Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Setyembre 6, 2019

11:00-12:00

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakato 8


I. Layunin:

LC: 3 Nahihinuha na:


A)Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha
sa lipunan.
B) Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad
ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.

II. Paksa: Modyul 6: Pakikipagkaibigan


Kabutihang Dulot ng Pakikipagkaibigan

Kagamitan: Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Gabay sa Pagtuturo/Curriculum Guide
Television, Laptop, Graphic Organizer

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. * Pagsasaayos at pagtiyak ng kaayusan ng silid-aralan.
* Panalangin
* Pagbati
* Pagtala ng mga liban sa klase

2. Sabay-sabay na pag-awit sa awiting pinamagatang “One Friend”.


Pangkatang Gawain: Anu-ano ang mga naitutulong o nagagawa ng isang kaibigan? Sagutin ang tanong
gamit ang bubble chart graphic organizer.

B. Pag-aanalisa/Pagsusuri
- Talakayin ang mga kabutihang dulot ng pakikipagkaibigan gamit ang powerpoint at mga video clips.
1. Anu-ano ang mga mabubuting naidudulot ng pakikipagkaibigan?
2. Bakit mahalaga ang isang kaibigan sa positibong pagkilanlan sa ating pagkatao?
3. Paano nakatutulong ang pakikipagkaibigan sa pagkakaroon natin ng mapayapang lipunan?

C. Paglalahat

1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat, gamit ang iba’t-ibang kulay ng meta-cards isulat ang mga
natutunan sa aralin.
2. Pagkatapos, gumawa ng kahit anong bagay na maaaring mabuo gamit ang mga meta-cards ng pangkat.

D. Paglalapat
1. Pangkatang Gawain: Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Sa pamamagitan ng palabunutan,ipagawa sa
pangkat ang mga sumusunod:
1: Bumuo ng hugot/quotes tungkol sa mga kabutihang dulot ng pakikipagkaibigan.
2: Sumulat ng tula na may tugma at dalawang saknong.
3: Sumulat ng salawikain
4: Umawit ng bahagi ng isang kanta na may kaugnayan sa mga kabutihang dulot ng
pakikipagkaibigan.
5. Gumawa ng poster/sketch
6. Bumuo ng hugot/quotes tungkol sa mga kabutihang dulot ng pakikipagkaibigan.

IV. Pagtataya
- Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan? Bakit mahalaga ang pagpapatawad? Sagutin ang
tanong gamit ang graphic organizer.

- Tayahin ang mga pakitang produkto gamit ang rubrics.

Inihanda ni:

LORNA T. ORIENTE
Guro

Binigyang-pansin ni:

RACEL S. ORDINARIO
Punong-guro

You might also like