Professional Documents
Culture Documents
Gawain 2
Gawain 2
Gawain 2
3. Si Marcelo H. del Pilar ay naging tanyag sa bansag na Plaridel. Pangunahing lider ng Kilusang
Propaganda. Itinatag niya at pinamatnugutan ang Diariong Tagalog (1882) na isang pahayagang
pampulitika na pinaglathalaan niya at ng mga kasamang manunulat ng mga daing ng mga naaapi at ng
mga hiling na reporma sa pamahalaang Kastila.
5. Kinikilala si Graciano Lopez Jaena bilang isang lider ng kilusang repormista, manunulat, peryodista, at
orador. Maraming historyador ang kumikilala sa kaniya bilang isa sa “tungkong kalan” o triumvirate ng
Kilusang Propaganda, kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar.
7.) Isang pangunahin at napakasipag na peryodista, makata, at tagasalin si Pascual H. Poblete at aktibo
mulang panahon ng Kilusang Propaganda hanggang panahon ng Americano. Nagsulat siya sa Español at
sa Tagalog at naging tagasalin sa dalawang wika. Siya ay kasama ni Marcelo H. del Pilar sa panunulat sa
Diariong Tagalog noong 1882.
9. Si Mariano Ponce, anak sa Baliwag, Bulakan, ay tanyag na kaanib ng mga Propagandista sa Espanya at
mahigpit na katu katulong nina Rizal, del Pilar, at Lopez-Jaena.