Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ESP 9

Q1 – WEEK 1
Aralin 1
Pagtukoy sa Layunin ng Lipunan sa
Pagtataguyod ng Kabutihang Panlahat

Pag-Usapan Natin
Ang Ating Papel sa Lipunan

Sa iyong pagdadalaga o pagbibinata, lumalawak na ang iyong mundong ginagalawan. Nagiging


saksi ka sa dami ng mga suliranin na kinahaharap ng bansa. Bukod pa rito, nagkakaroon ka ng tiyansa na
makipag-ugnayan sa kapwa mo sa tulong ng modernong teknolohiya at social media sa
pakikipagtalakayan ng mga posibleng suhestiyon na makatutulong lumutas ng mga problema. Bilang
isang mamamayan sa demokratikong bansa ng Pilipinas, sagutin ang mga katanungan sa ibaba kaugnay sa
pahayag na kadalasang
nakikitang sagot ng ilang Pilipino sa mga isyu ng lipunan.

Palawakin Natin
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.

Kabutihang Panlahat Bilang Layunin ng Lipunan

Isa sa mga pinakakomplikadong yugto ng buhay ng isang tao ang pagiging tinedyer. Dito ay
nakararanas ang isang tao ng maraming pagbabago sa pisikal, emosyonal, at sosyal na aspekto ng
kaniyang buhay. Ang bawat pagbabago ay may kaakibat na responsabilidad. Importanteng maintindihan
na ang mga pagbabagong ito ay normal at hindi dapat ikahiya. Sa huli, ang isang tinedyer ay kailangang
matutunang maging responsable sa pagharap sa mga pagbabagong ito upang magkaroon ng direksiyon
ang kaniyang buhay sa hinaharap.

Kabutihang Panlahat Bilang Layunin Ng Lipunan


Natalakay na noong nakaraang dalawang baitang ang pagtupad ng tao sa mga pansariling
tungkulin, maging ang layunin at kahalagahan ng pamilya. Ngayon naman ay higit na pagtutuunan ng
pansin ang papel ng lipunan sa pag-unlad ng tao at sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.
Ang lipunan ay isang malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya,
at saloobin na namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Mas mahalaga pa ito sa salapi o ano mang yaman dahil dito natatagpuan ng mga tao ang kanilang mga
pangangailangan sa buhay.

Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang


Dahil likas sa tao ang pagiging isang panlipunang nilalang, mula pagkabata

1|Page
ay natututo na siyang makipagkapwa-tao. Batid niya na walang sino man ang nabubuhay para sa
kaniyang sarili lamang. Sa tulong ng kapwa, nahuhubog ng bawat isa ang kani-kaniyang pagkatao at
napauunlad niya ang kaniyang mga pagpapahalaga at kagandahang-asal.
Sang-ayon dito ang tinuran ng isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University na si
Dr. Manuel Dy Jr. na, “Ang buhay ng tao ay panlipunan.” Ito ay bakas sa pag-iral natin bilang tao at sa
paggawa natin ng mga gawaing panlipunan kasama ang ating kapwa at mga bagay na humuhubog sa
ating sarili.

“Patunay ito na ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay nag-uugat sa pagmamahal hindi


lamang sa sarili kung ‘di para sa kabutihang panlahat.”

Kahulugan ng Lipunan at Kaugnayan Nito sa Komunidad

Mailalarawan ang konsepto ng isang komunidad sa pamamagitan ng halimbawa sa ibaba.


May dalawang doktor sa isang lipunan na nagtatrabaho sa magkaibang ospital na ang layunin ay
gamutin ang maysakit at magbigay ng lunas. Wala man silang malalim na ugnayan sa isa’t isa noong una,
ngunit napalalim ang kanilang ugnayan noong nagkasama
sila sa isang seminar at nagbahaginan sila ng kani-kanilang karanasan.
Doon nagsimula ang kagustuhan nilang magsagawa ng medical mission. Nagpatuloy ang ugnayan
nilang ito at marami silang natulungan. Ang dalawang ito, bagama’t limitado ang nalalaman nila tungkol
sa isa’t isa, ay nagiging bahagi na ng isang komunidad sapagkat magkapareho ang kanilang interes. Sa
ganitong sitwasyon, hindi na lamang sila bahagi ng isang lipunan dahil bahagi na rin sila ng isang
komunidad kung saan ang bawat isa ay naghahangad ng kabutihang panlahat.

