Bisig31 Tugano

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/362668564

Representasyon ng Kababaihang Manggagawang Pilipino sa Europa Batay sa


Pelikulang Pag-ibig na Milan (2004) at Barcelona (2016) ni Olivia Lamasan

Article · August 2021

CITATIONS READS

3 672

1 author:

Axle Christien Tugano


University of the Philippines Los Baños
38 PUBLICATIONS   84 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Axle Christien Tugano on 03 October 2022.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Axle Christien J. Tugano
University of the Philippines Los Baños

Representasyon
ng Kababaihang
Manggagawang Pilipino sa
Europa Batay sa Pelikulang
Pag-ibig na Milan (2004)
at Barcelona (2016) ni
Olivia Lamasan

Abstrak

Pinipilahan, dinadagsa, at pinapangarap ng bawat manggagawang


Pilipino ang ginhawang hatid ng Europa. Ang mataas na halaga ng Euro
sa pandaigdigang palitan, kakaibang benepisyo, at ganda marahil ng
lugar – ang ilang salik kung bakit hinihila tayong magtrabaho sa nasabing
kontinente. Hindi malaon, naging bukambibig na ang ginhawang hatid
ng Europa. Pagbubuo na kaya ito sa ating kamalayan ng penomenong
European Dream? Kitang-kita naman sa kung papaano tinangkilik ng mga
Pilipino ang Europa sa mga pinilahang pelikula na tumuon dito. Kaugnay
nito, bukod tangi ang pelikula na nasa direksiyon ni Olivia Lamasan, lalo
na ang Milan (2004) at Barcelona (2016) na nagtanghal at sumentro sa
Italya at España – mga malalaking konsentrasyon ng Pilipino sa Europa.
Mababakas sa bawat karakter, dayalog, at paggalaw ang tipikal na imahe
ng lipunang Pilipinong nangangarap, nakikibaka, at nagbibigay ng ginhawa
– sa Europa bilang lupain ng pangarap.

43
BISIG 2021 BOL. 3

Mga Susing Salita: Europa, diaspora, pelikula, migranteng manggagawa,


ginhawa

Abstract

Every Filipino worker’s dream is to set foot and earn their living overseas -
Europe is one of them. The high value of its currency - the Euro, provides
comfort, support, and stability for migrant Filipinos and their families. Europe
also offers the ideal lifestyle and picturesque landscapes that draw Filipino
migrant workers to settle and do whatever it takes to get there. From this
phenomenon, is this the formation of the ideal Filipino mindset of the
European Dream? We can infer this from blockbuster movie representations
that took place in Europe. In relation to this paper are films produced and
directed by Olivia Lamasan, specifically Milan (2004) and Barcelona (2016),
that showcase and are centered in Italy and Spain - countries with the largest
concentration of Filipinos residing in Europe. Both Milan and Barcelona
exemplify their characters and dialogues. Their entire cinematography
delineates the image of the Philippine society that dreams, struggles, and
aspires to achieve ginhawa (comfort) in Europe as the land of opportunities.

Keywords: Europe, diaspora, films, migrant workers, ginhawa

Pagsesentro sa Europa bilang espasyo

Isang tagumpay para sa mga manggagawa ang makarating at


makapagtrabaho sa alinmang bansa sa Europa lalo na sa Kanlurang bahagi
kung saan patuloy na umuusbong ang ekonomiya (Castles 1986; Bennett
2004-2005). Marami sa mga tinurang migranteng “Oryental” ang lumilipat at
nangangarap na makapagtrabaho sa kontinenteng ito upang kumita ng mas
malaki o kumita ng hindi nila nakukuha sa kanilang bansang pinanggalingan.
Hindi pinalampas ng mga Pilipino ang ganitong pagkakataon na makarating
sa Europa. Sa pagtataya halimbawa ni Michael Tan (2016), mayroong halos
866,000 na mga Pilipino ang nasa Europa lalo na sa kanlurang bahagi nito
ang nakapagtatrabaho. Bagaman hindi direktang matutukoy kung ang
lahat ng ito ay mga dokumentado o legal na nakatala ang pagkakapasok,
mababakas pa rin natin kung gaano na karami ang mga Pilipino sa
Europa. Gayumpaman, dahil sa mataas na bahagdan na bilang ng mga
manggagawang Pilipino sa Europa kaya’t posibleng kinasangkapan na rin
ng pelikula na itanghal ang kalagayan ng mga Pilipino sa bahaging iyon.
Hindi maitatanggi na magandang espasyo ang Europa upang pagtampokan
ng mga pelikula. Sa ganang pinaunlad na ng Europa sa matagal na panahon
ang kanilang sariling sinematograpiya (Monaco 1974), panahon na upang

44
2021 BOL. 3 BISIG

itampok ang kanilang lugar bilang dausan ng sinematograpiya ng labas.
Katulad kung paano pinalakas at pinaunlad halimbawa ng Italya (Cigognetti
at Sorlin 2007) at España (Camporesi 2007) ang kanilang mga pelikula
upang maging handa sila sa globalisasyon ng sinema sa mga susunod
na dekada. Posibleng tingnan na nakikinita ng ilang bansa sa Europa sa
panahong ito, na bukod sa dadagsain sila ng mga dayuhang manggagawa
sa hinaharap, papangarapin din natin na itampok ang Europa sa sarili nating
mga pelikula.
Hindi nagkamali ang harayang ito ng mga Europeo. Naging talamak
o sunud-sunod na rin ang pagtatanghal halimbawa ng mga pelikulang
Pilipino sa kanilang lupain. Itinampok halimbawa ng Star Cinema sa ilalim
ng direksiyon ni Olivia Lamasan ang ibayong dagat ng Europa. Ngunit, sa
pagkakataong ito, kinakailangan niyang pumatok ang mga pelikula sa mga
Pilipinong manonood kaya’t isinentro niya ang paksa tungkol sa pag-ibig.
Gayumpaman, hindi dapat makaligtaan ang isa pang paksa ng pag-aaral
na ito – ang paghahanapbuhay. Kaya’t alinsunod sa paksa, ipinagtalab ng
mananaliksik ang aspekto ng pag-ibig at paghahanapbuhay na ipinakita ng
mga pelikulang itinanghal sa Europa katulad ng Milan (2004) sa Italya at
Barcelona: A Love Untold (2016) sa España.

Metodolohiya ng Pag-aaral
Disenyo ng pag-aaral na ito ang pagrerebyu gamit ang antas sa
pagbabasa ng mga teksto. Bagaman isang kritisismong pampanitikan,
maaari ring ilapat ang pagsusuring tekstwal, pagsusuring kontekstwal,
pagsusuring subtekstwal, at pagsusuring intertekstwal sa pagsusuri ng mga
pelikula (Evasco et al. 2011).
Makikita sa pagsusuring tekstwal ang analisis hinggil sa tuon, galaw,
tunog, pag-arte, pananamit, at daloy ng kuwento. Samantala, kinikilala
naman ng pagsusuring kontekstwal ang pag-uugnay ng pelikula sa reyalidad
o totoong nangyayari sa lipunan. May pagkakatulad ito sa pagsusuring
intertekstwal na nanggagaling naman sa tradisyon at impluwensiya o
kapookan ng direktor. Gayundin ang pagsusuring subtekstwal na sinisipat
ang maliliit na kahulugan at ispisipikong katangian ng isang pelikula
(Evasco et al. 2011). Kasama rito ang mga lihim na kahulugan ng mga
pelikula. Mababakas ang lahat ng ito sa kung papaano pinag-ugnay ang
mga pelikulang Milan (2004) at Barcelona: A Love Untold (2016).
Nagsipi rin ako ng panayam (Key Informant Interview) mula sa
manggagawang Pilipinong personal na nakilala at nakausap sa Madrid
at Barcelona, España noong Disyembre 2018. Ito ay upang susugan ang
representasyong ipinapakita ng mga pelikula at ilang babasahing literatura
na ibinangga sa argumento.

45
BISIG 2021 BOL. 3

Milan (2004): Ang pag-ibig ng nakaraan

Unang inilabas ang pelikula noong Pebrero 11, 2004 na kumita ng halos
isang daan at apatnapung (140) milyong piso. Itinampok ang pelikula sa
mga pamosong lunsod ng Milano (Milan) at Venezia (Venice) dahil dito
nakabase ang The Filipino Channel (TFC) (Regis 2013) kaya’t malinaw
ding mahihinuha na maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa mga nasabing
lunsod sa Italya.
Itinampok sa pelikulang ito ang pagmamahalan nina Jenny (Claudine
Barretto) at Lino (Piolo Pascual). Katulad ng mga tipikal na bida, mayroon
silang buhay na iniwanan sa Pilipinas bago sila magtungo sa Italya.
Makikita rito ang isang romantiko at guwapong si Lino na nagtatrabaho
bilang isang mechanical engineer sa Pilipinas. Gayumpaman, mahina ang
loob niya pagdating sa pag-ibig. Nagpakasal sila ng kanyang asawang si
Mary Grace (Iza Calzado) na noo’y nagbabalak nang tumungo sa Europa
upang makahanap ng mas maayos na trabaho. Bagaman bago pa man sila
ikasal ni Lino, batid na ng lalaki ang planong ito ni Mary Grace. Kinalaunan,
nawalan na ng komunikasyon ang mag-asawa. Hindi na nakakatanggap ng
telegrama o sulat si Lino, dahilan upang mabahala ito na nakaapekto sa
kanyang buhay at maging sa trabaho. Mula nang makarating sa Europa si
Mary Grace, hindi na nabatid ni Lino kung nasaan na ito o kung buhay pa
nga ito. Mapapalabas sa pelikula ang nangyari kay Mary Grace. Kasama
ito sa mga Pilipinong tumawid sa Italya mula sa hanggahan ng Switzerland.
Nakapagtataka kung bakit kinakailangan pa nilang magtungo sa Switzerland
kung maaari naman silang dumirekta sa Italya. Noong mga panahong
iyon, maluwag at nasa antas ng neyutralidad ang Switzerland at hindi pa
ito kasapi ng United Nations (Wildhaber 1970; Gunter 1976; Carroll 2002)
kaya’t pinasok ito ng mga Pilipino. Mula sa hanggahan, pinapasok nila ang
Italya upang maghanap ng mas maayos na trabaho. Mahigpit ang seguridad
sa hanggahan ng dalawang bansa. Sa oras na mahuli ang tumatawid sa
prontera ng walang legal na bisa, maipapatapon pabalik ng pinanggalingang
bansa o di kaya’y maibibilanggo ang sinomang ilegal na migrante. Ganito
ang sinapit ni Mary Grace. Nahuli siya at upang makaligtas, tinulungan siya
ng isang Italyanong may koneksiyon sa awtoridad na naging asawa niya
kinalaunan. Sa madaling salita, nagpakasal siya rito at nagkaroon pa ng
anak kahit kasal na ito kay Lino sa Pilipinas.
Dahil sa pagiging balisa ni Lino napagdesiyonan niyang tumungo
sa Italya upang hanapin ang nawawalang asawa. Dahil nawalan na ito
ng trabaho kung bakit ipinangutang niya ang kanyang pamasahe at dala-
dalang pera. Katulad ng nakagawian, Swiss Visa ang kanyang hawak
na dokumento at tumakas patungong Milan, Italya. Isang estranghero si

