Professional Documents
Culture Documents
Liham Sa Mga Altar Servers
Liham Sa Mga Altar Servers
Liham Sa Mga Altar Servers
“Ako’y iyong nakikita, O Panginoon, ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong
nalalaman.” (Salmo 139:3)
Sana kayo ay napapalapit din sa Diyos dahil sa inyong paglilingkod sa Misa. Sikapin
ninyong magdasal sa Misa. Ang Banal na Misa ang pinakamabisang panalangin at
pagsamba sa Diyos, kaya sa buong Misa nandoon kayo sa loob ng simbahan o ng
chapel at hindi sa likod ng sacristy. Sabayan ninyo ang mga sagot at mga awit at
magdasal din kayo. Mapalad nga kayo kasi nandoon kayo sa harap at nakikita at
naririnig ninyo ang lahat ng ginagawa at sinasabi sa Misa. Makinig kayo sa mga
pagbasa at sa homilia. Sa ganitong paraan mas magiging malapit kayo sa Diyos at
mas lalo ninyo siyang makikilala dahil sa inyong pagiging Altar Server. Tumanggap
din kayo ng Banal na Komunyon sa mga Misang pinaglilingkuran ninyo. Tanggapin
ninyo ang Katawan ni Kristo.
Manghikayat din kayo sa iba pang kapwa kabataan ninyo na sumali sa pagiging Altar
Servers lalo na sa mga chapels na wala pang Altar Server. Masaya ang maglingkod
sa Diyos.