Kahalagahan ng Lipunan sa mga Tao


Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkalikha ayon
sa may-akda ng aklat na pinamagatang, Summa Theologica na si Santo Tomas de Aquino. Ang lipunang
kaniyang kinabibilangan ay higit na makatutulong sa paghubog ng sariling pagkatao at
makaiimpluwensiya sa paraan ng pag-iisip, damdamin, pananalita, at gawain ng isang tao. Sa loob din ng
lipunan naipamamalas ng tao ang kaniyang malasakit at tulong sa kapwa lalo na sa oras ng
pangangailangan. Dahil dito, nangingibabaw ang layunin ng lipunan na maitaguyod ang kabutihan hindi
lamang ng isang indibidwal kung ‘di ng lahat.
Ang lipunan din ay isa sa mga aspektong bumubuo sa kung paano ang nagiging pagtanaw ng
isang indibidwal sa kaniyang sarili at sa mga taong kaniyang nakasasalamuha. Ito rin ang nagdidikta kung
ano ang tama at mali, mabuti at hindi. Higit sa lahat, ito rin ang gumagabay sa bawat isa sa ating mga
desisyon upang hindi tayo maging sakit ng lipunan.

Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat


Dahil hindi lamang ang kabutihan ng isang indibidwal o koleksiyon ng indibidwal na kabutihan
ng mga taong bumubuo ng lipunan ang nilalayon nito, masasabing higit na pinahahalagahan nito ang
kabutihan para sa lahat ng indibidwal na nasa lipunan at hindi lamang ang pansariling kapakanan ng isa sa
kanila. Ibig sabihin, walang maituturing na mga malalakas at mahihina sapagkat naisasaalang-alang ang

2|Page
kabutihan ng bawat isa. Dahil sa layuning ito ng lipunan, marapat lamang na bumalik sa lahat ng
indibidwal na kasapi nito ang kabutihan ng komunidad. Ito ang nagpapatibay sa kaugnayan ng tao
bilang yunit ng lipunan at kabutihang panlahat na isinusulong ang pamamahagi nito sa bawat indibidwal
na sumasalamin sa kabuuan.

“Ang kabutihang panglahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi


para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.”
—John Rawls (Amerikanong Pilosopo)

Dahil malawak ang sakop nito, ang proseso nito ay hindi mabilis at ang katuparan naman nito ay
hindi agarang makikita. Isang halimbawa ng pagsasalarawang ito ay ang isinagawang pakikibaka ni
Mahatma Gandhi para sa makatarungang pagbabahagi ng lahat ng bagay na nararapat para sa mga tao.
Bunsod ng kaniyang adhikain para sa India, itinalaga niya ang kaniyang sarili upang maging halimbawa
ng pagsisimula ng kabutihang
panlahat.
Marapat ding linawin na ang kabutihang panlahat ay kabutihang naaayon sa moralidad ng tao at
sa Likas na Batas Moral. Ibig sabihin, sa halip na kalayaan o pagkakapantay-pantay ang mangibabaw, ang
nananaig ay ang panlipunan at pagkakapatiran na may kaakibat na katarungan. Ito ay maisasakatuparan
lamang sa pamamagitan ng pagtataguyod ng lipunan ng mga karapatang nakabatay sa katarungan upang
matiyak ang pangkalahatang kaayusan na siyang magbibigay-daan sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Kabutihang Panlahat at Personal na Kabutihan

KABUTIHANG PANLAHAT

Ang kabutihang panlahat ay kabutihan hindi para sa sarili lamang ngunit kabutihan para sa lipunan o
sambayanan. Bilang kasapi ng lipunan, ang kabutihang ito ang nagbubuklod para sa pagkakaisa at
kaayusan.