46
2021 BOL. 3 BISIG

Lino pagdating niya sa Milan. Kaya’t sa pagkakataong ito nakilala niya si
Jenny. Noong una’y pinagkamalan niya itong isang Italyana dahil bihasa
na ito sa pagsasalita ng wikang Italyano. Dahil sa walang matutuluyan si
Lino, pinahintulutan ni Jenny na tumira sa kanyang bahay ang lalaki kapalit
ng perang ibabayad niya. Paraan ito ng praktikalidad ni Jenny na noo’y
regular na sumusuporta sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas lalo na
ang kanyang suwail na kapatid na umaasa lamang sa kanyang padala.
Pinasok ni Jenny ang iba’t ibang trabaho katulad ng pagiging tour guide,
translator, at maging broker sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa
Italya. Ginabayan ni Jenny si Lino sa sistema ng Italya dahil naninibago
lamang ang huli. Gayumpaman, tinulungan ni Jenny si Lino na hanapin ang
kanyang nawawalang asawa kahit na makarating pa sila sa labas ng Milan
na katulad ng Roma. Gayundin, tinulungan din niya si Lino na humanap
ng trabaho at ipinaliwanag niya rito kung gaano kahalaga sa mga ilegal na
migranteng Pilipino ang magkaroon ng hanapbuhay sa Italya. Pinasok ni
Lino ang trabahong paglilinis ng mga bahay.
Hindi naglaon, nahulog ang loob ni Lino kay Jenny na nauwi sa
pagmamahalan ng dalawa. Ipinakita ni Jenny kung gaano niya kamahal
si Lino sa kabila ng pagiging irasyonal at insensitibo ng lalaki. May isang
pagkakataong pinagseselosan ni Lino ang kapatid ni Jenny na si Perry
(Ryan Eigenmann) na noo’y bumisita sa Milan dahil laging nakatuon sa
kanya ang atensiyon ng babae. Gayumpaman, naunawaan din ni Lino
kung bakit ganoon na lamang kamahal ni Jenny ang kanyang pamilya. Sa
kabila ng umaalab na pagmamahalan ng dalawa, sinikap pa rin ni Jenny na
hanapin ang asawa ni Lino sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon
sa Italya. Hindi nagtagal, natunton din ni Jenny ang kinalalagyan ni Mary
Grace kasama ang kanyang bagong asawa at anak. Inilihim ito ni Jenny kay
Lino na kinalaunan matutuklasan naman ng lalaki. Ipinagpalagay ni Lino na
trinaydor siya ni Jenny. Hindi nauunawaan ni Lino kung bakit ito nagawa
ni Jenny ay dahil sa pagmamahal at nais lamang niyang protektahan ang
damdamin ng lalaki. Gayumpaman, sa kahuli-hulihang bahagi ng pelikula,
maipapakita kung paano nila pinatawad ang mga taong nagkasala at
nakasakit sa kanila.

Barcelona (2016): Kalitohan ng pag-ibig

Lumabas sa takilya ang pelikulang ito noong Setyembre 14, 2016. Pinili
ni Olivia Lamasan na idaos ang pagsasapelikula sa Barcelona, kabisera
ng Catalonia na nakalatag sa Dagat Mediteranyo. Mas nakakahumaling
ang bawat serye ng pag-iibigan ng dalawang bida dahil sa musikang
pangkaligiran nitong I’ll Never Love This Way Again (1979) na orihinal na
inawit ng Amerikanang si Dionne Warwick, isang bantog na mang-aawit sapul

47
BISIG 2021 BOL. 3

pa noong dekada 1960 hanggang 1970 (Neal 2007; Toft 2010). Bagaman
mas pinili ng produksiyon ang bersiyon ng mga batikang Pilipinong mang-
aawit na sina Gary Valenciano at Jonalyn Viray.
Umiikot ang pelikulang ito sa buhay ng dalawang nagmamahalan na
sina Mia (Kathryn Bernardo) at Ely (Daniel Padilla). Nagtungo ang dalawa
sa Barcelona sa iba’t ibang kadahilanan katulad ng pangarap, paghahanap
ng sarili, at pagbangon sa karangalan ng sarili at pamilya. Mas naunang
pumunta sa Barcelona si Ely upang maipagpatuloy ang kanyang gradwadong
pag-aaral sa isang pamosong unibersidad sa España. Alinsunod ito sa
kahilingan ng kanyang namatay na nobya na si Celine (na nasa katauhan din
ni Kathryn Bernardo). Katulad ng mga tipikal na buhay ng isang Pilipinong
nag-aaral sa ibayong dagat, kinakailangan niyang maghanapbuhay upang
matustusan ang kanyang pag-aaral at ang mga naiwang pamilya lalo na ang
kanyang ama na si Caloy (Joey Marquez). Dahilan ito upang magtrabaho
siya bilang isang camarero (waiter) sa mga restawran, bilang isang tour
guide, at potograper lalo pa’t magaling din siyang kumuha ng mga larawan.
Punong-puno ng pangarap si Ely gayundin ng hinanakit dahil sinisisi niya
ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Celine. Isa ring maituturing na hinanakit
ni Ely ay ang galit niya sa kanyang inang si Belinda (Maria Isabel Lopez)
na noo’y nasa Barcelona rin at sumama sa isang lalaking Español upang
makaahon sa kahirapan. Ilang beses na rin niya pinangakuan si Ely mula
sa kanyang pagkabata na babalik sa Pilipinas ngunit binibigo lamang siya
ng kanyang ina. Gayumpaman, naging malakas si Ely. Patuloy siyang nag-
aaral at nagtatrabaho kasama ang kanyang Ilokanang tiya na si Insiang
(Aiko Melendez) at ang pinsang si Tonying (Joshua Garcia) na labag sa loob
ang kagustuhan ng inang si Insiang na makapunta siya sa Barcelona.
Kaiba ang kuwento ni Ely sa personal na buhay ni Mia. Bagaman
kompleto ang kanyang pamilya, malaki ang galit sa kanya ng ama niyang si
Robert (Ricky Davao) dahil nasangkot ang kanyang anak sa isang pandaraya
sa pagsusulit na nagdala ng labis na kahihiyan sa buong pamilya. Ito ang
nagtulak kay Mia na tumungo sa Barcelona upang ibangon ang dangal
ng kanyang pamilya. Kaya’t upang matuwa kahit papaano ang kanyang
ama, ipinalabas niya na nakatanggap siya ng isang iskolarsyip sa isang
unibersidad sa Barcelona lalo pa’t nakapagtapos naman siya sa kursong
Sikolohiya. Nang makarating si Mia sa España nakaranas siya ng samo’t
saring pagsubok. Umasang makakakuha siya ng mga trabahong aangkop
sa kanyang tinapos ngunit hindi legal ang kanyang bisa na nagsasabing
hindi siya maaaring makapagtrabaho sa bansang iyon. Kaya’t pinasok niya
ang iba’t ibang trabaho katulad ng paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng bata,
nagtinda sa pamilihan, at marami pang iba ngunit parati itong natatanggal
sa trabaho dahil sa kapalpakan at maliliit na kamalian. Matatandaang malaki
ang naitulong ni Ely upang siya’y makapasok sa mga trabaho.

48
2021 BOL. 3 BISIG

Samantala, kung babalikan naman ang kanilang pag-iibigan. Unang
nasulyapan ni Ely si Mia sa isang tren dahil kamukha niya ang namatay
na dating nobyang si Celine. Mula noon parati nang sinusundan ni Ely
si Mia kahit saan ito magpunta. May isang pagkakataon na muntik nang
pagsamantalahan si Mia ng isang binatang Español pagkatapos niyang
malasing sa Cerveceria Canarias sa La Rambla, Placa Reial. Sa ganitong
pagkakataon napigilan ni Ely ang pagtatangka kaya’t inuwi niya si Mia sa
tinitirahan ng kanyang Tiya Insiang. Hindi nagtagal, nagkapalagayan na rin
ng loob ang dalawa. Ngunit, inaakala ng lahat lalo na ng pamilya ni Ely na
kung bakit lamang niya minahal si Mia ay dahil kamukha lamang siya ng
kanyang nobyang namatay. May pag-aalinlangan sa pagmamahal ni Ely
kay Mia dahil maraming bumabagabag sa kanya katulad na lamang ng
alaala ni Celine, responsibilidad sa kanyang ama, at maging ang pangako
niya sa mga naulilang magulang ni Celine na hindi muna siya maghahanap
ng ibang babae. Sumentro rin ang pelikula sa hindi kinakailangang pinipilit
ni Ely ang pagmamahal niya kay Mia bagkus kailangang totoo ang kanilang
pagmamahalan. Sa ganang ganito ang nangyari, bumalik na sa Pilipinas si
Mia dahil ibinunyag ng kanyang kapatid sa kanilang ina na nangangatulong
lamang siya sa Barcelona at kinalauna’y napatawad na rin siya ng kanyang
ama. Sa huling serye ng pelikula, napatawad na rin ni Ely ang kanyang ina
at bumalik sa Pilipinas upang muling suyuin ang minamahal na si Mia.

Pagpopook ng mga pelikulang OFW sa diskurso ng ginhawa

Nakapook ang mga pelikulang Pilipino. Kahit na dumaraan ang ilang


produksiyon sa samo’t saring problema, namayagpag pa rin ang pelikulang
Pilipino sa ating kamalayan. Hindi ito usapin na kung kulang o sapat ang
pondo ng pelikula katulad ng nagiging argumento ni Vicente Salumbides
(Villasanta 2002) bagkus mas mahalagang tingnan sa kasalukuyang panahon
ang pagpopook ng representasyon ng mga Pilipino. Mapapansing lumabas
na sa Pilipinas ang espasyo ng pelikulang Pilipino dahil naitanghal na ang
ilan dito sa ibayong dagat. Sa kadahilanang ang espasyo ay pinagmumulan
ng diskurso (Cabalfin 2000), ano ang magiging diskurso kung ilalapat ito sa
mga pelikula ni Lamasan?
Malinaw na naitatampok ang mga Pilipino lalo na ang mga manggagawa
sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng lugar, masusumpungan natin
kung papaano itrinato ng mga dayuhang Pilipino ang mga dayuhang bayan.
Ani Joseph Palis (2019) ng Unibersidad ng Pilipinas na tila isang haraya
lamang ang konsepto ng bayan (home) sa lente ng mga Pilipinong nasa
ibayong dagat dahil posibleng itrato na nila ito bilang sariling bayan sa halip
na dinayong bayan na kinakailangang pakisamahan. Bagaman ayon kay T.

