilbing pabuya o gantimpala sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo
Indonesia
- ito ay may mga masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan
- Ito ang dahilan kung bakit tinagurian ito bilang Spice Island.
- Ang mga Portuges ang unang dumating sa Indonesia noong 1511
- sinakop ang mga isla ng Ambiona at Tidore sa Moluccas
Malaysia
- Katulad din ng Pilipinas, maraming sumakop dito at ito ay ang Portugal, Netherlands, at England.
- malawak na plantasyon ng goma at malaking reserba ng lata
Lesson 2.7
Rebelyong Taiping
- Namuno si Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuguan) sa Rebelyong Taiping laban sa Dinastiyang Qing, pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu.
- pabagsakin ang Dinastiyang Qing upang mahinto ang pamumuno
- hangad din nito ang pagkakapantay-pantay ng karapatan
Rebelyong Boxer
- Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899
- Tinawag itong Rebelyong Boxer dahil ang mga miyembro ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and Harmonious Fists ay naghimagsik
- ang pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer ay ang patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa
- Natalo ang mga boxer at itinuring na isa sa madugong rebelyon
- 20 milyong Tsino ang namatay
- Nabawi ng mga imperyalista mula sa mga boxer ang Peking noong Agosto 14, 1900
- Nagpatuloy ang pamamayani ng mga Kanluranin sa pagkatalo ng Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer
- namatay si Empress Dowager noong 1908
- pinalitan ni Puyi na naging emperador ng dalawang taon
- Si Puyi o Henry Puyi ang huling emperador ng dinastiyang Qing (Manchu) at ng China.
- ika-20 siglo ay nangangahulugang pagpasok ng dalawang magkatunggaling idelohiya
- ang idelohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at naghudyat ng tunggalian
Sun Yat-Sen
- Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino
- ginamit ang tatlong prinsipyo: ang san mit chu-i o nasyonalismo, min-tsu-chu-I o demokrasya, at min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
- pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911.
- Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ikasampung buwan ng taon (Oktubre)
- itinalaga si Sun bilang Pangulo noong Oktubre 29, 1911
- “Ama ng Republikang Tsino”
Mao Zedong
- natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-shek at Mao Zedong
- Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partidong Kuomintang
- Namatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925
- Ipinagpatuloy ni Chiang Kai Shek ang pakikipaglaban sa mga warlords
1931
- Ikalawang Digmaang Sino-Hapones
- Binomba ng mga Hapones ang China
- Nasakop ng Japan ang malaking teritoryo ng China
1936 - Nagkaisa ang mga komunista at nasyonalista upang harapin ang pananakop ng mga Hapones
1942 - Nahinto na ang pananakop ng mga Hapones sa China.
1949 - Tumakas ang mga nasyonalista na pinamumunuan ni Chiang Kai-Shek sa Taiwan at itinayo ang Republic of China
- Dahil sa pagtatag ng People's Republic of China, napaalis ng mga komunista ang mga Kanluranin at muling nakamit ng China ang kalayaan
Japan
- isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga Kanluranin
- Magkaiba ang naging pagtugon ng dalawang bansa
- Patuloy na sarado ang China at sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin na nagresulta sa digmaan. Tinanggap naman ng Japan ang mga Kanluranin
nang hiniling nito na ipatupad ang Open Door Policy noong 1853.
- pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon ng Meiji Restoration
- Si Emperador Mutsuhito ay nanungkulan sa Japan sa loob ng 45 taon (1867- 1912).
- Ilan sa mga ito ay ang edukasyon, ekonomiya, at sandatahang lakas.
Kasunduang Kanagawa - sa kasunduang ito, nabuksan ang dalawang daungan ng bansa para sa mga barkong Amerikano
Meiji - ”Ang Naliwanagang Kapayapaan”
Imperyalista - bansang mananakop na malakas ang puwersa sa larangan ng politika.
Modernisasyon ng Japan
- Nagkaroon ng Sentralisadong pamahalaan at ginawang modelo ang Saligang Batas nito (Germany)
- Kasanayan ng hukbong pandagat (England)
- Sistema ng edukasyon (United States)
Nasyonalismo sa Pilipinas
- Unti-unting nagising ang kaisipan ng mga Pilipino ukol sa diskriminasyon
Katipunan
- isinakatuparan ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio.
- sekretong organisasyong laban sa mga Kastila
- Ang proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas ay naganap noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo na kauna-unahang republika sa
Asya
- Tinutulan ito ng mga Pilipino at naganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano.
- Nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946
- nakipaglaban ang mga Pilipino sa pamamagitan ng rebolusyon sa Visayas at Mindanao na pareho ang layunin
- Halos umabot ng limang taon ang digmaang Pilipino-Amerikano
Anyo ng Nasyonalismo
1. Propaganda 2. Himagsikan
Samahan – Kilusang Propaganda Samahan - Katipunan
Layunin – Reporma o Pagbabago Layunin – Ganap na Kalayaan
Nagtatag – Jose Rizzal Nagtatag – Andres Bonifacio
Diskripsyon – Pagsusulat ng Propaganda Diskripsyon – Rebolusyon o madugong pakikipaglaban
Nasyonalismo sa Vietnam
- Ang pagwawakas ng pananakop ng mga Pranses sa Vietnam ay naging katotohanan sa pamamagitan ng Partidong Viet Minh o kilusan ukol sa
nasyonalismong partido, ang naging pangunahing kasangkapan sa paglaya ng kanilang bansa. Isang matagalang digmaan ang ginawa ng mga
Vietnamese upang makamtan ang pinakaaasam-asam na kalayaan. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang Vietnam sa dalawang
bansa-ang Hilagang Vietnam at ang Timog Vietnam.