Halimbawa: Pakikipagbayanihan (pagtulong at pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad),


pagrespeto at pagtulong sa kapwa, pagpapairal o pagsuporta sa libreng edukasyon para sa lahat,
paggamit ng pinag-aralan upang makapagbigay ng serbisyo sa lipunan, at pagsali sa mga organisasyon
na
makatutulong sa pag-unlad ng bayan

PERSONAL NA
KABUTIHAN
Ang personal na kabutihan ay kabutihan ng isang tao ayon sa kaniyang isip at
gawa para sa kaniyang sariling kapakanan at kinabukasan. Ang personal na kabutihan ay para sa
paghubog ng tao sa kaniyang personalidad at pagkatao.

Halimbawa: Paggalang sa mga nakatatanda, pagpapahalaga sa edukasyon para


sa iyong kinabukasan, pag-iwas sa mga masasamang gawain at bisyo, pagsunod
sa mga alituntunin at batas ng lipunan, paggawa ng mabuti kung mayroon
man o walang nakakikita sa iyong ginagawa (huwag manlamang ng kapwa)

Elemento ng Kabutihang Panlahat

3|Page
Samakatwid, ang kabutihang panlahat ay hindi makakamit gamit ang mahika. Ito ay dapat
pinagsusumikapan ng bawat kasapi sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, at pagtutulungan
upang makamit ang layuning mapabuti ang bawat isa para sa lipunan at sa pangkalahatan. Ang mga
elementong nabanggit ang magsisilbing gabay upang makamit ang adhikaing mapabuti at mapagaan ang
buhay ng lahat. Isang magandang paghahambing dito ay ang paggamit ng walis tingting. Kung iisang
tingting lamang ang gagamitin sa pagwawalis, ito ay hindi makalilinis. Ngunit kung maraming piraso ng
walis tingting ang pagbibigkisin at gagamitin, siguradong mapadadali ang paglilinis.

“Binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan.”


—Dr. manuel Dy Jr.

Binubuo ng lipunan ang tao dahil pamilya ang unang umaaruga at gumagabay sa isang tao mula
pagkasilang. Hindi rin mawawala ang kaniyang kapwa, ang simbahan, ang paaralan, at ang batas na
siyang gumagabay at humuhubog din sa kaniyang paglaki. Ang kontribusyon ng bawat bahaging ito ng
lipunan sa isang tao ay madadala niya sa kaniyang pakikisangkot sa mga gawaing panlahat. Indikasyon
lamang ito na magkakaugnay ang lahat sapagkat may kani-kaniyang ambag ang bawat isa sa paghubog ng
iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng isang tao.

Ang tao rin ang bumubuo sa lipunan dahil ang mga tao ay matatagpuan sa bawat bahagi nito.
Kaya’t ano man ang ginagawa ng tao para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng lipunan sa tao.
Dito mapatutunayan na bawat mamamayan ay may pananagutang mag-ambag para sa kabutihang
panlahat. Walang pinipiling antas o edad ang maaaring mag-ambag para sa pagkamit at pagpapanatili ng
kabutihang panlahat dahil bawat isa ay mayroong magkakaibang pamamaraan dulot ng kani-kaniyang
kakayahan, katayuan, at kinalalagyan sa lipunan.
“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa
iyo, kung ‘di itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
—John F. Kennedy

Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Kung mayroong mga mahahalagang elementong bumubuo sa kabutihang panlahat, mayroon din
namang mga humahadlang sa pagkamit nito. Kabilang sa mga hadlang na ito ang mga sumusunod:

Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Itinala ni Joseph De Torre sa kaniyang aklat na pinamagatang, Social Morals: The Church
Speaks on Society ang mga kondisyong kailangan sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Kabilang sa mga
ito ang mga sumusunod:

4|Page
Bagama’t ikaw ay nasa murang edad pa lamang sa kasalukuyan, mayroon ka nang tungkulin na
makibahagi sa pagtiyak ng pananaig ng kabutihang panlahat. Maisasagawa mo ito sa pamamagitan ng
pagsasapuso ng diwa at kahalagahan nito, maging sa iyong pagsasabuhay ng iyong pagmamalasakit sa
iyong kapwa bilang imahe ng Diyos.

5|Page

You might also like