49
BISIG 2021 BOL. 3

Tsujimoto sa kanyang Affective Friendship that Constructs Transnationalism


(2016), ang tradisyonal na sense of belongingness ay kadalasan hindi
masusumpungan sa pinagmulang bansa bagkus bubuo na siya ng kanyang
sariling pagkakakilanlan sa bagong lugar. Mas kilala itong plurilocal
(Tsujimoto 2016) o talaban ng pagkakakilanlang dayuhan at sarili. Gamit
halimbawa ang mga social capital (cf. Bourdieu 1986) at cultural capital,
makakaangkop ang isang Pilipino sa dayuhang bansa. Larawan aniya ang
kultura bilang resistance o pagtugon at kung minsan, may kapasidad na
bumangga sa naghaharing diskurso (sa kaso ng diaspora, ang mga host
country).

Gayundin ang pagsusog ng iba pang babasahin. Itinuturing


halimbawa ng mga Pilipino ang dayuhang bayan/ilang porsiyon nito bilang
ekstensiyon ng kanilang bayan (Navarro at Tatel Jr. 2012). Nabubuhay
at lumalakas ang diwa ng identidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
isang espasyo. Sa pamamagitan ng pagtatalaban sa isang espasyo ng
magkakauri, nasasapawan o pinapaimbabawan nito ang mga hamon ng
diskriminasyon at marhinalisasyon. Ganito nakikita ng mananaliksik

Kung ilalapat ito sa konsepto ng mga pelikulang itinanghal sa


ibayong dagat, naitrato rin natin ang mga dayuhang lupain na ito ay bahagi
rin ng representasyon ng mga Pilipino. Sa pagkakataong ito, hindi na natin
inaalintana kung saan ba o gaano kaganda ang mga lugar na pinagdarausan
bagkus nauunawaan natin ang naratibo ng mga Pilipino sa pelikula.

Ang kababaihan bilang tagapagbigay ng ginhawa

Noong una, bibihira lamang sa mga pelikula ang nagpapakita ng superyoridad


ng mga babaeng karakter (Carroll 1990) marahil naging patriyarkal ang
depiksiyon sa lipunan o di kaya’y ang industriyang ito ay dominante ng
kalalakihan (King 2008). Bagaman kung susuriin lamang ang kabuuan ng
pelikula partikular na ang Milan (2004) at Barcelona (2016), magugunitang
superyor dito ang imahe ng mga babae. Bukod sa naging instrumento sila
upang bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bidang lalaki, sinuong din
nila ang hirap at pakikibaka sa ibayong dagat bilang mga manggagawa.
Ang kanilang karakter ay imahe ng tunay na kalagayan ng mga
Pilipinong manggagawa lalo na sa hanay ng kababaihan. Ang katauhan
nina Jenny (Claudine Barretto) at Mia (Kathryn Bernardo) ay isang larawan
ng kaginhawahan. Mahalagang salik ang kaginhawahan kung ang pag-
uusapan ay tungkol sa pagtatrabaho. Nakapagbibigay ito ng maalwang
buhay (cf. Aguilar 2011) o masayang anyo ng pamumuhay. Halimbawa sa

50
2021 BOL. 3 BISIG

Kabisayaan, ang tatlong elemento ng Kaloobang Bayan ay buhay, ginhawa,
at dangal (Villan kay Chua 2014a). Ang paham na si Zeus Salazar ang nag-
ambag sa Sikolohiyang Pilipino na pag-aralan ang konsepto ng ginhawa
(Salazar 1976; Salazar 2004) at pinaunlad ng mga sumunod pang mga
historyador na kung saan maaaring ilapat ang ginhawa sa dalumat ng
buhay, paghinga, at pag-ahon (Chua 2014a). Mahigpit na ikinakabit ang
kaginhawahan bilang panuring sa lahat na bahagi ng taong may kinalaman
sa kalusugan, mabuting pakiramdam, at mabuting pamumuhay (Salazar
1976). Ang ginhawa ay isang kabuoang kagalingan ng bawat indibidwal
(Chua 2014b). Sa ganang ito, maituturing bilang bagong mangangayaw ang
mga manggagawang Pilipino. Sa katubigan, kilala ang mga mangangayaw
sa sinaunang pamayanang Pilipino na naglalayag sa karagatan upang
magsagawa ng pandarambong. Kumukuha ng mga alipin upang
maging potensiyal na bahagi sa paggawa at kababaihan para naman sa
pagpapanatili ng lahi. Sa pagbabalik sa banwa (bayang pinagmulan) ng mga
mangangayaw, dala nila ang ginhawa para sa buong barangay. Makikita rin
ang ginhawa sa kabundukan at agrikultural na pamayanan. Sa Kordilyera
halimbawa, kilala noong unang panahon ang mga Ifugao sa ritwal ng bogwa
o pamumugot ng ulo. Ang ulo ay sumasagisag sa biyaya at ginhawa upang
mapanatili ang masaganang pag-aani at pangingisda ng buong pamayanan
(Reyes 2011). Maituturo bilang halimbawa ng bagong mangangayaw ang
mga Ilokanong nagtungo sa Hawai’i upang magtrabaho sa plantasyon ng
pinya at asukal (Tigno 1986).
Gayumpaman nais kong linawin sa puntong ito ang pagkakaiba
ng sinaunang mangangayaw at kasalukuyang mangangayaw. Sa puntong
paghahanap lamang ng ginhawa sila nagkakatulad ngunit hindi sa karahasan
at pandarambong na may negatibong konotasyon.
Ipinapakita ng pelikulang Milan ang kapasidad ng isang babaeng
maging dominante sa lakas-paggawa sa ibayong dagat. Pinapangarap nila
ang Milan at ang Italya sa kabuoan dahil malaki ang iginagawad nitong
kinabukasan. Malaki rin ang kinalaman na magkatulad halos ang paniniwala
ng mga Pilipino at mga Italyano (na kapwa mga Katolikong bansa) kung bakit
mabilis na umangkop ang mga Pilipino sa Italya (King 1993). Ito marahil
kung bakit dinagsa ang Italya ng mga Pilipino kasama na ang kababaihan
dahil sa Roma, halimbawa, ang mga trabahong katulad ng pangangatulong
at pribadong pag-aalaga ng mga pasyente ay maaaring kumita ng hindi
bababa sa 1,000 dolyar (USD) (Tugano 2021). Mas maraming Pilipino
ang nasa Italya kung ihahambing sa España (Pe-Pua 2015). Sa ilang
akda, sinasabi na isa ang lupon ng kababaihang Pilipino ang bumubuo sa
kabuoang talaan na may pinakamalaking bahagdan ng mga migrante sa
Italya (Basa et al. 2011).

51
BISIG 2021 BOL. 3

Sapul pa noong panahong kolonyal, pinapasok na ng kababaihan ang


paggawa sa kabila nang wala halos batas na promotekta sa kanilang karapatan,
liban na lamang sa Code of Commerce noong 1885 ngunit ang proteksyon
at karapatan ng kababaihan sa paggawa at paghahawak ng negosyo ay
nakadepende at/o nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng asawang lalaki
(Taguiwalo 2011). Ito ang dahilan kung bakit kinikilala at pinagyayaman ngayon
ng Marxismo ang kahalagahan at partisipasyon ng mga babae sa paggawa.
Katulad nina Karl Marx at Vladimir Lenin, si Friedrich Engels nang sulatin nito ang
The Origin of the Family, Private Property, and the State (1884) na nagsasabing,
hindi kailanman magkakaroon ng dakilang panlipunang pagbabago kung hindi
isasama rito ang gampanin ng kababaihan (Taguiwalo, 2011).

Mababakas ang transisyon ng kanilang ginagampanan sa ekonomiya


sa pagpasok ng 20 hanggang 21 na dantaon. Sinuong na rin nila ang
paghahanapbuhay sa ibayong dagat. Ito ang dahilan kung bakit ang “Filipino
Women Bodies” ay nabigyan ng samo’t saring pagpapakahulugan – i.e. DH-
Body (Tadiar 1997); Servants of Globalization (Salazar-Parreñas 2001);
political subjects (Onuki 2007); warm bodies (San Juan 2011); at marami
pang iba. Kung saan, ang katawan ng mga babae bilang mga migranteng
manggagawa ay naging neksus sa pagitan ng identidad at globalisasyon. Sa
antas ng “globalisasyon,” isa ang mga babaeng OFW sa mga naging biktima ng
mapagkunwaring progresong ipinangako ng Global North sa anyo ng financial
aid (na siyang matagal nang pinuna ni Renato Constantino [1988]) kapalit ng
eksploytasyon sa mga manggagawang nagmula sa Global South. Kaya’t ayon
kay Walden Bello sa kanyang Deglobalization: Ideas for a New World Economy
(2006) at lalo na kay E. San Juan (1992), matindi ang aggressive nationalism,
halimbawa ng Estados Unidos sa kung paano ang rasismo ay naging gendered,
sexualized, at naturalized. Kinasangkapan ng mga naghaharing bansa na ito
ang kanilang nasyonalismo upang sikilin ang mga migranteng manggagawa.
Kitang-kita naman halimbawa sa rasistang si Donald Trump sa kung papaano
niya yurakan ang mga migranteng manggagawa sa Estados Unidos, kasama
na ang mga Pilipino.