- Ang Timog Vietnam ay demokratiko at ang Hilagang Vietnam ay nagsulong ng sosyalismo at komunismo. Ipinasa ng France sa United States ang
suliranin sa Vietnam. Naging magastos at madugo para sa United States ang naganap na Vietnam War. Ang pandaigdigang opinyon ay iwanan na ng
mga Kanluranin ang Vietnam. Sa pagkatalo at pag-iwan ng United States sa Timog Vietnam, muling nagkaisa ang dalawang Vietnam (Hilaga at
Timog) at naging isang bansa na lamang noong 1975.
- Ang pagtatag ng Partido ng mga Nasyonalistikong Annamite ang nagsimula sa kanilang paghahangad ng kalayaan. Isa sa naging kilalang
rebolusyonaryong lider ng kilusan ay si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chi Minh
- Si Ho Chi Minh ay isang nasyonalistang pinuno ng Vietnam na sinalamin ang kalayaan sa pamamagitan ng pagtanggap ng pamamaraang
komunismo. Nilayon niya ang pagbabawas sa buwis, redistribusyon ng mga lupa at pag-alis ng pwersahang pakikilahok ng lakas–militar ng mga
Vietnamese sa hukbo ng Pransya. Pinalakas ni Ho Chi Minh ang kilusan dahil nais niyang kunin ang Hanoi at Saigon sa mga dayuhan at ideklara ang
Republika ng Vietnam. Dahil dito, bumangon ang digmaang sibil sa Timog at Hilagang Vietnam. Noong 1954 sa Geneva, Switzerland ay pinagtibay
ang paghahati ng Vietnam sa ilalim ng sukat ng 17th Parallel. Ang Hilagang Vietnam ay hindi tinanggap ang sistemang komunismo, ngunit ang
Timog Vietnam ay tinanggap naman ito
Lesson 4.8
1. Pagkasira/Casualties- Ang Unang Digmaan ay nagsanhi nang hindi matatawarang pagkasira hindi lamang ng ari-arian, kalikasan, kabuhayan
2. Pagbagsak ng Ekonomiya- Humigit kumulang 337 billion US dollar ang gastos ng magkakalabang bansa. Ang Allies ay sinubukang paliitin ang
kanilang utang sa pamamagitan ng paghingi ng reparations (bayad sa mga napinsala) sa Central Powers lalong lalo na sa Germany
1. Pagkamatay at Pagkasira- Ang Ikalawang digmaan ay kumuha ng halos napakaraming buhay at pagkasira at pagkawasak ng napakaraming ari-
arian, kabuhayan at iba pa. Sa kabuoang bilang, umabot sa 70 milyong sundalo ang isinuong ang kanilang buhay para sa Allied at Axis Forces.
Humigit kumulang 17 milyon ang namatay
2. Displaced Persons/Refugees – Maraming mamamayan ng mga nasangkot na bansa ang pinuwersang lisanin ang kanilang bansa upang hindi na
madamay sa digmaan. Upang matulungan ang mga nasabing refugees sa pamamagitan ng Allied Forces ay naitatag ang United Nations Relief and
Rehabilitation Administration (UNRRA). Ang organisasyong ito ay binuo upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain,
damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons.
3. Kompetisyon sa mga bagong kapangyarihan - Pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig, ay maraming nanghinang bansa na sangkot sa
digmaan. Umigting ang kapangyarihan ng dalawang bansa: ang United States at Soviet Union. Ngunit ang kanilang itinuturing na “war-time
alliance” ay nabuwag nang ipinalaganap ng Soviet Union ang Komunismo sa Europa at Asya. Ang kompetisyon sa pagitan ng mga ideolohiya ng
Soviet Union at United States ay tinawag na “Cold War”
4. Nuclear Age- Ang pagkakaroon ng mga atomic bomb sa bawat bansa ay naging bukas pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig. Maraming
tao ang naniniwala na kaya nitong sumira at magwasak ng napakaraming buhay. Umaasa ang mamamayan na matututuhan ding mabuhay ng
mapayapa. Ngunit, sa kabila nito ang pagbuo ng makabago at makapangyarihang armas hindi kalaunan nagsimula na
5. Pagtatag ng United Nations - Matapos matunghayan ang katakot-takot na dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkita-kitang muli ang
noo’y magkakaalyansa: ang representante ng United States, Great Britain, Soviet Union at China. Dito’y nagkasundo na magtatag ng isang
organisasyong tutulong sa pagkakaisa at kapayapaan. Ito ay tinagurian bilang United Nations.