Ito ang dahilan kung bakit naging mahalaga ang papel ng kababaihang
OFW sa tinurang “globalisasyon” ng paggawa. Sinimulang pahintulotan ng
pamahalaan na makalabas ng Pilipinas ang kababaihan upang maghanapbuhay
noong mga bahagi ng dekada 1980 (Encinas-Franco 2016).1 Karamihan sa
kanila ay magiging domestic helper at caregiver sa mga susunod na dekada.
Ang iba naman ay pinasok na rin ang industriya ng pagbibigay ng aliw lalo na sa
Japan (Kikuchi 1999). Noong una’y laging naiiwan ang mga babae sa Pilipinas
sa tuwing magtatrabaho ang kanilang mga asawa sa ibayong dagat. Halimbawa
nito, sa kung papaano inatang sa mga naiwang babae ang mga gawain sa
1 Mula taong 2001-2010, 60% ang tinatayang umaalis ng bansa ay pawang kababaihan na madalas ay
nagiging katulong o caregiver (Lan 2003).
52
2021 BOL. 3 BISIG

kabukiran, pag-aalaga ng mga hayop, at pagiging haligi ng tahanan habang
nakikibaka sa ibayong dagat ang mga lalaki (Lukasiewicz 2011). Ngunit nag-iba
ang sitwasyon sa pagpasok ng huling bahagi ng 20 dantaon, na kung saan tila
naging matriyarkal na ang pagtatrabaho ng mga Pilipino sa ibayong dagat. Sa
pagkakataong ito, kadalasang naiiwan na ng mga babae ang kanilang asawa
kapag sila ay umaalis upang magtrabaho sa ibang bansa (Pe-Pua 2015). Kaya’t
nagiging dahilan pa nga nito minsan ang pagkawala o di kaya’y pagkabawas sa
“pagkalalaki ng mga lalaki” na magdadala sa kanyang pagiging virile partner.2
Sa ganitong pananaw natin maaaring tingnan ang juxtaposition ng paggawa
sa hanay ng mga babae at lalaki sa lipunang Pilipino. Kaya’t tama si Judith
Butler na nagsabi noong gender is not a noun, it is performative (Butler 1999).
Gayundin, maaari rin sigurong salungguhitan ang Social Solidarity ni Emile
Durkheim na tumutukoy sa interdependence between individuals in a society
(Durkheim 1972) sa kung papaano nagiging egalitaryado ang paggawa ng mga
Pilipino sa hamon ng globalisasyon.

Ngunit patuloy na nainstitusyonalisa ang paggawa ng kababaihan sa


ibayong dagat. Ang ganitong tila retorikang pagtingin sa kababaihang OFW ay
nagpatuloy pa sa panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Dito niya sinimulang
tawagin ang kanilang sektor bilang Supermaid, na ayon sa kanya mas high-
standard na manggagawa sapagkat dumaan na sila sa mga mabibigat na
training dito sa Pilipinas bilang paghahanda sa ibang bansa (Derain 2008), na
kung tutuosin, mas lalong nagpahirap sa bulsa ng mga Pilipinong nais makaalis
sa Pilipinas.

Sa kaso ng Milan, madaming alternatibong hanapbuhay ang


kababaihan sa Italya. Makikita rito ang iba’t ibang trabahong pinapasok nila.
Ipinamalas sa karakter ni Jenny ang samo’t saring raket ng kababaihan
upang kumita ng mas malaki nang sa gayo’y malaki rin ang maipapadala
nilang pera sa Pilipinas. Talamak sa ibayong dagat na umupa ang mga
Pilipino ng isang kuwarto o bahay at hati-hati sila sa pagbabayad nito.
Ginagawa nila ito upang makatipid lalo pa’t mahal ang pagrerenta ng mga
bahay sa Europa.
Isang madiskarteng Pilipina si Jenny dahil sinamantala niya ang
pagkakataon na walang matutuluyan si Lino kaya’t inalok niya ang isang
2 Ang konseptong virile partner ay isang indikasyon ng pagkalalaki ng mga asawang lalaki. Sa mga unang
yugto ng paggawa sa ibayong dagat, pawang kalalakihan ang mga sumasabak sa lakas-paggawa sa ibang
bansa. Pinalawig ni Alicia Pingol ang dalumat na may mas higit na responsibilidad ang mga naiwang
asawa o ama sa Pilipinas sa naiwanang pamilya at tahanan ng mga babae at kung papaanong ang mga
babae o asawang ito ay pinasok ang pakikibaka sa ibang bansa (Pingol 2000). Itinuturing ito bilang isang
malaking hakbang ng Feminisasyon sa paggawa. Nawawalan ng kapangyarihan ang lalaki sapagkat mas
malaki ang kikitain ng kanilang asawa sa ibang bansa na nagiging dahilan ng pananatili ng mga lalaki sa
bahay bilang house husband (Pe-Pua 2015).

53
BISIG 2021 BOL. 3

bahagi ng kanyang kuwarto. Ngunit kung susuriing mabuti ang pagiging


“resourcefulness” na ito ay nagiging mapagsamantala rin sa kanyang kapwa-
kababayan. Itinutulak ang “resourcefulness” na ito ng isang sistemang hindi
nagpapahalaga sa lakas-paggawa ng mga manggagawa sa ibayong dagat.
Sa aking mga naging paglalakbay sa Timog Silangang Asya (2014-2018),
marami rin akong nasaksihang mga Pilipinong nagpaparenta ng bahay na
kanila ring nirerentahan. Sinasamantala nilang singilin ng malaki ang mga
Pilipinong TNT (Tago-nang-tago).
Sa isang sipi ng dayalogo nina Jenny at Lino, mauulinigan ang
ganitong pahayag:
Jenny: Sisingilin kita ng two months before, two months
advanced hah. Ngayon, pagkatapos ng dalawang linggo at nakita
mo na ‘yang Mang Erning na ‘yan at magdecide kang umalis, hindi ko
na ibabalik ang bayad mo hah.
Lino: Ganito ba talaga dito?
Jenny: Aba oo! Kasi mayroon nang ibang gustong umupa, kaya
lang naaawa ako sa’yo, kaya tinanggihan ko na lang, eh siyempre
maghahanap yun ng iba, unfair naman sa akin kung bigla mo
akong lalayasan, lugi na ako noon (akin ang diin) (Lamasan 2004).
Kung susuriin, isa sa mga bukod tanging paraan upang mapanatili
ang kaginhawahan ay ang pagiging maparaan. Bagaman ang ganitong
panunuri ay nakakulong lamang sa kultural na pagtingin. Kailangang
lumampas pa rito ang panunuri ng kawalan o pagkakaroon ng ginhawa.
Kaya’t kailangang mabigyan sa pagkakataong ito ang kritika mismo sa labor
export policy ng ating bansa. Ayon sa Contemporary Global Capitalism
(2011) ni Epifanio San Juan, malaki ang kinalaman ng mga naghaharing
institusyon sa mundo katulad ng World Bank, International Monetary
Fund, World Trade Organization, at marami pang iba, kung bakit ang mga
migranteng manggagawa na nagmula sa tinuran nilang “Third World” ay
patuloy na nakakaranas ng marhinalisasyon, eksploytasyon, diskriminasyon,
at ang lima hanggang anim na beses bawat araw na pagdating ng kabaong
ng mga OFW na namatay o pinatay sa ibayong dagat (San Juan 2017). Ito
rin ang mga suliraning sinalungguhitan nina Filomeno Aguilar sa kanyang
Is the Filipino Diaspora a Diaspora (2015) at H. Onuki sa kanyang Migrant
Workers as Political Subjects (2007). Mula kay Aguilar (2015), dinalumat
niya ang pagbubuo ng banyagang konsepto ng diaspora sa konsepto at
kontekstong Pilipino. Gayundin si Onuki (2007), na “pambayad-utang” ang
katawan ng mga Pilipino o OFW na nainstitutionalisa sa rehimeng Marcos;
noong 1987 (Bagong Bayani ni Aquino); at noong 2006 na Supermaid ni
Arroyo (Derain 2008), na siyang ikinagalit ng mga Pilipino.

54
2021 BOL. 3 BISIG

Malalaman sa pelikula na pinasok ni Jenny ang iba’t ibang trabaho sa
Milan upang makapagpadala ng malaking pera sa Pilipinas. Gayumpaman,
sa ngalan pagmamahal niya kay Lino, hindi rin ito nag-atubiling tulungan
ang lalaki sa paghahanap sa nawawalang asawa. Batid natin na kailangang
kumilos ni Jenny lalo pa’t malaki ang naiwanan niyang obligasyon sa
Pilipinas. Ipinakita lamang ng kanyang karakter na kailangan pang paigtingin
ang lakas ng katawan at diwa upang pasukin ang iba’t ibang trabaho. Ani
Jenny, magugutom ka sa Italya kapag hindi ka nagtrabaho nang higit pa sa
isa. Liban pa rito, ipinamalas din ni Jenny sa kanyang karakter ang tila pag-
aasam ng maraming Pilipino na makakuha ng kaginhawahan mula sa Italya.
Malinaw na itinampok sa kanyang mga litanya (habang pinapangaralan niya
ang impulsibong si Lino na nais magtungo sa Roma para mahanap ang
asawa) ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang trabaho at kung
gaano karami ang umaasa sa ginhawang ipagkakaloob ng Italya. Aniya:
Jenny: Alam mo ba kung magkano ang nawala at mawawala pa
sa akin sa apat kong trabaho sa araw na ito dahil sa pagsama
sayo… Ito ang Milano (itinuro ang mapa), nandito tayo ngayon sa
Domo, paano ka ngayon nakakasiguro na wala siya (Mary Grace)
dito, rito, dito, at dito. Alam mo ba kung ilang Pilipino ang nandito
sa Milano? 21,436. Eh, sa Roma? 43,050, sa buong Italya alam
mo? Hindi ko rin alam. Pero, iyon ang mga nakalista rito, eh paano
naman ang hindi nakalista? (akin ang diin) (Lamasan 2004).

Makikita rin ang isa pang katangian ng kaginhawahan ay ang


sakripisyo. Matibay ang nagiging dahilan ng ilang manggagawa kung bakit
sila nagtutungo sa pangako ng Europa ay dahil sa malalang hikahos na
nararanasan nila sa lupang pinagmulan. Ipinakita ni Jenny sa pelikula kung
bakit siya nakarating sa Italya. Malinaw na malaking implikasyon dito na
kailangan niyang tugonan at panatilihin ang kaginhawahan sa kanyang
pamilya. Hindi rin nito kinaya ang pamumuhay sa Pilipinas kaya’t pinili
niyang mag-ipon mula sa anomang trabaho para makarating sa Italya.
Malinaw ang kuwento ni Jenny nang ibahagi niya ito kay Lino. Maituturing
na mahalaga ang “pangangailangan” ng pamilya upang makipagsapalaran
sa ibayong dagat. Sinabi ni Jenny na:

Jenny: 30 years (bilang ng taong nakakulong ang kanyang tatay). Mag-


ninine ako noon. Halos lumaki akong nakakulong Daddy ko… sobra
kasing mabait, sobrang magtiwala, sobrang ewan ko ba. Sobrang
tanga… Kaya nang mangyari ang krisis, ‘di niya (nanay ni Jenny)
nakayanan. Alam mo nag-GRO pa nga ako para lang makarating
dito. Kapag manipis ang wallet, no touch, kapag makapal ang wallet
touch touch. Parating kailangan dahil maraming may kailangan
(akin ang diin) (Lamasan 2004).

55
BISIG 2021 BOL. 3

Muling binuhay ang imahe ng babae sa katauhan ni Mia sa


pelikulang Barcelona. Bagaman malaki ang kaibahan niya kay Jenny. Isang
propesyonal si Mia sa Pilipinas samantalang bulakbol si Jenny. Gayundin,
iba ang kanilang naging pagtrato sa pagkuha ng kaginhawahan. Kung ang
buhay ni Jenny ay uminog sa pagbibigay ng kaginhawahan sa paraang
buong pagkatao niya’y magtatrabaho sa Italya, si Mia ay kailangang
makamit ang kaginhawahan sa paraang ibabangon niya muli ang kanyang
nawalang karangalan. Lalo pa’t nabanggit naman na isa sa kaloobang
bayan ay ang dangal (Villan kay Chua 2014a) na siyang integral din sa
pagkamit ng kaginhawahan. Hindi kasing lakas at tapang ni Jenny si Mia
kaya’t nakaapekto rin ito nang labis sa kanyang trabaho sa Barcelona.
Laging sumasablay si Mia dahil hindi niya gusto ang kanyang pinapasok na
mga trabaho. Bagaman aminado naman si Mia na hindi siya katulad ng mga
tipikal na manggagawang Pilipino sa ibayong dagat, naipapamalas naman
niya ang kaginhawahan sa pagbabangon ng karangalan ng sarili at maging
ng kanyang pamilya. Malinaw niya itong binanggit sa ilang sipi ng dayalogo
nila ni Ely kung saan nagkaroon sila ng pagtatalo:
Ely: Kaunting hirap, suko kaagad, palibhasa kasi may pera, sabihan
mo nang unti, aalis, tapos kapag pumapalpak, tatakas, alam mo Mia
hindi ka talaga puwede sa ibang bansa eh, ang hina-hina mo.
Mia: Oo na, ayoko na! Ako na ang mahina, ako na ang hindi perpekto.
Sorry ah, sorry kung wala akong alam sa mundo. I’m sorry kung hindi
ako ang bumubuhay sa pamilya ko sa Pilipinas. I’m sorry kung wala
akong pinag-aaral na kapatid, I’m sorry kung hindi ako naghirap, I’m
sorry kung hindi ako nagutom at naghirap katulad ng paghihirap na
nararanasan mo. Sorry ah. Ito lang kasi ako tanga, palpak, bobo…
kahit hindi niyo naman alam ang kuwento ko.
Ely: Bakit Mia ano ba ang kuwento mo? ‘Yung nahuli kang nandadaya
sa exam?
Mia: Katulad ka lang din naman pala eh. Katulad ka ni Papa, ng
mga teachers ko, some relatives, and even friends lahat kayo ‘di
naniniwala na I still have a chance… Kaya ako tumakas doon, kaya
ako pumunta dito sa Barcelona, you know what Ely? Yes, I’m
in not a typical OFW story pero may kuwento din ako katulad
mo. May dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit tiniis, kinakaya
ko lahat gaano man kahirap at kalungkot. Pareho lang tayo. Gusto
ko gumanda buhay ko, gusto ko maipagmalaki ako ng pamilya
ko, gusto ko na hindi matapos ang buhay ko dahil lang sa isang
pagkakamali. I just want another chance. It thought I got it here
(akin ang diin) (Lamasan 2016).
Gayumpaman, malinaw na ipinakita nina Jenny at Mia ang buhay
ng kababaihang manggagawa sa Europa. Ang kanilang depiksiyon ay

56
2021 BOL. 3 BISIG

nagpapatunay na naging takbohan ng mga Pilipino ang Italya at España
lalo na’t sa panahon ng mga krisis sa Pilipinas (Molina 1992). Ang bagong
mangangayaw ng mga Pilipino ay sumaespasyo hanggang sa ibayong
dagat. Malinaw naman talaga ito dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng
mga Pilipinong nais makakuha ng kaginhawahan sa mga dayuhang bayan.

Blue collar job ng mga Pilipino sa Europa

Holistikong inilalarawan ng Blue Collar Job upang tukuyin ang kanilang mga
trabahong may kahirapan. Kabilang sa mga trabahong ito ang paglilinis,
pangangatulong, pagbubuhat, at marami pang iba (Sharma 1968; Weaver
1975). Sa Pilipinas, nagkaroon ng bagong patakaran si Arroyo noon na may
dagdag na rekisitong ipapatupad ang pamahalaan para sa mga household
service worker na ihahanda raw sa “bagong uri” ng training at pagsusulit.
Kailangan munang makakuha at/o makapasa ng bawat aplikante sa National
Certificate for Household Service Workers mula sa Technical Education and
Skills Development Authority (TESDA) at Language and Culture Certificate
of Competence mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
(Derain 2008). Ang ganitong dagdag pasanin ay nakapagpahirap pa lalo sa
mga Pilipinong aalis ng bansa.
Sa ilalim halimbawa ng Technical and Vocational Education and
Training (TVET), maikaklasipika ang estado ng manggagawa sa dalawa –
No Training Program (NTR) o skilled worker na maaaring kumuha ng isang
assessment at sertipiko upang patunayan ang kanilang kaalaman at With
Training Regulations (WTR) o proseso kung saan ang isang aplikante ay
kumuha ng pormal na kurso at sinusunod na kurikulum at malaong kukuha
ng isang competency assessment. Gayumpaman noong 2014, marami sa
WTR na aplikante ay hindi na ipinasailalim ang sarili sa assessment dahil
anila hindi naman ito mandatoryo, wala silang sapat na oras at salapi upang
makuha ito (Illo 2019).

Talahanayan 1. Bilang ng mga OFW noong 2004 (POEA 2006)

57
BISIG 2021 BOL. 3

Sa mga pelikulang tinatalakay, itrinato ang blue collar job bilang


mga mahirap na trabaho kaya’t ang kanilang representasyon ay nasa antas
ng pagiging marhinalisado. Madalas silang hindi naihahanay bilang mga
“tunay na manggagawa” (Lordoglu et al. 2012) bagkus bilang mga “ekstra
lamang” ng lakas-paggawa. Sa ganang ito kung bakit patuloy pa rin ang
pang-aapi, diskriminasyon, at panggigipit sa kanilang hanay. Yaman ding
dumaranas sila ng ganitong suliranin kung bakit pinipili ng mga Pilipino
ang makapagtrabaho sa mga bansang may mataas na benepisyo at kita
pagdating sa mga blue collar na manggagawa. Kabilang sa mga teritoryong
pinasok ng mga manggagawang ito ay ang Europa lalo na ang Italya na
itinanghal bilang isa sa mga bansang dinadagsa ng mga blue collar na
manggagawa (Janer 2015). Isa lamang ang Italya, bagaman ito ang
nangunguna, sa mga bansang dinadagsa ng halos siyam na raang libong
manggagawang Pilipino (Tan 2016). Ito ang dahilan kung bakit pinili at/o
napili ni Olivia Lamasan ang Italya bilang lugar na pagdadausan ng isang
pelikulang pag-ibig na kung saan naitampok ang mga manggagawa. Kung
pagbabasehan ang talaan ng mga manggagawa (talahanayan 1) na nais
makapagtrabaho sa kanlurang bahagi ng mundo, nangunguna ang Europa
kumpara sa Australya at Amerika.
Ipinakita ng pelikulang Milan (2004) ang natatanging depiksiyon sa
mga manggagawang Pilipino na nakadestino at/o dumestino sa Europa
partikular na sa Italya. Malinaw na binanggit ng karakter ni Jenny na dagsain
ng mga Pilipino ang ilang pamosong lunsod ng Italya katulad ng Milan,
Roma, at Venezia (Lamasan 2004). Karamihan dito ay mga blue collar na
manggagawa. Malunos din ang representasyon para sa kanila. Sa katauhan
ni Lino, nasaksihan muli kung papaano inilalarawan ng mga Italyano ang
mga manggagawang Pilipino bilang “uncivilized” (hindi sibilisado); ignorante;
barbaro; at mangmang (Lamasan 2004). Bagaman ang ganitong eksena
sa pelikula ay maaaring isang reyalidad na hinango mula sa iba’t ibang
naratibo o sa tinatawag na reticular history, ngunit ang buhay ni Lino sa
Milan ay isang bahagi lamang ng palamuti sa pelikula o filler (Hernandez-
Perez 2019). Anopaman, may ilang babasahin ang maaaring ibangga upang
mas maging matibay ang paglalahad ng danas ng mga manggagawang
Pilipino sa Italya. Sa sanaysay ni Grace Ebron (2002) na Not Just the Maid:
Negotiating Filipina Identity in Italy, binanggit niyang pinasok din ng ilang
kalalakihan ang mga trabahong housekeeping, domestic workers, at pag-
aalaga ng bata na kadalasang ginagawa ng isang babae sa Italya. Bibihira
aniya na makita ang mga Pilipino sa pampublikong lugar liban na lamang
tuwing misa sa araw ng Linggo at/o tuwing namimili sa drogheria (grocery)
o supermercato (supermarket) dahil karamihan sa kanila ay nagtatrabaho
sa private spaces (Ebron 2002). Naniniwala si Ebron na nakararanas din ng
ilang domestikong pang-aabuso ang mga manggagawang Pilipino sa Italya.

58
2021 BOL. 3 BISIG

Matatandaan din noong 2010 na nagsagawa ng isang fórum ang
Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Philippine Consulate General
(PCG) sa Milan, Italya upang tulungan at palakasin ang seguridad ng ilang
manggagawang Pilipino na nakakaranas ng domestikong pang-aabuso
(DOLE 2010). Kinakailangang mapanatili ang positibong ugnayan ng
Pilipinas at Italya dahil ayon sa talaan ng Dossier Statistico Immigrazione,
isa ang Pilipinas sa mga Asyanong bansang bultohang nakatanggap ng
euro (6.6 bilyong euro) sa paggawa noon ding 2010 (Basa et al. 2012).
Samantala, makikita rin ang ilang domestikong pang-aabuso sa
España. Bagaman rehiyonal, inilabas ng VERITE (2021) sa kanilang
Assessing Labor Risk for Workers Migrating from the Philippines to Europe
ang nagiging sanhi ng pang-aabusong ito kasama ang mababang pasahod,
labis na oras sa paggawa, at mental, pisikal, at sekswal na karahasan.
Katulad ng naging pahayag ni Ebron (2002), hindi transparent ang
trabaho ng ilang Pilipino dahil sila ay nasa loob ng bahay kasama ng mga
pinaglilingkurang dayuhan at wala sa mga pampublikong espasyo katulad
ng pabrika o opisina.

Pigura 1. Sina Jenny at Lino bilang tagalinis sa Milan (Lamasan 2004)

Gayumpaman, edukado o may digring tinapos kapwa sina Jenny at


Lino ngunit namasukan ang mga ito bilang mga taga-linis (pigura 1) at ilan
pang mahihirap na trabaho. Kailangan ding tingnan na ang Milan ay isa sa
mga lunsod na nagpapatingkad nang sabay at/o patas sa mga migrante
at lokal na manggagawa (Bielli 1973) at hindi upang para tugonan lamang
ang lakas-paggawa gamit ang puwersa ng mga migrante (Oberman 2013).

59
BISIG 2021 BOL. 3

Malinaw ito dahil magkaiba ang maaaring ibigay ng mga migrante at mga
lokal na manggagawa batay sa kanilang lakas, kakayahan, at kaalaman
(Constant 2014). Posibleng tingnan na may mga aspekto na hindi kayang
tugonan ng mga lokal na manggagawa (halimbawa ng mga Milano) na
siyang magagawa lamang ng mga migrante (halimbawa ng mga Pilipino).
Umiiral sa kaisipan ng mga Europeo na hangga’t maaari lilimitahan nila
ang pagtatrabaho sa mga gawaing pang-blue collar. Malinaw ito kung bakit
karamihan sa mga gumagawa nito para sa kanila ay ang mga Pilipino,
Indiyano, at iba pa. Makikita ang dahilan sa employment pattern ng Italya at
España sa kabuoan. Nag-iimport ng lakas paggawa ang Italya dahil kulang
na kulang sila sa mga manggagawa (relative labour shortages) (Livraghi et
al. 2011) samantalang nasa aging population naman ang España (Ramos
2014) kaya’t higit nilang kinakailangan ang nakababata at malalakas na
mga manggagawa. Sa ganang ito, masusumpongang kung bakit nagiging
balewala (na) ang katungkulang mayroon at/o iniwanan o di kaya’y
propesyong tinapos ng isang Pilipino sa kanyang bansa sa oras na tawagin
na siya ng pangangailangang paggawa ng Europa lalo pa’t makapagbibigay
ito ng mas marangyang kita.
Gayumpaman, hindi rin maaaring sabihin na bukod tangi ang mga
nakapag-aral na sina Jenny at Lino sa mga naging biktima ng atrasadong
transisyon ng paggawa sa Europa. Dahil napatunayan na sumailalim din sa
ganitong pagbabago maging ang mga Pilipinong may mataas na tinapos sa
Pilipinas. Hindi nagiging susi para sa mga Pilipino ang edukasyong natamo
sa Pilipinas upang maging kabahagi ng lakas-paggawa sa mga dayuhang
bayan. Kadalasan, walang tiwala ang mga Europeo sa edukasyong natamo
ng mga Pilipino kaya’t iminumungkahi pa nila ito sa atin na muling mag-aral
sa ilalim ng kanilang sistema. Ang ganitong reyalidad ay hindi kaagad na
natatanggap lalo na ng ilang Pilipino na sobrang tiwala sa sarili at kanyang
tinapos sa Pilipinas. Sa pelikulang Barcelona (2016), ipinaliwanag ni Ely
(Daniel Padilla) kay Mia (Kathryn Bernardo) ang kaibahan ng galing o talino
(na nakukuha sa edukasyon) at diskarte (na siya namang nakukuha sa
pakikipagsapalaran at pakikibagay). Ang pakikibaka sa ibayong dagat ay
kinakailangan ng agarang pagtanggap hinggil sa kung anong reyalidad at
antas ng kaginhawahan ang maaaring igawad lamang sa iyo ng dayuhang
bayan. Sinipi sa dayalogo ang mahalagang mensahe ni Ely para kay Mia:
Ely: Hindi ‘yun aasta ka na porke marunong ka, pwede ka kahit
saan mo gusto. Pinagtatrabahohan ‘yon. Kahit tatlu-tatlo pa ‘yung
trabaho mo, kahit patay ka na sa pagod… Mga Pilipino kasi rito,
lunok dignidad. Bawal ang ma-pride, bawal ang mayabang. Ngayon
kung hindi mo talaga kaya, mabuti pa umuwi ka na. Huwag mong ipilit
ang sarili mo kung hindi naman para rito (akin ang diin) (Lamasan
2016).

60
2021 BOL. 3 BISIG

Ang Barcelona katulad ng Milan ay mayroong malaking
pangangailangan sa mga trabahong eksklusibo para sa mga manggagawang
blue collar. Malinaw itong binanggit ni Rogelia Pe-Pua (2015) na nagpapasok
sapul pa noon ang Italya at España ng mga Pilipinong magtatrabaho
bilang mga domestikong katulong (para sa babae) at serbedor (para sa
mga lalaki). Ito marahil kung bakit noong 2016 (talahanayan 2), isang
dekada pagkatapos ipakita sa pelikulang Milan ang kalagayan ng mga
Pilipinong manggagawa sa Europa, nanatili pa rin ang kontinente sa may
pinakamataas na pinapapasok na migranteng Pilipino. Bagaman hindi
detalyado o absoluto ang istadistika, kahit bali-baliktarin ang interpretasyon
dito, hindi maipagkakaila na ang Europa ay mas talamak na pinapasokan ng
mga manggagawang blue collar kung ihahambing sa Amerika at Australya
na may kahirapan ang pagpasok. Katulad muli ng Milan, ang Barcelona
ay krusyal din ang pagtrato sa mga Pilipinong propesyonal. Hindi nila
inaalintana kung ano at/o saan ka nagtapos at/o nagpakadalubhasa sa
anomang pamantasan sa Pilipinas. Maaari nilang igawad sa isang Pilipino
ang anomang trabahong nararapat o kinakailangan mula sa kanila.

Talahanayan 2. Bilang ng OFW noong 2016 (POEA 2017)

Gayumpaman, kahit sabihing may legal na dokumento ang isang


Pilipino upang magkaroon ng propesyonal na trabaho, hindi pa rin ito sapat
o wala itong katiyakan dahil mas prayoridad ng mga Español ang kanilang
sariling manggagawa na magkaroon muna ng klerikal na trabaho bago
kumuha ang kanilang pamahalaan mula sa mga migranteng manggagawa
(Martinez 2018). Ganito ang nangyari sa karakter ni Mia. Nakapagtapos siya
sa Pilipinas ngunit nabigyan lamang ng mga trabahong katulad ng janitress
sa hotel (pigura 2) at mga ekstrang trabaho na nadala lamang sa pakiusap
ni Ely sa mga kapwa-Pilipino (pigura 3). Ang kawalan ng tapang at pagiging
mapagmataas ni Mia ang nagdala sa kanya sa hindi labis na kaunawaan
o ignoransiya sa mobilidad ng España. Umasa siya na magkakaroon ng
magandang trabaho dahil sa kanyang natapos sa Pilipinas. Bagaman hindi
lamang nag-iisa si Mia sa ganoong sitwasyon. Marami rin sa mga Pilipinong
nasa Barcelona ang nagtapos sa kanilang pag-aaral ngunit hindi umayon ang
oportunidad sa banyagang bayan. Katulad ng nakararami, pinagdusahan
nila ang mga trabahong maaaring makaapekto sa kanilang moralidad at

61
BISIG 2021 BOL. 3

pananaw. Sa isang pagpupulong ng mga Pilipino sa Barcelona, ipinakilala


ni Ely si Mia sa mga kapwa-Pilipino upang matulungang makahanap ng
trabaho. Karamihan sa mga kaibigan at kakilala ni Ely ay namamasokan
bilang tagalinis, waiter, at marami pang iba. Malinaw ang ignoransiya ni Mia
sa reyalidad ng mga manggagawa. Buong akala’y madadala pa niya sa
Barcelona ang kanyang mga pinag-aralan at kinasanayan. Sinipi ang mga
ganitong pahayag sa pagitan ni Mia at iba pang Pilipino sa Barcelona:

Pigura 2. Si Mia habang naglilinis ng suka (vomit) sa hotel (Lamasan 2016)

Pigura 3. Si Mia bilang saleslady sa Barcelona (Lamasan 2016)

62
2021 BOL. 3 BISIG

Babae 1: So anong trabaho?
Lalaki 1: tagalinis ng bahay?
Lalaki 2: nanny? o waitress?
Mia: Actually I prefer office job po sana, kasi sa Pinas po, I have a
degree in Psychology.
Insiang (Aiko Melendez): Mia ako rin may degree, HRM, wala ba sa
itsura? Ito si Edel, BS Math, cum laude pa yan ah, pero nag-umpisa
rito taga-linis, limpeza de piso (janitor)
Lalaki 3: Ako nga accounting eh, pagdating ko rito limpeza ng
bahay, camarero, in short katulong lang ako.
Mia: So, wala po ba riyan na ma-aapply ko ang kursong pinag-aralan
ko rito?
Babae 2: Well, unless you have accredited at mayroon kang papel
Mia: Ano pong papel?
Insiang: Ibig sabihin Mia kailangan mo ng papel para
makapagtrabaho ka rito nang legal pero habang wala ka pang
papel, wag kang maging choosy sa mga trabaho (akin ang diin)
(Lamasan 2016).

Ang naging pahayag ng nakakarami ay nagpapatunay lamang na isang


reyalidad at hindi mito ang kinararanasan ng mga Pilipinong manggagawa
sa Europa. Isang reyalidad ang pagkakataong nanlilimahid ang mga Pilipino
sa Europa makahanap lamang ng trabaho; mga paniniwalang “propesyonal
ka sa Pilipinas, katulong sa abroad,” “nangangatulong sa Europa para
magkaroon ng katulong” (magtatrabaho upang maging mayaman pagbalik
sa Pilipinas), at marami pang iba. Bagaman simple ang pagkakalahad ng
mga karakter, isa itong depiksiyon kung gaano karamot ang oportunidad
para sa mga Pilipinong nais makakuha ng kaginhawahan.

Pagtatapos

Sa pagtatapos ng artikulong ito, may dalawang bagay lamang akong


nais tumbokin. Una, ang kahalagahan ng mga pelikula ng pag-ibig at
paghahanapbuhay sa ibayong dagat. Pangalawa, ang hamon sa mga
pelikulang ito. Pinagyaman at/o patuloy pang pinagyayaman ang pelikulang
pag-ibig ng mga Pilipino. Patunay lamang na itinutuon ng direktor na katulad
ni Olivia Lamasan ang pagsusulong sa natatanging katangian ng “kaasalan”
at “moralidad” ng mga Pilipino. Kung tutuosin, ganito naman talaga ang
direksiyon ng pelikula sapul pa noong dekada 1950. Ipinangangalandakan
ng mga pelikulang ito ang pagmamahal sa pamilya; respeto sa sarili,
kapwa, at bayan; pagpapahalaga sa kasaysayan, paniniwala, pamahalaan,
at marami pang iba (Almajose at Ramos 2013). Ang lahat ng ito ay umiinog
sa konsepto ng “pag-ibig” ng mga Pilipino.

63
BISIG 2021 BOL. 3

Bagaman pumaimbabaw ang pelikula ng dantaon 21 sa mga


kuwentong pag-ibig na may direktang tuon sa romance. Tinangkilik ito ng
masa kaya’t lumipad ang pagnanasang maitanghal pa ito hanggang sa
espasyo ng malalayong bayan katulad ng Europa. Gayumpaman, hindi rin
nabigo ang mga pelikula ni Olivia Lamasan na itanghal ang naratibo ng
mga manggagawang Pilipino sampu ng kanilang sakripisyo at paghihirap.
Ngunit, ang isang malaking tanong, ano ba talaga ang sentro ng mga
pelikula ni Lamasan? Pag-ibig o paghahanapbuhay? Maaaring tingnan
ito sa dalawang anggulo. Sa unang banda, maaaring sinakyan ng direktor
ang napapanahong kuwento ng pag-ibig at malamang nasa isip din nila
na kailangang pumatok ito sa takilya. Pangalawa, sinadyang itinalab ang
kuwentong pag-ibig sa kuwentong paghahanapbuhay ng mga Pilipino.
Posibleng tingnan na ang unang serye ng mga pelikulang OFW na ipinalabas
sa publiko ay naglalayong kaawaan, iyakan, at bigyan ng simpatiya ang
kanilang kuwento. Ngunit, sa kasalukuyang panahon, hinaluan na ito ng
retorika ng kilig at saya kaya’t sumibol ang kuwento ng pag-ibig sa lente ng
kuwentong OFW o bise-bersa.
Gayumpaman, kinakailangan tingnan ang implikasyon o tendensiya
na baka sa labis na pagtuon na tingnan ang kuwentong pag-ibig ng mga
bida ay siya ring ikalilimot o makakaligtaan na sumasangkap din dito ang
isa pang katauhan ng mga bida na bukod sa mangingibig – bilang mga
manggagawa rin. Ibig sabihin, baka tingnan ng manonood ang ilang pelikula
bilang isang romance na hindi nakaangkla sa kuwentong paghahanapbuhay
o diaspora ng mga Pilipino. Isa pa, hindi dapat mawala ang hinuha na
posibleng nagiging bakdrap lamang ang pelikula sa kalagayan ng mga
manggagawa sa ibayong dagat. Krusyal na usapin ang paghahanapbuhay
ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo kung kaya’t kinakailangan ng
mga pelikulang ito ng angkop na representasyon, katotohanan, at kabuluhan
para sa naratibo ng mga manggagawa.
Isinangkot nito ang Europa bilang entablado ng mga pelikulang
Pilipino. Malinaw ang layunin dito ni Lamasan. Ninais niyang angkinin ang
espasyo ng ibayong dagat upang irepresenta ang naratibo ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng mga espasyo ng entabladong ito, nagkakaroon ng
akses ang sariling bayan (Pilipinas) sa ibayong bayan kaya’t dito sisibol ang
diskurso na kung saan ang mga espasyong ito ang gaganap hindi lamang
bilang isang lugar bagkus isa na ring paninindigan (Nuncio at Nuncio 2004;
Mendoza 2006; Beebeejaun 2016). Ang paninindigang tinutukoy dito ay ang
direktang pag-angkin ng mga Pilipino sa ibayong bayan bilang isang sarili
o ekstensyon ng kanilang nilisang bayan. Kung gagamitin ang konsepto
ni Homi Bhabha (1994), tinatawag niya ito bilang Third Space. Ito ay isang
puwang na hindi lamang nalilimita sa geograpikal at temporal na espasyo
ngunit sakop din nito ang pagsasaespasyong sosyo-sikolohikal (Bhabha
1994). Sa pamamagitan ng mga puwang na ito, nahaharaya ng mga

64
2021 BOL. 3 BISIG

manonood at maging ng mga pinatutungkulan ng pelikula ang simpatiya ng
bayan para sa holistikong pagtrato sa kultura at kalinangang Pilipino.
Pangalawa, bilang hamon, kinakailangang mapalitaw ang
kapakinabangan at katuturan ng mga pelikulang pag-ibig vis-à-vis
paghahanapbuhay. Kailangang maipook ang mga pelikula. Implisito ang
katangian ng mga pelikula dahil itinanghal ito sa Europa ngunit kinakailangan
maipook ang Pilipino at pagkaPilipino ng mga Pilipino. Kahit sabihin pang
umiikot ang kuwento sa pag-ibig ng mga bida sa ibayong dagat, hindi lang
dapat tumatak sa mga manonood ang magagandang tanawin na itinampok
sa pelikula; mga serye ng pagyayakapan, paghahalikan, at pag-iiyakan;
at serye ng palitan ng mga matatamis na salita at/o dayalogo. Bagkus,
kailangang ituon ang kritikal na obserbasyon sa mas makabuluhang
isyu, ang paghahanapbuhay. Kailangan din maging malinaw ang layunin
ng pelikula. Itinanghal ba nito ang ibayong dagat para sa Pilipino o
itinanghal ang Pilipino sa ibayong dagat? Magkaiba ang implikasyon ng
dalawang katanungan. Sa unang banda, maitatampok sa pelikula ang mga
magaganda at makasaysayang lugar. Sa mga pelikula halimbawa ni Olivia
Lamasan, naitanghal dito ang mga simbahan ng Duomo di Milano sa Milan
(2004) at Basilica de Sagrada Familia sa Barcelona: A Love Untold (2016).
Malamang nito’y mas lalong magiging tanyag ang mga naturang lugar sa
larang ng turismo at ang kapakinabangan ay mapupunta sa mga bansa
kung saan naitanghal ang pelikulang Pilipino. Kung lilimiin, mas angkop
kung maitatanghal ang saysay ng mga naratibong Pilipino sa harap ng
kapwa-Pilipino nang sa gayo’y magkaroon ng kamalayan ang bawat isa na
tingnan ang kalagayan ng mga marhinalisadong sektor na manggagawa sa
ibayong dagat. Ibig sabihin, hindi dapat palamuti lamang ang kuwentong
OFW sa kuwentong pag-ibig ng mga Pilipino. Sa halip, dapat na maging
disenyo lamang ang kuwentong pag-ibig sa tuwing itinatanghal sa mga
pelikula ang pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Natural at tipikal
lamang ang umibig ngunit hindi ang maghanapbuhay sa malalayong bayan.

Pasasalamat

Bahagi lamang ang papel na ito sa mas malawak na papel-


pananaliksik, Kuwentong Pag-ibig at Paghahanapbuhay sa Estados Unidos
at Europa: Pagtatampok sa mga Manggagawang Pilipino sa Ilang Piling
Pelikula ni Olivia M. Lamasan na ipinasa sa PS 216 (The Filipino Diaspora),
Asian Center, University of the Philippines Diliman. Nagpapasalamat
kay Prof. Noel Christian Moratilla, Ph.D., guro sa kurso at gabay para sa
ikauunlad ng papel na ito. Gayundin kay Prof. Melcah T. Pascua-Monsura,
Ph.D. (Department of Economics, Polytechnic University of the Philippines
Manila) para sa mga tulong hinggil sa analisis at pagtratong istadistika.

65
BISIG 2021 BOL. 3

Sanggunian (References)

Aguilar, F. (2011). Maalwang buhay: Family, overseas migration, and


cultures of relatedness in Barangay Paraiso. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press.

Aguilar, F. (2015). “Is the Filipino diaspora a diaspora?” Critical Asian


Studies, vol. 47, no. 3, pp. 440-461.

Almajose, K. & JV Ramos. (2013). Kakaibang tingin, Kakaibang titig: An


appreciation of the golden period in Philippine cinema. La Abuela
Publishing House.

Basa, C., W. Harcourt, & A. Zarro. (2011). “Remittances and transnational


families in Italy and the Philippines: Breaking the global care chain.”
Gender and Development, vol. 19, no. 1, pp. 11-22.

Basa, C, V. de Guzman, & S. Marchetti. (2012). International migration and


over-indebtedness: The case of Filipino workers in Italy. International
Institute for Environment and Development.

Beebeejaun, Y. (2016). “Gender, urban space, and the right to everyday


life.” Journal of Urban Affairs, vol. 39, no. 3, pp. 323-334.

Bello, W. (2004). Deglobalization: Ideas for a new world economy. Updated


ed. London and New York: Zed Books Ltd.

Bennett, J. (2004-2005). “Review: Dreaming Europe in a wide-awake world.”


The National Interest, vol. 78, pp. 119-129.

Bhabha, H. (1994). The location of culture. London: Routledge.

Bielli, C. (1973). “Some aspects of the social integration of immigrants in


Milan.” Genus, vol. 29, no. 3-4, pp. 183-192.

Bordieu, P. (1986). “The forms of capital.” Handbook of theory and research


for the sociology of education, edited by J. Richardson, New York:
Greenwood, 241-258.

Butler, J. (1999). Gender trouble: Feminism and the subversion of identity.


London: Routledge.

66
2021 BOL. 3 BISIG

Cabalfin, E. (2000). “Mala-baklang espasyo sa arkitekturang Filipino: Estetika,
morpolohiya, konteksto (Panimulang pagtuklas at paggalugad).”
Muhon, vol. 1, pp. 1-24.

Camporesi, V. (2007). “Spain-bipolar visions, unified realities: A general


overview.” European cinemas in the television age, edited by D.
Ostrowska & G. Roberts, Edinburgh University Press, pp. 55-70.

Carroll, N. (1990). “The image of women in film: A defense of a paradigm.”


The Journal of Aesthetics and Art Criticism, vol. 48, no. 4, pp. 349-360.

Carroll, R. (2002). “Switzerland decides to join UN: Referendum brings


centuries of political isolationism to an end.” The Guardian, https://
www.theguardian.com/world/2002/mar/04/unitednations. Accessed 18
August 2019.

Castles, S. (1986). “The guest-worker in western Europe – An obituary.” The


International Migration Review, vol. 20, no. 4, pp. 761-778.

Chua, M.C. (1994a). “Pantayong pananaw o pantasyang pananaw lamang?


Kamalayan sa mga konsepto/dalumat ng bayan, mga tinig mula sa
ibaba.” SALIKSIK E-Journal, vol. 3, no. 1, pp. 80-118.
Chua, M.C. (2014b). “Ang kaugnayan ng mabuting kalooban sa dalumat ng
kalayaan at pagkabansa ng Katipunan.” SALIKSIK E-Journal, vol. 3,
no. 2, pp. 79-91.

Cigognetti, L. & P. Sorlin. (2007). “Italy: cinema and television, collaborators


and threat.” European cinemas in the television age, edited by D.
Ostrowska & G. Roberts, Edinburgh University Press, pp. 41-54.

Constant, A. (2014). Do migrants take the jobs of native workers? USA and
Germany: George Washington University and Temple University at IZA.

Constantino, R. (1988). “Philippine foreign policy: A critique.” Journal of


Contemporary Asia, vol. 18, no. 3, pp. 382-386.

Department of Labor and Employment (DOLE). (2010). “POLO holds forum


on stress management, for OFWs in Italy.” DOLE, https://www.dole.gov.
ph/news/polo-holds-forum-on-stress-management-for-ofws-in-italy/.
Accessed 17 August 2019.

Derain, A. (2008). “Ang katotohanan tungkol kay Inocencia Binayubay (alyas


Inday) at ang pagsugo sa mga Pinoy supermaid sa iba’t ibang panig ng
mundo.” Malay Journal, vol. 20, no. 2, pp. 15-25.

67
BISIG 2021 BOL. 3

Durkheim, E. (1972). “Forms of social solidarity.” Emile Durkheim: Selected


writings, edited by Anthony Giddens, Cambridge: Cambridge University
Press, 123-140.

Ebron, G. (2002). “Not just the maid: Negotiating Filipina identity in Italy.”
Intersections: Gender, History, and Culture in the Asian Context, vol. 8.

Encinas-Franco, J. (2016). “Filipino women migrant workers and overseas


employment policy: An analysis from women’s rights perspective.”
Asian Politics & Policy, vol. 8, no. 3, pp. 494-501.

Engels, F. (1884). The origin of the family, private property and the state.
Translated by E. Untermann. Chicago: Charles H. Kerr & Company
Cooperative.

Evasco, E., A. Navarro, W. Ortiz, & M.J. Rodriguez-Tatel. (2011). Saliksik:


Gabay sa pananaliksik sa agham panlipunan, panitikan, at sining.
Quezon City: C & E Publishing, Inc.

Gunter, M. (1976). “Switzerland and the United Nations.” International


Organization, vol. 30, no. 1, pp. 129-152.
Hernandez-Perez, M. (2019). “Looking into the anime global popular and
the Manga media: Reflections on the scholarship of a transnational and
transmedia industry. Japanese media cultures in Japan and abroad:
Transnational consumption of Manga, anime, and media-mixes, edited
by M. Hernandez-Perez, Basel: Palgrave Macmillan, pp. 1-14.

Illo, J.F. (2019). Gender profile of the TVET sector: Submitted to the technical
education and skills development authority. TESDA.

Kikuchi, K. (1999). “Filipina migrant workers on the periphery.” U.S.-Japan


Women’s Journal, vol. 16, pp. 138-158.

King, N. (2008). “Generic womanhood: Gendered depictions in cop action


cinema.” Gender and Society, vol. 22, no. 2, pp. 238-260.

King, R. (1993). “Recent migration to Italy: Character, causes, and


consequences.” GeoJournal, vol. 30, no. 3, pp. 283-292.

Lamasan, O. (2004). director. Milan. Star Cinema Productions.

Lamasan, O. (2016). director. Barcelona: A love untold. Star Cinema


Productions.

68
2021 BOL. 3 BISIG

Lan, P. (2003). “Maid or Madam? Filipina migrant workers and the continuity
of domestic labor.” Gender and Society, vol. 17, no. 2, pp. 187-208.

Livraghi, R., L. Frey, A. Venturini, A. Righi, & L. Tronti. (2011). “The jobs
and effects of migrant workers in Italy: Three essays.” International
Migration Papers, vol. 11. Geneva: International Labour Office.

Lordoglu, K., D. Demirer, & I. Siriner, eds. (2012). Labour markets &
employment. London, England: International Journal of Politics &
Economics.

Lukasiewicz, A. (2011). “Migration and gender identity in the rural Philippines:


Households with farming wives and migrant husbands.” Critical Asian
Studies, vol. 43, no. 4, pp. 577-593.

Martinez, R. Personal Communication. Plaza de Cibeles, Madrid, Spain,


December 8.

Mendoza, L. (2006). Between the homeland and the diaspora: The politics
of theorizing Filipino and Filipino American identities. Manila: University
of Santo Tomas Publishing House.
Molina, C. (1992). “Filipino migrants in Spain.” Philippine Studies, vol. 40,
no. 1, pp. 99-110.

Navarro, A. & C. Tatel. (2012). “Sa labas ng mga bahay/pinagtatrabahuhan:


Mga espasyo ng mga migranteng Pinoy sa urbanisadong landskeyp ng
Singapore, lalo na sa Lucky Plaza Mall.” DALUMAT E-Journal, vol. 3,
no. 2, pp. 126-140.

Neal, J. (2007). “Analysis and performance across the canon: When


recollection is all we’ve got: Analytical exploration of ‘catchy’ songs.”
College Music Symposium, vol. 47, pp. 12-22.

Nuncio, R. & E. Nuncio. (2004). Sangandiwa: Araling Filipino bilang


talastasang pangkalinangan at lapit pananaliksik. Manila: University of
Santo Tomas Publishing House.

Oberman, K. (2013). “Can brain drain justify immigration restrictions?”


Ethics, vol. 123, no. 3, pp. 427-455.

Onuki, H. (2007). “Migration workers as political subjects: Globalization-


as-practices, everyday spaces, and global labour migrations.” Refuge:
Canada’s Journal on Refugees, vol. 24, no. 2, pp. 125-134.

69
BISIG 2021 BOL. 3

Palis, J. (2019). Alternative approaches. Interseksiyon: Panitikan, Pelikula,


at Wikang Filipino, Lektura. Mayo 28.

Pe-Pua, R. (2015). “Asawa, Ina, at Katulong: Ang tatluhang papel ng mga


domestikong manggagawang Pilipina sa España at Italya.” Pantayong
Pananaw: Pagyabong ng talastasan; Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar;
Tomo I: Araling pangkapaligiran, pilipinolohiya, sikolohiyang pilipino,
pilosopiyang pilipino, at araling kabanwahan, edited by A. Navarro, M.J.
Rodriguez-Tatel, & V. Villan, Quezon City: Bagong Kasaysayan, Inc.,
pp. 351-379.

Philippine Overseas Employment Administration (POEA). (2017). 2016


Survey on overseas Filipinos: A report on the overseas Filipino workers.
Manila, Philippines: National Statistics Office.

Philippine Overseas Employment Administration (POEA). (1997). Survey on


overseas Filipinos, 1993-1995, Volume 1. Manila, Philippines: National
Statistics Office.

Pingol, A. (2000). “Ilocano masculinities.” Asian Studies, vol. 36, no. 1, pp.
123- 134.

Ramos, R. (2014). Turning a corner? How Spain can help immigrants find
middle-skilled work: A series on the labor market integration of new
arrivals in Europe; Assessing policy effectiveness. Migration Policy
Institute.

Regis, E.M. (2013). Mediating global Filipinos: The Filipino channel and the
Filipino diaspora. Disertasyon, University of California, Berkeley.

Reyes, J.T. (2011). “Ginhawa mula sa patay: Isang pag-aaral sa kahalagahan


ng katawan sa bogwa (sekundaryang paglilibing) at pangangayaw sa
mga Ifugao at Kankanay”. Gaan at gaan sa buhay: Sikolohiya ng
sarap, ligaya, at ginhawa, ISIP –Mga kaisipan sa sikolohiya, kultura,
at lipunang Pilipino Tomo 1, edited by J.A. Cantiller & J Yacat, Quezon
City: National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc., pp. 237-279.

Salazar, Z. (1976). “Ang kamalayan at ang kaluluwa: Isang paglilinaw ng


ilang konsepto sa kinagisnang sikolohiya.” The ethnic dimension:
Papers on Philippine culture, history, and psychology, edited by Z.
Salazar, Cologne: Counseling Center for Filipinos, pp. 89-106.

Salazar, Z. (2004). Kasaysayan ng kapilipinuhan: Bagong balangkas.


Quezon City: Bagong Kasaysayan Inc.

70
2021 BOL. 3 BISIG

Salazar-Parreñas, R. (2001). Servants of globalization: Women, migration


and domestic work. California: Stanford University Press.

San Juan, E. 1992. Racial formations/critical transformations: Articulations


of power in ethnic and racial studies in the United States. New Jersey
and London: Humanities Press.

San Juan, E. 2011. “Contemporary global capitalism and the challenge of


the Filipino diaspora.” Global Society, vol. 25, no. 1, pp. 7-27.

San Juan, E. (2017). “Speculations on the Filipino diaspora, recognizing


ourselves in OFWs; or progress over our dead bodies.” UNITAS, vol.
90, no. 2, pp. 3-23.

Sharma, B. (1968). “The blue-collar worker: A sociological analysis.”


Economic and Political Weekly, vol. 3, no. 48, pp. 77-79.

Tadiar, N.X. (1997). “Domestic bodies of the Philippines.” Sojourn: Journal


of Social Issues in Southeast Asia, vol. 12, no. 2, pp. 153-191.

Taguiwalo, J. (2011). Babae, obrera, unyonista: Ang kababaihan sa kilusang


paggawa sa Maynila (1901-1941). Diliman, Quezon City: The University
of the Philippines Press.

Tan, M. (2016). “Euro Pinoys.” Inquirer Net, https://opinion.inquirer.


net/96751/euro-pinoys. Accessed 17 August 2019.

Tigno, J. (1986). “New isues and old struggles: The evolving rights of Filipino
overseas migrants.” Philippine Social Sciences Review, pp. 139-167.

Toft, R. (2010). “Hits and misses: Crafting a pop single for the top-40 market
in the 1960s.” Popular Music, vol. 29, no. 2, pp. 267-281.

Tsujimoto, T. (2016). “Affective friendship that constructs globally spanning


transnationalism: The onward migration of Filipino workers from South
Korea to Canada.” Mobilities, vol. 11, no. 2, pp. 323-341.
Tugano, A.C. (2021). “Mga gunita sa aking paglalakbay (2014-2018):
Naratibo ng overseas Filipino workers sa timog silangang Asya at
Europa.” DALUMAT E-Journal, vol. 7, no. 2, p. 1-25.

VERITE. (2021). Assessing labor risk for workers migrating from the
Philippines to Europe. VERITE Southeast Asia.

71
BISIG 2021 BOL. 3

Villasanta, J. (1997). Tio Ticong: Pelikula at pulitika (Vicente Salumbides).


Manila: UST Publishing House.

Weaver, C. (1975). “Job preferences of white collar and blue collar workers.”
The Academy of Management Journal, vol. 18, no. 1, pp.167-175.

Wildhaber, L. (1970). “Switzerland, neutrality and the United Nations.”


Malaya Law Review, vol. 12, no. 1, pp. 140-159.

72

View publication stats

You might also like